Tina's POV Alas siyete na nang magising ako dahil napasarap ang aking tulog. Samahan pa na nanood ako ng drama dahil namimis ko nang manood. Uminat-inat pa ako nang maalala ko na may pupuntahan pala kami ni Daniel ngayon kaya dagli Kong tinungo ang kusina kahit hindi pa ako nakapagtoothbrush. Ngunit nagtataka ako dahil may nakasalang na kawali sa kalan. "Sino kayang nagluluto?" tanong ko. "Alangan, si Daniel, dahil siya lang naman kasama mo rito. Alangan namang, naglakad mag-isa ang kawali sa kalan!" kastigo ko pa sa aking sarili. "Mabuti naman at gising ka na," saad sa akin ni Daniel sa aking likuran. Pumihit ako paharap sa kanya. Nakasuot siya ng aphron at may hawak na pangprito dahilan upang tingnan ko siya nang pataas-pababa . "Nakikita ko mo ba kung ano'ng oras na? Mataas na ang

