KABANATA VIII

1330 Words
HALOS limang oras din ang binyahe namin bago inihinto ni Thaddeus ang kanyang sasakyan sa harapan ng isang malaking bahay na kulay puti. Kanina sa sasakyan ay sinabi ni Thaddeus sa akin na masyadong mahal ang bahay dito sa Forbes Park at hindi basta-basta ang pagbili. Iyong iba pa daw ang inaabot ng hundred million. Talagang nagduda pa siya nang sinabi ko na kahit billion pa ang halaga ng bahay ay kaya kong bilhin. “Iyan na ba ang bahay mo?” tanong ko. “Yup! Mas malaki pa rin ang mansion mo pero proud ako na nabili ko iyan dahil sa sipag at tiyaga ko,” aniya. “Well, hanggang dito ko na lang kayo pwedeng ihatid. Bahala na kayo sa buhay. Ibinigay ko na sa inyo `yong number na kailangan niyong kontakin para makabili kayo ng bahay dito.” Agad na bumaba ng sasakyan si Thaddeus at in-unload niya ang mga gamit namin. Pinagbuksan pa niya kami ng pintuan at bumaba na kami doon ni Malena. Binuksan ni Thaddeus ang gate at saka ipinasok ang kanyang sasakyan. Patakbo akong lumapit sa gate at sinigawan si Thaddeus nang bumaba na ulit siya sa kotse. “Thaddeus! Sandali! Maaari bang makituloy na lang kami ni Malena sa bahay mo?” ani ko. “No. Marami kang pera, `di ba? You can buy your own.” “Pero--” Hindi na ako naka-apela dahil tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob. Naiinis na minura ko na lang siya sa aking isip. Isang maliit na karatula ang nakita kong nakasbit sa gate niya. WANTED YAYA. Iyon ang nakasulat. Hindi ko na iyon pinansin at binalikan ko na lang si Malena. “Ma’am Esha, tama ba itong ginagawa natin? Para namang masyado kang desperada kay Thaddeus…” Humihikab na sabi niya. Tumingin-tingin ako sa paligid. Kakaiba ang lugar na ito. Puro bahay, kaunting puno at sementado ang daan. Malayong-malayo sa lugar na pinanggalingan ko na iisa lang ang bahay at ang mansion ko at maraming puno at ligaw na hayop. Ang dmaing bahay dito pero wala akong nakikitang kahit isang tao. “Hindi ako desperada kay Thaddeus kundi sa pagkamatay ko. Siya ang nais kong gamitin para magkaroon iyon ng katuparan.” “Okay. Sabi niyo, e. Ano na pong plano mo?” Nagpatiuna na ako sa paglalakad habang isa-isang tinitignan ang mga bahay. Sumunod naman sa akin si Malena habang hila ang dalawang maleta. “Ang plano ko ay bumili ng bahay para makapagpahinga na tayo. Sandali, tila gusto ko ang kulay rosas na bahay na iyon!” Itinuro ko ang nagustuhan kong bahay. “Ma’am Esha, wala ka sa mall para bilhin agad ang makikita mo dito. May tamang proseso para bumili ng bahay dito. Isa pa, mukhang may nakatira na doon.” “Ano kaya kung magpatayo na lang ako ng sarili kong mansion dito!” “Dito? Sa gitna ng kalsada? Hibang ka na ba, Ma’am Esha? Hindi pwede. Ang mabuti pa siguro ay doon muna tayo sa park magpalipas ng oras.” “Park? Bahay ang kailangan natin, Malena.” “E, hindi nga ganoon kadali bumili ng bahay dito. Ang kulit niyo naman…” Nauna na si Malena sa paglalakad at sinundan ko na lang siya. Napunta kami sa isang malawak na parke at naupo sa isang mahabang upuan. Sandali akong iniwan ni Malena dahil bibili lang daw siya ng pagkain namin. Pagbalik niya ay may dala siyang juice drink na nasa bote at tinapay. Kinain muna namin iyon dahil medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom. Matapos naming kumain ay inantok naman ako kaya humiga muna ako sa mahabang upuan habang nakaunan ako sa hita ni Malena. Hindi naman mainit doon dahil nasa lilim kami ng isang mayabong na puno. Hindi pa man ako nakakatagal sa pagkakapikit nang tapikin ako ni Malena sa aking mukha. “Ano ba, Malena?! Nakita mong natutulog ang tao!” singhal ko sa kanya. “Ma’am Esha… May trouble…” Mabilis akong bumangon para pagalitan siya. “Ano bang trouble ang--” Natigilan ako nang makakita ako ng isang lalaki na papalapit sa amin. Naka-suot siya ng puti at may dalang batuta. “Sino ang lalaking iyan?” bulong ko. “Security guard… Nagbabantay dito sa subdivision. Patay tayo nito…” “Taga-rito ba kayo?” tanong ng security guard sa amin. Tumayo ako at hinarap ito. “Hindi ngunit bibili ako ng bahay dito.” Taas-noong sagot ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Umiling ito sabay kuha ng isang bagay na parang telepono. “Brad, may dalawang baliw na nakapasok. Back-up-an mo ako dito. Over!” “Baliw?! Kami ba ang dalawang baliw na iyong tinutukoy?!” Hindi makapaniwalang react ko sa sinabi ng security guard. “Sa hitsura niyong dalawa, hindi niyo kayang bumili ng bahay dito.” “Bastos ang bibig mo! May kakilala ako dito!” Nilingon ko si Malena na hawak ang kanyang cellphone at tila walang balak na tulungan ako. “Malena! Ano ba?! Ipagtanggol mo naman ako dito!” “Kaya niyo na iyan, Ma’am Esha…” “Leche ka! Wala ka talagang silbi!” “Sige nga, sino ang kakilala niyo dito at ano ang gagawin niyo dito. Alam ko na hindi kayo taga-rito dahil kilala ko lahat ng nakatira dito,” ani ng security guard. Nag-isip ako. “Si Thaddeus!” “Thaddeus Serrano?” “Oo, siya nga.” “At ano naman ang gagawin niyo kay Sir Thaddeus?” Doon ko naalala iyong karatula na nakapaskil sa gate ng bahay ni Thaddeus. “Ah, eh… Mag-a-apply kaming yaya sa bahay ni Tha-- Sir Thaddeus!” Pagsisinungaling ko. Umismid ang security guard at may kinausap na naman ito sa parang telepono na hawak nito. “Brad, tawagan mo nga si Sir Thaddeus Serrano kung totoong naghahanap siya ng yaya?” Lumayo muna ang security guard at tila may kinausap ito. Ako naman ay hinampas sa braso si Malena sa sobrang gigil ko sa kanya dahil hindi man lang niya ako tinulungan. “Aray…” Walang buhay na react niya. “Ang sakit. Bakit mo ako sinaktan?” “Dahil wala kang silbi, Malena!” “Anong walang silbi? Grabe ka magsalita, Ma’am Esha…” Maya maya ay binalikan na kami ng security guard at sinabi na okay na daw. Pumunta na lang daw kami sa bahay ni Thaddeus na ginawa naman namin. Sinamahan pa kami ng naturang security guard. Nag-door bell kami at isang may edad na babae ang nagbukas ng gate para sa amin. Sa tantiya ko ay nasa singkwenta na ang edad niya. Maliit, maaliwalas ang mukha pero parang masyadong seryoso. “Kayo ba iyong mag-a-apply na katulong?” tanong ng matanda. “O-oo.” Napipilitan kong sagot dahil nasa likod lang namin ang security guard. “Pasok kayo…” anito. Pagkapasok namin ay pinaupo niya kami sa sofa. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay at maayos naman pala ang bahay ni Thaddeus. Oo nga pala, nasa loob na ako ng bahay niya. May naisip lang akong bigla. Ano kaya kung totohanin ko na ang pagpasok ko bilang kasambahay dito? Atleast, palagi kaming magkasama ni Thaddeus. Magiging madali para sa akin na mapa-ibig siya kung ganoon. Dahil sa ideyang iyon ay wala sa sarili na napangiti ako. “Bakit ka ngumingiti mag-isa?” tanong ni Malena. “Wala. May naisip lang ako.” Umupo ang matandang babae sa harapan namin at nagpakilala. “Ako nga pala si Manang Britney. Kayo ba? Nasaan ang resume’ at iba pang dokumento niyo? NBI Clearance?” “Ako si Lukresha Morai ngunit tawagin mo na lang akong Esha. At ito naman si Malena…” Natigilan ako. Sa tagal kasi naming magkasama ni Malena ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. “Siya si Malena. Wala siyang apelyido!” sabi ko ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD