SACHI’S POV
Isang maingay na academy ang sumalubong sa amin ngunit agad ding nagsitahimikan ang mga estudyante ng makita nila kaming sama-samang naglalakad. Medyo nasasanay na ako sa atensyon na ipinupukol nila sa akin ngunit hindi ko pa rin maiwasan na kabahan at matakot na baka may gawin na naman sila sa akin.
Naalala ko ang sinabi sa akin ng direktor na hindi na nila ako gagalawin kapag nakita nila ang logo sa blazer ko ngunit sa nakikita ko ngayon, parang iba ang nararamdaman ko. Sa halip na pag-iwas ay parang mas lalo pa silang na-curious sa akin. Sino nga ba naman kasi ang kakarating lang sa mundong ito ang mspo=promote agad?
“Ayos ka lang ba, Sachi? Dapat kasi hindi ka muna pumasok at dapat nagpapahinga ka pa ngayon,” seryosong sabi sa akin ni Monica na kasabay ko paglalakad. Nasa kanan ko siya habang si Lyca naman ay nasa kaliwa ko.
“Ayoslang ako, Monica. At saka ilang araw na ba akong absent? Ayoko namang mapag-iwanan sa klase,” sabi ko naman.
“Dapat kasi kasama ka na din namin sa morning session. Ayaw pumayag ni Director e,” sabi naman ni Monica.
Napangiti naman ako. Kahit kasi isa akong Sub-Grandis, hindi ako pinayagan ng Director na makasama sila kapag umaga. Kailangan ko pa rin daw kasing malaman ang lahat-lahat tungkol sa mundong ito. Kaya sa mga regular students pa rin ako naksama kapag umaga. Sa hapon naman, kapag training na, doon ako mapapasama sa mga Grandis.
“Kailangan ko ito, Lyca. Upang mas maintindihan ko pa ang mundo natin. Para kahit papaano ay mabawasan ang mga tanong sa isipan ko,” sabi ko naman.
Tumango na lang sa akin si Lyca. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa designated room ko. Hindi kasi sila pumayag na ihatid ako hanggang dito kaya wala akong choice kundi sundin ang gusto nila.
“Punta ka na lang mamayang lunch sa tambayan natin ha. Ako ang magluluto ng tanghalian natin,” sabi naman sa akin ni Clyde.
“Well, good luck Sachi,” nakangising sabi naman sa akin ni Monica.
“Hoy, hindi man ako kasingsarap magluto ni Sachi, edible pa rin naman ang mga niluluto ko,” parang batang sabi naman ni Clyde na ikinatawa ko na lang.
Napatingin pa ako kay Blake na saktong nakatingin pala sa akin. Agad akong napaseryoso ng makita kung gaano siya kaseryoso ngayon. Nagagalit ba siya dahil kailangan pa nila akong ihatid? Pwede naman kasing huwag na siyang sumama sa paghatid kung masama ang loob niya.
“O siya, mauna na rin kami Sachi dahil malapit nang magsimula ang klase,” nakangiting sabi naman sa akin ni Lyca.
Tumango naman ako. “Salamat sa inyo ha,” sincere na sabi ko pa.
“Kita na lang tayo mamaya. Bye!”
Naglakad na palayo sa akin ang mga Grabdis habang ako ay naiwan dito sa may pinto ng room ko. Nakatingin lang ako sa kanila nang biglang luningon sa akin si Blake. Nagtagpo ang mga tingin namin at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at nagsimula na ring mamawis ang mga kamay ko.
Nang umiwas ng tingin si Blake ay napabuntong hininga naman ako. Marahan akong napailing at nagpasya na lang na pumaosk sa classroom. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa buong lugar. Ramdam na ramdam ko rin ang mga tingin sa akin ng mga kaklase ko. Doon ko naalala ang first day ko sa kanila. Hindi maganda ang pag-welcome nila sa akin kaya kinakabahan na naman ako. Sana naman ay wala na silang gawin sa akin ngayon. Hindi ko pa tuluyang nako=kontrol ang Special ko at natatakot ako sa maaari kong magawa kapag sinubukan na naman nila akong saktan.
Pagkaupo ko sa upuan ko ay bumalik na sa kanya kanyang ginagawa ang mga kaklase ko na ikinapanatag naman ng loob ko. Mukhang wala na nga silang kahit na anong plano.
“Sub-Grandis? First time magkaroon ng ganyan sa atin. Bakit kaya?” narinig kong sabi ng isa kong kaklase na nakatayo na sa unahan habang deretsong nakatingin sa akin.
Mukhang nagkamali ako. Hindi yata talaga nila papalampasin ang promotion ko.
“At ang mas nakakagulat, isang baguhan lang at hindi pa kayang kontrolin ang Special niya ang napili bilang maging isang Sub-Grandis. Instant,” sabi naman ng isang babae pa na nasa unahan din.
Nakarinig ako ng ilang mga tawanan. Lihim akong napabuntong hininga habang hinihiling na dumating na ang teacher namin. Hindi ko na gugustuhin pa na makagawa na naman ng eksena.
“Well, malalaman din naman natin kung malakas talaga ang Special niya. Sooner or later, malalaman natin kung deserve niya nga ba ang mga nangyayari sa kaniya.”
Natigilan ako at napaisip. Oo nga. Deserve ko ba ang lahat ng ito? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari sa akin. Simula sa pagiging Maxine hanggang sa heto, pagiging Sub-Grandis. Hindi ko pa man lubusang natatanggap ang pagkatao ko, nay responsibilidad na agad ang nakaatang sa akin.
Kung nabubuhay lang sana ang mga magulang ko, magagawa nilang linawin ang lahat ng gumugulo sa isipan ko. Sana man lang, bukod sa pera, ay nag-iwan din sila ng kahit sulat tungkol sa totoong pagkatao namin. Ngunit heto ako, para akong lumalangoy sa dagat. Hindi ko alam kung anong nilusungan ko at hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin dito.