13

1327 Words
SACHI’S POV “Good morning class!” Agad na nagsitahimikan ang mga kaklase ko nang dumating ang teacher namin. Pinagmasdan ko pa sila isa-isa at mahahalata sa kanila kung gaano sila kaseryoso ngayon. Lahat ay tahimik na naka-focus sa unahan at matiyagang naghihintay sa sasabihin ng teacher na kasalukuyang inaayos ang kaniyang mga gamit. “Hi Ms. Sachi, I’m glad you’re back. How are you feeling?” baling sa akin ng teacher nang magawi ang tingin niya sa may pwesto ko. Agad akong tumayo at deretsong tumingin sa kaniya. “Maayos na po ako Ma’am,” nakangiting sagot ko naman. Marahan siyang tumango sa akin. “That’s good. Okay class, dapat ay gayahin niyo rin si Ms. Sachi. Willing na i-sacrifice ang kaniyang buhay para sa ating prinsesa. Alam naman nating lahat na si Prinsesa Lyca ang magiging pinuno natin sa oras na sumapit ang kaniyang sapat na gulang. Siya ang pag-asa na mabuhay muli ang ating mundo. Naiintindihan niyo ba ako class?” “Yes Miss,” sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko. Bahagya akong nahiya sa sinabing iyon ng teacher namin. Hindi ko kasi alam na ganoon pala kahalaga sa kanila ang ginawa ko. Samantalang ginawa ko lang naman iyon dahil kaibigan ko si Lyca at may malasakit ako sa kaniya. Kahit na mahina lang ako at baguhan, handa ko ring protektahan ang mga kaibigan ko na tumanggap at nagmamahal sa akin ngayon. “Okay, for today’s lesson, ipagpapatuloy natin ang history ng Maxime. Anyone from the class who knows where Maxime came from?” Nagsitaasan ng mga kamay nila ang mga kaklase ko habang ako ay nakatingin lang. Wala kasi talaga akong kaalam alam sa mundong kinakabilangan ko ngayon. Gustuhin ko mang magtanong kina Monica ngunit nahihiya naman ako. “Yes Ms. Leslie.” Tumayo ang kaklase ko na nakaupo sa may unahan. Sumulyap pa siya sa akin at hindi ko alam kung inirapan ba niya ako bago niya ibinalik ang tingin sa unahan. “Nagsimula ang lahat nang umibig ang diwata ng apat na elemento na si Diwata Hiraya sa isang mortal na si Danilo. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon ng isang supling, si Danya. Dahil siya ay kalahating diwata at kalahating mortal, hindi nakuha ni Danya ang lahat ng kakayahan ng isang diwata. At dito na nagkaroon ng mga nilalang na may espesyal na kakayahan, ang mga Maxime.” “Very good Ms. Leslie,” nakangiting sabi ng teacher. Umupo na si Leslie, at muli pa siyang sumulyap sa akin. Hindi ako sigurado kung sa akin nga ba siya tumingin o namamalikmata lamang ako. Ngunit hindi ko maiwasan ang kabahan dahil pakiramdam ko ay may mangyayari na namang hindi maganda. “Ang ama ni Prinsesa Lyca na si King Caylix ang naging anak ni Danya. Siya ang kauna-unahang naging hari ng mga Maxime sapagkat siya ang may pinakamalakas na Special. Napangasawa niya si Queen Lindsay at nagkaroon ng isang supling, si Prinsesa Lyca,” dugtong na sabi pa ng teacher. Bahagya akong napatango. Iyon pala ang family background ni Lyca. Ngunit ang sabi ni Lyca ay lumaki rin siya sa mundo ng mga mortal. Ano kayang naging dahilan noon? At saka kung ang hari ang may pinakamalakas na Special, bakit kinailangan pang umalis sila at manirahan sa mundo ng mga mortal? “Miss, maaari po ba akong magtanong?” hindi ko napigilang itaas ang kamay ko at magtanong. “Sige Miss Sachi. Ano iyon?” nakangiting tanong naman sa akin ng teacher. “Nalaman ko po kasi na nanirahan ang hari at reyna sa mundo ng mortal kasama ang prinsesa. Sa ano po kayang dahilan?” magalang na tanong ko. Nagulat ako nang biglang magtawanan ang mga kaklase ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin na ikinatungo ko na lang. Hindi ko alam kung anong nasabi ko na ikinakatawa nila ngayon. “My gosh Sachi. Ikaw lang yata ang estudyante na hindi alam ang nangyari sa kanila,” natatawang sabi sa akin ni Leslie. Mas lalong lumakas ang tawanan dahil sa sinabing iyon ni Leslie. “Quiet class. Alam nating nanggaling si Miss Sachi sa mundo ng mga mortal kaya natural lang na wala siyang alam sa history ng mundo natin,” biglang sabi ng teacher namin. “Pero may mga history books tayo sa library, Miss. Pwedeng pwede siyang magbasa doon, iyon ay kung gusto niya talagang makilala ang mundo natin,” sabi naman ni Kyro, ang lalaking may kakayahang kontrolin ang buhangin. Bigla akong nanliit sa sinabi niyang iyon. May punto siya. Kung willing talaga akong malaman ang lahat ng kwento ng mundong ito, nagbasa na sana ako. Marami akong tanong sa isipan ko ngunit hindi ako nakagawa ng paraan para masagot ang mga tanong kong iyon. “That’s enough class. Okay, for your question Miss Sachi, nagkaroon ng hindi inaasahang digmaan sa mundo natin. Lingid kasi sa kaalaman ng lahat na may mga Dark Maxime pala. Sila ang mga Maxime na gumagamit ng itim na kapangyarihan at taliwas sila sa pamumuno ng hari. Nang malaman nila na ipinanganak na ang prinsesa, doon nila naisipang sugudin ang kaharian natin. Sa kadahilanang hindi handa ang buong kaharian, naisip ng hari na itago ang kaniyang mag-ina sa mundo ng mga mortal. Pagkatapos ay muli siyang bumalik dito upang labanan ang mga Dark Maxime. Matagumpay na naitaboy nila ang mga kalaban ngunit bagsak na ang kaharian. Doon naisipan ni King Caylix na itayo ang Special Academy kasama ang director na si Mr. Bryan Montero. At pagkatapos noon ay muling bumalik ang hari sa mundo ng mga mortal upang bigyan ng payapa at matahimik na buhay ang prinsesa.” Bahagya akong napabuntong hininga. Hindi ko akalain na ang mga nababasa ko sa mga libro ay totoong nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko akalain na matagal akong nawalay sa totoong mundo ko. “Si Mr. Montero ang namahala sa academy. At nang malaman ng mga Dark Maxime ang kinaroroonan ng prinsesa, agad silang nagpunta sa mundo ng mga mortal. Nang malaman ito nina Mr. Montero ay agad nilang pinuntahan ang pamilya ng Hari. Ngunit sa kasamaang palad ay binawian na ng buhay ang mag-asawa at ang naabutan na lamang nila ay si Prinsesa Lyca na kasalukuyang kararating lang din galing sa eskwelahang pinag-aralan niya noon sa mundo ng mga mortal.” “Pero Miss, bakit hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang lahat ng kakayahan ng prinsesa?” tanong ng isa kong kaklase. “Magandang tanong iyan. Tanging ang Earth Special pa lamang ang kayang palabasin ni Prinsesa Lyca sapagkat ito pa lang ang kaya ng katawan niya. Kaya nga nabuo ang academy upang maihanda ang katawan ng isang Maxime sa kung gaano kalakas ang Special niya. Sa paglaon ng panahon ay naniniwala ang lahat na mailalabas na rin ng prinsesa ang tatlo pa niyang Special, ang water, air at fire,” sagot naman ng teacher. Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Buong akala ko kasi ay isa lang ang maaaring makontrol ng isang Maxime. At dahil na-possess na nina Monica ang mga elemento, paanong maaaring ma-possess din ito ni Lyca? “Maaaring nagtataka kayo sapagkat mayroon na tayong mga Grandis. Ngunit ang pagkakaroon ng apat na Special ay namana ni Prinsesa Lyca sa kaniyang ama na si Haring Caylix na siyang anak ni Danya. Sa panahon natin ngayon, ang prinsesa ang maituturing na pinakamalakas sa ating lahat,” dugtong na sabi pa ng teacher. Medyo naguguluhan pa rin ako sapagkat paano kami dumami ng ganito kung nagsimula ang lahat sa lola ni Lyca na si Danya. Hindi naman kami magkakamag-anak upang manahin ang mga Special namin. Ni hindi ko nga rin alam kung Maxime din ba ang mga magulang ko sapagkat ni minsan ay hindi ko naman sila nakitang may ibang kakayahan noon. At isa pa, pinalaki nila akong isang normal na tao. Kung hindi ko pa nga nakilala sina Monica ay hindi ko pa mapapalabas ang Special ko noon. Kaya isang malaking palaisipan pa rin sa akin ang pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD