bc

Sierra's Goal

book_age16+
587
FOLLOW
1.4K
READ
love-triangle
family
friends to lovers
arranged marriage
humorous
straight
city
cheating
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

At the age of 29, Sierra already achieved most of her goals: to have a stable business, to pay back to her parents, to travel, and to have a best set of friends. But, there's still one goal that she wants to achieve before she turns 30, and that is... to get married.

But, how would it be possible if she has no boyfriend?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Happy Birthday, Sierra!" bati sa akin ni Madelaine, one of my friends in college, at hanggang ngayon ay kaibigan ko pa rin. "We should also congratulate Sierra for the opening of The Hideout Cafe's new branch. Lumalaki na talaga ang negosyo mo," sabi naman ni Jane. "Thank you very much, guys," pasasalamat ko sa kanila. I looked to them — Madelaine, Jane, Crystal, and Xian. They are my college friends and until now, they're still here with me even though some of them are already married and busy with their own businesses. "After so many years, you've already achieved your goals. We are so proud of you," sabi ni Crystal. "Pero ang tanong ng bayan... kailan ka nga ba magkakajowa?" natatawang tanong ni Xian. Itong baklang talaga na 'to ang lakas mang-asar. "Tayo na lang kaya?" pang-aasar ko rin sa kaniya. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. "No way, girl! Buti nga ako may jowa kaysa sayo." Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Nagpatuloy na lang kami sa pag-iinuman at kwentuhan. Hanggang sa dumating ang boyfriend ni Madelaine na si Charles. "Babe!" Napatayo si Madelaine nang makita ang boyfriend niya. Medyo lasing na rin siya kaya muntik na siyang matumba pagkatayo niya. Nang makaupo sila ay nagtinginan ang dalawa pagkatapos ay tumingin ulit sila sa amin. "Guys, we have an announcement," nakangiting sabi ni Madelaine. Sabay-sabay kaming nagtilian nang itaas ni Madelaine ang kamay niya. Tinuro niya ang isang singsing na kumikinang-kinang pa. "We're engaged!" Wow! Hindi ko mapigilan mapangiti. Nagyakapan silang dalawa ni Charles kaya hindi naming napigilan na kantyawan sila. "Congrats, Mads!" sabay-sabay na sigaw namin. "Kailan pa?" tanong ni Xian. "Last week. Bago kami umalis ng Boracay," sagot ni Mads. "So, kailan ang kasal?" Ako naman ang nagtanong. "Next year. January," sagot naman ni Charles. Woah! September na ngayon at ilang months na lang. Maya-maya lang ay bigla silang napatingin sakin. "Anong balak mo?" tanong nila sakin. Napangiti na lang ako. Mukhang napag-iwanan na talaga ako. Si Mads ikakasal na, Si Jane ikinasal last year, si Crystal 2 years ng married, at si Xian na kahit bakla ay may jowa. "Don't worry, ikakasal din ako bago mag 30!" sigaw ko. Ipinangako ko na 'yon sa sarili ko, bago ako mag 30, ikakasal ako. Ikakasal ako! "Seriously? Bago mag 30? 29 ka na ngayon sis!" sabi ni Xian. Tinungga ko na lang ang alak na nasa harap ko hanggang sa hindi ko namalayan ay nakarating na pala ako sa parking lot. Binuksan ko ang kotse ko at nagulat ako nang bigla na lang tumunog ang kotse na nasa tabi ko. "What the hell?!" nakarinig ako ng sigaw at naaninag ko ang isang lalaking papalapit sa akin. "Hindi mo ba alam na may katabing kotse 'yang sasakyan mo? Mag-ingat ka naman, Miss," sigaw niya sakin. Napatingin ako sa mukha niya. Shet! Bakit ang gwapo niya? "Hey, why are you staring at me?" tanong niya. Napangiti ako, "W-will you...marry me?" "What are you---" hindi ko na narinig ang mga sunod niyang sinabi dahil nakaramdam ako ng hilo at bigla na lang nagdilim ang lahat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Stubborn Love

read
99.1K
bc

NINONG III

read
367.9K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.6K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
458.4K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
428.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook