7

1611 Words
SACHI POV “Alam na ng mga Dark Maxine na nandito ang prinsesa.”, seryosong sabi ni director habang nakatingin kay Lyca. Napatungo naman si Lyca habang nilalaro ang mga daliri nya. Pinagmasdan ko din ang iba ko pang kasama, bakas sa kanila ang labis na pag-aalala. “Matagal na nilang hinahanap si Lyca dahil sa taglay nitong Special. Sinasabi ko ito sa inyo, hindi para takutin kayo, kundi para mas maging handa kayo lalo ka na Princess Lyca.” “May posibilidad ba na umatake sila dito anumang oras?”, tanong ni Clyde. “Hindi nila gagawin yan. Hindi sila susugod dito dahil alam nilang wala silang laban sa atin. Pero alam kong gagawa sila ng paraan para lamang makuha ang prinsesa.” “Ano po bang kailangan nila kay Lyca?”, tanong ko naman. “The king of Dark Maxine will steal the Special of Lyca. Kapag nagawa nya yun, sya na ang magiging pinakamalakas na Maxine at magagawa na nyang sakupin ang Special Academy. At kayong lahat, kayo ang inaatasan kong magbantay at magprotekta kay Lyca.” “Pati po ako? I mean, gusto ko ding syang protektahan pero hindi ako Grandis.”, nahihiya kong sabi. Totoo naman kasi eh. Hindi dapat ako kasama sa kanila dahil isa lang akong ordinaryong Maxine. Ang Special ko ay under lang ng Special ni Lyca. Baka nga ako pa ang maging pabigat sa kanila sa halip na maprotektahan namin sya. At isa pa, baguhan pa lamang ako. “Ang Plantae Special mo ay isang malaking suporta sa Special ni Princess Lyca which is Earth. Sakop mo ang lahat ng uri ng halaman sa mundo and isa yung malaking tulong sa kanilang apat. Kaya kasama ka nila ngayon.” Wow, ganun ba kalakas ang Special ko? Sa pagkakaintindi ko kasi sa sinabi ni director ay parang pumapangalawa ako sa kanila kaya ibig sabihin, hindi basta biro ang taglay kong Special. “Kaya kung ayos lang sa kanilang apat, sa kanila ka na sasama simula ngayon. You’re now a Sub-grandis.” “Ayos na ayos yan.”, sabay sabay na sabi nina Monica, Lyca at Clyde. “Teka lang po, hindi po ba unfair yun sa iba, bago pa lang ako dito pero parang napromote agad ako?” Mas lalo lang magagalit sa akin ang ibang Maxine. At nakikita ko na ang maaaring mangyari sa akin sa mga susunod na araw. Ngumiti naman sa akin si director then nagsnap sya ng finger nya. Biglang umilaw ang blazer ko na ikinatayo ko sa upuan. Ilang saglit lang ay nawala ang ilaw at pinagmasdan ko ang blazer ko. May logo na din ito ng academy. Ang kaibahan nga lang ay kulay ginto yung sa apat samantalang yung akin ay kulay silver. “Ang logo na yan ang magpapatunay na isa ka nang sub-grandis. Wearing that logo, they can’t hurt nor harm you. So don’t worry.” Tumayo din si Monica at bigla akong niyakap. “Yes, you’re one of us na. So wala ka nang maidadahilan pa para mag alinlangan na sumama lagi sa amin.”, tuwang tuwa na sabi sa akin ni Monica habang yakap pa din ako. Masaya din ako katulad nila. Pero nangangamba pa din ako. Alam kong hindi ako matatanggap ng ibang Maxine katulad ng pagtanggap nila kina Monica. Baka nga mas lalo pa silang magalit sa akin. “So Grandis, introduce her to Ms. Aira as the sub-grandis and train her as well. Is that clear?” “Yes director!” “You may go now.” Sabay sabay na kaming lumabas ng opisina ni director. At dahil ata sa labis na kasiyahan nung tatlo ay lumipad agad sila pababa kaya naiwan na naman ako sa Blake na ito. “You are one of us now, so fly.” Pagkasabi nun ni Blake ay itinulak nya ako. Hindi ko yun inasahan kaya dere deretso akong nahulog. Napasigaw ako at narinig ko pa ang pagtawag sa akin nina Monica. Hindi ako marunong lumipad. Shocks. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinintay na bumagsak ang likod ko sa matigas na sahig. Humanda ka sa akin Blake kapag nabuhay pa ako. Ilang minuto din siguro ang itinagal ko sa ere bago ko naramdaman ang pagbagsak ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero hindi naman ganun kasakit ang likod ko na ipinagtaka ko naman. Sa sobrang taas kasi ng pinagbagsakan ko, inaasahan ko na lasug lasug na ang katawan ko. Nanatili lang akong nakahiga hanggang sa lumipad na pababa si Blake na nakangisi pa sa akin. Lumuhod sya sa tabi ko at inilapit ang mukha nya sa bandang tenga ko. “Sub-grandis huh.” Kinilabutan ako sa ginawa nya. Ramdam na ramdam ko kasi ang hininga nya sa tenga ko at pakiramdam ko ay nagsitayuan ang mga balahibo ko. Pagkasabi nya nun ay tumayo na sya at naglakad palayo. “Sachi, okay ka lang ba?”, nag-aalalang tanong ni Monica. “Sa tingin mo ba okay lang sya? Ikaw kaya ang bumagsak mula dun sa taas.”, sabi naman ni Clyde and ayun, nagbangayan na lang sila ng nagbangayan. “Pagpasensyahan mo na lang si Blake hah. Ganun lang kasi talaga sya.”, sabi sa akin ni Lyca habang inaalalayan akong tumayo. Nakatayo naman ako pero ramdam ko ang sakit ng likod ko. Nangangatal nga din yung tuhod ko dahil sa takot kanina. Nakita ko mula sa nabagsakan ko kanina ang mga halaman. Kaya pala lesser ang impact ng pagkakabagsak ko dahil sa mga halaman na bigla na lang sumulpot dito. “Thanks Lyca sa pagsalo sa akin.”, mahina kong sabi sa kanya. “Hah? No, that’s not mine. It is your Special Sachi.”, nakangiti nyang sabi sa akin. Napatango na lang ako kahit hindi ko alam kung paano ko nagawa yun. Pero hindi yun ang concern ko ngayon. Mabilis akong naglakad at hindi na ininda pa ang sakit ng likod ko. Kailangan kong maabutan yung lalaking yun. Ang dami na nyang kasalanan sa akin and this time ay hindi ko na ito palalampasin pa. Nakita ko si Blake na pumasok sa isang room kaya agad ko syang sinundan. It was an empty room at nakaupo lang sya sa isang sulok habang nakapikit. “Hoy Mr. Blake Montero!”, sigaw ko sa kanya kaya agad syang nagmulat ng mata at tumingin sa akin. Mas lalong nadagdagan ang inis ko nung nagsmirk sya. “I hate you so much like the way you hate me.”, seryoso kong sabi sa kanya. Tumayo sya at nilaro laro ang apoy na nasa kamay nya. Pero kahit ipakita pa nya sa akin kung gaano sya kalakas, wala akong pakialam. Nasaktan nya na ako kanina kaya I don’t care kung saktan nya ulit ako. Nagsmirk ulit sya bago nya ibinato sa akin yung apoy sa kanyang palad. Agad ko naman yung iniwasan pero hindi lang pala yun isa. Pinaulanan nya ako ng apoy nya kaya umiwas lang ako ng umiwas. Halos malibot ko na nga ang buong room kakaiwas. Nalaglag na nga din yung pusod ko kaya sumabog na sa mukha ko ang buhok ko. Pero hindi nya ako tinigilan dahil patuloy lang sya sa pagbato sa akin ng apoy nya. Nauubos na ang pasensya ko kaya tumigil ako sa kaiiwas. Kinuha ko sa may hita ko ang matagal ko nang iniingatan na bagay. Mabuti na nga lang na maikli ang palda ko kaya madali ko iyong nakuha. It was a gold dagger na pamana pa sa akin ni daddy at sa tagal kong iningatan ito ay ngayon ko pa lang magagamit. Tumalon ako ng mataas para makaiwas sa mga atake nya at kasabay nun ay ibinato ko ang dagger papunta sa direksyon ni Blake. Sa tantya ko ay sa braso sya tatamaan nito. Wala naman kasi akong balak na patayin sya. Pero bago pa man makalapit sa kanya ang dagger ko ay may malaking shield na sumulpot sa harap nya. Sa tingin ko ay hindi sya ang gumawa nun dahil nagulat din sya dun sa shield. “Special versus physical defense, that was awesome.” Sabay kaming napalingon sa may pinto ng room. May isang babae dun na nakatayo habang nakangiti sa amin. “Tss.”, narinig kong sabi ni Blake. “So you must be the sub-grandis. What’s your name?”, nakangiting tanong sa akin nung babae. “Sachi Annasha Adamson po.” “Nice meeting you hija. I’m Ms. Aira, the personal trainor of the Grandis.” Inilahad nya ang kamay nya na agad ko namang tinanggap. After nun ay lumayo ako sa kanya para pulutin ang dagger ko. Sayang, masusugatan ko na sana ang mayabang na lalaking yun. “Napahanga mo ako Ms. Sachi, alam na alam mo kung paano gamitin ang physical defense. Hindi na ako nagtataka kung bakit ikaw ang pinili ng director para maging Sub-grandis.” Ngumiti na lang ako dahil sa sinabing yun ni Ms. Aira. Hindi pa rin kasi ako komportable sa pagiging Sub-grandis. “Ms. Aira!”, malakas na sigaw ni Monica habang tumatakbo sila palapit sa amin. “Monica, Lyca and Clyde. 2 minutes late.”, seryosong sabi ni Ms. Aira. Bigla naman akong kinabahan dahil sa pagiging seryoso ni Ms. Aira. “Well, mag-eextend kami ng 2 minutes sa klase mo para mabawi namin ang 2 minutes naming late.”, nakangiting sabi ni Clyde. “Okay then. Let’s start.” Seriously? Yun na yun? Akala ko pa naman istrikto si Ms. Aira pero mukang mali ang akala ko. Oh well, good luck to me. Dahil hindi na lang ako basta ordinaryong estudyante dito. Tss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD