SACHI'S POV
“Ms. Adamson, ano ba ang pumipigil sa ‘yo para pumasok sa Academy?” seryosong tanong sa akin ni Director.
“Wala akong Special,” deretso ko namang sagot sa kaniya. Kahit anong gawin kong pag-iisip ay alam kong hindi ako nababagay dito. Wala akong Special, hindi ako katulad nina Monica na may mga kakayahan.
“Then how can you explain this?”
Inilahad ni Director ang palad nya at may lumabas doon na parang hologram. Ipinakita no’n ang mga nangyari kanina, ang pagpulupot ng mga vines kina Monica doon sa bahay, pati na rin ang nangyari sa gubat kung saan lumutang sa ere ang mga bulaklak at dahon.
“Aba malay ko, kayo itong may mga Special ‘di ba,” masungit ko namang sagot. Alam kong nagiging bastos na ako ngunit hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Masyado nang magulo ang utak ko sa mga oras na ito.
“You know what, you remind me of someone”, nakangiti nyang sabi sa akin.
He snapped his finger at kusang bumukas ang pinto ng opisina niya. Ngumiti pa siya sa akin at itinuro ang bukas na pinto.
“Good luck Ms. Sachi Annasha Adamson. And welcome to Special Academy.”
“What? Pero---“
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may humila sa kamay ko. Pagtingin ko kung sino iyon ay napasimangot na lang ako. Binuhat niya ulit ako katulad nang kanina at bumaba kami sa ground floor. Pagkababa namin ay agad niya akong binitawan at nagderetso na palabas ng building.
“Argh! Humanda ka sa ‘kin Blake. Makikita mo,” inis na inis na sabi ko kahit hindi niya ako narinig dahil nakalabas na siya.
“Let’s go Sachi. Ihahatid na kita sa kwarto mo,” nakangiting sabi sa akin ni Monica na dala pala ang maliit na box na ibinigay sa akin ni Director kanina. Hindi ko na kasi nadala pa iyon dahil sa biglang paghila sa akin ni Blake kanina.
Hinila niya ako kaya napatakbo na lang din ako katulad niya. Nang nakalabas kami ng building ay huminto siya.
“Wait, ano bang room number mo?” pabulong na sabi ni Monica habang binubuksan ang maliit na box. Nang makita niya ang hinahanap niya ay napangiti siya.
“Ayos! Magkatabi tayo ng room,” tuwang tuwa na sabi ni Monica then hinila niya ulit ako hanggang sa makarating kami sa isang building ulit. Hindi ko magawang makapagsalita dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang simple lang ng buhay ko at dahil lang sa nakikita ko ang school nila sa school ko ay naging kumplikado na ang lahat.
“Mabuti na lang na puno na ang mga kwarto sa Building B kaya dito ka sa building namin napapunta,” dugtong pa niya.
“Ha?” Sa wakas ay nagawa kong makapagsalita kahit isang word lang.
“Tatlong building kasi ang dorm dito sa academy. Ang Building A ay para sa mga Grandis, building B for girls and building C for boys,” nakangiting sagot naman niya sa akin.
“Then?” kunot noong tanong ko.
“Since wala nang bakanteng kwarto sa building B, sa building A ang room mo. Lima kasi ang room sa building ng Grandis.”
“Ano ang Grandis?” tanong ko sa kaniya habang naglalakad na kami papasok sa building A.
“Grandis are the Maxines that possesses the Elemental Specials, water, fire and air and earth. And as you can see, kaming tatlo ang kasama sa Grandis at ang pinakamalakas na Maxine and ewan ko ba kung bakit iba ang trato nila sa amin. Para kaming mga prinsesa at prinsipe. Well, nandito na tayo.”
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng building A. May limang pinto ito na iba’t iba ang kulay. Ito na ata ang sinasabi ni Monica na limang kwarto sa building A.
“Yung red ang pinto, kay Blake na kwarto ‘yon. Yung white ay kay Clyde then yung blue ay sa akin. At syempre yung green ay yung sa ‘yo,” sabi sa akin ni Monica habang itinuturo isa-isa ang mga pinto ng mga kwarto.
Magkatabi nga lang kami ng kwarto ni Monica, tapos ang katapat ko ay ang kay Blake at ang katapat naman ni Monica ay ang kay Clyde. Ang isa pang kwarto ay nasa dulo at kulay golden brown ang pinto nito.
“Eh kanino naman iyon?” tanong ko kay Monica.
“Para yan sa anak ng founder ng Academy na ito. Isa siyang tunay na prinsesa, and siya ang pinakamalakas sa lahat ng Maxine. She possesses the Earth Special. Isa rin siyang Grandis pero siya ang pinakamalakas sa amin dahil kaya niya ring kontrolin ang Special namin,” paliwanag naman niya sa akin.
“Nasaan siya?” tanong ko pa.
“Baka nagte-training. Her name is Lyca Samaniego. Pero mamaya na ang kwentuhan dahil nae-excite ako sa room mo, tara na.”
Masayang binuksan ni Monica ang magiging kwarto ko. Nilakihan pa niya ang awang ng pinto kaya kitang kita ko dito sa labas ang kabuuan ng kwarto. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang magiging kwarto ko.
“Yan na ba talaga ang kwarto ko Monica?” alanganin kong tanong sa kaniya.
Nakangiti naman siyang tumango sa akin habang ako ay natuod na lang dito sa pwesto ko. Wala kasing laman na kahit na ano ang kwarto. Walang kama, walang cabinet o closet, walang table at upuan. As in para lang siyang isang bakanteng room na may apat na sulok. Sanay naman ako sa simpleng pamumuhay ngunit hindi sa ganito na walang kagamit-gamit kahit na isa.
“Pumasok ka na,” sabi pa ni Monica. Nandoon na kasi siya sa loob ng kwarto.
Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa kwarto ko. The moment I laid my foot on the floor of the room, everything changed. From an empty room, it turns into my dream bedroom.
“Wow,” sabay naming sabi ni Monica.
Nagkaroon kasi ng malaking puno sa loob ng kwarto, malaki naman ang kwarto kaya kasya ang puno. Sa taas ng puno ay nandun ang kama, queen size. At sa gilid ng puno ay nagkaroon ng hagdan para makaakyat doon sa kama. Ang white na wall kanina ay nagkaroon ng pintura, para tuloy kaming nasa gubat ngayon dahil doon sa wall. Sa kisame naman ay may mga nakalawit na iba’t ibang kulay ng bulaklak. Then nagkaroon din ng table at upuan at sa tabi nito ay ang mga halaman na kung tawagin ay bonsai.
Kusa namang bumukas ang box na bigay ni Director kanina. Naglabasan doon ang napakaraming damit at uniform at kusa iyong nagpunta sa cabinet. Maliit lang ang box pero nagkasya lahat ng damit do’n?
“Plantae talaga ang Special mo Sachi, see?” tuwang tuwa na sabi ni Monica.
“Paano nangyari iyon?” hindi makapaniwalang tanong ko naman sa kaniya.
“Well, ganun talaga yon kapag bago ka pa lang. Sa una, bakanteng room lang pero once na pumasok ka na, kusang magbabago ang ayos ng kwarto base sa Special mo.”
Napatango na lang ako. Ang galing naman. Pero ibig sabihin, isa talaga akong Maxine at may Special ako? Ibig bang sabihin noon ay Maxine ang mga magulang ko?
“Hello!” sabay kaming napalingon sa babaeng bigla na lang sumulpot sa may pinto.
Matangkad siya at maputi. Kulay brown ang maikli niyang buhok at gano’n din ang mga mata niya. Matangos din ang ilong niya. Ang ganda niya.
“Lyca,” masayang tawag naman ni Monica.
Hinila siya papasok ni Monica dito sa kwarto.
“Sachi, siya ang sinasabi ko sa ‘yo na Earth Maximus, one of the Grandis. And Lyca, siya naman si Sachi Annasha Adamson.”
Bigla akong napayukod dahil sa sinabing iyon ni Monica. Siya ang Earth Maximus, ibig sabihin siya rin ang prinsesa kaya nagbigay galang agad ako.
“No Sachi, h’wag kang yumukod,” nakangiting sabi ni Princess Lyca.
“Oo nga Sachi, ayaw kasi niya na tinatrato siyang prinsesa,” sabi naman ni Monica.
“Ha? E ‘di ba sabi mo tunay na prinsesa siya?” naguguluhang tanong ko naman kay Monica.
“Oo, siya ang anak nina King Caylix at Queen Lindsay na siyang founder ng Special Academy,” mabilis na sagot naman sa akin ni Monica.
“Teka lang pala, kung may King at Queen, ibig sabihin may kingdom,” sabi ko sa kanila.
“Yes, ang Special Kingdom. Pero matagal na itong bumagsak dahil sa mga Dark Maxines na sumugod dito 17 years ago. Nang masira ang kingdom, itinayo naman ang Special Academy para sa susunod na henerasyon,” pagkukwento ni Monica.
“After na maitatag ng magulang ko ang Academy, they choose to go away. Nanirahan kami sa mundo ng mga tao. I was a baby that time kaya napalaki nila ako bilang normal na tao. They never told me my true identity. Until one day, nakita ako ni Director Montero. And ito na, tinuturing nila akong prinsesa kahit ayoko,” malungkot na sabi ni Princess Lyca.
“Nasaan na ang King at Queen?”
“They died because of Dark Maxines. Bago pa man kami makapunta dito, sumugod sa bahay ang mga Dark Maxines. Kaya ako lang ang nakabalik sa mundong ito,” malungkot na sabi niya.
“I’m sorry,” hinging paumanhin ko naman.
“No, it’s okay. But you will call me Lyca, okay?” nakangiti niyang sabi sa akin.
“O-okay Lyca.”
“Nice room, plantae ang Special mo?” pag-iiba niya ng usapan.
“Yeah. I think so,” alanganing sagot ko naman.
Ngumiti sa akin si Lyca pati na rin si Monica. Then sabay na silang tumayo.
“Magpahinga ka na Sachi, para makapaghanda ka bukas,” nakangiti pa ring sabi ni Monica.
“Bakit?”
“First day mo as Maxine at estudyante ng Special Academy,” sagot naman ni Lyca.
Pakiramdam ko ay namutla ako dahil sa sinabi niyang iyon. So ito na talaga ‘yon? Wala na talagang atrasan ito. Kabilang na ako sa mundong ngayon ko lang natuklasan. At masyadong napakabilis pa ng mga pangyayari. Hindi ko pa lubusang naa-absorb ang lahat.
“Kinakabahan ka ba? Huwag kang mag-alala, nandito kami para tulungan kang makapag adjust,” nakangiting sabi naman sa akin ni Monica.
Medyo nakahinga ako ng maluwag at saka bahagyang napangiti. “Thanks Monica and Lyca.”
“Sige na, magpahinga ka na. See you tomorrow.”
Lumabas na sila ng kwarto ko. Pinagmasdan ko pa ang buong kwarto ko at saka huminga ng malalim. Umakyat ako doon sa puno kung nasaan ang kama ko at pabagsak na nahiga doon.
Sobrang daming nangyari ngayon. Special, Maxine at kung ano ano ang mga nakikita ko. Sana nandito sina Mommy at Daddy para maipaliwanag nila sa akin ng maayos. Kung nandito lang sana sila.