THIRD PERSON P O V
" Bakit unattended!? " bulong ni Amy sa sarili, puro kasi cellphone operator lamang ang sumasagot kapag nagta - try s'yang tawagan ang cellphone number na binigay ni Ms. Wong sa kan'ya na calling card.
Break time nila kaya nag - try s'yang tawagan at nandito pa nga s'ya sa loob ng banyo ng kanilang locker. Hindi naman kasi basta - basta pwedeng makipag - kita sa anak ng owner nitong hotel. Unless ipatawag ka o kaya ay magpa - set ka ng appointment. Sasabihan mo pa kung bakit ka makikipag - usap, kaya nga sobra - sobra ang kaba n'ya noong pinatawag s'ya ng kanilang Manager. Tapos s'ya pala ang kakausap sa kan'ya.
" Grrrrr! " inis n'yang sambit, napa - tingala pa s'ya sa kisame, na tila ruon kumukuha ng kasagutan sa hindi pag - ring ng cellphone ng kan'yang amo.
Hanggang sa mapa - tingin s'ya sa oras sa kan'yang C P. Nanlaki tuloy ang kan'yang mga mata dahil tapos na pala ang kanilang break time. Mabuti na lamang at kumain na s'ya kanina bago pumasok ng banyo. Ibig sabihin lamang noon ay kanina pa s'ya ruon. Kaya sa kabiguan ay nagpadala na lamang s'ya ng messages na kung pwede silang mag - usap, baka kasi sa message ay makarating kay Ms. Wong at masabi n'ya rin ang kan'yang gustong ipabatid.
Tsaka s'ya nagmamadaling lumabas at tinungo ang kanilang locker room para iwanan ang kani - kanilang mga gadgets. Bawal kasi ang mga iyon habang nasa duty sila.
" Sira ba ang t'yan mo kaya ka matagal sa banyo? " takang tanong ni Leeza sa kan'ya habang pabalik na sila sa kani - kanilang floors assignment.
" Ah! O - Oo eh! " sang ayon na lamang n'ya, kunwari pang hinimas n'ya ang kan'yang t'yan tskaat sumimangot.
" Bakit hindi ka manghingi ng gamot sa clinic? Baka hindi mo na kayang mag - trabaho, pwede ka namang magpa - alam na mag - under time. " advice pa n'ya.
" Hihingi ako mamaya tapusin ko lang iyong nililinisan kong room. Malapit na kasi silang bumalik eh. " tugon ko, ang customer ang tinutukoy ko na s'yang naka - check in duon.
" Okay! Sige! Mauna na ko! Maya na lang out natin, sabay tayong umuwi. " sambit na lang nito dahil bumukas na ang pinto ng elevator sa floor kung saan s'ya naka - assign.
" Sige! sige! " paalam rin ni Amy sa kaibigan, isang Barangay lang naman kasi ang pagitan ng aming mga bahay. Pero mauuna s'yang bumaba kaysa sa akin.
Ilang sandali nga ay busy na s'ya sa paglilinis ng mga hotel room, pag - change ng mga bedsheet at curtains. Ang masarap lamang sa kanilang trabaho ay minsan ay may customer na malaking magbigay ng tip, meron namang kuripot at ang malala ay mayruon talagang walang ibinibigay. Pero ayos lamang naman iyon dahil kahit wala nga namang ibigay ay may sweldo pa rin naman sila. Ang consideration na lang nila ay ang magandang feedback na ibinibigay nila sa Receptionist bago mag - check out. Ibig sabihin lang kasi ay good performance rate iyon sa bawat staff ng Hotel.
Isang oras na lamang para mag - out si Amy nang ipatawag ulit s'ya ng kanilang Manager. Kaya magkahalo ang kan'yang kaba at excitement, patungo ng opisina ng kanilang Manager nga. Kahit ina - asahan naman n'ya ay kinabahan pa rin s'ya sa kaalamang gusto ulit s'yang kausapin ni Ms. Wong.
Dahil nga sa lakas ng kabog ng kan'yang dibdib ay nakalimutan na yata n'ya ang kan'yang ni - practice na sasabihin dito para nga sa kan'yang kundisyon.
" Good Evening po, Ma'am Joy! " magalang kong bati sa aming Manager pagpasok n'ya pa lang sa opisina nito.
" Magandang gabi rin naman, Amy, well, si Ms. Wong ulit ang nagpapa - tawag sa'yo, kaya ruon na tayo didiretso sa private office n'ya. " ganting bati n'ya sabay explain na din.
Tumango lang naman amang dalaga at tumayo na nga sa kan'yang swivel chair ang Manager para lumabas ng kan'yang opisina.
" Madalas ka yatang ipatawag ni Ms. Wong? Ano naman ang napapag - usapan n'yo? " malumanay naman nitong tanong, naglalakad na sila patungong elevator para umakyat sa twentieth floor kung nasaan ang private office ng Owner at ang mga nasa highest position ng Hotel Management.
" Ahm! M - May gusto lang ipagawa sa loob ng opisina n'ya. " tugon naman n'ya, atubili pa nga s'yang sabihin dito ang totoo, mabuti na lang at naka - isip agad s'ya ng alibi.
Nakahinga naman s'ya ng maluwag ng hindi na ulit nagtanong ang kasabay n'ya hanggang makarating sila sa tapat ng pinto ng office ni Ms. Wong.
" Maiwan na kita, kumatok ka na lang, nand'yan naman s'ya sa loob. " bilin naman nito bago tumalikod, kaya hindi na nito nakita ang pagtango n'ya.
Naka - ilang buga muna s'ya ng hangin bago kumatok sa pinto na Narra. Bago n'ya narinig na pwede na s'yang pumasok. Kahit malakas ang kabog ng kan'yang dibdib at nanginginig ang kan'yang mga tuhod at kamay ay nakuha pa rin n'yang pumasok sa maluwang at eleganteng opisina nga ni Ms. Wong.
" Good evening, Madam! " kiming bati naman n'ya. Sabay yuko ng ulo.
" Maganda ka pa sa gabi. " pabirong tugon naman n'ya. Kaya natawa na lang s'ya sa sinabi nito. Although, hindi s'ya nagpapahid ng kahit anong kolorete sa katawan. Ay maganda pa nga rin s'ya.
" Maupo ka muna at mukhang magugustuhan ko ang iyong sasabihin. " matamis ang ngiting tugon ni Ms. Wong kaya mas lalo naman s'yang kinabahan. Umupo na nga s'ya sa silyang nasa harapan nito.
" Ahm! P - Payag na po akong sumama sa inyo sa tempted cruise ship ngunit. . . . . may kundisyon po sana ako. " kagat ang labing tugon n'ya.
" Sure! No! Problem! " Mabilis naman nitong tugon na akala mo simple lamang ang hinihingi n'ya? " Ano nga ba ang condition mo!? " tanong na n'ya, nahiya naman s'yang banggitin ang kundisyon n'ya sa babaeng Amo.
kaya ilang segundo rin silang naging tahimik. " Ano!? Hindi mo ba sasabihin!? O wala naman talagang condition? " pabiro pa nitong turan kaya natawa na rin s'ya ng bahagya. Medyo lumuwag naman ang pakiramdam n'ya sa ginawa nito kaya lakas loob na n'yang inamin dito ang kundisyon n'ya. Mula sa kung paano n'ya gustong - gusto maialis duon ang pamilya, hanggang sa kalagayan ng bunso nila sa kan'yang paa. Pero ang hiniling n'ya lang naman ay payagan nito s'yang makapag - housing loan para nga sa kan'yang Ina at Kapatid.
Emotional na nga s'ya pagkatapos n'yang aminin dito ang kan'yang kundisyon. Nakayuko tuloy ang kan'yang ulo dahil sa kahihiyan. Nagpapahid ng tissue sa kan'yang mukha.
" Sure! Iyon lang ba!? What about your brother's Leg? Pa opera na rin natin! " turan ni Ms. Wong kaya napa - nganga naman ako.
Manghang - mangha talaga ako, dahil sa sinabi n'ya, kaya hindi ko ulit maiwasang maging emotional dahil duon. Isa lang naman kasi ang hinihiling ko, ginawa pa n'yang dalawa.
" Ahm! Marami pong salamat sa offer n'yo, Ms. Wong, pero baka po kasi mahirapan ako sa monthly payment ng housing loan, kaya kuntento na po ako at masaya sa bahay at lupa na iyong ibibigay. Marami pa naman pong next time. " mahaba n'yang paliwanag na may kasamang sermon.
Bahagya namang natawa si Ms. Wong, " Bahala ka! Basta kapag kailangan mo ng tulong ay h'wag kang mag - alinlangan pang magsabi sa akin. " malambing naman nitong tanong.
" Opo, Ms Wong! " bulalas n'ya namang tugon. At excited na para sa dala n'yang good news para sa Ina at kapatid.
Ilang sandali pa nga ay ini - explain na sa kan'ya ang kanilang mga gagawin sa cruise ship. At ito na raw ang bahala sa kan'yang passport at ilang papeles na kailangan, Kaya medyo na - excite pa nga s'ya sa nalaman ko. Bagong experience dahil ngayon pa lamang kasi s'ya sasakay sa barko.