Kabanata 10

2178 Words
"Magandang umaga, Ma'am Mayumi!" Halos sabay-sabay na pagbati sa akin ng mga trabahador sa taniman ng manga. Tipid akong ngumiti bago tumango. Isinama ako ni Akihiro dito sa manggahan para maintindihan ko ang problemang kinakaharap namin ngayon. Ipinaliwanag niya na sa akin ang lahat. Naintindihan ko naman at kahit papaano'y nagkakaroon na ako ng ideya kung anong marapat na gawin. Pansin ko ngang kakaunti ang naha-harvest nila. Sa one hundred percent na dapat na anihin, sixty lamang ang nakukuha. Saan napupunta ang kakulangang forty? Dalawa lang naman ang maaaring sagot. Maaaring nagkaroon ng peste at pinuntirya ang aming mga prutas. Pero tanging sa manggahan lamang iyon nangyari. At iyon ay isang bagay na kahina-hinala. Kaya maliit ang tiyansang iyon nga ang sagot. Kaya wala kaming pagpipilian kundi mag-stick sa isang bagay. May magnanakaw sa loob ng hacienda. "Hey," bati sa akin ni Akihiro. Kaagad ko siyang nilingon. Pansin ko ang pawis sa kaniyang noo. Medyo basa na rin ang kulay puti niyang t-shirt. Tumulong kasi siya sa pagbubuhat ng sakong may manga. Isinakay nila iyon sa malaking truck na siyang magdadala sa LDF. Ang dried fruit shop na ipinatayo ni Dad bago ito mamatay. "Nababagot ka na ba?" "Hindi naman." Tipid kong sagot bago pinagmasdan ang masuyo niyang pagpunas sa kaniyang pawis. Mabilis ko namang iniwas ang aking tingin nang magsalubong ang aming mga mata. I cleared my throat. "How's the investigation?" Tahimik na naupo si Akihiro sa duyang kahoy na kinauupuan ko. Isang unan ang pagitan namin. Ganoon pa man, nakakarating pa rin sa ilong ko ang mabango niyang amoy. Kahit yata ang pawis niya'y maaaring ibentang pabango. s**t. "So far, maayos naman. Nagkakaroon na kami ng lead. Ayaw pa kasing magsalita nung testigong nakuha namin. But don't worry, masusulosyunan din natin ito." Mahabang sagot ni Akihiro bago sumandal. Huminga siya ng malalim. Mariing pinagmasdan ang mga tauhan na abala sa pagtatrabaho. "Gusto mo bang maglibot?" Pagdaka'y tanong niya sa akin. Kaagad ko siyang sinulyapan. Itinaas lamang niya ang kilay bago ngumiti. "Maglibot tayo mamaya gamit ang mga kabayo." "After lunch?" I asked. "Yes, after lunch. Wear some comfortable clothes para hindi ka mahirapan sa pagsakay ng kabayo." Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko'y niyayaya niya akong lumabas. Para tuloy akong bumalik sa pagiging teenager. Nakakainis dahil unti-unti na namang bumabalik ang paghanga ko sa kaniya. Matagal na panahon ko na iyong nakalimutan. Matagal na panahon ko nang ibinaon sa nakaraan ang damdaming iyon. Damdaming hindi ko alam kung totoong natugunan o sinakyan niya lamang. Pagkatapos nga namin sa manggahan ay kaagad na kaming umuwi. Alas-dose na at hindi na maipagkakailang tila kumukulo na ang aking sikmura. Kakaunti lang naman kasi ang kinain kong almusal kanina. Kaya ngayon, ramdam na ramdam ko ang gutom. "Nagluto ako ng sinigang na baboy. May adobo rin sa gata na manok. At may daing na bangus. Hala, maupo na kayo nang makakain na." Napapangiting sabi ni Manang Susan. Iniutos nito sa ibang katulong ang paghahanda ng pagkain. Tumulong na rin ako sa paglalagay ng inumin. Bigla kasi akong nailang sa uri ng tinging ipinupukol sa akin ni Akihiro. "Good morning-oh, I mean, good afternoon." Pagbati ni Emily na siyang ikinalingon namin dito. Nakasuot lang ito ng pajamas. Nakatali ang hindi kahabaang buhok. May hawak pa itong basong walang laman. "Kagigising mo lang?" Tanong ko sabay upo sa silyang nakaharap kay Akihiro. "Obviously," napabuntong-hiningang sagot nito. "Marami akong tinapos na trabaho kagabi. Alas-tres na akong nakatulog." "Three o'clock?" "Maaga pa nga iyon. Minsan ay inaabot ako ng bukang-liwayway. Masyadong hectic ang schedule ko ngayon. Hindi lang trabaho sa opisina ang inaatupag ko. Pati na rin ang pagsusulat. Damn! Pagod na ako!" Mahabang sabi ni Emily. Naalala kong hindi lamang pala pagiging sectretary ni Tito ang trabaho nito. Isa rin itong writer sa sariling publishing company. "Anyway, may nakapagsabi sa aking may humabol daw sa'yo noong nakaraang gabi? What happened?" Walang pasabing naubo ako dahil sa narinig na sinabi ni Emily. Paano nitong nalaman ang tungkol doon? Wala akong pinagsabihan-isa man sa mga taong narito sa farm-tungkol sa paghabol sa akin ng mga masasamang loob noong nakaraang gabi. Unless, si Akihiro ang nagsabi rito. Mabilis na sinulyapan ko si Akihiro. Kibit-balikat at bahagyang pagtaas ng kilay ang isinagot niya sa akin. Ibig sabihi'y wala siyang alam. Wala siyang pinagsabihan. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Napapalunok na nilingon ko si Emily. Patay-malisya na itong kumakain. Mukhang walang balak na sabihin sa akin kung sino ang nagsabi rito ng tungkol doon. Huwag naman sanang tama ang iniisip ko. Na ito ang may pakana sa nangyari. Ayaw ko ring isipin na si Emily at ang daddy nito ang dahilan kung bakit wala na si Dad at ang Mom ni Akihiro. Pagkatapos kumain ay kaagad na akong pumasok sa aking kuwarto. Pinilit kong iwaksi sa isipan ang pag-uusap namin ni Emily kanina. Baka mali lang ako ng sapantaha. Sana nga mali. Isang fitted black pants, and maroon top na may zipper sa bandang dibdib ang isinuot ko. Tamang-tama iyon para sa pangangabayo. Nagsuot din ako ng boots na siyang ginagamit ko noong palagi kaming nagpapaunahan sa pagpapatakbo ng kabayo ni Kuya Vince. Nakakamiss pala ang ganito. Pitong taon na ang nakaraan nang huli akong nakasakay sa kabayo. Noong maaksidente kasi ako sa isang kompetisyon ay pinahinto ako ni Dad. Sa ganoong pangyayari kasi namatay ang kapatid nitong babae na si Tita Carmen. Nabagok ang ulo. Sa takot ni Dad na maulit iyon ay pinagbawalan ako nitong muling sumakay at magpatakbo ng kabayo. Pagkababa sa living room ay nakita kong abala si Akihiro na nakaharap sa kaniyang laptop. May kausap itong lalaki na nasa screen. Hindi ko kilala ang kausap nito. Pero mukha namang mabait. May hitsura din at mukhang matagal nang kaibigan ni Akihiro. "Is that Mayumi Lazaro?" The guy asked. Malakas kasi ang speaker ng laptop kaya nakaabot iyon sa pandinig ko kahit na may ilang metro pa ang layo ko sa couch na kinauupuan ni Akihiro. Kaagad na lumingon sa akin si Akihiro. Tumagal siguro iyon ng sampung segundo. At naka-fix lang ang mga mata niya sa aking dibdib. Kumunot ang noo ko. I looked down at my chest and damn! Bukas ang zipper ng damit ko at malayang nakalantad ang pisngi ng magkabila kong dibdib. Stupid Mayumi! "I'll call you later, Cace." Sabi ni Akihiro bago tinapos ang facetime nito sa lalaking nagngangalang Cace. "What the hell, Mayumi!" Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Akihiro. Salubong ang kilay na inayos ko muna ang damit bago naglakad palapit sa kaniya. "What is your problem? Let's go! Baka gabihin tayo." Napabuntong-hininga na lang si Akihiro. Nauna na siyang naglakad palabas. Hindi na ako nagulat na nasa labas na ang isang malaking kabayo. Narinig ko kasi kanina na ipinahanda niya si Angus. Si Angus ang kabayong kulay itim na siyang ginagamit ko noong sumasali pa ako sa mga kompetisyon. Hindi ko inasahang hanggang ngayo'y matikas pa rin ang tindig ni Angus. "Angus!" Malakas kong sabi bago niyakap ang katawan nito. "I missed you, buddy!" Humalinghing ang kabayo. Tila pati ito ay pareho ng nararamdaman para sa akin. "Here, hold my hand so I-." Hindi natuloy ni Akihiro ang sasabihin nang ako mismo ang sumakay sa kabayo. Napailing na lang siya bago ngumisi. "Yeah right. Stubborn as always." Sabi pa niya bago sumakay din kay Angus. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Una, nagulat ako sa biglaan niyang pagsampa. Pangalawa, naramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa batok ko. At pangatlo, naiilang ako sa posisyon naming dalawa! The f**k! I can feel his thing touching my butt! Kahit may damit ay parang tumatagos doon ang init na nagmumula sa kaniya. Parang gusto ko na lang bumaba at sabihin na maglakad na lang kami. "Bakit isang kabayo lang ang gagamitin natin? Marami pang kabayo sa kuwadra diba?" Tanong ko nang nagsimula nang palakarin ni Akihiro si Angus. Pigil na pigil ko ang aking paghinga. s**t, para naman niya akong niyayakap sa posisyon namin ngayon. Hawak niya kasi ang tali ni Angus. "Sayang naman itong suot ko kung hindi ko mapapatakbo nang mabilis si Angus? Sana pala t-shirt at jogging pants na lang ang isinuot ko." Akihiro chuckled. Bahagya niyang pinatakbo si Angus dahilan para mapasinghap ako. Hindi iyon dahil sa gulat! Kundi dahil sa pagbabanggaan ng aming mga katawan. "Bagong check up ang ibang kabayo. Si Angus lang ang masigla ngayong araw. Kaya wala tayong magagawa kundi ang pareho siyang sakyan. Don't worry, I won't take advantage of your-." "Just shut up, Akihiro." "Akihiro," nakangisi niyang sabi. s**t! Alam kong nakangisi siya nang sabihin niya iyon! Ramdam ko. Lalo na't tumama nang bahagya ang hininga niya sa aking batok. "May mali ba sa sinabi ko? Pangalan mo iyon. Alangan namang tawagin kitang Santibañez." Taas ang kilay na sabi ko. Iniiwasan kong lingunin siya dahil alam kong gahibla lang layo ng mga ulo namin. I'm not ready for another kiss. Oh damn! Muli, isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Akihiro. Inihinto niya ang kabayo sa taas ng burol. May malaking puno na siyang nagbibigay sa amin ng lilim. Kaagad siyang bumaba. Hindi ko inaasahang aabutin niya ang mga kamay ko para ilagay sa kaniyang mga balikat. Tahimik na iniwas ko na lamang ang tingin at hinayaan siyang hawakan ako sa baywang para maibaba ng kabayo. "You used to call me Aki." Pagdaka'y sabi niya. Nagsalubong ang mga kilay ko. Napapailing na umupo na lamang ako sa damuhan. Saglit kong pinasadahan ng tingin ang malawak na palayan na sakop pa rin ng aming hacienda. Nangingintab na ang kulay gintong mga palay. Handa na iyong anihin. "Anong mali roon? Pangalan mo pa rin naman iyon. Aki, short for Akihiro." Salubong ang kilay na sabi ko. Umupo si Akihiro sa damuhan. Isang dipa ang layo sa akin. "Wala naman akong sinabi na may mali sa pagtawag mo sa akin. Hindi lang siguro ako sanay, dahil iba ang pagtawag mo sa akin noon." "Ah, okay." Sagot kong para bang ka-chat lamang si Akihiro. Ilang sandali lamang ay inilabas ko ang aking cellphone. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita ang tila walang buhay na gadget. Nawala kasi ang cellphone ko noong gabing may humabol sa akin. Napilitan tuloy akong bumili ng bago. Sayang, walang ibang application. Wala pa namang internet dito sa farm. Hindi na kasi muling nagpakabit noon si Dad. Hindi naman raw nagagamit dahil tuwing bakasyon lang ako kung umuwi rito. Palagi akong nasa Manila noong nag-aaral pa ako. Sila naman ni Mom ay nasa Australia. Ang mga kawaksi naman namin ay hindi hilig ang magbrowse sa internet. Kuntento na ang mga ito sa library ni Dad. May shelf kasi roon na purong romance pocketbooks ang nakalagay. "Do you want me to take you a picture?" Tanong ni Akihiro. Mabilis akong umiling bilang sagot. "Oh, okay..." Binuksan ko ang nag-iisang kapaki-pakinabang na application-the camera. I took a panorama shot of the beautiful rice fields. Sunod na kinunan ko ay si Angus. Panghuli ay ang aking sarili. Akma akong kukuha ulit ng litrato nang maramdaman ko ang pagtayo ni Akihiro. Marahan siyang naglakad pababa ng burol. Sa kabilang bahagi iyon, kung saan ay ang taniman ng mga palay. Mabilis na hinabol ko si Akihiro. Hinawakan ko siya sa braso nang muntik na akong madulas sa damo. "Mag-ingat ka nga. Para kang bata." "Eh, aalis ka. Gusto kong sumama." "Natatakot ka bang mag-isa roon? Saglit lang naman ako. Titingnan ko kung nasa palayan si Mang Ernest." "H-Hindi ah! Bakit naman ako matatakot? Isa pa, diba sabi mo, ililibot mo ako sa buong hacienda?" Yup, sa amin nga itong farm, pero ni minsan hindi ko ito nagawang libutin. Nagpakawala ng malalim na paghinga si Akihiro. Marahan niyang pinitik ang aking noo na siyang ikinairap ko. "Stop lying, Mayumi. Natatakot ka bang baka sumulpot iyong mga humabol sa'yo noong nakaraang gabi?" Hindi naman ako natatakot. Gusto ko lang talagang sumama kay Akihiro. Pero matapos niyang banggitin ang tungkol sa mga lalaking humabol sa akin, bigla'y parang may tumambol sa dibdib ko. "Alright, I'm scared. Kaya hindi mo ako dapat iniiwan lang! Malilintikan ka sa akin kapag may sumulpot na masasamang-loob riyan sa tabi-tabi." "Ridiculous! This is a private property, Mayumi. Iyong mga humabol sa'yo malamang na napagkamalan ka lang na magnanakaw kaya ka hinabol. By the way, si Mang Ernest iyong isa sa kanila. Kaya bababa ako sa palayan. Doon ang bahay niya, tatanungin ko kung bakit-." "No! Akihiro, hindi ako napagkamalan lang! Binangga nila ang kotse ko!" Natahimik si Akihiro. Tumiim ang mga bagang. "Bakit ngayon mo lang iyan sinabi sa akin?" "Eh, hindi ka naman nagtanong. Isa pa, nadaanan daw ni Tatang Ben iyong kotse ko. Pinakuha at idinala sa casa." "Ang sabihin mo, pinaghihinalaan mo ako." Ako naman ang natahimik. Iniwas ko ang aking tingin. Mahinang pagtawa ang pinakawalan ni Akihiro bago ako hinila pabalik kay Angus. "Let's go home." "Are you...m-mad?" "Sa bahay na tayo mag-usap." Malamig niyang sabi bago ako inalalayan na makasakay kay Angus. "Mag-uusap tayo ng masinsinan nang maliwanagan ka." "Pero..." "Shut up, Mayumi, kung ayaw mong ihulog kita riyan." Sabi niyang ikinabuntong-hininga ko. s**t! s**t! s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD