5

1662 Words
SACHI POV Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako, well, hindi naman talaga ako masyadong nakatulog kagabi. Kaya pakiramdam ko tuloy ay isa akong zombie. Bumangon na lang ako nung may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad ko naman yung binuksan at ibinungad ang nakangiting si Monica. “Good morning Sachi, mabuti naman at gising ka na. Maligo ka na at magbihis dahil kakain na tayo ng breakfast bago pumasok.” Tumango na lang ako sa kanya at isinara na ulit ang pinto. Dumeretso ako sa cabinet at kinuha ang uniform. Ang uniform dito ay isang skirt na black na above the knee ang haba, then blouse na kulay brown and blazer na white. Well, mahina talaga ako sa description. Pumasok na lang ako sa banyo para maligo. After 30 minutes ay tapos na ako. Pinagmasdan ko pa ang sarili ko sa salamin, suot ko na yung uniform at napabuntong hininga na lang ako. College na ako sa mundong kinalakihan ko, pero dito, mukang highschool lang ako. Lumabas na lang ako ng kwarto. Ito kasing building na ito ay parang isang malaking bahay. May kusina, may sala, may terrace at syempre yung mga kwarto namin. Dumeretso ako sa kusina at nandun na silang lahat, sina Monica, Lyca, Clyde at Blake. “Come here Sachi, let’s eat.”, nakangiting sabi sa akin ni Monica. Pero hindi ko sya pinansin dahil natuon ang atensyon ko sa mga uniform nila. Kapareho naman ito ng sa akin pwera na lang dun sa blazer nila na may logo ng academy. Parang napansin naman ni Lyca ang pagtataka ko dahil ngumiti sya sa akin. “Wag ka nang magtaka Sachi, Grandis kami kaya may logo ang blazer namin.” Napatango na lang ako. So may special treatment talaga silang apat. Bigla tuloy akong nanliit at the same time ay na-out of place. I mean, hindi dapat ako nandito sa building na ito dahil hindi ako Grandis. Hindi rin dapat ako nakikihalubilo sa kanila dahil normal na Maxine lang ako. Kung bakit ba naman kasi naubusan ng space sa dorm ng mga girls eh. “I am not belong to this.”, pabulong kong sabi pero alam ko naman na dinig nila yun. “Sachi, you are a Maxine. Hanggang ngayon ba ay ayaw mo pa ding paniwalaan yan?”, tanong sa akin ni Clyde. “No, what I mean is, sa inyo. I am not a Grandis.” “So what? Dito ka nakatira sa building namin so you are one of us.”, sabi naman ni Lyca. “Pero—“ Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinila na ako ni Monica sa tabi nya. “Let’s eat guys.”, masayang sabi naman ni Clyde. Habang kumakain ay nagkwekwentuhan lang sina Clyde, Monica at Lyca habang si Blake ay tahimik lang na kumakain. Siguro hindi talaga sya palaimik. Tapos kung iimik naman sya, lagi na lang pagalit. Pinaglihi nga siguro sya sa sama ng loob kaya hindi marunong ngumiti. Paano kaya sya natatagalan nina Monica? Parang ang hirap naman kasi nyang pakitunguhan. Hindi mo alam kung natutuwa ba sya o nagagalit. Hindi mo din alam kung anong iniisip nya. “Stop staring.” Natigilan ako nung biglang magsalita si Blake. Hala, nakatitig na ba ako sa kanya? Tumingin sya sa akin at nakaramdam ako ng takot. Ang sama kasi ng tingin nya na akala mo eh gusto na akong patayin. Kung nakakamatay nga ang tingin nya, kanina pa ako nakabulagta sa sahig. Tumungo na lang ako dahil hindi ko na kaya pang salubungin ang tingin nya. “As of 6am, 2 words agad ang nabigkas ni Blake. Improving.”, sabi naman ni Clyde na tumingin pa talaga sa wrist watch nya. Sinamaan naman sya ng tingin ni Blake kaya agad na napatungo si Clyde at kumain na lang ulit. Napatawa naman sina Lyca at Monica. Ako naman ay kumain na lang din. Pero hindi ako masyado nakakain dahil ramdam ko pa din ang tingin sa akin ni Blake. Sabi ko pa naman sa sarili ko ay gagantihan ko si Blake dahil sa pagbuhat nya sa akin kahapon, kaso sa tingin pa lang nya, natatakot na ako. Tss. After naming kumain ay isinabay na nila ako papunta sa magiging classroom ko. Iba kasi ang section nila sa section ko kaya ihahatid na lang daw nila ako para hindi ako maligaw. May sarili daw kasing klase ang Grandis, ibig sabihin, sila sila lang ang magkakaklase. Ganun sila kaimportante sa school na ito to the point na nakabukod sila sa mga normal na Maxine. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa paligid ko. Halos lahat ng mga estudyante ay napapatingin sa amin, more on ay sa akin. Bakas sa mga mata nila ang pagtataka. Sabagay, magtataka talaga sila dahil kasama ko ang mga Grandis, tapos baguhan pa lang ako. Hindi naman masyadong malayo yung dorm sa classroom ko. Dalawang palapag yung building at nasa second floor yung classroom ko. Inihatid nila ako hanggang dun. “Salamat.”, sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin pwera na lang kay Blake. After nun ay umalis na din sila. Huminga naman ako ng malalim bago pumasok sa classroom. Natigilan lahat ng bago kong kaklase nung pumasok ako. Nagderetso agad ako sa pinakalikod at naupo dun sa may tabi ng bintana. Ramdam ko pa din ang mga tingin nila pero hindi ko na lang yun pinansin. May naramdaman akong isang matulis na bagay na papunta sa akin kaya agad ko yung naiwasan. Tumama yung matulis na bagay sa pader at nalaglag sa sahig. Mabuti na lang tinuruan ako ni daddy noon ng physical defense kaya matalas ang senses ko. Dalawang bagay ulit ang papunta sa akin at nagmumula ito sa likod ko kaya yumuko ako para iwasan ulit ito. Tumama yung dalawang yun sa may whiteboard. Masyado silang hospitable, ramdam ko ang pagwewelcome nila sa akin. Tss. Pinusod ko na lang ang buhok ko. Hindi ko na yun inayos kaya may ilang strands na hindi napasama sa pusod. After nun ay tumingin na lang ako sa may bintana. Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino man ang may gawa nun. Bahala sila sa buhay nila. Psh. Hindi pa man ako nakakamove on sa tensyon na idinulot nung mga bagay na ibinato nila sa akin ay bigla na lang naging buhangin ang pwesto ko. Hinihigop nito ang mga paa ko. Tumayo ako para umalis sa pwesto ko kaso wrong move. Dahil lumubog na ang paa ko sa buhangin at hindi ko na ito maalis pa. Narinig ko naman ang mahinang tawanan nila. Huminga ako ng malalim para mapakalma ko ang sarili ko. Ganito kasi ang nararamdaman ko nung magamit ko ang Special ko kina Blake. At ayoko nang mangyari ulit yun dahil muntik na akong makasakit nun. Pero huli na ata para pakalmahin ang sarili ko dahil bigla na lang may naglabasan na mga vines sa sahig ng room. Hindi ko alam ang gagawin dahil lahat ng kaklase ko ay pinuluputan ng mga vines. Lahat sila ay sinubukang labanan ang mga vines na yun pero wala silang nagawa. Hala, anong gagawin ko? Hindi ko alam kung paano paaalisin ang mga vines na ito. “Hey b***h, let us go!”, galit na sabi nung isang babae. Hindi nila magamit ang Special nila dahil nakatali na din ang mga kamay nila gamit ang vines. Pakiramdam ko tuloy ay papatayin nila ako once na makawala sila sa mga vines. Malay ko ba naman kasi kung paano kokontrolin ito. “What’s happening here?” Natigilan ako nung biglang may pumasok na babae na parang nasa 30+ ang age. Kung hindi ako nagkakamali ay sya ang teacher namin. I’m dead. Napakagandang first day naman nito. “Sya po ang may gawa Ms. Tina.”, turo sa akin nung babaeng tinawag ako na b***h. Tumingin naman sa akin yung si Ms. Tina kaya napatungo naman ako. Nakalubog pa din pala ang mga paa ko sa buhangin. Sino ba naman kasing may gawa sa akin nito? “So you must be the new student.”, sabi sa akin ni Ms. Tina. “Yes po. Pasensya na po talaga. Hindi ko po alam kung paano sila pakakawalan.”, nahihiya kong sabi sa kanya. “It’s okay, dahil in the first place, sila ang nagtrigger sayo para magamit mo ang Special mo.” “Po?” Tinuro nya ang mga paa ko na nakalubog pa din sa buhangin. Then tumingin sya dun sa isang lalaki. “Mr. Kyro, kung gusto nyong makaalis lahat dyan, let her go,” sabi nito dun sa lalaki. Narinig ko namang bumuntong hininga yung si Kyro then he snapped his finger. At bigla na lang nawala yung buhangin sa paa ko. So yung Kyro palang yun ang may kakayahang kontrolin ang buhangin. Unti unti naman nawala ang mga vines sa buong classroom hanggang sa tuluyan na itong nawala. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa palagay ko naman ay walang nasaktan sa kanila. Pero medyo napaatras ako dahil lahat sila ay masama ang tingin sa akin. “What is your name Miss?” tanong sa akin ni Ms. Tina. “Sachi Annasha Adamson po.” “Okay then, you may now sit.” Sinunod ko naman ang sinabi nya pati nga yung mga kaklase ko ay nagsiupo na din. So ganun na lang ba yun? Hindi man lang ba kami dadalhin sa Prefect of Discipline para kausapin. I mean, diba ganun dapat para hindi na maulit yung nangyari kanina. Haist bahala nga sila. Hey b***h, hindi pa tayo tapos. Humanda ka sa akin mamaya! Medyo nagulat ako nung may marinig akong nagsalita. Pero parang ako lang ata ang nakarinig nun dahil walang nagreact kahit isa. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko yung babae kanina, nakatingin sya sa akin. So sya ang nagsalita. Hay naku Sachi, napakaganda talaga ng first day mo sa school na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD