Chapter 19

1697 Words
THERESA Mahimbing ang tulog ni Blake habang bahagyang humihilik pa at nakahiga sa kama. Napagod siya ng husto matapos ang mainit na tagpong aming pinagsaluhan. Para bang tulad ko, ibinigay na rin niya ang lahat para mapasaya ako, at sinamantala namin ang huling pagkakataon na puwede naming gawin iyon. Tahimik akong umalis sa tabi ni Blake matapos ko siyang titigan sa loob ng ilang minuto. Dahan-dahan akong nagbihis at hindi gumawa ng kahit anong ingay para hindi siya magising. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking dibdib habang nagbibihis. Mabilis kong natapos ang trabahong pinagawa sa akin ni Draven, pero hindi ko inaasahan na ito pala ang pinakamahirap na misyong ginawa ko dahil nagkaroon ako ng personal attachment sa kasong hawak ko, kahit hindi naman sana ito dapat nangyari kung nag-ingat ako at pinigilan ko ang aking sarili gaya ng lagi kong ginagawa noon. Hindi ko akalain na mapupunta sa ganitong sitwasyon. It's unexpected and unplanned, pero heto, nahihirapan akong kumawala sa sitwasyong hindi ko ginusto, pero nahulog ako ng tuluyan. Bago pa ako mawalan ng kontrol sa aking sarili, kapag tuluyan nang nanaig ang emosyon ko, ay kailangan ko nang umalis at lumayo kay Blake para protektahan ang aking puso. Maingat akong lumapit sa kama at sa huling pagkakataon, muli kong pinagmamasdan si Blake at marahang pinatakan siya ng halik sa labi. Narinig ko siyang umungol, pero dahil pinagod ko siya ng husto, ay hindi siya nagising. Isang huling sulyap ang iniwan ko sa kama bago humakbang palabas ng silid ni Blake at maingat na lumabas sa kaniyang bahay. Agad akong pumasok sa loob ng kotse ko at binuhay ang makina. Wala na akong sinayang na pagkakataon. Kailangan ko nang umalis bago pa siya magising, kaya pinasibad ko na ang sasakyan at mabigat ang pakiramdam na nagmaneho palayo. Madilim pa ang paligid dahil madaling araw pa lang, pero sa gitna ng dilim ay umalis ako dito sa Zambales nang walang nakakaalam. Hindi na ako lumingon sa bahay ni Blake. Hindi ko rin ito tiningnan sa side mirror dahil baka kapag ginawa ko ito ay tuluyan kong hindi makontrol ang aking sarili at emosyon, at gustuhin ko na lang na huwag nang umalis. Mabigat ang aking pakiramdam habang nagmamaneho pabalik sa Maynila. Mabilis ang patakbo ko sa dala kong sasakyan at para bang natatakot akong mahabol ni Blake. Nang makarating ako sa Maynila, tumuloy agad ako sa base at doon ko dinala ang kotseng dala ko dahil kailangan na nitong palitan ng plate number at ng kulay. “Tres, ang akala ko, dalawang araw ka pang bakasyon,” sabi sa akin ni Lyn nang pumasok ako sa lounge na para sa aming mga elite member ng organisasyong kinabibilangan namin. “Tapos na ang misyon ko at nakuha na natin ang target ko doon, kaya wala nang dahilan para manatili pa ako sa Zambales,” malamig ang ekspresyon na sagot ko. “The best ka talaga, Tres,” sabi ni Lyn. “Malinis, mabilis, at walang kahirap-hirap na natapos mo ang misyon mo sa Zambales.” Tinanguan ko lang siya at ibinigay ko ang susi ng kotseng ginamit ko. “Si Draven?” “Nasa opisina niya, Tres.” Hindi ko na pinahaba pa ang usapan namin ni Lyn. Iniwan ko na siya at naglakad papunta sa elevator para puntahan sa opisina niya si Draven. Nadatnan kong seryoso at tahimik na nakaupo sa kaniyang swivel chair si Draven nang pumasok ako sa kaniyang opisina. Agad siyang nagtaas ng mukha nang lumapit ako sa kaniyang mesa at umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. “You're back, Tres.” “Oo,” maikli kong sagot. “I'm flying to London tonight, kaya hindi muna ako kukuha ng trabaho, Draven.” “Kailangan kita para sa personal security ni Agatha, Tres,” agad na sabi ni Draven sa akin. “Her life is in danger, kaya kailangan ko ng mapagkakatiwalaan na tauhan na magiging mata ko sa paligid niya.” “Alright, kailan ako magsisimula, Draven?” “As soon as possible, Tres.” Alam kong hindi ko siya puwedeng tanggihan, kaya tinanggap ko agad ang trabahong ibinigay ni Draven sa akin. “May isang linggo pa bago ang pasukan, puwede pa akong bumalik sa London para makadalo sa latest collection ng IModel ngayong fashion week,” sabi ko kay Draven. “Alright, gamitin mo ang isa sa mga eroplano natin para makaalis ka kaagad at makabalik dito sa Pilipinas pagkatapos ng isang linggo.” “Copy, boss.” Isa ito sa mga benepisyo ko bilang top agent. Hawak ng Madrigal empire ang malaking aviation dito sa Pilipinas. Marami silang pag-aaring mga eroplanong komersyal at pribado man. Pagod ako sa biyahe, kaya mula sa base, sumakay ako gamit ang sarili kong kotse na nakaparada sa basement pauwi sa condo unit ko. Kailangan kong magpahinga at matulog dahil aalis ako mamayang gabi. Wala akong tulog magdamag kagabi, pero ayaw ko nang isipin pa kung bakit ako napuyat magdamag dahil lalo lamang bumibigat ang aking pakiramdam kapag naalala ko si Blake. Dumaan muna ako sa paborito kong restaurant para kumain dahil wala na akong oras para magluto. Wala akong nakaimbak na pagkain sa condo unit ko dahil hindi naman ako naglalagi doon. Mas marami sa oras ko ang ginugugol ko sa trabaho ko abroad, kaya minsan lang ako umuwi sa condo unit ko kapag gusto kong magpahinga at sandaling makalayo sa magulo at mapanganib na mundong kinabibilangan ko. Pagdating ko sa condo unit ko, naligo agad ako at pagkatapos, agad akong nahiga sa kama para matulog, pero kahit matagal na akong nakahiga at pagod, ay hindi ako dalawin ng antok. Laman ng isipan ko si Blake. Naiisip ko kung ano ang naging reaksyon niya nang paggising niya na wala na ako sa tabi niya at umalis na ako sa bahay niya ng walang paalam. Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili kung hinahanap pa ba niya ako at kung mamimiss rin ba niya ako, o baka agad rin niya akong makakalimutan kapag lumipas ang ilang araw at linggo na wala kaming komunikasyon sa isa't isa. Pulis siya. Guwapo, maalaga, at may paninindigan. Siguradong maraming babae ang may gusto sa kaniya, at mabilis lang niya akong mapapalitan kapag may nakilala siyang mas bata at maganda sa akin na deserving ng pagmamahal niya. Isipin ko pa lang ang ganoon ay nakaramdam ako ng sakit sa aking puso. Ilang ulit akong pumikit at ipiniling ang aking ulo para makalimutan ko siya, pero parang tuksong bumabalik naman sa isipan ko ang masayang sandaling kasama ko siya sa baryo. Nakaramdam na rin ako ng pananakit ng aking ulo, kaya bumangon ako sa kama at kumuha ng alak mula sa mini bar at tinungga ko ito. Kailangan ko ng alak para makalimot, kaya walang paligoy-ligoy na inubos ko ang laman ng bote, at nang matapos ay pasalampak akong humiga sa kama at nakatulog. Hapon na nang magising ako. Tiningnan ko ang oras sa nakadikit na orasan sa dingding, kaya napabalikwas ako ng bangon nang makitang alas-singko na pala ng hapon. It's late. Siguradong naghihintay na sa akin ang piloto, kaya mabilis kong binuksan ang cellphone ko at tinawagan si Draven. “Paalis ka na ba, Tres?” agad na tanong ni Draven mula sa kabilang linya. “Hindi pa. Late na ako nagising, Draven,” mabilis kong sagot. “Give me an hour. Napagod ako sa biyahe, kaya ngayon lang ako nagising. Kailangan ko munang maligo at magbihis.” “Sige, tatawagan ko ang crew ng eroplanong gagamitin mo para ipaalam sa piloto na made-delay ang flight ninyo ngayong gabi.” “Salamat, Draven.” Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang sinabi ni Draven. Mabuti na lang at private charter ang gagamitin ko at hindi ang passenger airbus ng aviation dahil siguradong made-delay ang flight kung maghihintay sila sa akin. Matapos maputol ang tawag ko kay Draven, dali-dali akong bumaba sa kama at naligo. Mabilis ang kilos ko nang magbihis at nag-ayos ng sarili ko. Mabuti na lamang at nakahanda na ang dadalhin kong maleta papunta sa London, kaya hinatak ko na lang ito palabas ng condo unit ko. Sumakay na lang ako ng Grab Car at nagpahatid sa airport para hindi ko na dalhin ang kotse ko. Sa VIP area ng airport ako nagpahatid, kung saan naghihintay sa akin ang pribadong eroplanong pag-aari ni Draven na maghahatid sa akin papuntang London. “Welcome onboard, Miss Martinez,” nakangiting bati sa akin ng crew nang pumasok ako sa eroplano. Ngumiti lang ako sa kanila at binati rin sila. “Is everyone ready?” tanong ko sa flight attendant. “Yes, Miss,” nakangiti niyang sagot. “Tapos na rin po ang checklist natin.” “Good.” “Your luggage, ma'am,” sabi sa akin ng isa pang flight attendant. Binigay ko sa kaniya ang hatak kong maleta. Agad namang hinawakan ng flight attendant ang metal na hawakan ng maleta ko at hinatak na niya ito para ilagay sa compartment. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at umupo. Malambot ito, malaki, at komportable, kaya puwede akong magpahinga habang nasa biyahe. Nakasandal ang likod at ulo sa leather na upuan nang lumapit sa akin ang piloto para kausapin ako. “Nice to see you onboard, Miss Martinez.” “Thank you,” tipid kong sagot. Abot hanggang tainga ang ngiti niya habang maningning ang mga mata nang makita ako. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkita kaming dalawa dahil hindi ko na mabilang kung ilang ulit niya akong hinatid at sinundo ng eroplano sa London, at sa iba ko pang bansang pinuntahan, kaya kilala na niya ako. Pero tulad ng dati, malamig pa rin ang naging pagtrato ko sa kaniya kahit matagal na siyang nagpapansin sa akin. Bigla ko tuloy naiisip si Blake. That man, wala siyang ginawang kahit ano para mapansin ko, pero siya pa ang nakakuha ng atensyon ko at nakapasok sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ko siya makakalimutan, pero hanggang dito na lang ang lahat sa amin dahil hindi na ako muling babalik sa Batanes at hindi na rin kami puwedeng magkitang muli. Kaya kailangan ko nang tanggapin ang katotohanang isa na lamang siyang magandang alaala na maalala ko kapag nag-iisa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD