SACHI'S POV "Pinapatawag nga pala tayo ni Mr. Montero," biglang sabi ni Clyde habang naglalakad kami papasok ng academy. "Bakit daw?" tanong naman ni Lyca. Nagkibit balikat lang si Clyde. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa may entrance ng school. Nakangiti akong humarap sa kanilang apat. "Magkita na lang tayo mamayang lunch," masiglang sabi ko sa kanila. Hindi na kasi kami magkakasabay dahil dadaan pa sila sa opisina ni Director. "Sachi, kasama ka sa pinapatawag," seryosong sabi naman ni Clyde. "Ha? Ako?" hindi makapaniwalang tanong ko pa. Buong akala ko kasi ay mga Grandis lang ang pinapatawag at hindi ako kasali doon. "Iyon ang bilin ni Mr. Montero e," sagot naman sa akin ni Clyde. Hindi na lang ako nagsalita pa. Naguguluhan man ay sumabay na ako sa kani

