"May salamin naman siya rito sa kuwarto niya, kaya sana ay siya na lang maggamot sa sarili niya. Kung bakit kasi, sinunod ko siya, eh!" bulong ko sa aking sarili. Lumapit na lang ako kay Daniel. Para matapos na rin ay idinampi-dampi ko na ang hawak kong ice pack sa mukha niya. Tumitig siya sa akin dahilan upang idiin ko ang ice pack na hawak ko. " Damn! Ano ba'ng ginagawa mo, ha! " gagad niya. "Ginagamot ka. Ano ba sa tingin mo?" gagad ko rin sa kanya para ibsan ang nararamdaman kong nerbiyos. Ayaw ko kasi na tinitititigan niya ako dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. "May nanggagamot bang gan'yan? Bumabawi ka lang yata sa akin, eh!" muling gagad niya. Inirapan ko lang siya at muli kong ipinagpatuloy ang pagdadampi ko ng ice pack sa mukha niya. "Dapat kasi, hindi mo na lang ako i

