15

404 Words
SACHI'S POV Pagkapasok namin ni Monica sa tambayan ay bumungad sa amin si Lyca. Ngumiti siya sa akin. "Okay ka lang ba, Sachi? Bakit ngayon ka lang?" sunod sunod na tanong pa ni Lyca sa akin. Marahan akong napabuntong hininga. "Pasensya na. Medyo nahuli ako. May dinaanan pa kasi ako," pagsisinungaling ko. "E bakit parang namumula ka? May nangyari ba?" biglang tanong naman sa akin ni Clyde na kakalabas lang ng kusina. Marahan akong umiling. Pinilit ko ring pakalmahin ang sarili ko dahil kung ano ano na lang ang napapansin sa akin ng mga kaibigan ko. Magsasalita na sana ako nang biglang dumaan sa gilid ko si Blake. Walang imik siyang naglakad papunta sa may kusina. Kaya naman nagkibit balikat na lang si Clyde at bumalik na rin sa kusina. "I think we should eat. Nagigising na ang dragon sa tiyan ni Blake," mahinang sabi sa amin ni Lyca. Tumango naman si Monica at sabay na silang dalawa na naglakad din papunta sa kusina. Napailing na lang ako at tahimik na sumunod sa kanila. Kanya kanya nang sandok ang mga kaibigan ko nang makaupo ako sa upuan ko. Sinulyapan ko pa si Blake na walang emosyong kumakain. Habang sina Monica, Lyca at Clyde naman ay masayang nagkukwentuhan habang kumakain. "Bakit parang matamlay ka, Sachi? Hindi ba masarap ang luto ko?" biglang tanong sa akin ni Clyde nang mapansin niyang kakaunti pa lang ang bawas ng pagkain ko. "Masarap ang luto mo Clyde," nakangiting sabi ko naman. Masarap naman talaga ang luto niya. Hindi ko lang halos makain sapagkat nawalan ako bigla ng gana. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa nangyari kanina. Nanunuyo ang lalamunan ko at nahihirapan akong lunukin ang pagkain. "Hindi halata, Sachi," seryosong sabi naman ni Clyde. Marahan akong ngumiti. "Bumebwelo lang ako, Clyde," pagsisinungaling ko pa. Gusto ko nang kurutin ang sarili ko dahil ang dami ko nang kasinungalingan ngayong araw. Hindi ako tinuruan ng mga magulang ko ng ganito ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan kong magsinungaling para sa mga kaibigan ko. "Damihan mo ang kain mo ha. Hinanda ko talaga 'yan para sa 'yo," nakangiting sabi naman ni Clyde. Agad akong ngumiti sa kaniya. "Oo naman," mabilis kong sagot sa kaniya. Hindi na nagsalita pa si Clyde. Ngumiti na lang siya sa akin at saka ibinalik ang atensyon sa pagkain. Lihim naman akong napabuntong hininga. Mapipilitan akong ubusin ang pagkain ko para naman hindi madismaya si Clyde.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD