KABANATA 5 - KATUPARAN NG PANGARAP

1570 Words
AMY'S P O V " Wow! Ang ganda! Kaya lang Ms. Wong, baka po uugod - ugod na ako, eh, hindi ko pa po ito mababayaran!? " bulalas ko namang sambit sa aking amo sabay ngiwi na rin. " Bakit, may balak ka bang umalis sa Hotel namin?! " pabirong tanong nito kaya mahina naman akong natawa. Tumitingin na kasi kami ng bahay, samantalang kagabi ko lang sinabi sa kan'ya ang gusto Kong maging kapalit ng pagsama ko sa kan'ya sa Tempted Cruise Ship. Ang sabi nga n'ya ay ngayon na kami maghahanap ng bahay na magugustuhan ko. Pagkatapos ay kukuha naman daw kami ng aking Passport. Ang nais ko lang naman ay simple, may tatlong kwarto para hindi na sa sala natutulog si Nanay. Tahimik din s'yempre. Subalit, pati ang living area at kusina ay malaki rin, mayruon pa ngang dirty kitchen at laundry area. Kaya alam kong mahal ito at million ang worth ng mga bahay rito. Hindi naman ako sa office nagta - trabaho para kayaning hulugan ang ganito kagandang bahay. " Naku! Ms. Wong! Pwede po bang maghanap na lang po tayo ng medyo mura? Hindi po talaga ito kakayanin ng sweldo ko. " pagsusumamo kong saad sa kan'ya. " Okay! Ikaw na ang mag - suggest ng lugar kung saan tayo pupunta para hindi masayang ang ating oras. " natatawang sambit naman nito kaya mas lalo tuloy akong nahiya, s'ya ang Amo ko at nagpapa - sweldo sa akin tapos parang ginawa ko pang parang alalay ko. " Sige po, Ms. Wong, ahm, Madam, pwede pong . . . . k - kami n lang ni Manong ang maghanap, sasabihin ko na lang po sa inyo, para po hindi na kayo mahirapan. " atubili ko pang pahayag sa kan'ya, sobra - sobra na kasi ang pang - i-istorbong ginagawa ko sa kan'ya. " No! It's okay! Sasamahan na kita, ako nga ang humihingi ng favor sa'yo eh. " kontra naman nito sa aking suggestion. " Basta sabihin mo na lang kung saan mo gustong bumili at duon tayo pupunta. " masuyo pa nitong sambit. " S - sige po, Ms. Wong. " kiming tugon ko naman at lumabas n kami ng bahay na aming tinitingnan. Ako na mismo ang nagsabi sa Driver ng aking Amo kung saan pupunta. " Are you sure, duon mo gustong bumili? Pwede namang malapit sa hotel para hindi ka na mahihirapang mag - commute? Lalo na at madaling araw ang uwi mo. " kunot noong turan n'ya nang marinig ang sinabi kong address kay Manong Driver. Parang hindi n'ya gusto ang narinig. " Ahm, Ms. Wong, kasi po malapit po kasi ruon ang School ng kapatid ko. Naka - home schooling nga po s'ya kaya kumukuha lang? po si Nanay ng kan'yang Module. Kapag po tapos na n'yang sagutan ay ibabalik na po ni Nanay sa School tapos kukuha po ulit ng bago. " mahabang explanation ko sa aking katabi, hindi ko naman alam kung naintindihan n'ya ang sinabi ko, about nga sa module. " Hmmm! Okay! " maikling tugon naman n'ya na may kasama pang tango. " Talagang gagawin mo ang lahat para sa kanila, 'no!? " naka - ngiti naman n'yang tanong. " S'yempre po, Ms. Wong! Sila lang naman po ang pamilya ko. Tsaka ako nga po kasi ang panganay kaya ako lang po ang pwede nilang asahan. " kiming tugon ko naman, feeling proud pa nga ako dahil sa aking binanggit. Bihira naman kasi ang gumagawa ng sacrifices para sa kanilang pamilya. " Hanga nga ako sa mga tulad n'yong bread winner, pero sana naman hindi n'yo makalimutan na magkaruon ng sarili n'yong pamilya. " pabirong pahayag pa n'ya sa dulo, kaya bahagya na lang din akong natawa. " Opo naman! Pangarap ko rin naman pong maging isang Wife at Mother, but as of now, priority ko po muna ang aking pamilya ngayon. " naka - ngiti ko namang tugon, tumango lang din ito. Nagtanong pa s'ya about sa aking family, magalang ko namang sinasagot. Hanggang sa huminto na ang sinasakyan naming Van sa gate ng subdivision na sinabi ko nga sa Driver ni Ms. Wong. Kaya nahinto muna ang aming kwentuhan dahil pina - kinggan namin ang sinasabi no'ng guard sa Driver namin. Ilang sandali lang ay may kausap na kaming Real Estate Agent. Sinabi ko agad ang hinahanap namin para hindi na kami magtagal, nakakahiya na kasi kay Ms. Wong. Kung bakit naman kasi s'ya pa ang sumama sa akin? Pwede naman kasing magpasama na lang ako sa kan'yang Secretary. Kaya nga no'ng sinabi n'ya kagabi na ngayon nga kami titingin ng bahay bago ako lumabas ng kan'yang private office ay tumango na lang ako, kahit apat na oras pa lang ang aking tulog. Mag - choosy pa ba ako eh, kami na nga ang ibibili ng bahay at lupa. Ano na lang ba iyong magpuyat ako, kung sa susunod ko namang pag - tulog ay malambot, masarap at tahimik na ang aking tutulugan? " Are you sure, ito na ang gusto mo? " tanong ni Ms. Wong sa akin nang makakita nga kami ng taste na gustong - gusto ko, tatlong kwarto na, dalawa sa itaas na may balcony, may bathroom sa pagitan ng mga silid. Sa ibaba ay isa na para kay Nanay, maliit na living area at kusina. Mayruon ding space sa likod na pwedeng gawing dirty kitchen at laundry area. " Opo! Ms. Wong! " matamis ang ngiting tugon ko, hindi na nga lang ako nagpa - halatang excited at tuwang - tuwa. Naalala ko tuloy ang aking kapatid na siguradong matutuwa sila ni Nanay. " Okay! Kung iyan ang nais mo, sige! " malaki naman ang ngiting tugon n'ya kaya tumango naman akong pigil - pigil ang aking kilig. Inilibot ko pa ang aking paningin sa buong bahay na nagni - ningning ang mga mata ko. Habang kausap ni Ms. Wong iyong Agent ng House and lot. Fully furnished na kasi iyong kinuha namin, sa kagustuhan na rin ni Ms. Wong, bahala na sa pagbabayad, bulong ko sarili ko, kung kina - kailangang mag - double shift ako sa trabaho ay gagawin ko, mabayaran lang itong housing loan ko. Ang importante naman kasi ay makalipat na kami agad para pare - pareho na kaming matahimik. Lalo nga at aalis ako. " Eto na ang susi ng inyong Brand New house and lot! " malaki ang ngiting sambit ng Agent at naka - taas ang kamay nitong may susi ngang bungkos ng mga susi at ina - abot sa akin. " Oh my God! Totoo na ba ito, Ms Wong!? Sa amin na po itong Bahay!? " emotional kong tanong sa aking Amo. pero hindi ko pa kinukuha iyong susi na nasa sa aking harapan. " Yes! It's all yours! Ang lahat nang nakikita at nahahawakan mo ay sa'yo! " masaya ring sambit ni Ms. Wong, para pa nga s'yang excited para sa akin. " Marami pong salamat! Ms. Wong! Alam ko naman pong babayaran ko 'to, pero kung hindi naman po dahil sa inyo ay hindi po ako magkakaruon ng ganito kaagad kagandang bahay. " maluha - luha kong wika sa kan'ya. " You deserve this! Kasi mabait kang anak at kapatid! " turan ni Ms. Wong, halata naman sa walang wrinkles n'yang mukha ang kasiyahan. " Opo! Para naman po kasi talaga sa kanilang lahat ang pagsisikap ko. " tuluyan na nga akong napa - iyak. Kaya natatawa lang ang dalawang kausap ko pero nagpapahid na rin sila ng tissue sa gilid ng kanilang mga mata. " Ano ba 'yan!? Dapat masaya tayo eh! Bakit tayo nag - iiyakan!? " natatawa namang saad ng aming Agent, kaya natawa na kami pero tinutuyo pa rin namin ng tissue ang mga luha. Maya - maya pa nga ay nagbilin na ang Agent na kasama namin sa mga rules and regulations ng Subdivision. Of course, tina - tandaan ko namang mabuti para naman hindi nakakahiya sa aming kapitbahay. At s'yempre, as a first time Homeowners ay marapat lamang na sumunod lamang kami. Mabuti na lang din at malapit sa gate itong aming napiling bahay, bawal palang pumasok ang tricycle. Kaya need naming maglakad palabas kung sasakay ng Jeep o Tricycle. At duon lang din kami pwedeng bumaba, mainam na lang din at highway na, maraming mga dumadaang sasakyan. " Kailan mo sasabihin sa family mo!? " excited pang tanong ni Ms Wong, naka - sakay na ulit kami sa kan'yang Van at balak n'yang ihatid na ako sa amin. Ilang oras na lang kasi ay duty ko na sa Hotel. " Nais ko nga po sana ngayon na, kaya lang po, baka po ma - late ako sa work ko. " kiming tugon ko naman, ngayon pa ba ako mahihiya eh, labis - labis na nga ang naitulong n'ya sa amin o sa akin. " Oh! May time pa kayo para lumipat! Kaunti lang naman yata ang mga gamit n'yo!? Mag - hire na lang tayo nang tutulong sa paghahakot ng ibang gamit n'yo para ruon na rin matulog ang Nanay at bunso mong kapatid, hindi ka na mag - aalala sa kanilang safety. " mahaba n'yang paliwanag, ayoko naman s'yang kontrahin. Sa kabila ng lahat - lahat ng kan'yang ginawa sa pamilya ko ngayon pa ba ako hindi papayag? Kung pwede nga lang ng gusto n'yang pagawa sa akin ay gagawin ko, kahit siguro iutos n'yang tumalon ako sa bangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD