Pinili kong huwag na lamang pansinin ang ginawa ni Emily. Natural na kasi sa pinsan ko ang pagiging maldita. Hindi na bago sa akin na minsan nitong inismiran ang ilan naming kawaksi noon.
"May nakita na ba sa investigation?" Tanong ko na lamang kay Emily para malayo na ang tingin nito kay Manang Susan na naglalakad pabalik sa kusina.
"Wala pa nga eh. Hindi malinis ang pagkakagawa ng problemang iyon, pero ang hirap tukuyin kung sino ang may sala. May log book ang mga trabahador sa farm ninyo. Lahat naman ay on time kapag pumapasok at umaalis."
"Malay mo naman bumabalik sila after nilang—."
"Gaga, maraming nakakalat na surveillance cameras sa buong hacienda. Kung may bumalik man para magnakaw tiyak na makikita sa security room. Isa pa, marami ring rumurondang security guard rito."
Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga narinig na sinabi ni Emily. Ilang sandali lamang ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Hindi ako papayag na magpatuloy ang ganitong pangyayari. Ninanakawan kami ng malaking salapi. Kung nabubuhay si Daddy, natitiyak kong ipagsasawalang bahala nito ang bagay na iyon. Marami na nga naman itong pera at madali para ditong ibalik ang nawala. Pero iba ako. Hindi ako papayag na umabuso ang kung sino mang kawatan na iyon.
"I'll talk to Akihiro." Seryoso kong sabi na bahagyang ikinataas ng kilay ni Emily. Kumunot ang noo ko. "Can you tell me about him?"
Ngumisi si Emily. "Nakuha niya ba ang atensiyon mo?"
I rolled my eyes. "He was my highschool teacher. Grade twelve ako noong naging teacher ko siya. So, yeah, nakuha niya ang atensiyon ko. Lalo na nang malaman kong anak siya ng babaeng pinakasalan ni Dad."
Muli kong naalala ang naging sagutan namin ni Akihiro. Hindi man niya sabihin nang diretso'y alam kong may parte sa kaniya na sinisisi si Dad sa pagkamatay ng kaniyang mommy. Kung hindi nga naman dumating sa buhay nila si Dad, hindi mangyayari ang aksidente na iyon. He was angry and sad. Pero pinili niya pa ring manatili rito sa hacienda para pagbigyan ang hiling ni Dad. Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan niya. Basta naghinala na lang akong masama iyon. I don't have any proofs about that. Kaya heto at gusto ko pa siyang kilalanin. Though, I already know him being my highschool teacher, limited lamang iyon. I wanna know everything about him. Lahat ng tungkol sa taong sinabihan ko ng nararamdaman ko. Stupid me!
"Well, he's nice." Nakangiting sabi ni Emily.
Matalim na tingin ang ibinigay ko rito. "Hindi iyon ang gusto kong malaman."
Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito bago tumikhim. "Mabuting tao si Akihiro, Mayumi. Kung hindi'y bakit maayos pa rin ang takbo ng LGC at ng hacienda na iniwan ni Tito? Marami siyang pinamamahalaang kompaniya, kabilang na ang kompaniya ng mommy niya. Pero tingnan mo't nagagawa niya pa rin ng maayos ang trabaho sa loob ng limang taon. Iniwan niya ang pagtuturo para lang sa huling kahilingan ni Tito Arnold. He wanted him to manage everything habang hindi ka pa nakakapagtapos. But now that you're here, sa tingin ko'y nagpaplano na rin si Akihiro na iwan sa iyo ang lahat."
Natahimik ako. Damn! Ngayon nagdududa na ako kung matalino ba talaga ako. s**t! Ang bobo ko!
"Emily..."
Tumaas ang dalawang kilay ni Emily. "Bakit?"
Pinakatitigan ko muna ito nang mabuti bago nagsalita. "Bakit ayaw ni Akihiro na sabihin sa akin ang nangyari kay Dad?"
Bahagyang natilihan si Emily. Hindi yata nito inaasahan ang naging tanong ko. Bakit nga ba? Siguro naman ay may alam na si Emily. Ito rin naman kasi ang nagsabi sa akin ng tungkol doon. Pero ako ang nag-isip ng masama tungkol kay Akihiro. "Bakit gusto niyang ilihim sa akin ang nangyari?"
Tumuwid ng upo si Emily. "Hindi ko alam ang totoong dahilan. Pero noong una, naisip kong baka sasamantalahin niya ang nangyari. Kaya sinabi ko sayo ang tungkol sa aksidente ni Tito at Tita. Sa pagdaan ng panahon, nakita kong malinis ang hangarin ni Akihiro."
"Ibig mong sabihin, may possibility na ibang tao ang may kagagawan ng aksidente?"
"Parang ganoon," sagot ni Emily. "Bakit hindi mo paimbestigahan?"
"Right. I should do that, instead of accusing Akihiro for what happened." God, I am so sorry for blaming him. I don't know the story, yet, I have the audacity to point my finger on someone who were just fulfilling my father's last wished. Ang bobo ko sa parteng iyon. Bakit nga ba hindi ko naisip na gawin ang isinuhestiyon ni Emily? Ang tanga ko.
Huminga ako ng malalim. "Paano nga pala kayo nagkakilala ni Akihiro?"
"Noong kasal ni Tito at ng Mommy niya." Kaswal na sagot ni Emily bago tumayo. "Pwede ba akong magpahinga sandali, Mayumi? Ang haba ng biniyahe ko."
"Sure..." Sagot ko na lamang. Mataman kong tinitigan ang papalayong likod ni Emily. Pino ang galaw nito at talagang kababakasan ng pagiging sopistikada. Magandang babae si Emily. Marahil ay dahil na rin sa mayaman din ang pamilya nito kaya malayang nabibili ang mga gustuhing bagay para mapanatili ang kagandahan ng buong katawan. She's gorgeous.
"Is that Emily?" Tanong na ikinalingon ko sa main door. Akihiro's standing there, holding a basket of strawberries and grapes na malamang ay nakuha nito sa green house.
"Yes," I answered. Akma akong tatayo nang ilapag niya ang basket sa coffee table na nasa harap ko. "What—."
"They're sweet, you should try some." Seryoso niyang sabi na ikinasalubong ng aking mga kilay. Nagu-guilty ako sa mga sinabi ko sa kaniya noon. Tiningnan ko si Akihiro nang mariin. Kumibit lamang ang mga balikat niya bago kumuha ng ilang grapes sa basket. Walang pasabi niya iyong kinain bago ngumisi. "Hindi kita lalasunin, kung iyon ang iniisip mo. Kainin mo na ang mga iyan at baka masayang lang."
Isang hingang malalim ang pinakawalan ko. I'm so stupid. Kailangan naming mag-usap at baka mabaliw pa ako kakaisip sa mga nagawa kong pagkakamali. Akmang tatalikod si Akihiro nang bigkasin ko ang kaniyang pangalan. Taas ang kilay na tiningnan niya ako. "May sasabihin ka?" He asked.
Atubili pa akong tumango. Goddamnit. Bakit ba nagpapaniwala ako sa mga bagay na walang katotohanan? Kanina ko lang napagtanto ang lahat. Akihiro helped me. Bakas rin sa mga mata niya na totoo ang mga binibitiwan niyang salita. He's right. Why would he hurt me? Nawalan din siya. At kita ko sa mga mata niya ang labis na sakit nang banggitin niya ang tungkol sa kaniyang Mama. "Pwede mo bang ikuwento sa akin ang tungkol sa kasal nila?"
Kumunot ang noo ni Akihiro. "Kasal..," he paused. Huminga siya ng malalim bago ako tiningnan nang mataman. Inilayo ko ang aking tingin, dahilan para muli siyang magpakawala ng marahas na buntong-hininga. Marahan siyang naglakad palapit at naupo sa sofa. Isang dipa ang layo sa akin. "Why?"
"Pinagsisisihan kong hindi ako umuwi para dumalo sa kasal ni Dad." Sabi ko sa mababang boses.
"You video called him, right?"
"I did, pero iba kung personal akong pumunta." Sabi ko sabay titig sa aking mga kamay. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. Para bang may kung ano roon na nagpapakalma sa akin. Kinakabahan ako sa presensiya ni Akihiro.
Ilang minutong tahimik si Akihiro. Nang lingunin ko siya'y nakasandal na siya sa upuan. Inilapat niya rin ang likod ng kaniyang ulo sa sandalan. Tahimik lamang siyang nakatitig sa kawalan. "Aren't you going to say something?"
A hint of a smile formed in his lips. He looked at me. "Sige, ikukuwento ko sayo. But first, tell me, what did you do when I said I love you too?"
Biglang nanlaki ang mga mata ko. Kahit hindi ko halungkatin sa isipan ko kung ano ang tinutukoy niya, tila kidlat na pumasok ang isang eksena. Ang pagbasa ko noon sa test paper ko.
"Mayumi..."
"Uh..." I don't know what to say! To be honest, nakalimutan ko na ang tungkol doon. Kung hindi lamang kami nagkita rito sa hacienda baka tuluyan na iyong nabaon sa nakaraan. Actually, hindi ko rin alam kung anong ginawa ko. Noong araw kasi na natanggap ko ang test results at mabasa ang reply niya sa sinabi ko'y bigla akong pinatawag ni Dad.
"Okay lang kung ayaw mong—."
"I'm sorry, hindi ko na maalala ang ginawa ko pagkabasa ko niyon. But, I remembered smiling while reading your reply. I...I was h-happy?"
He chuckled. "You're stuttering and you're not sure."
"Pakiramdam ko kasi nasa klase mo ako. At nagtatanong ka tungkol sa isang bagay na hindi ko pinag-aralan. I hate you." Inis kong sabi na ikinahalakhak ni Akihiro.
Umayos ng pagkakaupo si Akihiro. Tumigil siya sa pagtawa at mataman akong tinitigan. "Walang kapantay ang galak ni Tito Arnold at ni Mommy nang maikasal silang dalawa. Para silang bumalik sa pagiging teenager. Iyon bang nasa ligawan stage."
I smiled. "And then?"
"Lahat ay masaya para sa kanilang dalawa, kabilang na ako." Saglit na huminto si Akihiro para abutin ang strawberry sa basket. Pinunasan niya iyon gamit ang kaniyang panyo bago iniabot sa akin. "Eat."
"And?"
Hindi sumagot si Akihiro. Tumitig lamang siya sa akin at walang pasabing ginulo ang aking buhok. "They were happy, Mayumi."
"That's it?" Salubong ang kilay na tanong ko. Kulang. Gusto kong marinig ang iba pang nangyari. Pero mukhang wala nang balak na magkuwento si Akihiro. "Bakit?"
"Let's not talk about them. Malulungkot ka lang." Seryoso niyang sabi na ikinaiwas ko ng tingin. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Siguro nga dapat nang tumigil sa pagkuwento si Akihiro. Ang aksidente ng mga ito ang sumunod na nagyari. Tama siya, malulungkot lang ako.
"Hey," mahina niyang sabi. Naramdaman ko ang kaniyang palad sa magkabila kong pisngi. Tila may pinapalis. Noon ko lang napansin na malaya nang umaagos ang aking mga luha. Marahan kong tinabig ang kaniyang mga kamay. Hindi naman siya umangal kaya ako na mismo ang nagpahid ng sarili kong luha. "Are you okay?"
"Yeah!" Sabi ko sa pinasiglang boses. "I'm fine..."
"I'm sure you're no—."
"Nabanggit nga pala sa akin ni Emily ang tungkol sa problema sa mangahan." Pag-iiba ko ng paksa. Ayaw kong pag-usapan pa namin ang pagluha ko. Wala iyong kwenta. "May maitutulong ba ako?"
Sandali akong pinakatitigan ni Akihiro. Bahagya siyang lumayo sa akin na ikinaluwag ng paghinga ko. God, ngayon ko lang napagtantong pigil na pigil ko ang paghinga. "Akala ko ba ayaw mong magtrabaho sa akin?"
"Feeling ka ah, pareho tayong may-ari nitong hacienda kaya may karapatan akong magbigay ng opinyon sa problema natin."
"Natin?" Sabi ni Akihiro na may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" Hindi ko napigilan ang mainis. Seryoso kasi ako, samantalang siya'y parang bata ang trato sa akin.
"What's with the sudden change of mind? Ayaw mo na bang magtrabaho sa Manila?" Nakangisi niyang tanong bago humawak sa baba. "Let me guess, hindi ka tinanggap sa last na company na in-apply-an mo. O baka naman—."
"Ganoon na nga! Saka bakit ba ako magpapakahirap gayong pwede naman akong magtrabaho rito. Walang kontrata. Hawak ko pa ang oras ko. I can do whatever I want. Huwag ka lang abusado at baka palayasin kita rito sa pamamahay ko." Pagsisinungaling ko. Damn! Sana ay effective. Mukhang magaling pa naman kumilatis si Akihiro ng tao.
"Liar." Sabi ko na nga ba. Nahalata kaagad ng gago na hindi totoo ang mga sinabi ko. "Tell me the truth, Mayumi."
Dahil sa intensidad ng kaniyang pagtitig sa aki'y bigla akong napadakot ng grapes sa basket. Limang piraso iyon na kaagad ko ring isinubo. At dahil sa katangahan kong iyon, muntik pa akong mamatay. Mabilis na hinawakan ni Akihiro ang likod ng aking ulo gamit ang kaliwang kamay. Habang ang kanan naman ay walang pasabing kinuha sa loob ng bibig ko ang mga ubas. Napaka-estupida ko!
"Manang Susan, pakisuyo ng tubig! Pakibilisan!" Sigaw ni Akihiro pagkatapos makuha ang huling ubas sa aking lalamunan. Matinding paghabol sa hininga ang ginawa ko nang matanggal niya ang mga ubas. Saglit kong kinalman ang sarili habang pinupunasan niya ang laway sa aking bibig. f**k! Nakakahiya! Ang baboy ko!
"Oh my God! What's happening?" Nag-aalalang tanong ni Emily. Magulo ang buhok nito at nakasuot na lamang ng sando at shorts. Mukhang nabulabog ng sigaw ni Akihiro ang pagtulog nito.
"Ito na, Hiro." Sabi naman ni Manang sabay abot ng isang basong tubig kay Akihiro.
Pumikit ako nang mariin. Sumandal ako sa malambot na sandalan ng couch. Ramdam ko pa rin ang pamumula ng aking buong mukha.
"Putangina, ano bang nangyari? Halos mamatay ka na ah!" Galit na tanong ni Emily. Wala tuloy sa oras na napatingin ako ng matalim sa kaniya. OA naman ng gaga.
"Nabilaukan si Mayumi ng ubas." Si Akihiro ang sumagot. Tiningnan niya ako ng masuyo bago inabot ang baso ng tubig.
"Gaga! Wala ka bang ngipin? Ang lambot-lambot ng ubas hindi mo nginuya? Magmumukha kang tanga kung ang dahilan ng kamatayan mo ay ubas." Nakairap na sabi pa nito. Pero halata naman ang pag-aalala sa mukha.
"Huwag mo nang pagalitan. Sige na, iwan ni'yo na muna kami." Sabi pa ni Akihiro bago ako tinulungang inumin ang tubig.
Nang makaalis si Emily at Manang ay napakagat na lang ako ng labi. "Ang boba ko."
"It was an accident." Sabi ni Akihiro.
"I'm sorry..."
Tumitig sa siya sa akin bago ngumisi. "Sorry for what?"
Nahihiyang umirap ako kay Akihiro. "Hindi lang luha ko ang pinahid mo. Pati laway ko." Malakas na halakhak ang naging sagot ni Akihiro. Maging ako'y napatawa sa pangyayari. Bwisit! Nakakahiya pa rin!