THERESA Nanlaki ang aking mga mata at naitulak ko si Blake nang halikan niya ako. Hinihingal pa ako, at bigla akong natigilan sa ginawa niya, pero walang salitang namutawi sa mga labi ko habang nakatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap dahil wala naman akong iniwang bakas at kahit anong impormasyon nang umalis ako sa probinsya, kaya hindi ko inaasahan na mahahanap niya ako at makikita ko siya dito sa bahay na inuupahan namin ni Agatha. “Bakit nandito ka, Blake?” Hindi agad siya sumagot. Tiningnan niya ako ng deretso sa aking mga mata, kaya nakaramdam ako ng labis na kaba. “Hindi ka dapat pumunta dito, Blake—” “At bakit hindi puwede?” masungit niyang tanong sa akin. Lukot ang kaniyang mukha at kunot ang noo. Nag-isang linya rin ang kaniyang mga kilay, kaya

