Malamig na nilagpasan niya si Zeon nang salubungin siya nito sa harap ng pinto ng bahay. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa kalsada kung saan naroroon ang kotse ng lalaki. Akmang lalampasan niya rin iyon para pumara ng taxi nang hinigit ni Zeon ang kanyang braso. “What’s the problem?” kunot ang noo nitong tanong. Hindi niya ito sinagot at nag-iwas ng tingin. Anong sense kung sasabihin niya kung ano ang nakapagpapa-bad trip sa kanya kung wala siyang tiwala sa maaring isagot nito sa kanya. He can tell lies in just a snap. Sanay na sanay ito sa ganon. “I’m gonna be late.” Pumiksi siya para mabitawan nito ang braso nya. Mas humigpit ang hawak nito sa kanyang braso dahilan para mapangiwi siya dahil nararamdaman niya ang sak

