11

570 Words
SACHI'S POV Kahit na late na akong nakatulog kagabi, maaga pa rin akong nagising kinabukasan upang magluto ng almusal namin. Tuluyan na rin kasing bumalik ang lakas ko kaya nakakagalaw na ako ng maayos. Gusto kong ipagluto ang mga Grandis na itinuring akong kaibigan at hindi nila ako iniwan noong panahong nanganganib ang buhay ko. Simpleng almusal lang naman ang inihanda ko. Maige na lamang na may natira pa kaming kanin kagabi kaya iyon na ang sinangag ko. Nagluto rin ako ng itlog at hotdog. Pagkatapos kong magluto ay saktong lakagising lang ni Lyca. "Good morning Sachi. Ang bango bango ng niluto ko," nakangiting bungad pa niya sa akin kanina. Nguniti naman ako pabalik sa kaniya at saka ko tinimpla ang kape naming lahat. Nagsilabasan na rin ang ibang myembro ng Grandis at lahat sila ay maganda ang gising, well maliban lang pala kay Blake na ni pagngiti ay hindi ginawa. Sabagay, ano pa nga bang aasahan sa isang Blake na ipinaglihi ata sa sama ng loob. "Wow! Ito ang isa sa na-miss ko sa 'yo, Sachi," nakangiting sabi naman sa akin ni Clyde na ikinatawa ko naman. "Kumain na tayo dahil baka ma-late pa tayo," sabi ko naman. Nagsimula na kaming kumain at lahat sila ay tahimik. Nakikita ko pa si Blake na paminsan-minsang tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung anong problema niya at wala naman ako sa mood para tanungin siya. Buong akala ko ay madaldal pa rin siya katuld kagabi ngunit nagkamali ako. Bumalik siya agad sa Blake na ni isang salita ay hindi man lang bumigkas. Natapos naman ng matiwasay ang almusal namin at bumalik na rin kami sa kanya-kanya naming kwarto upang maligo at magbihis. Nang matapos akong mag-ayos ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isa akong Sub-Grandis. Masyado pang magulo ang utak ko sa mundong kinabibilangan ko ngayon ngunit heto, para akong na-promote agad. Ni hindi ko pa nga kayang kontrolin ang Special ko at ang dami pang tanong ang naglalaro sa isipan ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto ko. Nagulat pa ako nang makita si Blake na simpleng nakatayo sa may tapat ng kwarto niya at nakatingin pa siya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kaniya at mabilis na bumaba sa may salas. Nandoon na sina Clyde, Lyca at Monica. Sabay sabay pa silang napatingin sa akin. "Mabuti na lang na nauna kang bumaba kaysa kay Blake," biglang sabi sa akin ni Monica na ikinakunot ko naman ng noo. "Bakit?" "Dahil ayaw na ayaw niyang naghihintay. Gusto niya na pagbaba niya dito, kumpleto na tayo para deretso punta na agad sa academy," sagot naman sa akin ni Lyca. Kaya ba parang masama ang tingin niya sa akin sa taas kanina? Mukha kasing hinihintay niya lang akong lumabas ng kwarto ko bago siya bumaba. At heto na nga siya, nandito na siya sa may salas pero hindi na siya tumigil. Dumeretso na siya palabas kaya agad kaming sumunod sa kaniya. Ang weird talaga ni Blake minsan. Bakit mas pinili pa niya akong hintayin sa taas? Pwede namang bumaba na siya agad sa may salas. At isa pa, bakit hindi man lang siya nagsalita o nagreklamo na mabagal akong kumilos at mag-ayos? Ay ewan. Ang dami ko na ngang iniisip, nagawa ko pang problemahin ang isang lalaki na wala naman yatang pakealam sa paligid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD