"Hey, are you okay?"
Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko naubusan na ako ng sasabihin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina.
"I'm sorry for what I did earlier. I need to do that to prove to my grandfather that I am in a relationship."
Napatingin ako kay Basti nang sabihin niya 'yon.
"Pinaplano niyang ipakasal ako sa babaeng hindi ko naman mahal. Cliché, right? Pero 'yon ang gusto niya," dagdag pa niya.
Cliché nga! Nabasa ko na 'to sa mga novel, e. Napapanood ko na rin sa mga movie. But, we're not in a freakin' novel or movie, kaya sana naman hindi niya na ako dinamay sa mga pakulo niya.
Tumayo ako. "Sir, pwede ko na po ba makuha ang bayad sa mga in-order niyo. Kailangan ko ng bumalik sa café."
Hindi ko na pinansin 'yong mga pinagsasasabi niya kanina, baka kasi kung ano pa ang masabi ko.
"Are you free tonight?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"I have to finish some works in my café," sagot ko.
"I'll be there at 6 PM. Let's talk." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Wala tayong pag-uusapan, okay? Ginamit mo na ako kanina at hindi na mangyayari ulit 'yon," sabi ko sa kaniya.
"Look, I'm really sorry, miss. I just want to treat you and talk about some stuffs," aniya.
Napairap na lang ako. Bahala siya d'yan.
Kinuha ko na ang perang nilagay niya sa table niya at lumabas na ako ng office niya.
"Siya pala yung girlfriend ni Sir?"
"Matagal na daw sila diba?"
"Well, bagay naman sila ni sir. Finally, nakita na rin natin siya."
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang usap-usapan ng mga empleyado rito. Lahat sila ay nakatingin sakin pero agad ding umiwas nang mapansin na nakatingin ako sa kanila.
Nilagpasan ko na lang sila at dumiretso na ako sa elevator.
***
Nandito ako ngayon sa office ko at hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung mga nangyari kanina. The kiss and the girlfriend thingy. What the hell!
Bigla kong naalala 'yung nangyari noong isang gabi. I asked him to marry me tapos ngayon pinakilala niya ako sa lolo niya bilang girlfriend niya.
"Mababaliw na ata ako rito," bulong ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa wristwatch ko at nanlaki ang mata ko nang makitang 5:45 PM na. Sabi ni Basti pupunta raw siya ng 6 PM.
Pupunta nga kaya siya? Uwi na lang kaya ako?
Tama! Uuwi na lang ako. Tapos naman na ang mga gawain ko rito sa café. Niligpit ko na ang mga gamit ko at nagmadaling lumabas sa office ko.
"Ma'am Sierra, uuwi na po kayo?" tanong nung isang staff ko rito.
"Ah, oo. May kailangan kasi akong asikasuhin sa bahay, e," palusot ko.
"Sige po. Ingat, ma'am."
Ngumiti ako at kinawayan sila.
"Welcome, sir." Narinig ko ang pagbati ng guard kaya napatingin ako sa entrance ng café. Gusto ko na lang bumalik sa office ko at magtago roon nang makita si Basti na kakapasok lang. But, it's too late dahil nakita niya na ako.
"So, you're leaving?" tanong niya nang makalapit siya sa akin. "Diba sabi ko sayo mag-uusap pa tayo?"
"May lakad kami ng mga kaibigan ko," sabi ko sa kaniya.
"E, ma'am sabi niyo po kanina may aasikasuhin kayo sa bahay niyo," singit nung staff na kausap ko kanina. Napapikit na lang ako sa inis. Should I fire her now?
"Naalala ko na may usapan kami ng mga kaibigan ko na lalabas kami ngayon," sagot ko at pilit na ngumiti.
"Kakasabi lang ni Charles na may aasikasuhin pa raw sila ni Madelaine."
Oh gosh! Mag pinsan nga pala sila ni Charles.
Okay. Mukhang wala na akong kawala rito.
***
"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kaniya. "I'll give you ten minutes para sabihin lahat ng gusto mong sabihin."
"10 minutes is not enough."
"15 minutes."
"No."
Napairap ako. Desisyon 'tong lalaking 'to.
"That night..." Napalunok ako nang sabihin niya 'yon. So, iniisip niya pa rin 'yon?
"Why did you ask me to marry you?" tanong niya.
"I'm just drunk that night. Wala ako sa sarili kaya nasabi ko 'yon."
Umayos ako ng upo at tinignan siyang mabuti. "Alam mo, kalimutan na lang natin ang nangyari noong gabing 'yon, pati na rin yung kanina."
"Hindi pwede, Sierra. Hinahanap ka ng lolo ko," aniya.
"Ano?! Bakit kasi ako ang pinakilala mo. Ang dami-daming pwedeng ipakilala d'yan eh."
Hindi siya sumagot.
"Bahala ka diyan! Madami akong ganap sa buhay kaya humanap ka ng iba na idadamay mo d'yan sa mga kalokohan mo," sabi ko sa kaniya.
Ngumisi naman siya. "Kaya pala NBSB ka."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "Paano mo nalaman 'yon?"
"Sa kiss?" aniya. Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm just kidding. Nabanggit lang 'yon ni Madelaine."
Ang galing naman talaga ng mga kaibigan ko.
"She also said that you still have one goal to achieve. You want to get married before you reach 30."
Ano pa kaya ang nakwento ni Mads?
"I can help you to achieve that goal," sabi niya.
"Kung binabalak mo na magpakasal sakin, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na hindi ako papayag. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal at lalo na sa hindi ko lubos na kilala," sabi ko sa kaniya. Kung hindi man ako ikasal bago mag 30, wala na akong magagawa.
"Edi kilalanin natin ang isa't-isa. Let's date."
What?! Ano bang pinagsasasabi niya?
"May gusto ka ba sakin?" Assuming na kung assuming pero bakit kasi ako ang kinukulit niya.
"As of now, wala. Pero malay natin diba? May itsura ka naman."
Wow!
"No! Hindi ako papayag. Mag hanap ka ng ka-date mo." Tumayo ako pero pinigilan niya ako.
"Wala ka ng magagawa. Girlfriend kita sa mata ng lolo ko," sabi niya at mas lumapit sakin.
"By the way, birthday niya sa Sabado and he wants to see my girlfriend."
So?
Parang hindi ako makahinga nang mas lumapit pa siya sakin. Konti na lang ay maglalapat na naman ang mga labi namin.
"See you on Saturday, baby," bulong niya at naglakad na palayo.
Inambaan ko siya ng suntok nung nakatalikod na siya.
Baby amp! Hindi ako sanggol!
Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang mga staff ko na nakatingin sa pwesto ko, ang iba naman ay sinusundan ng tingin ang paglabas ni Basti.
Holy potatoes!
***
"Hop in, babe," napa-irap na lamang ako sa sinabi ni Basti. Pagkapasok ko sa kotse niya ay saka naman siya lumipat sa driver's seat.
"Don't call me 'babe' pag tayong dalawa lang naman ang magkasama," sabi ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot, sa halip ay tumutok lamang siya sa pagda-drive. Bumuntong-hininga na lamang ako.
Nakatingin lang ako sa labas habang nasa biyahe papunta sa isang hotel kung saan gaganapin ang birthday party ng lolo ni Basti.
Ang sabi ko hindi ako sasama pero heto ako ngayon, nasa loob ng kotse niya.
"Hello, bakit ka tumawag?" tanong ko kay Basti. Alas dose na ng gabi tapos tatawag siya bigla.
"May gusto lang kumausap sayo."
"Sino? Ikaw? Ganiyan mo na ba ako kagusto? Na love at first sight ka siguro sakin---"
"Hello, Ms. Sierra?"
Oh my God! Sino 'to? Bakit boses ng matanda?
"H-hello po..."
"This is Basti's grandfather. You can call me Lolo Sergio. I just want to invite you to my birthday party this coming Saturday. Gusto ko lang mas makilala ang future wife ng apo ko," aniya at tumawa.
Future wife?!
"Sana makapunta ka, hija."
"Kainis," bulong ko. Kung hindi lang talaga ako kinausap ng lolo niya, hindi ako sasama eh.
"My grandpa is so excited to see you. We should act like a real couple in front of him."
"Pagbabayaran mo 'to," sabi ko sa kaniya na may diin pa.
"Don't worry, pakakasalan kita."
Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Ang sarap tirisin ng lalaking 'to.
***
"Sierra!" pagdating namin sa venue ay sinalubong agad kami ni Mads na parang gulat na gulat pa. Nasa likod niya si Charles na naka kunot ang noo habang nakatingin saming dalawa ni Basti.
"Woah! Siya ba yung kinukwento ni lolo na girlfriend mo raw?" gulat na tanong ni Charles.
Tinignan ko si Mads. Naniningkit ang mata niya at para bang may gustong-gusto na itanong sakin. Well, alam ko na ang itatanong niya. For sure, mamaya pauulanan na ako nito ng mga tanong na kung paano ako naging girlfriend ni Basti. Psh!
"Yeah. Sierra is my girlfriend," sabi ni Basti. Napataas ako ng kilay. Bakit di nalang niya sinabi yung totoo? Tutal pinsan niya lang naman si Charles.
Biglang hinawakan ni Basti ang kamay ko. Sinubukan kong humiwalay pero ang higpit ng pagkakahawak niya.
"Pupuntahan lang namin si Lolo," paalam ni Basti at hinila na ako palayo kila Charles at Mads.
Holy potatoes!
Habang papalapit ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Natatanaw ko na ang isang pamilyar na matandang lalaki na nakikipagtawanan sa mga bisita niya.
"Lolo," tawag ni Basti roon sa matanda. Napatingin samin si Lolo Sergio at malapad na ngumiti.
"Oh, nandito na pala ang apo ko," masayang sabi niya.
"Happy birthday, Lolo," bati ni Basti.
"Salamat, apo." Tumingin naman sakin si Lolo Sergio kaya naman mas lalo akong kinabahan.
"Ms. Sierra, you're here!" aniya at ngumiti. "You look gorgeous. Magaling pala pumili 'tong apo ko," dagdag pa niya at tumawa ulit.
Ngumiti na lang ako, "Sierra nalang po ang itawag niyo sakin. Happy birthday po pala." Inabot ko sa kaniya ang regalo na kakabili ko lang kahapon. Hirap na hirap ako bumili kahapon dahil hindi ko naman kilala ang lolo ni Basti at hindi ko alam ang gusto niya. Sa huli ay relo na lang ang nabili ko.
Humarap si Lolo Sergio sa mga kausap niya kanina. "By the way, this is Basti's girlfriend. Sierra, these are my friends, since college pa."
Ngumiti ako sa kanila. Pansin ko lang, masayahing tao ang lolo ni Basti. Kanina pa tawa nang tawa eh.
***
"Baka gusto mong magkwento," sabi sakin ni Mads. Bigla niya na lang ako hinila papunta rito sa restroom. "Hindi na ako magtatanong pa dahil alam mo naman na ang mga itatanong ko sayo," dagdag pa niya.
"Basti is not my boyfriend, okay?" panimula ko.
"Really? Pero pinakilala ka na kay Lolo Sergio," sabi niya.
"That's the problem! Hindi kami pero pinakilala niya ako sa lolo niya bilang girlfriend niya."
"Bakit ikaw?"
"Tinanong ko na rin 'yan kay Basti pero hindi niya ako sinagot. Kaya ngayon nagpapanggap kami," sabi ko sa kaniya. Nagtaka naman ako nang mapansin na ngumingiti siya.
"You look cute together. Bakit hindi niyo na lang totohanin?" napairap ako sa tanong niya. Naalala ko na may kasalanan pa sakin ang babaeng 'to. Kung ano-ano ang kwinento kay Basti tungkol sakin.
"Matagal ko ng kilala si Lolo Sergio, kung ano ang gusto niya, lahat 'yon nasusunod. I can see that he really likes you for Basti. Baka mamaya magtanong na 'yan tungkol sa kasal niyo," ngingiti-ngiting sabi niya.
"Gaga! Ang advance mo mag-isip."
Ngumiti naman siya at nagtatalon-talon.
"Oh my God, sis! Matutupad na ang goal mo na ikasal bago mag 30!" tuwang-tuwa pa siya.
"Malabong mangyari 'yon."
Sinuklay ko na lang ang buhok ko at nag retouch.
***
"So, ilang taon na pala kayo as a couple?" tanong ni Lolo Sergio na ikinagulat ko.
"Almost 2 years," nakangiting sagot ni Basti.
Gusto kong mag react. Almost 2 years, ilang araw pa nga lang kami nagkikita, e.
"Where did you meet? Sino unang na-in love? Paano ka niligawan ng apo ko?"
Napalunok na lang ako sa sunod-sunod na tanong ng lolo ni Basti. Tito Boy, is that you?
"Lo, we met in Singapore. Kaibigan niya rin sina Charles at Madelaine," sagot na naman ni Basti.
Singapore raw. Sa parking lot nga lang kami nagkita, e.
"Alam mo ba, apo? Kami ng lola mo, wala pang isang taon nang ikasal kami. Tapos 'yang sina Charles at Madelaine ikakasal na. Nakikita ko naman na mahal na mahal niyo ang isa't-isa. Kailan niyo ba balak magpakasal?" tanong niya.
Oh my God! So, ito pala yung sinasabi ni Mads.