bc

Beautiful Monster

book_age18+
84
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Magandang halimaw, na Iibig sa isang Doctor.

ang pag-ibig nila ay susukatin ng tadhana at panahon. maraming pagsubok ang kanilang pagdadaanan.

chap-preview
Free preview
Ep. 1
"Ano bayan, biglang umulan, kani-kanina lang ang ganda ng panahon ah," Pauwi na sana ako galing sa clinic ko ng bumuhos naman tong malakas na ulan, at may kasama pang kulog at kidlat. "Doc?, maglalakad kalang ba? Saan ba 'yung kotse natin?" galing sa kabilang kalsadang boses. Si Maris, isang babaeng maganda na patay na patay sa akin. Pero iwan ko ba, 'bat wala akong madama kahit kapiranggot na feelings sa kanya. Siguro ay talagang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Isa din siyang anak mayaman na nagmamay-ari ng building ng clinic ko. In short inuupahan ko lang ang Building ng clinic ko. Mura kasi at malapit lang din sa bahay ko. Nag-iipon pa kasi ako ng pampatayo ng sarili kong clinic. 2years palang akong Lesensyadong doctor , 27 years old na 'rin ako at Single. Iwan ko ba kung bakit wala akong matipuhang babae. Kung tutuosin ay napakamaraming babaeng umaaligid sa akin. Bukod sa sexy at maganda ay anak mayaman pa. "Ah, Oo eh, ayun sa talyer sira na naman. S-sige, mauna na ako," Pagmamadali kung pagpaalam, sabay bukas ng payong kung dala. Baka Mamaya kasi eh, kumarengkeng na naman to sa akin, 'di na naman ako makapagpahinga at makatulog, alas otso na kasi ng gabi. Minsan kasi bigla-bigla nalang s'yang sumusulpot sa bahay na may dalang ulam. Ayaw ko kasi sa masyadong O.A. ayaw ko rin sa masyadong nagbibigay motibo. Gusto ko 'yung ako ang naghahabol. "Hatid na kita Doc. Wait, kunin ko lang ang kotse ko diyan sa kabilang parking lot. " Ayun nanga ang sinasabi ko eh. Hahatid lang daw ako tapos papasok pa sa bahay at magkakape at aakitin na naman ako ng cleavage niyang, s**t! Ayaw ko nang sabihin. Basta boobs kasi or cleavage ang pinag-uusapan nanghihina ako at parang nahihipnotize. Bahala nga siya, alis na ako. "Magandang gabi Doc, ginabi ka ata Doc?" Si aling Linda, kapit bahay ko. Nasa 53 years old narin ito. Wala na itong asawa matagal ng patay. Ang kasama nito sa buhay ay ang , mga apo nito at bunsong anak na si Mira. Isa din sa nagpaparamdam sa akin. Morena at maganda. Isang I.T student. "Magandang gabi din sayo aling Linda. Maraming gawain sa Clinic po eh. Sige po mauna na ako." ngumiti lang din ito at tumango sa akin. "Doctor! Missyou.. " ayan nanga si Mira, isa ding haliparot yan eh. Kabata-bata pa eh, ang landi na. Hindi porke, guwapo ako at matangkad eh ganun nalang sila umasta sa akin. "Oh, hi Mira, sige pasok na ako , nababasa na ako eh." dumeretsu narin ako patungong bahay ko. "Doctor.. Na kita ko kahapon yung abs mo, ang sarap kagatin doc!" sigaw pa nito habang papalayo na ako sa kanila ni aling Minda. Nakita niya ata 'yung abs ko noong naghubad ako sa sala. Nanghiram kasi ito ng guting sa halaman kahapon, di ko agad naisuot 'yung damit ko kaya siguro nasilip niya yung tiyan ko. "Teka! Sandali, 'bat bukas tong pinto ng bahay ko?. Pinasok ata ako ng magnanakaw ah. Saan naba 'yung tubo? " Tinulak ko pa ng dahan-dahan 'yung pintuan ng bahay ko hanggang sa makapasok ako ng sala. Mukang wala namang tao pero meron akong nakita sa sahig na mga putik. Para bang yapak ito ng batang sanggol ah. Teka lang, unano ata 'yung magnanakaw ah. Saan kanang unano ka? Nilapag ko muna 'yung dala kong bag at Pumasok sa kuwarto, "Bulaga!" putik walang tao. Saan kaya 'yun?. Binuksan ko rin 'yung mga draware ng kabenit ko baka kasi andun eh. Kasya na ata unano dun. Pumasok na 'rin ako sa C.R kaso wala talaga akong makita. "Teka lang! Maliit na paa? Tapos hindi siya unano? Ano kaya siya?, oh,s**t! Wag mong sabihing tiyanak!" ano bayan, di dapat ako naniniwala sa mga ganyan, "isa akong Doctor at respitado." inayos ko na ang tindig ko at niluwagan ang neck tie ko. Agad na ako naglakad at hinigpitan ko pa lalo ang hawak kong tubo. Nilibot ko na ang buong bahay ko, ngunit wala manlang akong makitang ibang tao. Malakas parin ang ulan sa labas at kulog, minsan naman ay nakakatakot ang kidlat na umiilaw sa kalangitan. Dahil sa wala akong makitang unano or tiyanak ay , napagdisisyonan ko ng maglinis ng katawan sa banyo. Naghubad na ako at Nilublob ko na ang aking katawan sa bath tub na maligamgam ang tubig. "Teka ano 'yun?" may narinig kasi akong ingay galing sa kusina ko. Para bang may nalag-lag na kong ano at nabasag. Agad naman akong nagtapis ng tuwalya at tinungo iyon ng dahan-dahan. sinilip ko ang kusina kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Laking gulat ko noon sa mga nakikita ko, "Oh, my god! Ano to? Tiyanak bato?" isang maliit na nilalang na maputla na kalbo, maliit lang ito na parang dalawang taong bata. Nakahubad lang ito habang dinidilaan ang nabasag na lagayan ng milo sa sahig. Ang cute nito tignan at para bang isang alien. Parang bata lang itong walang buhok na maputla. Medyo bilogan ang mata at kulay green ito. Napatingin ito sa akin noong magulat ito noong matanggal ang tuwalyang naka balot sa pambabang parti ng katawan ko. "Ay s**t! Nalaglag " nagulat din akong kumaripas ito ng akyat palayo sa akin, nagtago ito sa likod ng Ref at pasilip-silip lang. Ako naman ay nakatayo lang sa kaba. Di ko kasi alam gagawin nagulat ako. Tumingin ito sa muka ko at binaba ang mga tingin nito sa Pototoy kong nilalamig. Doon ko lang narealize na wala pala akong suot na brief at ang tuwalya ay sa sahig na. Lumalapit ito sa akin ng dahan-dahan habang nakatingin parin kay jun-jun ko. Kumagat labi pa ito at nilagpasan lang 'yung basag na lagayan ng milo na kanina ay dinidilaan niya. "s**t! Kang bata ka, anong gagawin mo hoy!. Wag mo na ituloy yang plano mo. Hindi to pagkain." sabay takbo ko sa kuwarto ko, nilock ko na iyon at hinarangan ko pa ng kung ano-anong mabigat na bagay doon. "Loko-loko 'yun ah. Balak pang gawing dudu 'yung jun-jun ko. Wala pangang nadadali to. Kainis saan ba nanggaling 'yung batang 'yun." lalo akong nainis noon dahil naiwan ko ang Cellphone ko sa sala sa loob ng bag ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook