21

484 Words
SACHI’S POV Dahil sa mga nangyari mabilis akong nakatulog agad. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako. At dahil maaga akong nakatulog ay maaga rin akong nagising. Napagdesisyunan ko rin kasi na ako na ang magluluto ng almusal namin. Bumangon na ako at bahagyang natigilan nang mapansin ko ang isang bulaklak na nakapatong sa may table ko. Hindi ko maalala na may nagbigay sa akin nito kahapon kaya ganoon na lamang ang pagtataka ko kung bakit mayroon nito dito. Marahan akong lumapit sa may table upang mas makita ng malapitan ang bulaklak. Imposible namang may makapasok dito sa kwarto ko dahil kung mayroon man ay paniguradong magigising ako agad. At isa pa, nilo-lock ko ang kwarto ko kapag matutulog na ako. Bumuntong hininga ako. Pati ba naman ang simpleng bulaklak ay pakaiisipin ko pa. Baka aksidente ko itong napalabas dahil Plantae ang Special ko. Baka dahil sa pagod ko ay hindi ko na namalayan na nakagawa na pala ako ng bulaklak. Hinayaanko na lang ang bulaklak sa table ko. Lumabas na lang ako ng kwarto ko atdumeretso sa kusina. Tiningnan ko ang mga pwede kong maluto para sa almusal. Napansin kong marami pang tirang kanin kagabi. Hindi kasi ako masyadong nakakain, at pati na rin si Lyca na kapansin pansin ang pananahimik niya. Balak ko pa sana siyang kumustahin kagabi ngunit dahil nga sa pagod ko ay hindi ko na nagawa. Kakausapin ko na lang siguro siya mamaya. Kinuha ko na lang ang tirang kanin dahil isasangag ko na lang ito. Kumuha na rin ako sa ref ng ilang pirasong itlog, bacon at tocino. Nagsimula na akong magluto dahil maya maya ay paniguradong magigising na sina Monica. "Sachi, ang aga mong nagising." Napalingon ako kay Clyde na nakangiti sa akin. Kakagising lang niya at halatang inaantok pa. Siya kasi dapat ang magluluto ng almusal ngunit dahil nga mas nauna akong magising, ako na ang nagkusa na magluto. "Maaga kasi akong nakatulog kaya maaga din nagising," sagot ko naman at saka ibinalik ang tingin sa niluluto ko. "Baka masanay na ako na ikaw lagi ang nagluluto," pabiro niyang sabi sa akin. Bahagya naman akong napangiti. "Pwede naman sa akin iyon. Walang problema," sabi ko pa. "Pwede ka munang matulog ulit. Tatawagin na lang kita kapag mag-aalmusal na tayo," dugtong sa sabi ko pa. Sa halip na sundin ang sinabi ko ay mabilis na umupo si Clyde sa may dining. Napailing na lang ako at napagdesisyunan na ipagtimpla siya ng kape. Nang matapos ako ay marahan ko iyong inilapag sa may harap ni Clyde. "Magkape ka na muna at tatapusin ko nang magluto," nakangiting sabi ko naman. "Salamat," nakangiting sabi nman niya. Tumango ako at bumalik na sa pagluluto. Kailangan ko nang matapos ito bago pa man magising ang iba. Ayokong makita o malaman nila na ako ang nagluto, lalo na ni Blake. Baka mamaya ay hindi siya kumain kapag nalaman niyang ako ang nagluto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD