Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nang marinig ang ingay na nanggagaling sa cellphone ko. Kinuha ko 'yon mula sa side table.
"Hello?" sagot ko sa tawag.
"Hello, Sierra. Nandito kami sa The Hideout," sabi ni Crystal.
Kumunot naman ang noo ko. Wala naman kaming usapan ngayon na magkikita-kita kami. Muli kong tinignan ang cellphone ko at nakitang 11am na pala.
"Anong meron?" tanong ko.
"Wala lang. Gusto lang namin bumisita," aniya. "Wait! Wait! May bagong dating."
Tumayo ako at dumiretso sa CR. "Okay. Maliligo lang ako."
"Bakla, bilisan mo! Fafa Basti is here!"
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Xian. Anong ginawa ni Basti sa coffee shop ko?
Binaba ko na ang tawag at naligo. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na agad ako sa condo unit ko. Doon na lang siguro ako sa coffee shop kakain para may kasabay ako.
Since malapit lang naman 'tong condo sa coffee shop, mabilis lang din akong nakarating doon. Nandoon na sila lahat, si Crystal at Jane, kasama ang mga asawa nila, si Mads at si Charles, si Xian, at si Basti.
"Kanina pa kayo?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila. Uupo sana ako tabi ni Mads pero sabay-sabay nila akong pinigilan.
Kunot-noo ko silang tinignan. "Anong problema niyo?" tanong ko.
"Mukha kang third wheel kapag nandyan ka sa tabi nila Charles at Mads. Tabihan mo na lang si Basti," saad ni Jane na sinang-ayunan naman ng iba ko pang kaibigan.
Psh! Alam ko naman ang gusto nilang mangyari. Wala na akong nagawa nang hilahin na ako ni Xian paupo sa tabi ni Basti.
"So, bakit nga kayo nandito?" tanong ko ulit.
"Bakit bawal ba?" tanong ni Xian.
"Alam mo, ang dapat na tinatanong ay si Basti," sabi naman ni Charles. Sabay-sabay kaming napatingin kay Basti na nananahimik dito sa tabi ko.
"Bakit ka nga pala nandito, Basti? Diba dapat nasa office ka?" nakangising tanong ni Charles.
"That's why I'm here. Isasama ko si Sierra sa office."
Napatayo ako sa sinabi niya. "Anong isasama?" gulat kong tanong.
Ano? Basta-basta niya na lang akong isasama? Bigla siyang pupunta rito para sunduin ako?
"Hindi ako sasama. Marami akong gagawin dito," sabi ko sa kaniya. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na nakangiti pa habang nakatingin saming dalawa ni Basti.
"Ibabalik din kita agad dito. We'll just have a lunch with Lolo," aniya.
Napa-irap na lang ako. Ayan na naman sa lolo niya. Mapipilitan na naman ako sumama dahil sa lolo niya.
***
1PM daw kami magla-lunch pero wala pa rin ang lolo niya. Kanina pa kami nandito sa office ni Basti. Nakaupo lang ako rito sa couch habang nagce-cellphone. Si Basti naman ay minsan nahuhuli kong tumitingin dito sa pwesto ko.
"Are you hungry?" biglang tanong niya.
Umiling lang ako pero ang totoo ay nakakaramdam na rin ako ng gutom. Hindi naman ako kumain bago umalis sa condo tapos pagdating sa coffee shop ay nakalimutan ko na rin kumain.
Isinara ni Basti ang kaniyang laptop at tumayo.
"Tara," aya niya sakin.
"Saan?"
"We're gonna have lunch," aniya.
"Pero wala pa ang lolo mo," saad ko. Pinanood ko siya habang nililigpit ang ibang gamit niya.
"Baka hindi na darating 'yon. Maybe he changed his mind and chose not to go. Gano'n si Lolo."
Napasimangot naman ako. So, kaming dalawa lang ang magla-lunch?
***
Nagtungo kami sa isang restaurant at kanina pa pala nakapagpa-reserve si Basti.
Pagkakuha ng waiter ng order namin ay naiwan na naman kaming dalawa ni Basti, tahimik at hindi nagkikibuan.
Binuksan ko na lang ang cellphone ko. My inbox was bombarded with my friends' messages, asking about Basti. A new message popped up and it is from Crystal.
Crystal
They want to drink later. Sama ka ba?
Mabilis naman akong nag-reply.
Sierra
Sure. Saan daw?
Crystal
Dun pa rin sa dati. You're with Basti pa rin diba? Invite him.
Hindi na ako nag-reply at tumingin kay Basti.
"Charles messaged me. Lalabas daw kayo mamayang gabi?" tanong niya.
Tumango na lang ako. Nasabi na pala sa kaniya ni Charles, e.
"Gusto mo raw sumama?" tanong ko.
"Hindi ko alam kung makakasama ako. I still have to finish some paper works in my office," aniya. "Sasama ka ba sa team building?" tanong niya ulit.
"Baka maka-istorbo lang ako sa inyo ro'n," sabi ko.
Dumating na ang order namin.
"No, that won't happen. Mag-e-enjoy ka do'n saka kasama naman ako," saad niya.
Napataas ako ng kilay. "Sinasabi mong mag-e-enjoy ako dahil kasama ka?"
Nagkibit-balikat lamang siya.
Tahimik kaming kumain. Minsan may mga tinatanong si Basti and sinasagot ko naman siya.
Actually, hindi naman boring kasama si Basti. Madalas seryoso siya pero minsan may pasimpleng banat o kaya'y nagbibiro rin.
I was about to sip on my juice when I heard a deep voice. Agad akong napalingon at nanlaki ang mata nang makita ang Lolo ni Basti. May kasama siyang tatlo pang lalaki na pare-parehas na naka business attire.
"Lolo."
Tumingin ulit ako kay Basti na nakatayo na.
"Tumawag ako sa office at sabi ng secretary mo ay lumabas ka raw. I didn't know you're here with Ms. Sierra. Ayos 'yan, apo. Natututo ka ng makipag-date," sabi ni Lolo Sergio at muling tumawa.
Tumingin sakin si Basti, naningkit naman ang mata ko nang agad din siyang umiwas ng tingin.
Sabi niya may lunch kami kasama ang lolo niya tapos ngayon malalaman ko na wala palang alam ang lolo niya tungkol dito.
"Lo, you told me last night to invite Sierra for a lunch, diba?" saad ni Basti, halatang pilit pa ang ngiti.
"What? I can't remember---ah, yes! Sinabihan nga kita kaso nakalimutan ko," sabi ni Lolo Sergio at tumingin naman sakin. "I'm sorry, Ms. Sierra," aniya.
Pilit na lang akong ngumiti kahit alam ko namang hindi totoo ang sinabi niya. Nakita ko naman kanina kung paano siya sinenyasan ni Basti.
"I guess, I'm already late. Nakakain na kayong dalawa at may mga kasama rin ako. Pwede bang bumawi na lang ako sa susunod?" nakangiting tanong ni Lolo Sergio.
"It's okay, Lo. Patapos na rin naman kami at kailangan pang bumalik ni Sierra sa coffee shop," sabi ni Basti.
"O, sige. Ingatan mo si Ms. Sierra. Dito na muna kami," paalam niya at nagtungo na sa table nila.
Pagkaalis nila Lolo Sergio ay muling naupo si Basti. Nakatingin lang ako sa kaniya, ngunit siya naman ay nakatungo lang, hindi makatingin ng diretso sakin.
"Babalik ka na ba sa coffee shop?" tanong niya, hindi pa rin tumitingin sakin.
"Oo. Kahit ako na lang mag-isa. Bumalik ka na sa office mo," sabi ko. Ininom ko lang ang juice ko at tumayo. "Thank you sa lunch. . . na hindi naman pala alam ng lolo mo."
Pagkasabi ko no'n ay tumayo na rin siya at tumingin sakin.
"I'm sorry, Sierra. I just want to. . . I j-just---"
"Sige na. Aalis na 'ko," paalam ko at tumalikod na.
"Ihahatid na kita," aniya.
"Wag na."
"Sierra, please."
***
Ilang beses akong napairap habang nasa byahe pabalik sa coffee shop. Hindi ko alam, basta may inis akong nararamdaman kay Basti. Siguro dahil nagsinungaling siya?
I really hate liars. Sino ba namang hindi maiinis diba? Pero gano'n kasi 'yung nakikita ko kay Basti. Una, nagsinungaling siya sa lolo niya tungkol sa relasyon namin. Tapos, ito namang lunch na siya lang naman pala ang may gusto. Though, hindi naman gano'n katindi 'yung pagsisinungaling niya ngayon. Pero kung gano'n siya lagi, paano ako magtitiwala sa kaniya? Paano ko siya magugustuhan---whatever! Wala naman nagsabi na dapat ko siyang magustuhan.
Nang makarating kami sa tapat ng coffee shop ay bababa na sana ako agad kaso bigla siyang nagsalita.
"I just want to have a lunch with you. Sorry if I lied to you."
Muli akong napairap.
"Bakit kailangan pang magsinungaling?" bulong ko.
"Sierra, please talk to me..."
"Bumalik ka na sa office," sabi ko at tuluyan nang bumaba ng sasakyan niya.
Nang makapasok ako sa loob ng coffee shop ay agad akong dumiretso sa office at hindi na nilingon si Basti.
Bawat oras na lumilipas ay may natatanggap akong message mula kay Basti. It's already 7PM at susunduin daw ako rito nila Mads at Charles.
Pagkatapos magligpit ng gamit ay lumabas na ako. Ilang saglit lang ay dumating na rin sina Mads.
"Hindi sasama si Basti?" tanong ni Mads nang makasakay kami sa sasakyan nila.
Umiling lamang ako.
"Text siya nang text sakin kanina. Diba magkasama kayo?" tanong naman ni Charles.
"Pagkatapos no'ng lunch, binalik niya na rin ako sa coffee shop," sagot ko.
Tumingin ako sa bintana. Kasalukuyan kaming nakatigil sa tapat ng isang mall. Traffic at punong-puno na naman ang mall dahil ber months na. Marami na namang namimili para sa Pasko.
"So, how's the lunch? Anong sabi ni Lolo Sergio?" tanong ulit ni Mads.
Muli akong napasimangot. "Hindi naman siya dumating. . . I mean dumating pala siya pero may iba siyang mga kasama."
"Huh? Bakit?"
"Basti lied. Hindi naman pala si Lolo Sergio ang nag-aya mag-lunch," sagot ko.
"So, gusto ko lang talaga makasama ni Basti?"
Dahan-dahan akong tumango.
"OMG!"
Napangiwi ako nang magtitili si Mads. Natawa naman si Charles.
"Pero mukhang LQ silang dalawa ni Basti base sa mga text niya sakin kanina," natatawang saad ni Charles.
Hindi ko na alam kung ilang beses na akong umirap ngayong araw pero napairap na lang ulit ako dahil sa sinabi ni Charles.
***
Pagkarating namin sa bar ay nandoon na sina Xian at ang jowa niya. Nandoon na rin sina Crystal. Si Jane na lang ang hinihintay namin pati ang asawa niya.
"Sinama niyo talaga mga jowa niyo, a," sabi ko sa kanila. Nagtawanan naman sila.
"E, nasan ba si Basti?" tanong ni Xian.
"Ewan. Saka hindi ko naman siya jowa kaya gano'n din, single pa rin ako," sabi ko at inabot ang shot glass na binigay ni Crystal.
"Oy, baks! Wag mong inaasar si Sierra. Badtrip yan dahil LQ sila ni Basti," saad naman ni Mads.
Napailing na lang ako. "Wow, Mads! Sinabihan mo pa talaga si Xian na 'wag mang-asar," sabi ko.
"Charot lang naman!"
***
Lumipas ang ilang oras at napaparami na rin ang naiinom namin. Dumating na rin sina Jane at ang asawa niya. Kaya ayun, napapaligiran ako ng magjo-jowa. Sana all na lang talaga.
"Sayaw tayo, Xian," aya ko sa katabi ko.
"Nandito si Jared, e," bulong niya sakin.
"Okay. Ako na lang," sabi ko at tumayo.
"San ka pupunta, Sierra?" tanong ni Crystal.
Itinuro ko lang ang dance floor. Maglalakad na sana ako pero agad naman akong pinigilan ni Charles.
"Mamaya ka na pumunta ro'n," aniya.
"Bakit? Hindi ako maka-relate rito, e. Ang haharot niyo," sabi ko. Narinig ko naman ang tawa ni Xian. "Sige na, hahanap din ako ng sakin," dagdag ko pa.
Tinalikuran ko na ulit sila at naglakad paalis sa pwesto namin pero hindi pa man ako nakakalayo ay may humawak na agad sa kamay ko.
Ang bilis naman nito. Hawak agad. Wala manlang "hi" or "hello."
Lumingon ako at laking gulat ko nang makita kung sino ang nakahawak sakin. Agad kong hinila ang kamay ko at kunot-noo siyang tinignan.
"Anong ginagawa mo rito, Sebastian?" tanong ko sa lalaking nasa harap ko.
Lalong kumunot ang noo ko nang dahan-dahan na sumilay ang ngiti sa labi niya.
Problema niya?
"I like it---no! I love it. . ."
"Huh?" naguguluhang tanong ko. Anong sinasabi niya.
"I love it when you call me in my real name," bulong niya.
Napalunok ako nang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Basti!"
Nakahinga ako nang maluwag nang biglang lumayo si Basti. Sabay kaming napatingin do'n sa tumawag sa kaniya.
May lumapit samin na lalaki, matangkad ito, medyo mahaba ang buhok, at mukhang ka-edaran lang din namin.
"Ngayon na lang kita nakita rito, a. At kasama mo pa si---"
"Yeah. Ngayon lang din nagkaro'n ng time," saad ni Basti.
The guy looked at me and smiled.
"So, who's this beautiful lady?" tanong niya.
"She's my girlfriend," mabilis na sagot ni Basti.
Psh! Hindi niya ako girlfriend!
"Sige, dito na muna kami, Calix."
"Okay, okay. If you're not busy, call me and let's hangout. I miss the old days. Sayang lang at wala si Syd, hindi tayo kumpleto," sabi no'ng Calix. "Oh, wait! Do you still have contact with her?"
"Matagal na kaming hindi nag-uusap."
"Oh! After your break---"
"Let's go, Sierra," saad ni Basti at hinila na ako palayo ro'n sa lalaki.
Imbis na bumalik sa pwesto namin kanina ng mga kaibigan ko ay dinala niya na ako sa labas ng bar.
Putek! Saan ako dadalhin nito?
---