Kabanata 8

2039 Words
Dinanghalit ako ng ubo pagkatapos kong inumin ang mainit-init pang gatas. Kaagad kong inabot ang tissue sa gilid at mabilis ipinunas sa sipong papatulo. Damn! "Bakit naman kasi hindi ka tumawag para magpasundo?" Tanong ni Manang Susan habang nagluluto ng chicken soup. "I tried po, pero wala namang sumasagot. Hanggang sa abutan na ako ng ulan. Isa pa'y may huma—." "Nanay Susan, maaari din ba akong makahigop ng mainit na sabaw?" Pagsabat ni Akihiro na kapapasok lamang sa komedor. Nakapagpalit na siya ng damit dahil sa pagkakabasa niyon nang salubungin nila ang malakas na ulan. "Aba'y oo naman. Maupo ka rito at malapit nang matapos ang niluluto ko." Sagot ni Manang Susan bago ngumiti. Pagkaupo ni Akihiro ay kaagad na iniwas ko ang tingin. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking isipan ang ginawa niyang paghalik sa akin kanina lamang, dalawang oras ang nakakalipas. I had the chance to glanced at his muscular body. And I unconsciously touched his shoulders and arms. Tama nga ako. They're hard and strong. Damn it! "Ang bilis mong magkasakit." Puna niya sa bahagya kong pag-ubo at singhot. "Matagal ako sa ulanan. Dala na rin siguro ng takot at nerbiyos kaya ako nilalagnat." Walang gana kong sabi sabay higop sa gatas. Maya-maya lamang ay inihain na ni Manang Susan ang chicken soup. Pagkatapos nitong mailagay iyon sa harap namin ni Akihiro ay kaagad na itong nagpaalam. Magpapahinga na ito dahil malalim na ang gabi. Iwan na lang daw namin ni Akihiro ang mga ginamit namin sa lababo at ito na raw ang maghuhugas niyon kinabukasan. Tahimik akong humigop ng mainit na chicken soup. Ganoon din si Akihiro na panaka-nakang sumusulyap sa akin. Naiinis ako sa ginagawa niyang iyon pero hinayaan ko na lamang. Wala na akong lakas para makipagtalo pa sa kaniya. Saka ko na lang din uungkatin ang nangyari kanina. Posibleng kilala niya ang mga lalaking humabol sa akin. Nang matapos ako sa paghigop ng sabaw ay kaagad na akong tumayo para dalhin sa lababo ang mangkok na ginamit ko. Akma ko pa lang na ihahakbang ang aking paa nang mabilis akong umupo pabalik sa aking upuan. Dahilan para umangat ang tingin sa akin ni Akihiro. "What's wrong," he asked. Hindi ako sumagot. Yumuko lamang ako't mariing hinawakan ang aking ulo. s**t! I hate headache! "Masakit ba ang ulo mo?" Oh God, please shut him up. Lalo lang yatang sumasakit ang ulo ko dahil sa boses niya. I heard him opening the cabinets. Maybe he's looking for some pain killers. "Here," sabi niya sabay abot sa akin ng gamot para sa sakit ng ulo. Tahimik kong inabot iyon at mabilis na ininom. Pagkatapos ay muli akong napayuko. I'm so tired and sleepy. Ilang minuto akong nakayuko lamang sa table. Unti-unti nang inaagaw ng kadilim ang aking diwa. Kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatianod. - Sinag ng araw na pumapasok sa siwang ng bintana ang nagpamulat sa akin. Pupungas-pungas na umunat ako ng katawan. Mapapangiti na sana ako dahil sa pakiramdam ko'y magiging maganda ang araw na ito. Pero natigilan ako nang maramdaman ang mga brasong nakapulupot sa aking baywang. My eyes widened. Someone's hugging me from behind! At panlalaki ang mga braso nito! Eksaherada akong napabalikwas. Awtomatikong umawang ang aking mga labi. "Akihiro?!" Sigaw ko sabay hampas ng unan sa mukha niya. Kaagad namang nagising ang gago. Salubong ang kilay na tumingin siya sa akin. "What is your problem?" Nahigit ko ang aking hininga nang tumambad sa akin ang katawan niyang walang saplot. Oh, I mean, saplot sa itaas. He's wearing his pajama pants. "What is my problem?! Gago ka ba?! Bakit nandito ka sa kuwar—." Natigil ako sa pagsasalita nang mapadako ang tingin ko sa hawak-hawak na unan. Its color is grey! Sa pagkakatanda ko'y light blue ang pillow cases ko! And my blanket's color is white not black! Where the hell am I? "This is my room, Mayumi." Seryosong sabi ni Akihiro bago muling nahiga. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at tinapik ang espasyo sa sa tabi. "Matulog ka ulit, maaga pa." "The fucked..." I said only for myself. Pero mukhang matalas ang pandinig ni Akihiro. Matalim na tingin ang ipinagkaloob niya sa akin. "Bakit narito ako? Pinagsamantala—." "You're crazy." Natatawang sabi ni Akihiro. Tuluyan na siyang bumangon. "Hindi ako mag-aaksaya ng oras para pagsamantalahan ka habang tulog. I want some thrill, Mayumi. Though, I was tempted to kiss you while you—." "Oh shut up!" Inis ko na lang na sabi bago inihagis nang malakas ang unan sa kaniya. He laughed. "Lalabas na ako." "Aren't you interested to know those guys?" Tila wala lang na tanong ni Akihiro habang inaayos ang higaan. Napalunok ako. Of course I'm interested. Sinong hindi? "Want me to name each one of them?" "Tauhan mo sila." Akihiro chuckled. "Pinaghihinalaan mo pa rin ako, Princess." Sabi niyang may babala na sa boses. My hands began to tremble. My knees were shaking, ganoon din ang aking mga labi. Hindi naman ako natatakot kay Akihiro. Natatakot akong marinig mula sa bibig niya ang totoo. Maybe there's a part of me that's hoping he's still the Akihiro Santibañez I once knew. s**t, I should talk to Emily. "Stop calling me Princess." "Alright, babe." Patuya niyang sabi bago isinuot ang t-shirt na nakuha niya sa closet. "f**k you." "Say that again..." Malamig niyang sabi na ikinalunok ko. "...hindi ako mangingiming ibalik ka sa kama at i-demonstrate sayo—in a rough way—ang ibig sabihin niyon." "Ano bang pakialam mo kung sabihin ko ang mga salitang iyon? C'mon Akihiro! Wala na tayo sa panahon ni Maria Clara at—." Hindi ko naituloy ang sasabihin nang tumunog ang cellphone ni Akihiro. Sinagot niya iyon habang nakatingin pa rin sa akin nang matalim. Inirapan ko na lang siya dahil sa sobrang inis na nararamdaman. Hindi ko na hinintay na matapos si Akihiro sa pakikipag-usap sa taong nasa kabilang linya. Kaagad na akong lumabas ng kuwarto niya. Tinungo ko naman ang sa akin at walang pasabing nahiga sa kama. Isang nanginginig na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Noon ko lang napansing abnormal ang t***k ng puso ko. Napakalakas niyon at para bang gusto nang kumawala sa aking dibdib. "Paano kung inulit ko iyong sinabi ko? Tototohanin niya ba iyong banta niya?" Bigla ang panlalaki ng aking mga mata nang mapagtanto ko ang aking mga sinabi! Mariin akong pumikit. Sinabunutan ko rin ang aking sarili at impit na sumigaw. Kung dahil iyon sa inis o kilig ay hindi ko na alam. Oh s**t. Maybe I still have a crush on him. Too bad, kailan kong sikilin ang damdamin ko. Hindi ko pa rin alam kung mabuting tao nga ba si Akihiro. - "Emily's coming." Sabi ko na ikinalingon sa akin ni Mayumi. Pasimple akong napalunok. Tumambad kasi sa akin ang mukha niyang maamo. Kahit saksakan siya ng katarayan ay hindi naiiba ang hitsura niya. Well, she's cute when she's angry. Kahit sinisigawan niya ako palagi, I still find her beautiful...and hot. Damn it! "You invited her?" Marahan akong umiling. "Nalaman niyang dumating ka. She wants to see you. Baka may gustong sabihin." Sagot ko sabay upo sa harap niya. Nasa sala kami ngayon. Mayumi's eating some sunflower seeds while reading her books. Ako naman ay nagsisimula nang harapin ang trabahong natambak. "Anong oras siyang darating?" She asked. "Tonight?" Hindi ako sigurado dahil wala namang sinabing oras si Emily. Basta ang paalam lamang nito ay darating ito mamaya. "Do you want me to call her and ask—." "Huwag na." Seryosong sabi ni Mayumi bago umalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa kaniyang kuwarto. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko. Naalala ko bigla ang nangyari kagabi. "Are you sure you're okay?" Tanong ko kay Mayumi. Nakatungo pa rin siya at mahigpit na nakahawak sa ulo. Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya mabilis na sinapo ko ang kaniyang noo. Napakataas ng kaniyang lagnat. Wala siyang malay. Kaya siguro hindi siya nakasagot sa tanong ko ay dahil doon. Walang pasabing binuhat ko si Mayumi pagkatapos kong mailagay sa lababo ang mga hugasin. Hindi ko na ginising pa si Nanay Susan dahil alam kong sa mga oras na ito'y nahihimbing na iyon. Pagkarating sa kuwarto ni Mayumi ay maingat ko siyang inihiga sa kaniyang kama. Hininaan ko ang aircon at nang masigurong nasa ayos na ang lahat ay kaagad na akong lumabas. Imbes na magpahinga na rin ay inuna kong kausapin si Atty. Dela Vega. Marami akong sinabi at iniutos dito. Kaagad naman itong pumayag sa mga sinabi ko. Nang matapos ay nagpalit na ako ng damit at akma na sanang matutulog nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Napagbuksan ko ang umiiyak na si Mayumi. Iba na ang suot niya. Pantulog na hanggang kalahati ng hita ang haba. Kaagad siyang pumasok at humiga sa kama. "Anong nangyayari? May masakit ba sa'yo?" I asked. Naguguluhan ako. Nasa katinuan ba siya? Kasi sa pagkakaalam ko'y malaki ang galit niya sa akin. "You left me in my room! Natatakot ako, naaalala ko si Daddy." Umiiyak niyang sabi na ikinahinga ko nang malalim. "You need to go back—s**t! Mayumi, ayusin mo ang paghiga mo!" Natataranta kong sabi bago siya pinahiga nang maayos. "Goddamnit, you're making me insane, Princess!" I hissed. "Nagpapakita sa isipan ko si Daddy! I miss him so much, pero natatakot ako! He's dead, and if he keep showing up—." "Alright, alright, I'll let you sleep here. Sa labas na ako—." "No! Kaya nga ako pumunta rito para may kasama ako, Sir Aki!" Kumunot bigla ang noo ko. She's acting like a child—no—she's acting like the Mayumi I knew back then. The Bratty Princess? Siguro ay hindi. Ah, baka ang Mayumi na nakilala ko noong huling araw ko sa school. The one who said "I love you" to me. A smirk formed in my lips. "Okay, I'll stay here with you, Princess." Ilang minuto kaming nakahiga sa kama. Madaling araw na pero gising na gising pa rin ang diwa ko. Si Mayumi naman ay mahimbing nang natutulog habang nakaunan sa aking braso. She insisted it. Baka raw iwan ko siya. Nalilito ako, nagtataka. Malamang ay hindi niya alam ang ginagawa niya ngayon. Paniguradong bukas—I mean mamaya—ay gigisingin ako ng sigaw niya. Isang hikab ang aking pinakawalan. Bago ako tuluyang pumikit ay muli kong sinulyapan si Mayumi. Mariin kong kinuyom ang aking mga kamao dahil sa pagpipigil na halikan ang mga labi niyang nakaawang. f**k, I already tasted them, pero mukhang hindi iyon sapat. Isang mura ulit ang kumawala sa bibig ko bago ko hinalikan sa noo si Mayumi. Next time, I'll kiss her lips next time. Kapag maayos na ang lahat. "I'll help you, Princess. I promise." - "Mayumi!" Malaki ang ngiting pagtawag sa akin ni Emily. Kaagad ako nitong niyakap paglapit pa lamang nito. "I missed you! Kung hindi pa nabanggit sa akin ni Vince na umuwi ka na, hindi ko pa siguro malalaman." Emily's older than me. Twenty-five na ako habang ito naman ay twenty-seven. Pero kung umasta pa rin ito akala mo'y mas bata pa sa akin. "You're suffocating me, Emily!" "Oh, I'm sorry." Napapangiwing sabi nito bago naupo sa katapat kong couch. "Where's Akihiro?" "Really?" Napapairap kong sabi. "Talagang inuna mo pa iyon kaysa sa akin." "Ito naman, huwag ka nang magtampo. May ipinatatanong kasi si Daddy tungkol sa problema sa mangahan." Awtomatikong nagsalubong ang aking mga kilay. "Problema sa mangahan?" Sunod-sunod ang ginawang pagtango ni Emily. "Oo, hindi ba niya nasabi sa iyong malaking porsyento ang nawala sa kita ninyo dahil sa mga manga na ninanakaw? Ikinunsulta nga niya iyon kay Daddy. Ngayon ay kumikilos na si Dad—." "Hold up! You mean, may ganoon kalaking problema sa Hacienda?!" "Uh yeah? Hindi mo alam?" Nalilitong sabi ni Emily. Sasagot na sana ako nang biglang dumating si Manang Susan. Hindi nakaligtas sa akin ang biglang pag-igkas ng kilay ni Emily. May problema ba siya kay Manang? "Gusto niyo ba ng kape—." "I don't like coffee." Masungit nitong sabi na lalong ikinakunot ng noo ko. What's happening? Hindi naman ganoon ang trato ni Emily kay Manang Susan dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD