KABANATA 3 - KAPATID

1630 Words
THIRD PERSON P O V " Masaya yata ang aming Prinsesa!? " pabirong bati ni Nanay pero naka - ngiti paglabas ko ng aking silid. Nasa sala sila ni Arman at tinitingnan ni Nanay ang pagsasagot nito ng module na galing sa School. Kapag tapos nang sagutan ni Arman ang mga iyon ay dadalin na ni Nanay sa School tapos kukuha na naman s'ya ng panibagong Module na sasagutan. Kaya hindi naman nahuhuli ang kapatid ko sa kan'yang lesson. " Magandang tanghali sa inyo! " magiliw kong bati na parang walang nangyaring hindi maganda kaninang madaling araw. " Magandang tanghali rin Ate! " masaya ring ganting bati ni Arman, lumapit ako sa kanila at ginulo ko lamang ang kan'yang buhok. " Ayos ba 'yang mga sagot mo? " pabiro ko pang tanong " Opo naman, Ate! Ako pa ba!? " pagyayabang pa nito kaya natawa naman kami ni Nanay. " Tara na nga kumain na tayo at baka tangayin pa tayo ng malakas na hangin dito sa yabang ng isang tao d'yan! " wika ko pa, sabay pasok sa kusina namin para makapag - hilamos ng mukha. Pero matalino naman talaga itong kapatid ko, hindi naman kasi s'ya nawawala sa Top ten ng kanilang klase. Binibiro ko lang naman s'ya, kaya iyon pa nga ang isa sa mga iniisip kong problema. Ilang taon na lang kasi mula ngayon ay mag - aaral na s'ya sa college, kaya dapat ay doble kayod ang gawin ko. Hindi ko naman magawa dahil pag - uwi ko pa lamang ay bagsak na ako sa higaan, tanghali naman na ang gising ko kinabukasan tulad ngayon. Narinig ko pa ngang tumawa silang dalawa sa aking sinabi, pagkalabas ko naman sa banyo ay naka - upo na sila sa aming pang - apatang lamesang palstic. Kaya tumabi na rin ako sa kanila nang upo. Para makapag - umpisang kumain. " Ate! Huhulaan ko po kung bakit ka masaya ngayon!? " basag ni Arman sa mahaba naming katahimikan. Malapit na nga naming maubos ang inihanda ni Nanay na Sinigang sa bayabas na bangus. " Ano!? " natatawa ko na agad na turan kahit wala pa s'yang sinasabi. " May Boyfriend ka na! " mabilis naman nitong tugon kaya mas lumakas naman ang tawa ko. Nangingiti lang naman si Nanay sa aming dalawang magkapatid. " Wala pa! At hindi pa sila ang priority ko ngayon. " maikling tugon ko naman na may tipid na ngiti. " Bakit naman Ate!? " tanong n'yang parang nalungkot pa dahil sa nalaman. " Sayang! Gusto ko na sanang magkaruon na matatawag na Kuya! " tuluyan naman na s'yang napa - simangot, kaya natawa na naman kami ni Nanay " Nand'yan naman si Kuya Migs ah! Kuya naman ang tawag natin sa kan'ya, bakit naghahanap ka pa!? " tugon ko naman sa kan'yang sinabi kahit alam ko naman ang ibig n'yang sabihin. Kapitbahay namin na mineral water boy delivery kaya medyo ka - close namin kapag nag - uutos kaming dalan kami, binubuhat na kasi n'ya hanggang sa kusina namin, para hindi na mahirapan si Nanay. " Hmmp! Hindi po ganuon! " pairap pa n'yang tugon, kaya mahina na naman kaming natawa ni Nanay dahil sumimangot pa s'ya. " Ang gusto ko po iyong boyfriend mo talaga tapos tatawaging ko s'yang bayaw! " bungisngis na n'yang turan na may kasama pang taas baba ng mga kilay. " Puro ka talaga kalokohang bata ka! " saway ni Nanay sa kan'ya kaya napakamot tuloy s'ya sa kan'yang buhok sa pagka - pahiya. " Kung sa ayaw pang mag - boyfriend n'yang Ate mo, bakit mo pipilitin!? " pinagalitan na s'ya ni Nanay kasabay nang pandidilat ng mga mata nito. " Request lang naman eh! " naka - nguso pang tugon nito sabay kamot ulit ng ulo kahit hindi naman nangangati. " Ano 'yan, kanta na pwedeng mag - request? Ginawa mo pang Videoke ang Ate mo! " sermon pa ni Nanay kaya tawa lang naman ako nang tawa sa kanila. Niligpit naman na ni Nanay ang Lamesa, ayaw naman n'ya akong patulungin pa. At magpahinga na lamang daw ako, kaya ako na ang umalalay kay Arman patungong sala. Naitatapak naman n'ya ang kaliwang binti kaya iyon ang itinatapak n'ya para makalakad. Ayaw naman n'yang umupo sa wheelchair, feeling n'ya raw ay para daw s'yang wala ng silbi kapag duon s'ya naka - upo. " Pero Ate, bakit ka nga ba masaya? " bulong pa nitong tanong ulit sa akin, talagang hininaan na n'ya ang kan'yang boses para hindi marinig ni Nanay na naghuhugas na ng pinggan sa lababo. " Wala naman! Maganda lang ang gising ko at walang maingay na kapitbahay. " pabulong din na tugon ko, nakita ko naman s'yang sumimangot. Kaya bahagya na naman akong natawa, na kami lamang ang nakaka - rinig. " Akala ko pa naman may nagpapa - t***k na n'yang puso mo! " panghihinayang pa n'yang sambit. " May nalalaman ka pa ngayong t***k ng puso, ha!? " pang - aasar ko naman sa kan'ya, " Baka naman ikaw itong may girlfriend na!? " balik tanong ko naman sa kan'ya. " Wala pa po, Ate! " mabilis naman nitong tugon, " Tsaka, dapat po mauuna ka kaysa sa akin, para makilatis kong mabuti kung sino iyang lalake na manliligaw sa'yo! " tugon pa n'ya na parang matanda kung magsalita. " Ikaw talaga! Paano kung ayaw mo ruon sa manliligaw ko? Ano ang gagawin mo? " testing ko naman sa kan'ya " 'De sasabihin ko pong may boyfriend na kayo na nasa ibang bansa lang! " tumaas baba pa ang kan'yang kilay at nagpa - pogi post pa. Kaya ginulo ko na lamang ang kan'yang buhok, " Matagal pa 'yong mangyayari! Pagkatapos mo pa sigurong mag - aral sa college. " Natatawa ko namang tugon " Haluh!? Ang tagal naman po!? " reklamo n'yang nagkakamot pa ng ulo sabay haba ng nguso. Para namang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi n'ya, kahit kasi ako ang matanda ay ready pa rin n'ya akong ipag - tanggol. Kaya alam n'yang magiging mabuti itong padre de pamilya. Kaya ayos lang naman ang desisyon kong h'wag munang makipag - relasyon, baka kasi hindi n'ya maintindihan ang pagiging bread winner ko sa akinh pamilya. Ayoko namang dumating sa point na mamimili ako sa kanila. Kaya natawa na lamang ako, at ginulo ko na lamang ulit ang kan'yang buhok. " Malapit na kasing matupad ang isa sa mga pinag - darasal ko o natin! " maluha - luha kong sambit sa kan'ya, nagbubulungan pa rin kami. " H'wag kang maingay kay Nanay, gusto ko s'yang i - surprise! " itinapat ko pa sa aking bibig ang isang daliri ko para nga h'wag n'yang mababangit sa aming Ina. " Sige! Sige! Ate! " matamis ang ngiting tugon n'ya, halata na rin ang excitement sa kan'yang mukha. Tsaka pa kami nag - high five na dalawa. " Arman! Tapusin mo na 'yang module mo at para makapag - gayak na ang Ate mo sa pagpasok sa Hotel. " sigaw na utos ni Nanay mula sa kusina kaya napa - bungisngis na lamang kami. " Opo, 'nay! " tugon naman n'ya kaya hinawakan na ulit n'ya ang ballpen tsaka nag - umpisa nang mag - sulat. Pinanuod ko na lamang ang s'ya sa kan'yang ginagawa, maaga pa naman kaya maya - maya pa ako maliligo. Kapag ganitong oras lamang talaga ako nakikipag - kwentuhan sa kanila. O kaya every day off ko ng araw ng Lunes, no'ng hindi pa s'ya na aksidente ay nanunuod kami ng movie sa sinehan o kaya ay namamasyal sa mga amusement park. Dahil nga hindi s'ya makalakad ng diretso ay dito na lamang kami sa bahay. Ayaw naman naming maiwanan s'ya rito, tapos magsasaya kami sa labas ni Nanay. Kaya kapag day off ko nga ay nagluluto na lamang ng masarap si Nanay tsaka kami sabay - sabay kakainin. Need din kasing mag - ipon para nga sa kan'yang operation sa paa. Kaya kahit simple ay masaya naman kami basta sama - sama sa hirap at ginhawa. " Maliligo na pala ako! " bulalas kong sambit pagkakita ng oras sa aking cellphone. " Sige po Ate! " wika ni Armana nang tumayo ako sa kan'yang tabi Pumasok na ako sa kwarto ko para kumuha ng pamalit na damit. Tsaka pumasok sa loob ng banyo, paglabas ko at suot ko na nga aking uniform sa hotel. Hindi naman ako mahilig sa kolorete sa mukha kaya liptint lang ay ayos na sa akin. Pagka - tuyo nga ng aking buhok ay lumabas na ako. " Ingat Ate! " bilin ni Arman bago ako lumabas ng aming munting bahay " Salamat! Mag - aral ng mabuti! " naka - ngiting tugon ko, sabay bilin na rin. " Of course! Big Sister! " pabirong tugon pa n'ya kaya natawa naman kami ni Nanay. " Tara na anak, ng hindi ka maabutan ng traffic. " aya na ni Nanay, hinahatid n'ya kasi ako hanggang sa kanto, kapag nakasakay na ako sa Jeep ay tsaka naman s'ya babalik dito sa bahay. Naglakad na nga kami palabas, nagbilin pa nga ako sa kan'yang h'wag nang sitahin si mang Gaston. Malaki naman kasi ang tiwala kong papayag si Ms. Wong sa kagustuhan kong mag - housing loan kami, kapalit nang pagsama ko sa kan'ya sa Tempted Cruise Ship. Ngayon ko nga lang magagamit ang charm ko, na sinasabi ng aming mga kapitbahay na dapat daw ay naging entertainer ako sa Japan para raw guminhawa kami sa buhay. Sayang nga raw kasi ang ganda ko kung hindi ko gagamitin sa pagkaka - perahan. Ayaw namang pumayag ni Nanay, katwiran n'ya ay kahit daw magdildil kamie ng asin ay ayos lang. Basta sa malinis na paraan ang aking trabaho at hindi nanlalamang ng kapwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD