Kabanata 7

1985 Words
"Vince, anak, nariyan ka na pala!" Malaki ang ngiting sabi ni Manang Susan. Kaagad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa mahabang couch nang marinig ito. Mabilis ang aking naging takbo palapit sa pinto. "Kuya!" Malaki ang ngiting ibinuka nito ang mga kamay para salubungin ako ng yakap. Mainit ang katawan nito. Dahilan para mapangiti ako nang matamis. "Ano ba kayong dalawa, pumasok na muna kayo. Dadaan si Hiro." Natatawang sabi ni Manang Susan. Umarko bigla ang aking kilay. Noon ko lang napansin na nasa pinto si Akihiro, naghihintay. Malamig ang titig na ibinibigay niya sa amin ni Kuya Vince. Hindi ko na lamang siya pinansin. Nakangiting hinila ko si Kuya Vince papunta sa sofa. "Ang sabi mo next week ka pang uuwi?" "Well, tinawagan ako ni nanay. Ang sabi niya'y kailangan ni tatay ng katulong sa pagpapaanak sa alagang kabayo ni Mr. Lopez." Napatango ako. Totoo naman iyon, kailangan nga ni Tatang Ben ng katulong sa pagpapaanak ng kabayo ni Mr. Lopez. Si Mr. Lopez ay ang matandang may-ari ng rancho sa katabi nitong sa amin. Bata pa lang kami ay nakagawian nang tumulong ni Tatang Ben at Kuya Vince kay Mr. Lopez. Mag-isa na lamang kasi ang matandang iyon. Ang nag-iisa naman nitong apo ay nasa ibang bansa. Hindi maasahan, palaging may reklamo kapag pinapakiusapang maglagi sa rancho. Kaya si Kuya Vince na lamang ang napapakiusapan kung minsan. "Hala, mamaya na kayo magkumustahan. Halina sa komedor at nang makapananghalian na kayo." Pagyaya ni Manang Susan na kaagad naming sinunod ni Kuya Vince. Pagkarating sa dining hall ay naroon na si Akihiro. Hawak niya ang kaniyang cellphone. Wari'y may ka-text. Hindi pa man kami nakakaupo ni Kuya Vince ay biglang tumayo si Akihiro. Dahil doon ay nabaling sa kaniya ang tingin naming lahat. "Mauna na kayong kumain. May kailangan lang akong tingnan sa manggahan." Mabilis niyang sabi bago nagmamadaling umalis. Napapakibit-balikat na itinuon ko na lamang ang pansin sa paglalagay ng pagkain sa aking plato. — "Kukulangin ang mga ito." Komento ko pagkakita pa lang sa mga sako ng mangang hinog. "Bakit hindi niyo kaagad ipinaalam sa akin?" "Eh Sir, ang buong akala kasi nami'y alam niyo na. Ang sabi rin kasi sa amin ni Tatang Ben ay alam ninyo ang lahat ng nangyayari sa buong hacienda. Kaya hindi na kami nag-abalang ipaalam pa sa iyo." Napapakamot sa noong sabi ni Manong Ismael. Marahas na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ko bago muling sinulyapan ang mahigit isang daang sako ng manga. Gaya ng sinabi ko'y kukulangin iyon. Higit sa tatlong daang sako ang kailangan para maabot ang expected number of products ng Lazaro Dried Fruits. Palagay na ang loob kong maaabot namin iyon dahil sa malawak na taniman ng manga. Isa pa'y higit sa isang libo ang naha-harvest sa isang puno niyon. Pero ngayon, ni hindi man lang umabot sa kalahati ang na-harvest. "Anong gagawin natin ngayon Sir? Ngayon lang naman nangyari ang ganito." Tanong naman ni Mang Lucio. "Paiimbestigahan ko ang bagay na ito. May pakiramdam akong hindi aksidente na higit lamang sa isang daang sako ang inani natin ngayon." Seryosong sabi ko bago sinulyapan ang mga trabahador na nag-uumpisa nang buhatin ang mga sako ng manga. "Pagkatapos ninyo'y magpahinga na kayo. Bukas ay magpapatawag ako ng pulong patungkol dito." "Sige po, Sir!" Sabay-sabay na sagot ng mga trabahador. Alas-dos na ng hapon nang makabalik ako sa malaking bahay. Dumaan pa kasi ako sa kuwadra ng mga kabayo. Sinilip ko saglit ang buntis na kabayong naroon. Pagkatapos niyon ay dumaan din ako sa malawak na palayan. Ugh okay, pinuntahan ko lahat ng sulok ng hacienda para makasigurong walang ibang problema maliban sa mangahan. May hinala akong ninanakaw ang mga manga na siyang ginagawang dried mango ng LDF. "Akihiro, ngayon ka lang nakauwi. Iinitin ko ang mga pagkain para makakain ka na." Salubong sa akin ni nanay Susan pagpasok ko pa lang sa dining hall. Hindi na ako nagtakang wala na si Mayumi at Vincent sa komedor. Alas-dos na, malamang ay nagkukuwentuhan na ang dalawa sa kung saang bahagi ng mansiyon. "Kumain na po ba kayong lahat?" Tanong ko bago humigop ng mainit na sabaw ng nilagang baka. "Oo, hihintayin ka pa sana naming lahat. Kaya lang ay nagmamadaling umalis si Vincent. May importanteng gagawin sa business na itatayo niya sa bayan." "Magkasama ba sila ni Mayumi?" I know I shouldn't have asked that. Pero parte na rin siguro nang pagiging step siblings namin ay nag-aalala ako para kay Mayumi. "Ah, hindi. Si Mayumi ay kakaalis lang din. Mag-a-apply sa bayan." Kumunot ang aking noo. "Bakit hindi na lamang sa LGC? O kaya ay pamahalaan niya ang LDF o ang jewelry shop ng Mommy niya?" Umiwas ng tingin si nanay Susan. Mukhang kinakasabwat ito ni Mayumi. God, ano bang pwede kong gawin sa babaeng iyon para lang mapasunod ko siya? Nakakapagod na rin ang mamahala sa malaking negosyong iniwan ni Tito Arnold. Kung hindi ko lamang iniisip ang kalagayan ni Mayumi, matagal na sana akong umalis. Pero ngayon, mukhang kaya naman niya ang sarili niya. Pwede ko na sigurong iwan ang lahat sa kamay ni Mayumi. "Alam mo naman ang batang iyon. Kapag ayaw niya, ayaw niya. Sa ngayon ang gusto ni Mayumi ay magtrabaho sa ibang kompaniya. Siguro'y gusto niyang maging normal ang trato sa kaniya ng mga magiging kasama niya. Hindi katulad sa LGC, tiyak na iiwasan siya ng lahat. Iyon ang ayaw ni Mayumi, Hiro. Ayaw niyang iniilagan siya ng mga tao dahil lamang isa siyang Lazaro. Alam mo bang ang tanging hiling niya noon ay magkaroon ng normal na buhay? Iyong tipong hindi siya kakaibiganin dahil lamang sa may pera siya?" Tulala lamang ako sa pagkaing nasa harap habang sinasabi iyon ni nanay Susan. Masyado ba akong mahigpit? Mapilit? Kung ganoon, pagbibigyan ko si Mayumi. Mahaba na siguro ang tatlong buwan. Kapag may napatunayan siya, saka ko ibibigay lahat ng dapat ay sa kaniya. Pagkatapos kumain ay kaagad akong bumalik sa mangahan. May ilan pang trabahador ang naabutan kong naglilinis. Kabilang sa mga ito ay sina Mang Ismael at Mang Lucio. Ang dalawang iyon lamang ang kilalang-kilala ko dahil sa ang mga ito rin ang palagi kong inuutusang pangunahan ang pag-aani ng manga. Tahimik akong lumapit sa mga ito. Nakatalikod ang dalawa kaya hindi nila napansing nasa likuran na nila ako. Akma kong tatawagin ang isa sa mga ito nang marinig ko ang sinabi ni Mang Ismael. "Sasabihin ba natin kay Sir Hiro ang mga nalalaman natin?" Tanong ni Mang Ismael. "Iyon ang nararapat. Pero naiisip ko ang pamilya ko, Ismael. Hindi pwedeng mahinto sa pag-aaral ang panganay ko. Ito lamang ang pag-asa namin para matustusan ang pagkamahal-mahal na tuition fee ni Lorenz sa eskwelahan." Sagot naman ni Mang Lucio. Malakas na tikhim ang aking ginawa. Nanlalaki ang mga matang lumingon sa akin ang dalawa. "I'll pay for it. Just tell me everything you know. Talk, Mang Lucio." "S-Sir..." "Okay, I know you're scared." Napapatango kong sabi bago inilagay ang mga kamay sa bulsa ng suot kong pantalon. "But I should be the one who you should be scared of. Now, talk." — "Damn it to hell!" Inis na sabi ko nang mawalan ng gasolina ang kotse na siyang dinala ko sa bayan para mag-apply ng trabaho. Bakit ba kasi hindi ko naisipang magpagasolina kanina? Malakas na isinara ko ang pinto ng kotse pagkalabas ko. Nasa hacienda na rin naman ako. Ang kaso nga lang ay thirty minutes pa bago ako makarating sa bahay. Mahabang lakarin pa ang gagawin bago ako tuluyang makauwi. Okay lang naman sa akin na maglakad, kaya lang ay alas-singko na ng hapon. Mas madilim ang kalangitan ngayon kumpara kahapon. Ibig sabihin ay may tiyansang umulan. Kaya kung hindi ako magmamadali ay aabutan ako ng malakas na ulan sa daan. Pero kung pipiliin ko namang manatili sa kotse baka gabing-gabi na ako makakauwi. Huminga ako ng malalim bago hinugot ang cellphone sa aking bag. Fifteen percent na lamang ang battery niyon. Kung tatawag ako sa bahay tiyak nang may susundo sa akin. Ang problema nga lang, may sasagot ba lalo na't alam kong abala na ang lahat sa pag-aasikaso ng dinner. Napailing na lamang ako, I should give it a shot. Baka may makasagot naman kahit papaano. Akmang ititipa ko ang numero ng telepono sa bahay nang biglang umambon. Marahan sa umpisa kaya hindi ko pinansin. Pero bigla'y tila umuulan na ng bato dahil sa sobrang laki ng mga patak ng ulan. Nagmamadaling inabot ko ang pinto ng kotse. Subalit ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang hindi ko iyon mabuksan. It's locked inside! I tried to find the key in my bag, pero bigo akong mahanap iyon. Kaya inaninag ko ang loob ng kotse. The key's inside, f****d! Wala na akong mapagpipilian. Muli kong hinarap ang aking cellphone. I dialed our telephone number. Tatlong beses na nag-ring ang telepono pero walang sumasagot. I cursed. Naiirita na ako! Ang lamig pa naman dahil nasa gitna ako kalsada at ang tanging nasa paligid ay ang taniman ng mga bulaklak. Ang lakas ng hangin. God! Sana man lang may maligaw na guard o 'di kaya'y trabahador na pauwi! But I doubt it. Alas-singko umuuwi ang mga tauhan sa hacienda. At kung meron pa mang natitira'y tiyak na magpapalipas ang mga ito ng ulan sa maliit na kubol na malapit sa bahay. My phone died. Kakabahan na sana ako kaya lang ay may natanaw akong ilaw mula sa kotse o kung anong sasakyan na paparating. Bigla akong nabuhayan ng loob. I waved at the driver, kahit na alam kong malabong mapansin ako nito dahil sa malakas na ulan. Ilang sandali lamang ay natigil ako sa pagkaway nang mapansin kong tila bumilis pa ang takbo ng kotse. Nanlaki ang aking mga mata nang tumaas ang headlights niyon. Marahan akong umatras na kalauna'y naging pagtakbo. Isang sigaw ang pinakawalan ko nang walang pasubaling binangga niyon ang nakaparada kong sasakyan. Wala na akong inaksayang oras. Takot man at nanginginig ang aking mga tuhod ay pinilit kong tumakbo palayo. Pinili kong tahakin ang taniman ng mga bulaklak. I started crying. Who's after me? I don't want to die! Ramdam kong may sumusunod sa akin kaya mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo. Kahit nasusugatan na ako ng mga matutulis na dahon at sanga ng mga tanim ay hindi ako huminto. Kailangan ko ng tulong! Kailangan kong makauwi! But wait, kung makakauwi ako, sigurado ba akong ligtas ako roon? Paano kung nasa bahay lang din ang taong gustong pumatay sa akin? Isang malawak na mangahan ang nilabasan ko. May natanaw akong ilaw mula sa isang kubol. Kaya mabilis na pumasok ako sa loob at kaagad na isinara ang pinto. "Who are—." Mabilis na pinatay ko ang ilaw. Kaagad ko ring tinakpan ang bibig ng lalaking nasa loob. "Pasukin niyo sa loob! Baka diyan iyon nagtago!" Napasinghap ako nang marinig ang boses ng isang lalaki sa labas. "Oh God, please help me," halos walang boses kong sabi. "Mayumi?" Lalo akong napaiyak. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. "Damn it. What's happening?" Mariin akong umiling. Takot akong magsalita dahil baka may makarinig sa boses ko. Mahigpit ko na lang na niyakap ang aking mga tuhod at tahimik na umiyak. I can still feel my body's trembling. Kumalabog ang pinto. Kaagad na inilibot ko ang tingin sa loob ng kubol. Wala akong mapagtataguan. s**t! "f**k!" Mariing sabi ni Akihiro bago ako itinulak pahiga. Mabilis niyang hinubad ang suot na polo shirt. Hindi na ako nakapagreklamo nang kubabawan niya ako't walang pasabing sinakop ang aking bibig. Bahagya niya ring itinaas ang laylayan ng suot kong dress. He tenderly caresses my thigh! And he's f*****g kissing me! "Sinong nariyan—oh!" Natigilan ang lalaki nang humarap dito si Akihiro. "Sir Hiro, pasensiya na sa abala. Akala kasi namin dito pumasok iyong pusang hinahabol namin. Sige ho, mauuna na kami." Humigpit ang hawak ko sa balikat ni Akihiro. Kilala niya ang mga lalaking humahabol sa akin?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD