Chapter 1

2123 Words
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Grabe ang sakit ng ulo ko. Nang tuluyan ko nang naidilat ang mata ko ay napansin kong nasa kotse ako. Wait! This is not my car. Kaninong kotse ito? What am I doing here? Agad kong kinapa ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Kinuha ko iyon at tinignan ang oras. 3 am na and it's already September 21. Everything that happened last night suddenly flashed back, even that freaking parking lot scene. Shet! Napahawak ako sa ulo ko at pinagmasdan ang loob ng kotse. Oh my God! Tahimik akong lumabas dito. "Yes, lolo. I'm still here at my office. Pauwi na rin ako." Sumilip ako roon sa labas ng driver's seat at nakita ko 'yong lalaking nakausap ko sa parking lot. Nakatalikod siya pero alam kong siya iyon. Napatingin din ako sa sasakyan at nakita ko ang isang maliit na gasgas. Malamang dahil 'to sa pinto ng kotse ko na tumama rito kagabi. Tumingin ako sa paligid at napansin kong nandito kami ngayon sa tapat ng condo kung saan ako umuuwi minsan. Bago pa man humarap 'yong lalaki sakin ay nagmadali na akong tumakbo papasok sa building, nagtago, at sinilip siya. Tapos na siyang makipag-usap sa kung sino man sa cellphone niya. Sumilip siya sa loob ng kotse at sa palagay ko ay nagtataka na iyon ngayon kung bakit wala na ako roon. Bigla niyang inangat ang ulo niya at tumingin-tingin sa paligid hanggang sa dumako ang mga mata niya rito sa lobby ng condo. Ang tagal niyang tumingin dito, but thank God that he did not see me. Nakahinga ako nang maluwag nang umalis na siya. Umakyat na ako sa unit ko at agad akong nagtungo sa kwarto ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang sakit ng ulo ko. Napadami yata ang nainom ko kagabi. Binuksan ko ulit ang cellphone ko, ngayon ko lang napansin ang missed calls at tawag ng mga kaibigan ko. Dahil sa sakit ng ulo, tinamad na akong reply-an sila. Mamaya ko na lang sila ite-text. Gusto ko munang matulog ulit. Pagkahiga ko ay bigla na lang bumalik sa isipan ko 'yong lalaki kanina. Teka, paano niya pala nalaman na rito 'yong condo ko? Tinignan ko ang cellphone ko na nasa side table. Then, I realized, wala pala dito ang pouch ko. Shet ulit! Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama ko dahil sa sobrang inis. "W-will you...marry me?" "W-will you...marry me?" "W-will you...marry me?" "Ugh! Sierra, nakakahiya!" Nakakainis naman. Minsan na nga lang uminom, ganito pa nangyari. Napapukpok na lang ako sa ulo ko. Ganito ako 'pag nalalasing eh, kinabukasan bigla ko na lang maaalala mga pinaggagagawa ko tapos saka ko lang mararamdaman 'yong hiya. Ugh! Ayoko nito! Tumayo ako at pumasok sa banyo, naghilamos at tumingin sa salamin nang ilang segundo. "OMG! Sierra, ano bang naisip mo at sinabi mo 'yon?" bulong ko sa sarili ko. Naku, sana hindi ko na makita ulit 'yong lalaking 'yon. Jusko! Nakakahiya talaga! Pero... nasa kaniya nga pala 'yung pouch ko at doon nakalagay lahat ng cards ko. Napapikit na lang ako at napasabunot dahil sa sobrang inis. *** "Sierra, san ka ba pumunta kagabi? Bigla ka na lang nawala," tanong ni Mads. Nandito na naman sila maliban lang kay Crystal na kasama ngayon ang asawa dahil may pupuntahan daw silang family reunion. "Baka nakahanap ng fafa," saad ni Xian. Napa-iling na lang ako dahil doon. May nakita nga ako pero kahihiyan naman ang inabot ko. "Pero seryoso, saan ka pumunta kagabi?" tanong naman ni Jane. "Sumakit kasi 'yong tiyan ko kagabi kaya napilitan na lang ako umuwi," palusot ko sa kanila. "Sabi ni Ate Minda, hindi ka daw umuwi sa bahay mo kagabi," sabi ni Mads. "Sa condo ko. Doon kasi pinaka malapit, baka 'pag sa bahay pa ako umuwi ay magkalat ako sa kalsada." Ininom ko ang kape ko. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin 'yong lalaki sa parking lot. Halos hindi nga rin ako nakatulog kanina dahil sa kaniya, e. "Papunta na daw si Charles, kasama niya si Basti," sabi ni Mads. "Basti who?" tanong ni Xian. "Pinsan daw niya. Actually, ngayon ko pa lang din makikilala iyon, e," sagot ni Mads. "Single ba?" Napa-irap na lang ako sa tanong ni Xian. "Hoy, bakla! May jowa ka, remember?" sabi ni Jane kay Xian. "Eto naman, nagtanong lang, e. Malay mo pwede natin ireto 'tong kaibigan natin. Diba ikakasal daw siya bago mag 30?" natatawang sambit ni Xian. Napanguso ako. "Lagi mo akong inaasar, a. Sabi nila d'yan daw nagsisimula lahat. Mag-ingat ka, baka ma-in love ka sa 'kin," pang-aasar ko. Kitang-kita ko naman kung paano nangasim ang mukha niya. Ang arte ng baklang 'to. "Girl, 'wag mong pangarapin na ma-i-in love ako sa'yo. Napaka-imposible no'n!" aniya. "Tutulungan na lang kita sa paghahanap ng jojowain mo." "Good morning!" nangibabaw ang boses ni Charles pagpasok pa lang niya sa coffee shop. Mabilis siyang lumapit sa table namin at tumabi kay Mads. "Where's your cousin?" tanong ni Xian. "Nagpapark lang siya ng sasakyan sa labas," sagot ni Charles. Napatingin naman siya sa 'kin, "Ang daya mo ah! Tinakasan mo kami kagabi." Sasagot na sana ako kaso narinig ko 'yong isang staff ko. "Good morning, sir." Napatingin ako sa kaniya pati sa kapapasok lang na customer. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan 'yong lalaki. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Tumingin ito sa puwesto namin kaya napayuko ako. Sa dinami-dami ng coffee shop, bakit dito pa talaga? "Charles." "Oh, Basti, upo ka." What the?! Napakagat ako ng labi habang hindi pa rin inaangat ang tingin ko. Putek! Magkakilala si Charles pati 'yung lalaking inaya ko ng kasal?! "Everyone, this is my cousin, Sebastian Anderson, Basti for short." "Hi, Basti. Nice to meet you," rinig kong bati ni Xian. "Sierra, baka naman gusto mong batiin 'yong pinsan ni Charles. Ang pogi, sis," bulong sa akin ni Xian. Napapikit na lang ako at huminga nang malalim. "Basti, this is Sierra Acosta, the owner of this coffee shop." Gaga ka, Xian! Lagot ka sakin mamaya. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Ininom ko muna ang kape ko bago tumingin sa katabi ko. "H-hi, nice to meet you," bati ko. "Single nga pala 'yang si Sierra," singit ni Xian. Narinig ko ang tawanan nila Mads. Tinignan ko si Basti at nahiya agad ako nang mapansin ang pag kunot ng noo niya. I'm dead! Naalala niya na siguro ako. Siguro nasa isip nito na ako lang naman 'yong babae kagabi sa parking lot na inaya siya magpakasal. Holy potatoes! "Wait, I left something in my car. Kukunin ko lang," paalam niya at tumayo. "Ang gwapo! May jowa ba 'yon, Charles?" tanong agad ni Xian. "Single. Masyadong tutok sa trabaho eh," sagot ni Charles. "Oh my God! Baka magkasundo kayong dalawa, Sierra," natutuwang sabi ni Mads. "Wait, bakit ganiyan mukha mo? Parang namutla ka bigla," sabi ni Jane sa 'kin. "Ay ibang klase ka kiligin, Sierra. Namumutla!" sabi ni Xian at malakas na tumawa. "Medyo masakit kasi ang ulo ko ngayon. Aakyat na lang muna siguro ako sa office ko," paalam ko. Tatayo na sana ako kaso hinawakan ni Xian ang braso ko at pinigilan ako. "Hindi pwedeng umalis. Chance mo na 'to, girl. Gusto mo magpakasal diba? Malay mo si Basti na pala ang groom mo," sabi niya sa 'kin. Maya-maya lang ay naglalakad na si Basti papalapit samin. Ngayon ko lang natignan nang maayos ang mukha niya. Moreno ang balat, matangos ang ilong, at parang nangungusap ang mga mata niya. Dagdag pa ro'n 'yung labi niyang mukhang malambot. Dumako naman ang tingin ko sa hawak niya. Nanlaki ang mata ko nang makit ang pouch ko. Tumabi ulit siya sa puwesto ko, "This is yours, right? Naiwan mo sa kotse ko." Tinignan ko ang kamay niya na hawak-hawak 'yong pouch ko. "Don't worry, wala akong kinuha d'yan." Napatingin ako sa mga kaibigan ko. They have this 'what-is-the-meaning-of-this' look on their faces. Patay na! Malalaman nila kung anong nangyari kagabi. Kinuha ko nalang agad 'yong pouch ko, "Uhm, punta lang ako sa restroom," paalam ko. "Babe, sasamahan ko lang si Sierra," paalam din ni Mads. "I need to pee. Naparami ata ang nainom kong tubig kanina," sabi naman ni Jane. Oh no! Alam ko na 'to. Sabay silang dalawa tumayo at tumingin sakin. "Can I join you, girls?" tanong ni Xian. "For girls only. Sorry," sabi ni Jane. So, paano ako aalis dito sa pwesto ko? Pader na 'tong nasa gilid ko at sa kabila naman ay si Connor. Bumuntong-hininga na lang ako. Tutal naman ay napahiya na ako kahapon, wala na akong ibang magagawa kundi kapalan na lang ang mukha ko ngayon. "Excuse me, Basti ." Tumingin muna siya sa akin bago tumayo. "Thank you," sabi ko nang makadaan ako. *** "Please explain," sabi ni Mads pagkapasok pa lang namin sa restroom. Pati si Jane ay nag-aabang sa mga sasabihin ko. Okay, no choice. Na-corner na nila ako so I really have to tell them what happened last night. Ikwinento ko sa kanila ang bawat pangyayari. Hindi ko naman maintindihan 'yong mga reaksyon nila. Para bang kinikilig sila o natatawa dahil sa kahihiyan na nagawa ko. "Nakakahiya nga. You just asked a stranger to marry you!" sabi ni Jane. "But d'yan nagsisimula 'yong iba. Malay mo magkatuluyan din kayo," sabi naman ni Mads. "Sa romantic novels or movies nangyayari 'yon, pero sakin? Imposible 'yon. Sabi nga ni Charles busy sa trabaho 'yon diba?" "No, Sierra. I can feel it," sabi ni Mads. Natawa nalang ako. Kung totoo man ang sinasabi niya, then I'd be happy. One of my goals is to get married on or before I turn 30. *** "Ide-deliver 'yan?" tanong ko kay Althea, isa sa mga barista rito sa café ko. "Opo, Ma'am Sierra, inaantay ko na lang po si Kuya Arnold," tumango na lang ako. Palakad na sana ako palayo sa counter nang tumunog ang telephone. "Hello?" Tinignan ko si Althea habang kinakausap kung sino man 'yong tumawag. "Si Ma'am Sierra po? Pero may taga-deliver po kami." Kumunot ang noo ko nang marinjg ang pangalan ko, "Who's that?" tanong ko. "Yung customer po na nag order niyan," aniya at tinuro 'yong mga nakabalot na pagkain at kape. Ibinigay sakin ni Althea ang telepono, "Hello, this is Sierra Acosta, the owner of this café." "Good morning, Ma'am Sierra. Secretary po ako ni Mr. Anderson at ni-request po niya na kayo daw po ang mag deliver ng mga in-order niya." Mr. Anderson? Sino 'yon? Tumingin ako sa wristwatch ko. Wala pa naman akong masyadong ginagawa pag ganitong oras. "Uh, sure. I'll be there in a few minutes," saad ko. Bakit naman kayo ako ang gustong mag-deliver doon? *** Mabilis akong nakarating sa S.G. Anderson Inc. One of the biggest companies here in the Philippines at malapit lang din sa café namin. Hindi ko lang kilala kung sino ba 'yong Mr. Anderson na tinutukoy ng secretary niya. Siya kaya ang presidente ng company na 'to? "Good morning. Ikaw po ba si Miss Sierra Acosta?" ayan agad ang tanong sa lobby pagkapasok ko. Kahit naguguluhan kung bakit niya ako kilala, tumango na lang ako. "Sa 4th floor po tayo. Nandoon po si Mr. Anderson," sabi niya at naunang naglakad palapit sa elevator. "Miss Sierra, dito po," sabi nung babae nang makarating kami sa 4th floor. Nandito kami ngayon sa tapat ng isang pinto. "Maiwan ko na po kayo. Pasok na lang po kayo d'yan," sabi niya at naglakad paalis. "Wait lang," tinawag ko siya pero hindi niya na ako pinansin. Kaloka! Hindi manlang ako sinamahan sa loob. Huminga muna ako nang malalim bago ko pinihit ang doorknob. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nasa loob. Tinignan ko siyang mabuti at nakangiti siya sakin. Binasa ko ang pangalang nasa table niya. Sebastian G. Anderson Sa baba nun ay may nakasulat na "Vice President." Oh my God! Tumayo siya at agad na lumapit sakin. Gusto ko pa sanang umatras pero parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. What the hell, Basti?! Nanlalaki pa rin ang mata ko habang nakatingin sa matangkad na lalaking nasa harap ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. I'm still in shock. "Woah! Apo, easy lang. Nandito pa ako." Biglang humiwalay si Basti sakin. "Good morning, babe." What the hell?! He just stole my first kiss tapos tatawagin niya akong babe?! Humarap siya sa matandang nakaupo malapit sa table niya. Tatawa-tawa pa ang matanda habang nakatingin samin. "Lolo, this is Sierra, my girlfriend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD