“f**k! Bakit mo ako sinuntok?!” Halos hindi maipinta ang mukha ni Thaddeus. Sa hitsura niya ay mukhang nasaktan talaga siya sa ginawa ko. “Kapag nabaog ako at hindi na kumalat ang lahi ko, magbabayad ka!” He cursed.
Inirapan ko lang siya. “Nararapat lang iyan sa iyo! Mas maige nga na hindi na kumalat ang lahi mo dahil dadami pa ang mayabang at antipatiko dito sa mundo!” galit na turan ko.
“Nagagalit ka ba dahil sa sinabi kong hindi kita mahal? Well, mas dinadagdagan mo lang ang reason kung bakit.” Unti-unti nang bumabalik sa normal ang mukha niya hanggang sa mawala na ang sakit doon. “Hinding-hindi kita magugustuhan. Tandaan mo iyan!” Dinuro-duro pa niya ako.
Napamaang ako. “Hindi mo yata ako kilala! Ako si Lukresha Morai-- ang nag-iisang anak nina Don Lucasio at Donya Criselda! At `yang sinasabi mo na hindi mo ako magugustuhan? Kakainin mong lahat ng iyan! Makikita mo! Ikaw mismo ang maghahabol sa akin at magmamakaawang ibigin ko!” Wala akong ideya kung bakit ko ba nasabi iyon. Oo na, natamaan niya ang ego ko.
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Thaddeus. “Nababaliw ka na talaga!” aniya sabay halukipkip. “Sige, bibigyan kita ng challenge, Miss Morai. Make me fall in love with you at kapag nagawa mo iyon, lahat ng sasabihin o gusto mo ay susundin ko. You have my word.”
Lihim akong napangiti sa sinabi niya. “Talaga? Seryoso ka?”
“I am. Pero sinasabi ko sa’yo… Hindi ako marunong magmahal! Ano? Challenge accepted?”
“Challenge accepted!” Mabilis kong tugon.
“Okay.” At isang pa-cute na ngiti ang ginawa niya.
Tinalikuran niya ako at sinimulang magligpit ng gamit niya.
“Teka, anong ginagawa mo?” tanong ko.
“Inaayos ko na ang mga gamit ko.”
“Bakit?”
“Babalik na ako ng Manila.”
Nanlaki ang mata ko. “Manila? Sa malayo iyon, tama? Ngunit paano ang challenge ko na paibigin ka? Hindi ka pwedeng umalis!”
“Look, Lukresha--”
“Esha! Tawagin mo akong Esha.”
“Okay. Esha. May business ako sa Manila at doon talaga ako nakatira. Ngayon, kung desidido ka talaga na maging matagumpay sa challenge, sundan mo ako doon!”
“Ikaw?! Susundan ko?! No way!!!” sigaw na sagot ko sa kanya.
“MA’AM ESHA, saan ka ba pupunta? Bakit ka nag-eempake? Aalis ka ba?” tanong sa akin ni Malena habang sinisilid ko sa isang malaking maleta ang ilang damit at gamit ko.
“Oo. Aalis ako at kasama ka! Ipinag-empake na nga kita, e!” Hinugot ko sa ilalim ng kama ang isang maleta kung saan nakalagay ang mga gamit niya.
Binilisan ko ang pag-eempake dahil baka maiwanan kami ni Thaddeus. Oo, sinabi ko kanina na hindi ko siya susundan pero nagbago din ang isip ko. Bakit? Dahil tinapak-tapakan niya ang p********e ko at gusto ko siyang paibigin upang mapahiya siya. At kapag napaibig ko na siya, hihilingin ko sa kanya na ipakain niya sa akin ang kanyang puso. Tutal, siya na rin naman ang nagsabi na kapag nagtagumpay ako sa challenge ay gagawin niya lahat ng gusto ko. At seryoso siya do’n.
“Ang dami naman nating dala. Saan ba tayo pupunta? Sa `Merika? Wala pa po akong passport, Ma’am Esha…”
“Gaga! Hindi tayo sa Amerika pupunta. Sa Manila! Susundan natin ang mayabang na si Thaddeus!” Tumigil ako sa aking ginagawa nang mabanggit ko ang pangalan ng lalaking iyon. “Sinabi ng lalaking iyon na hindi niya ako mahal at hindi niya ako kailanman mamahalin dahil hindi siya marunong magmahal. Tinapakan niya ang p********e ko!”
“Ano po? Tinapakan niya ang p********e niyo? Edi, sugatan ang pekpek niyo, Ma’am Esha?”
Tinapunan ko ng isang nakakasugat na tingin si Malena. “Ibang p********e ang tinutukoy ko, Malena! `Wag kang tanga. Ang ibig kong sabihin ay tinapakan niya ang ego ko! At ngayon, susundan ko siya para paibigin siya! Gaya ng agsubok na ibinigay niya sa akin na tinanggap ko.”
“Pagsubok?”
“Oo, Malena. Aniya, kapag napaibig ko siya ay gagawin niya lahat ng nais ko. At alam mo na siguro kung ano ang hihilingin ko sa kanya…”
Walang gana na tumawa si Malena. “Ang talino mo pala talaga, Ma’am Esha. Teka, ano ba `yong hihilingin niyo kay Thaddeus kapag napaibig mo na siya?” Nakakunot ang noo na tanong niya.
Seryoso? Kung makatawa naman kanina si Malena, ang akala ko ay alam na niya ang tinutukoy ko!
“Peace of mind, Malena! Peace of mind!” Naiiritang sagot ko at ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pag-eempake bago pa ako tuluyang mainis dahil kay Malena.
MALALAKI ang mga hakbang ko habang tinatahak ang palabas ng gubat. Nasa likuran ko naman si Malena habang dala ang dalawang malaking maleta. Halos magkandarapa na siya sa bigat niyon. Kailangan na naming bilisan dahil wala na si Thaddeus doon sa pinagtayuan niya ng tent. Malamang ay nasa labas na siya ng gubat. Nang lingunin ko si Malena ay medyo malayo pa siya sa akin.
“Ano ba, Malena?! Bilisan mo!” hiyaw ko sa kanya.
Tumigil siya at sinimangutan ako. “Wow… Bilisan? Pinagdala mo ako ng mabibigat na maleta tapos sasabihan mo ako na bilisan ko? Iba ka, Ma’am Esha… Sadista ka…”
“Hay! Oo na! Basta sumunod ka sa akin. Hindi pwedeng maiwanan tayo ni Thaddeus!”
Naglakad na ulit ako. Halos tumakbo na nga, e. Kung siguro nasa anyong aswang lang ako, kanina pa ako nakatakbo ng mabilis. Kaya lang umaga pa at hindi naman kabilugan ng buwan mamayang gabi. Sa totoo lang, hindi pa rin ako sigurado kung tama bang patulan ko ang pagsubok na iyon ni Thaddeus. Pero naisip ko rin na kapag nagawa ko siyang paibigin at makain ko ang puso niya ay katuparan na iyon ng aking kamatayan. Dream come true na talaga iyon!
Malapit na ako sa labas ng gubat. Kay Thaddeus na yata ang kotse na aking natatanaw. Tama! Sa kanya nga. Nakita ko siyang bumaba mula doon at tila may kinuha sa likuran ng kotse. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa marating ko na ang kinaroroonan niya.
“Thaddeus!” tawag ko sa kanya.
Medyo nagulat siya nang makita niya ako. “Hey. You know my name!” aniya.
“Sinabi sa akin ni Malena.”
“Bakit ka nandito?”
“Para sundan ka!” Hinihingal na sagot ko.
“Ah… The challenge. So, susundan mo talaga ako sa Manila. Nasaan ang sasakyan mo?”
Hindi ko siya sinagot. Nilingon kong muli si Malena at nakita ko na malapit na siya. Hinintay ko munang makalapit sa amin si Malena bago ko ulit hinarapa si Thaddeus.
“Ito!” sabi ko sabay turo ko sa sasakyan niya. “Malena, ilagay na sa likod ng kotse ang mga maleta!” utos ko.
“Opo, Ma’am Esha…” Mas lalo yatang nawalan ng buhay si Malena dahil sa pagod.
Wala nang nagawa si Thaddeus nang sumakay kaming dalawa ni Malena sa backseat. Naiiling na sumakay na lang siya at pinaandar ang sasakyan.
“Saan nga pala kayo tutuloy sa Manila? May bahay ka ba doon?” tanong ni Thaddeus habang umaandar ang sasakyan.
“Ang totoo niyan ay wala pa. Pero marami akong pera. Ikaw, saan ka ba nakatira doon?”
“Sa Forbes Park, sa Makati.”
“Kung ganoon, bibilhin ko ang pinaka malapit na bahay sa bahay mo sa Forbes Park. Ang gusto ko ay malapit lang ako sa iyo para madali kong magawa ang pagsubok mo.”
Itinigil sandali ni Thaddeus ang kotse at nilingon ako. “You’re joking, right?” aniya.
Itinaas ko ang isa kong kilay. “Mukha ba akong nagbibiro, Thaddeus?” mataray kong tugon.