Chapter 18

1635 Words
THERESA Malalim na ang gabi at mahimbing na rin ang tulog ni Blake sa tabi ko habang nakaunan ang aking ulo sa kaniyang braso at yakap niya ako, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kanina pa ako nakapikit at nagtulog-tulugan, kaya hindi na niya ako ginising nang pumasok siya dito sa kaniyang silid matapos niyang kumain. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang aking puso nang kunin niya ang kumot at maingat niya itong ibinalot sa aking katawan para hindi ako lamigin. Naramdaman ko siyang humiga sa tabi ko kanina at niyakap ako, pero hindi ako kumilos at nagkunwaring natutulog ng mahimbing. Ang hindi niya alam ay gising pa ako at nakikiramdam lamang ako sa kaniya at sa gagawin niya. Tahimik ang gabi, at tanging kuliglig at banayad na paghinga ni Blake ang naririnig ko kasabay ng pintig ng aming mga puso. Hindi ako makatulog. Balisa ako dahil laman ng isipan ko ang mga sinabi niya sa akin kanina. Ramdam kong nagsasabi siya ng totoo dahil nakikita ko naman kung paano niya ako alagaan habang narito ako sa bahay niya. Napagtanto ko na unti-unti ay nahuhulog na ang damdamin ko sa kaniya, bagay na hindi ko dapat hinayaang mangyari dahil simula pa lang, alam kong hindi namin ito puwedeng ituloy. Marahan kong hinawakan sa braso si Blake at maingat na inalis ang pagkakayakap nito sa bewang ko. Dahan-dahan akong bumangon at bumaba sa kama, at nakayapak na lumapit sa aking bag sa ibabaw ng maliit na mesa sa sulok. Mukhang naramdaman niyang bumangon ako, kaya gumalaw ang kaniyang braso. Mabilis kong kinuha ang unan at inilagay ito sa tabi niya para may mayakap siya. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na gumalaw sa ibabaw ng kama si Blake. Maingat kong kinuha ang aking cellphone at parang magnanakaw na lumabas ng silid dahil gusto kong tingnan kung ano na ang balita kay Mayor Rosales. Umupo ako sa sala at binuksan ang aking cellphone. Hindi na ako nag-abalang magbukas ng ilaw at nagkasya na lamang sa dilim dahil baka magising si Blake kapag lumiwanag ang buong kabahayan. Sunod-sunod na mga notification at text messages ang natanggap ko mula kina Draven, Aidan, at Lyn. Lahat sila nagtatanong sa akin kung bakit hindi nila ako matawagan dahil nakapatay ang cellphone ko maghapon. Mabuti na lamang at naka-silent mode ang cellphone ko, kaya hindi narinig ni Blake ang tunog na likha nito, at baka ito pa ang maging dahilan para magising siya. Nag-compose ako ng text message at agad itong pinadala kay Draven sa aming private app. Nang matapos, binura ko agad ito para walang trace. Sinabi ko sa kaniya na may dalawang araw pa akong natitirang bakasyon, at kapag natapos ito, babalik na ako sa Maynila. Binuksan ko rin ang link na ipinadala ni Aidan. Full report pala ito tungkol kay Mayor Rosales. Nakalagay dito kung nasaan na ang demonyong iyon, kaya napangiti ako nang malaman kong nakuha na siya ni Draven at ngayon ay nasa base na. Mabilis talagang kumilos ang pinuno namin. Hindi na niya hinintay na makulong si Mayor Rosales. Agad niyang ipinadukot at dinala sa base, kaya ngayon, hawak na siya ng organisasyon at siguradong hindi na makakatakas pa. Tapos na talaga ang trabaho ko, kaya hindi na ako puwedeng manatili ng matagal dito sa Zambales. Kailangan ko nang bumalik sa London sa lalong madaling panahon dahil may kontrata akong pinirmahan para sa nalalapit na fashion week ng summer collection doon. Napabuntonghininga ako dahil biglang bumigat ang pakiramdam ko. Ayaw ko pa sanang umalis dito, at may bahagi ng puso ko ang gustong manatili dito ng matagal, pero hindi na mangyayari iyon matapos kong makita ang dumating na text message mula kay Draven. ‘Report ASAP!’ Dalawang salita lang ito, pero tuluyang naging dahilan para makaramdam ako ng kirot sa aking puso. Matagal akong nakatitig sa screen ng cellphone ko sa gitna ng dilim bago sumagot sa text message ni Draven. ‘Okay…’ Pinatay ko ang aking cellphone at nanghihinang tumayo sa sofa. Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa loob ng silid ni Blake para sana kunin ang bag ko dahil kailangan ko nang bumalik sa Maynila, pero natigilan ako nang makita kong nagising pala siya. Bumundol ang malakas na kaba sa aking puso nang makita ko siyang nakatingin sa akin nang pumasok ako. May maliit na lampshade sa gilid ng kama, kaya alam niyang lumabas ako at hindi ko ito maitatanggi sa kaniya. “Nagugutom ka ba, Lara?” inaantok niyang tanong sa akin. “Hindi.” Pilit akong ngumiti sa kaniya kahit kinakabahan ako dahil kailangan kong magsinungaling kay Blake. “Bakit lumabas ka ng silid natin, Lara?” Silid natin… Ang sarap sanang pakinggan. Parang sinabi ni Blake na bahagi na nga ako ng bahay na ito at ng buhay niya, kaya lalo lamang akong nakaramdam ng kirot sa aking puso. “Gumamit lang ako ng banyo,” sabi ko sa kaniya matapos magpakawala ng magkasunod na buntonghininga. Kahit fully trained ako kung paano magpanggap, ay hindi ko napigilan ang aking sarili na makaramdam ng kaba, gayong palagi ko naman itong ginagawa. Pero bakit hindi ko ito kayang gawin kay Blake kapag siya ang kausap ko? Ngumiti siya at tinapik ang bakanteng espasyo sa tabi niya sa kama. Pilit akong ngumiti at humakbang palapit sa bag ko at ibinalik ang aking cellphone sa loob nito. Kailangan ko nang umalis, pero hindi ko ito magagawa ngayong gising si Blake, kaya sumampa ako sa kama at humiga sa tabi niya. Agad namang umikot at pumulupot sa bewang ko ang kaniyang braso at niyakap niya ako ng mahigpit, kaya yumakap rin ako sa katawan niya at bumaon ang mukha ko sa leeg niya. “Okay ka lang ba, Lara?” mahinang tanong ni Blake sa akin. “Oo, matulog ka na,” bulong ko sa kaniya. “Teka, bakit gising ka na?” “Nagising kasi ako dahil wala ka sa tabi ko,” malambing niyang sagot. Nag-angat ako ng aking mukha at hinawakan ko siya sa batok. Hindi naman tumutol si Blake nang maglapat ang aming mga labi at siniil ko siya ng mapusok na halik. Gusto kong gawin ito kahit ngayon lang. Sa huling pagkakataon, gusto kong maramdaman ang init ng kaniyang katawan habang nakakulong ako sa kaniyang mga braso. Naging mapangahas ang aking kamay. Nagsimula itong maglandas sa kaniyang balikat, pababa sa likod, at pati na rin sa kaniyang maumbok na pwet, at mabilis itong pinisil kasabay ng maalab na halik na aming pinagsasaluhan. Narinig kong napaungol si Blake sa ginawa ko, pero hindi niya ako pinigilan. Hinayaan niya akong ituloy ang mapusok kong mga halik sa kaniya at humiga nang patihaya sa kama, kaya napunta ako sa ibabaw niya nang pumatong ako sa kaniya. Magkahinang pa rin ang aming mga labi, at mapusok kong sinipsip maging ang dulo ng kaniyang dila nang ibuka niya ang kaniyang bibig. Pinalalim ko ang panghahalik sa kaniya, bagay na nagustuhan rin niya, kaya't gumanti siya sa mga halik ko. Katulad ko, naging pangahas at agresibo na rin ang mga kamay ni Blake at nagsimula na itong hawakan ang maselang bahagi ng katawan ko. Pareho kaming agresibo. Matagal bago natapos ang halikan namin hanggang sa tigilan at pakawalan ko ang mga labi niya, at naglandas sa kaniyang pisngi, panga, at pababa sa leeg ni Blake ang aking mga labi. “Lara…” impit niyang ungol nang sipsipin ko ang balat sa kaniyang leeg. Paulit-ulit ko itong ginawa, na para bang gusto kong magkaroon ng marka ng aking mga labi sa kaniyang balat kapag umalis na ako. Mas lalo akong naging possessive at agresibo, pero hinayaan lang ako ni Blake na halikan ko siya at maging pangahas sa ibabaw niya. Hindi pa ako nakuntento, hinatak ko paitaas ang suot niyang t-shirt at mabilis ko itong nahubad sa kaniyang katawan. Napaungol si Blake nang haplusin ko ang kaniyang balikat pababa sa dibdib. Kitang-kita ko ang excitement at satisfaction sa kaniyang ekspresyon habang marahang humahagod ang aking palad sa kaniyang katawan at nakatitig ako sa kaniyang guwapong mukha. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Itinuloy ko ang ginagawa ko at sensual na hinalikan ang kaniyang dibdib, pababa sa mabatong tiyan. Kasabay ng malakas niyang mga ungol ay ang mabilis na pagtaas-baba ng kaniyang dibdib nang gumapang ako pababa sa pagitan ng kaniyang mga hita. Nakita ko siyang napakagat sa ibabang labi at mariin na napapikit. Napangiti ako dahil alam kong nagustuhan ni Blake ang ginagawa ko, lalo na nang halikan ko siya sa puson at sensual na naglandas paikot sa kaniyang pusod ang aking dila. Hinaplos ko ang naninigas at nakaumbok niyang alaga sa pagitan ng kaniyang mga hita. Sandali ko itong pinagmasdan habang kagat ang kaniyang ibabang labi dahil biglang nanabik ang aking bibig. “Lara, hindi mo kailangan gawin iyan—” “Sssh!” saway ko sa kaniya. Muli akong gumapang sa ibabaw niya at sensual ko siyang pinatakan ng halik sa mga labi. “Ayaw mo ba?” mapanuksong tanong ko sa kaniya. Napalunok si Blake at mabilis na binasa ng kaniyang dila ang ibabang labi. “Oo, pero baka hindi ka komportableng gawin iyon, Lara.” Hindi ko napigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. “Just let me do it, Blake, kahit ngayon lang.” Marahan siyang tumango. “Sige, Lara. Ituloy mo na. Iyong-iyo ako, kaya gawin mo ang gusto mong gawin sa akin.” “Talaga, Blake?” pilya kong tanong. “Oo, kahit anong gusto mo, basta maging masaya ka, papayag ako sa gusto mong gawin, Lara.” Napangiti ako at mapanuksong dinilaan at sinipsip ang kaniyang ibabang labi. “That's great, pero mas magiging masaya ka sa gagawin ko, Blake.” “Talaga?” Marahan akong tumango. Napangiti naman si Blake at kinabig ang aking batok, at malambing akong pinatakan ng halik sa noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD