SACHI POV
Natapos ang training class namin kay Ms. Aira na nakatunganga lang ako at pinapanood yung apat sa pagttraining nila. Sabi kasi sa akin ni Ms. Aira, obserbahan ko daw muna kung paano nakokontrol nung apat ang mga Special nila para daw magkaroon ako ng idea kung paano makokontrol ang Special ko. Then bukas, sya daw mismo ang magtetrain sa akin personally.
“Nakakapagod.”, pagrereklamo ni Monica.
Naglalakad na kasi kami pabalik sa dorm namin dahil tapos na nga ang klase. Nag-uunat unat pa nga si Monica, mukang napagod nga talaga sya kanina.
Malapit na kami sa dorm nung makaramdam ako ng kakaiba sa paligid. Tiningnan ko ang mga kasama ko pero parang wala silang nararamdamang kakaiba. Isasawalang bahala ko na sana yun kaso lalong lumakas ang pakiramdam ko.
“Yuko!”, sigaw ko kina Monica.
At dahil nga sa biglaang pagsigaw ko ay automatic na sumunod sila sa sinabi ko. Tumalon naman ako ng mataas para iwasan ang arrow na papunta sa pwesto namin ngayon. Pero may kasunod pa palang isa yun kaya hindi ko ito naiwasan at tumama ito sa braso ko.
“Sachi!”, sigaw nina Monica at Lyca.
Agad namang gumawa ng shield sina Clyde at Blake. Napaluhod naman ako dahil sa arrow na nakatusok sa braso ko ngayon.
“Nasa rooftop sila ng building C.”, mahina kong sabi.
Lumapit sa akin si Lyca at Monica. Tiningnan nila ang braso ko.
“Clyde, Blake, weapon ito ng isang Dark Maxine.”, sabi ni Monica nung makita nya ang arrow sa braso ko.
“Sachi, dadalhin ka namin sa hospital.”, nag-aalalang sabi sa akin ni Lyca.
Inalalayan nya akong makatayo. Bigla namang sumulpot sa harapan namin ang dalawang lalaki na nasa rooftop kanina. Nakacloak silang itim kaya hindi namin masyadong maaninag ang mukha nila.
“Ibigay nyo na ang prinsesa para wala nang gulo.”, sabi nung isang nakacloak.
“Ang lakas naman ng loob nyong sumugod dito.”, sabi naman ni Clyde.
Tinanggal ko yung nakatusok sa akin na arrow. Tiniis ko na lang na wag humiyaw sa sakit. Sa tanang buhay ko, ngayon lang may nanakit sa akin ng ganito. Kaya sa sobrang inis ko ay ibinato ko pabalik dun sa lalaki yung arrow na may dugo ko na. Tumama ito sa bandang tiyan nya. Mahina lang yung pagbato ko kaya nasugatan lang sya at hindi tuluyang bumaon yung arrow.
Sumugod na din sina Clyde at Blake dun sa dalawang lalaki. Si Monica naman ay gumawa ng shield para sa amin ni Lyca. Shield para protektahan si Lyca para hindi sya makuha, at sa akin na duguan. Tss.
Ilang saglit lang ay wala nang malay yung dalawang lalaki. May dumating na dalawang guardian ng academy at binitbit yung dalawa. Hindi ko lang alam kung saan sila dadalhin dahil alam kong buhay pa sila. Nawalan lang sila ng malay dahil sa mga atake nina Clyde at Blake.
“Okay lang ba kayo?”, nag-aalalang tanong ni Clyde.
“Si Sachi.”, banggit naman ni Lyca.
“Okay lang ako.”
Pinilit kong ngumiti kahit na nanghihina na ako dahil medyo madami na ding dugo ang nawawala sa akin. Nararamdaman ko na din ang sobrang sakit ng sugat ko at pakiramdam ko ay damay na ang buong katawan ko.
“Ako na ang bahala sa kanya. Pumunta kayo kay dad at ibalita sa kanya ang nangyari.”, seryosong sabi ni Blake.
Binuhat ako ni Blake at mabilis na lumipad kaya hindi na ako nakaangal pa. And take note, maayos na ang pagkakabuhat nya sa akin.
Ilang saglit lang ay nasa tapat na kami ng hospital. Sosyal na academy talaga ito dahil may malaking hospital sa loob.
Ibinaba ako ni Blake pero pagkababang pagkababa ko ay nakaramdam ako ng matinding hilo. Bumilis din ang t***k ng puso ko na akala mo ay sasabog na.
“Blake.”
Yun na lang ang nasabi ko then wala na.
MONICA POV
Agad naming ibinalita kay Director ang panunugod sa amin ng dalawang Dark Maxine kanina. At dahil doon ay nagpadagdag agad sya ng mga guardian sa paligid ng academy.
Sinabi din namin na sugatan si Sachi kaya agad kaming sumunod sa hospital.
I admire Sachi a lot. Sobrang talas ng senses nya dahil naramdaman nya ang mga Dark Maxine. At kung hindi dahil sa kanya, baka kami ngayon ang nasa hospital.
“Kamusta sya Blake?”
Yan agad ang bungad ni Director kay Blake. Pero hindi kumibo si Blake. Tumingin lang sya sa emergency room. Marahil ay nandun pa sa loob si Sachi. Pero bakit sobrang tagal naman atang ginagamot si Sachi?
Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Director at tinapik sa balikat si Blake. Sanay na din kasi sya sa anak nya na hindi palaimik.
Maya maya pa ay lumabas na ang doctor na gumamot kay Sachi. Sya si doc Ferdie, healing ang Special nya.
“Kamusta ang sugat ni Ms. Sachi?”, tanong ni director.
“Sa office tayo.”
Kinabahan ako sa sinabing iyon ni doc Ferdie. Bakit kailangang sa opisina pa mag-usap? Simpleng sugat lang naman ang natamo ni Sachi. Ni hindi sya nalapatan ng Special ng Dark Maxine.
“May problema ba Ferdie?”, seryosong tanong ni director nung makarating kami sa opisina nya.
“Hindi simpleng sugat ang natamo ni Ms. Sachi. May lason ang panang tumama sa kanya.”
“What?”, gulat na tanong ni Lyca.
“Yes princess. Kumalat na ang lason sa puso at utak nya kaya wala pa din syang malay ngayon.”
“Pero magiging okay naman sya diba?”, tanong ko kay doc.
“Ang lasong kumalat sa katawan nya ay lason na galing sa isang rare plant. Hindi kaya ng Healing Special ko na alisin ang lason sa katawan nya. Ang isang bagay na pinanghahawakan ko na lang ay ang katotohanan na Plantae ang Special nya. Maaaring malabanan nya ang lason pero maaaring hindi din.”
Agad kong pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Alam kong malalabanan ni Sachi ang lason na yun. Malakas sya at hindi isang lason ang makakatalo sa kanya. Sub-grandis sya, kaya naniniwala akong sisiw lang sa kanya ang lason na yun.
“And one more thing, within 48 hours, kapag hindi pa din sya nagigising, ibig sabihin nun ay hindi nalabanan ng katawan nya ang lason.”
Dun na ako tuluyang nanlambot. Ganun na ba katindi ang lason na yun na kayang patayin ang isang Maxine sa loob lamang ng dalawang araw?
“I know she can.”
Lahat kami ay napatingin kay Blake nung bigla syang magsalita. Minsan lang sya magsalita, pero bawat salitang binibitawan nya ay tumatagos sa amin. Tama sya, Sachi will survive.
Tumayo na si Blake at lumabas na ng opisina. Nagpaalam na din kami kay doc Ferdie at lumabas na din. Naabutan pa namin si Blake na pumasok sa kwarto ni Sachi. Agad kaming sumunod sa kanya.
Pagkapasok namin ay bumungad agad sa amin ang walang malay na si Sachi. Namumutla na din sya at may benda ang brasong tinamaan ng pana kanina.
“Hindi ba talaga nag-iisip ang mga Dark Maxine? Nilagyan nila ng lason ang mga pana nila. Paano kung si Lyca ang tinamaan? Edi lalo silang nawalan.”, naiinis na sabi ni Clyde.
“Sa tingin ko ay para sa inyong apat lamang ang mga panang iyon. Mahihirapan silang kuhanin si Lyca kung umaaligid kayo sa kanya. They tried to kill the four of you through that poison.”, paliwanag ni director.
“At dahil malakas ang senses ni Sachi, nagawa nyang i-iwas kayo sa mga panang iyon.”, dugtong naman ni Lyca.
“Nagiguilty ako.”, mahina kong sabi.
Nagiguilty ako dahil hindi ko nagawang protektahan si Sachi. Kung tutuusin, mas malakas kaming apat kaysa sa kanya, pero sya pa itong nagligtas sa amin, kaya ngayon ay nalagay sa panganib ang buhay nya. She doesn’t deserve this.
“Wag nyong sisihin ang sarili nyo Grandis. Walang may gusto ng nangyari. Let’s just hope na maging maayos na sya.”, sabi naman ni director na nakatingin lang kay Sachi.
Tumingin na lang din ako kay Sachi. May machine na nakakabit sa kanyang daliri. Ang machine na ito ang nagsasabi kung gaano kabilis ang heartbeat nya. At base sa monitor ng machine, stable ang heartbeat nya kaya medyo kampante ako. Sana magtuloy tuloy na yun at tuluyan nyang matalo ang lason na nasa katawan nya.
Kung alam ko lang na may lason ang panang yun, nadala na sana namin agad sya dito. Hindi sana kakalat ang lason sa katawan nya. Tss.
Maya maya pa ay nagpasya nang umalis si director. Iimbestigahan pa daw nya kasi yung dalawang Dark Maxine.
Gabi na din pala. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pag-aalala kay Sachi.
“Monica and Lyca, mabuti pa siguro kung umuwi na kayo sa dorm. Kami na ni Blake ang bahala dito. Gabi na din kasi.”, seryosong sabi ni Clyde.
“No, magbabantay din kami dito.”, sabi naman ni Lyca.
Tama, magbabantay din kami kay Sachi. Baka mamaya ay gumising na sya, kaya dapat nandito din kami pagkagising nya.
“May pasok pa bukas. Kaya sige na, umuwi na kayo para makapagpahinga na din kayo.”, pagpupumilit pa ni Clyde.
Napairap na lang ako. Alam kong hindi magpapatalo si Clyde. Pero hindi din ako magpapatalo.
“Ganito na lang, kayong dalawa ni Blake ang umuwi at kami ni Lyca ang magbabantay.”, nakangiti kong sabi.
“No, umuwi na kayong apat sa dorm nyo dahil may mga guardian sa labas ng kwarto para mabantayan si Ms. Sachi.”, sabi ni Director na bigla na lang sumulpot dito.
“Pero ---“
“That’s an order Grandis.”
At dahil ang Director na ang nagsalita, wala na kaming nagawang apat kundi ang lumabas ng kwarto at umuwi sa dorm.
Tama nga sya, may dalawang guardian ang nasa labas ng kwarto ni Sachi. Pati nga sa labas ng dorm namin ay may mga guardian na din. Hinayaan na lang namin ang gusto ni director. Nag-aalala lang siguro sya sa seguridad namin lalo na ni Lyca.