Chapter 20 Pagkarating ni Logan sa kompanya ni Gavin, dumiretso agad siya sa opisina nito. "Nasaan ang gusto mong ipakita sa akin, bro?" Bungad niya rito pagkapasok pa lamang. Ni hindi na siya kumatok. "Tsss! Ni kumatok wala man lang? Here," abot nito ng isang folder. Kinuha niya agad ito saka umupo at sinimulan buklatin. Kahit kailan napakagaling talaga ng kaibigan niyang kumuha ng impormasyon. Kahit na ang pinaka-ugat ng pagkatao ng kanyang pinaiimbistagahan ay nahahalungkat nito. "What is this?" Tukoy niya sa mga larawan na nakuha nito. "Well, as what you can see. Katarina Rodriguez and Hadrian Zheng was a lovers before." Sumandig ito sa kanyang upuan. "Turn the next page, bro." Sinunod niya ang sinabi nito. Nakita niya ang iba't-ibang kuha ng mga ito na magkasama sa iisang ba

