"Lo, ihahatid ko na po si Sierra," paalam ni Basti sa lolo niya. It's almost 2am pero marami pa ring tao rito sa party. Pero gusto ko na talagang umuwi dahil may aasikasuhin pa ako mamaya sa bagong branch ng coffee shop ko.
Tumingin si Lolo Sergio samin at tumayo.
"Kailangan mo na ba talagang umuwi, hija?" tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. "Opo, e. May trabaho pa po kasi mamaya," sagot ko. "Thank you po pala for inviting me here. Happy birthday po ulit!"
Tumawa ulit siya. "Okay, okay! I understand. Thank you rin for coming... in Basti's life."
Halos masamid ako sa sarili kong laway nang sabibin niya 'yon. Inakbayan naman ako ni Basti.
"Sige na, Lo. Ihahatid ko muna siya."
"Okay, ingat! Basta, do not forget what I've said earlier. Pagkatapos ng kasal nila Charles, sa inyo naman ang aasikasuhin natin," aniya.
Pilit na lang akong ngumiti.
***
"Basti, please lang, sabihan mo na agad ang totoo sa lolo mo or humanap ka ng iba bago pa umabot 'to sa kasalan," sabi ko sa kaniya habang nasa sasakyan kami.
"Hindi 'yon gano'n kadali, Sierra. Nakita mo naman kung gaano kasaya si Lolo kanina. And he really likes you," sabi niya. "For now, ipagpatuloy muna natin 'to. Kilalanin natin ang isa't-isa."
Napapikit na lang ako sa inis.
Wala ba siyang kilalang ibang babae?
"You said earlier that you're going to Laguna to visit your new branch. Ihahatid na kita," sabi niya.
"Hindi na. Sasamahan na ako ni Xian."
"Wala naman akong gagawin sa office," saad niya.
Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa kalsada at seryosong nagda-drive.
"Ano ba talagang gusto mo, Basti?" tanong ko sa kaniya.
"I just want to help you. Saka mas makikilala natin ang isa't-isa kapag lagi tayong magkasama," sagot niya.
Napabuga na lang ako ng hangin. "Ano bang akala mo sa kasal? Tulong na pwede mong gawin sa kahit na sino? Papakasalan mo ako bilang tulong sakin? Gano'n ba 'yon?"
Bigla niyang itinigil ang sasakyan.
"Of course not! That's why we need to get to know each other. Kung wala talaga, edi wala. Kung may nahanap kang iba, then I will let you free. But for now, let's just try."
***
Pagkahatid sakin ni Basti sa condo ay umalis na rin siya agad. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama, nakatulala sa kisame.
Natutulog na sana ako ngayon pero patuloy pa rin na gumugulo sa isipan ko ang mga sinabi ni Basti.
I called Madelaine. Sinagot niya naman 'yon agad at mabuti na lang ay nasa bahay na rin silang dalawa ni Charles.
"Bakit, sis? Nakaalis na ba si Basti?" tanong niya.
Tumango naman ako.
I saw Charles sat beside her. Bigla akong nagdalawang-isip kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko. Parehas pa namang madaldal ang dalawang 'to at malapit pa kay Basti. Hindi ko rin alam kung bakit silang dalawa ang naisipan kong pagsabihan nito.
"Sa tingin niyo ba maikakasal talaga ako bago mag-30?" tanong ko. Sabay naman silang tumawa.
"OMG! Tumawag ka talaga to ask that question?" natatawang tanong ni Madelaine. I pouted my lips. "But, I think, yes. Lalo na't may Basti na."
"Ano palang plano niyo ni Basti?" tanong naman ni Charles.
"Sabi niya kilalanin daw namin ang isa't-isa. Pero hindi ko alam kung dapat ko ba siyang i-entertain. At isa pa, hindi tama ang ginagawa namin. Nagsisinungaling kami sa pamilya niyo at paano kung hindi 'to mag-work?" tanong ko.
"E, pano mo nga malalaman kung magwo-work or hindi kung hindi mo naman siya ie-entertain," sabi ni Mads. "Basti's right naman. Malay mo maging totohanan yang relasyon niyo."
"Don't worry about Basti. He's a good guy," saad naman ni Charles.
"Good guy, really? Pero nagawang magsinungaling sa lolo niya?" tanong ko kaya hindi sila agad nakasagot.
"Hindi ko siya pinagtatanggol dahil pinsan ko siya, a. But, I know there's a reason why he's doing this."
"So, ano? Dapat ko nga ba siyang i-entertain?" tanong ko ulit.
"You should! Alam mo, Sierra, kaya hindi ka nagkakajowa dahil takot ksng mag-entertain. Gustong-gusto mong ikasal bago mag-30 pero kapag may lalaking lumalapit sayo, iniiwasan mo naman. Kaya ngayon, try mo si Basti. Malay mo ito na yung time," sabi ni Mads at ngumisi.
"Okay, thank you. Sige na, matulog na kayo. Matutulog na rin ako."
"Okay! Byeee!"
Binaba ko na ang tawag. Pumikit ako at huminga nang malalim.
Siguro nga dapat kong subukan.
***
"Asan na ba si fafa Basti?" tanong ni Xian. Nakaupo siya sa couch ko habang nagce-cellphone.
"He's on the way---oh wait! Nasa baba na raw pala," sabi ko.
Mabilis namang tumayo ang bakla. Excited masyado.
"Bilis, girl!" utos niya sakin.
Nagsuklay lang ako at naglagay lang ulit ng lip tint.
"Hala siya, oh! Nagpaganda pa si bakla!"
Napa-irap na lang ako. Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na kami ng unit ko.
Pagkababa ay nakita agad namin sa lobby si Basti. He's wearing a white long sleeve and jeans. It's just a casual attire pero bakas pa rin ang professional kay Basti.
"Basti!" tawag ni Xian sa kaniya.
Naglakad kami papalapit sa kaniya.
"Let's go?" tanong niya. Tumango lang ako at sabay-sabay kaming lumabas ng building.
He opened the car door for me. Si Xian naman ay sa likod pumwesto. Tahimik lang kami habang nasa byahe hanggang sa nainip na ata si Xian at hindi na napigilang dumaldal.
"Basti, ilang taon ka na nga ulit?" tanong ni Xian.
"30," maikling sagot ni Basti.
"Oh, hindi halata, a."
'Tong baklang 'to, kala mo walang jowa.
"Ilan na naging girlfriend mo?" tanong na naman ni Xian.
"I had one when I was in college."
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang sabihin niya 'yon. Akala ko hindi pa siya nagkaka-girlfriend.
"So, kamusta naman kayo ni Sierra? In a relationship na ba?" kinikilig na tanong niya.
"Xian!" sigaw ko.
"Hehe, sorry naman."
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bagong branch ng The Hideout Cafe. This is actually the fifth branch. Meron tatlo sa Manila at dalawa naman dito sa Laguna dahil dito nakatira ang parents ko.
Pagkapasok namin ay binati agad kami ng mga staff. I saw my cousin, Belinda. Siya ang manager sa branch na 'to.
"Ate Sierra, kumusta?" tanong niya sakin nang makalapit ako sa kaniya.
"Ayos lang naman. Kumusta naman dito?" tanong ko. Nilibot ko ang tingin ko, may mga estudyante, may couples, at 'yung iba mag-isa lang.
"Ayos lang din po. Araw-araw naman may customer," sagot niya. "Boyfriend mo ba 'yon?"
Bahagyang nanlaki ang mata ko. Itinuro ni Belinda si Basti na nasa labas at may kausap sa phone.
"No, he's just a friend," sagot ko which is totoo naman. Wala naman kaming relasyon. Hindi nga rin sure kung magkaibigan ba talaga kami.
"Okaaay! By the way, Ate Sierra, may darating pala ngayon na mag-a-apply. Gusto mo ba ikaw na mag-interview?" tanong niya.
Tumango naman ako. "Sige. Tawagin mo na lang ako pag dumating na. Thank you," sabi ko.
Lumapit ako kay Xian na kinakausap 'yung isa sa mga barista kong lalaki. Napa-iling na lang ako. Nakakita na naman ng gwapo.
"Hoy, baks! Nag-e-enjoy ka d'yan?" bulong ko.
"Shh... may tinatanong lang naman ako," bulong niya pabalik.
"Tara, pasok muna tayo sa office," aya ko sa kaniya.
Nakita ko naman kung paano nanlaki ang mata niya. Napaka-OA talaga nito.
"Wag ako, sis. Nand'yan naman si Basti," sabi niya
Pinalo ko siya sa braso. "Ano ba! Samahan mo lang ako."
Ngumiti siya at tinanggal ang kamay kong nakapatong sa braso niya. "Susunod ako. Sige na."
Pinandilatan ko muna siya ng mata bago tumalikod.
I went inside my mini office. Ito na rin ang ginagawang office ni Belinda dahil minsan lang naman ako pumunta rito.
Ilang minuto lang ay may narinig akong kumakatok sa pinto.
"Pasok, baks!" sigaw ko.
"Who's baks?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang malalim na boses ni Basti. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatayo pa siya sa pintuan.
"Akala ko si Xian," sabi ko.
Naglakad siya papalapit sakin, may dalang cheesecake at kape.
"Belinda told me that you love cheesecake kaya binilhan kita."
Bahagya akong natawa.
"Why?" tanong niya.
"Bumili ka pa, e, ako naman may-ari nitong coffee shop," sabi ko.
Hindi siya sumagot, sa halip ay naupo lang siya sa couch na nasa harapan ko.
"Do you have any plans next week? Busy ka ba?" tanong niya.
"Bakit?" tanong ko habang nagtitipa sa laptop.
"We're having a team building. Wanna join us?"
Umiling lang ako at humigop sa kape. "Wag na. 'Di naman ako part ng company niyo," sabi ko.
"But you're my girlfriend..."
Agad akong tumingin sa kaniya.
"I mean... we're friends naman diba?" tanong ulit niya.
Binalik ko ang tingin sa laptop ko. "Titignan ko pa schedule ko."
"Okay. Just tell me if you want to join."
Lumipas ang dalawang oras. Nakapag-interview na rin ako at natapos ko na rin ang ilang gawain dito sa coffee shop.
"Sierra, susunduin daw pala ako ni boyfie. Pano 'yan? Mauuna na ako," sabi ni Xian.
"Akala ko ba buong araw mo akong sasamahan dito?" tanong ko.
Ngumuso naman siya. "Biglaan kasi, e. Bawi ako next time. Papunta na kasi siya, e," aniya. "Nandyan naman si Basti at nasabihan ko na rin siya."
Tinignan ko si Basti na nasa labas at mukhang kausap na naman. Sabi niya hindi raw siya busy ngayon, e mukhang kanina pa siya tinatawagan sa office nila.
Ilang saglit lang ay dumating na ang boyfriend ni Xian. Umalis na rin sila agad, nagmamadali yata.
***
It's already 6PM. May kumatok ulit sa pinto ng office ko.
"Pasok!"
Bumukas naman ang pinto at nakita ko si Basti.
"Let's have dinner," aniya.
"Liligpitin ko lang mga gamit ko," sabi ko.
Nag-unat-unat muna ako dahil nakatulog ako kanina. Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay lumabas na rin ako ng office.
"Uuwi ka na po, Miss Sierra?" tanong nung baristang kausap ni Xian kanina.
Ngumiti ako at tumango. "Oo, baka ma-traffic kami, e. Kayo ng bahala rito, ah? Babalik na lang ulit ako kapag hindi busy. Thank you!"
"Sige po. Ingat!"
Pagkatapos magpaalam ay lumabas na ako. Nakaparada na sa tapat ang kotse ni Basti. Nakasandal lang siya roon habang inaantay ako.
"Tara na," aya ko.
"I found some restaurants nearby, gusto mo doon na lang?" tanong niya nang makapasok na kami parehas sa sasakyan.
Tinignan ko siya. Napatingin din ako sa cellphone niya. Mukhang nag-search pa talaga siya ng mga mamahaling restaurant dito sa Laguna.
"Ayoko d'yan. May alam akong nagtitinda ng pares dito. You should try it. Sobrang sarap no'n," sabi ko.
Saka para kasing hindi pa niya nasusubukang kumain sa mga karinderya. Puro restaurant lang siguro alam nito.
"San ba 'yon?" tanong niya.
"Diretso lang."
***
"Mabubusog ka ba d'yan?" tanong hiya habang tinuturo ang isang bowl ng pares na nasa harap ko. Parehas lang kami ng order saka tig-isang Coke mismo.
"Oo naman," sagot ko at agad na humigop doon sa pares. Naramdaman kong nakatingin pa rin siya sakin kaya nag-angat ako ng tingin.
"Tikman mo na. Masarap 'yan."
Ngumiti ako nang tikman niya na ang pares.
"Ano? Sarap diba?" tanong ko.
Ilang segundo bago siya sumagot. "Yeah, it tastes good."
Nagpatuloy kami sa pagkain at kwentuhan hanggang sa nag-order pa ulit kami ng tig-isang bowl.
"Kailan ka ulit babalik dito?" tanong ni Basti.
Kumunot naman ang noo ko. "Hindi ko pa alam. Bakit?"
"Maybe we could do this again."
Napangiti naman ako. "Nagustuhan mo 'yong pares 'no?" tanong ko.
"Yeah," simpleng sagot niya. "And I found out that your parents are leaving here in Laguna. I want to meet them."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Ikaw, Basti, pagkatapos mo akong ipakilala sa lolo mo bilang girlfriend mo, ngayon naman you're telling me that you want to meet my parents. Tandaan mo, wala tayong relasyon," sabi ko sa kaniya.
"Doon din naman ang punta no'n," mahinang saad niya pero narinig ko pa rin naman.