Kabanata 16

2053 Words
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Akihiro nang sabihin ko sa kaniya ang mga narinig ko. Narito kami ngayon sa kuwarto niya. Naglilinis kasi si Manang Susan sa kuwarto ko kaya pinili naming dito na lamang mag-usap. "I'm scared," mahina kong sabi bago mahigpit na niyakap ang unan ni Akihiro. Alam kong matapang ako. Lumaki akong maldita sa lahat ng mga taong hindi ko gusto. Pero ngayong nangyayari sa akin ang mga bagay na ni sa hinagap ay hindi ko inaasahang mangyayari; natatakot ako ng sobra. Natatakot ako sa kung anong mangyayari oras na lumabas akong mag-isa. Natatakot akong baka sa pag-alis ni Akihiro ay lalong tumindi ang banta sa buhay ko. Natatakot din akong sa pag-alis niya ay hindi ko na siya ulit makita. Malinaw pa rin sa isipan ko ang mga plano ng dalawang taong iyon. Gusto nilang pati si Akihiro ay mawala sa kanilang landas. Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Nang tingnan ko si Akihiro ay nakita ko ang pag-upo niya sa aking tabi. Pareho na kami ngayong nakaharap sa bintana ng kaniyang kuwarto habang nananatiling tahimik. Seconds later, I felt his arm on my shoulder-tenderly caressing it. "I'm still here, Mayumi. Bago nila ako magawan ng masama; nakalatag na sa harap mo ang ebidensiya para isuplong sila sa mga awtoridad." Mabilis ang pag-iling na ginawa ko. Hinarap ko si Akihiro habang nanunubig ang aking mga mata. "Tapos ano? Ikaw naman ang mawawala? Para sa akin mas gugustuhin mong mapahamak?" "Mayumi-." "No! Ayaw ko nang may mawala sa akin, Akihiro! Pagod na akong mawalan ng mga taong minamahal! Kung pupuwedeng umalis tayo ay gagawin ko. Lumayo na lang tayo, Aki." Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Akihiro. Marahan niyang pinunasan ang aking mga luha. Pagkatapos ay bahagya niyang pinisil ang aking pisngi. "Hindi ba't gusto mong pagbayarin ang pumatay sa mga magulang natin?" "Sa tingin mo matutuwa sila na makuha ang hustisya kapalit ng buhay nating dalawa?" Balik-tanong ko na ikinangiti pang lalo ni Akihiro. For the first time, pinili kong maging makasarili. "I thought you're strong, bold, and brave. Bakit ngayon-." "Akala ko rin ay matapang ako. Pero sa ganitong pagkakataon, naduduwag ako, Aki." Muli'y katahimikan ang namayani. Muli akong napahikbi. Hindi ko na alam kung anong iisipin. Hindi ko na alam ang dapat gawin. "Is that what you want to do?" Seryoso niyang sabi bago humiga. "Gusto mong lumayo? Sigurado ka? Kakayanin mo ba? Hindi madali ang buhay sa labas ng karangyaan na kinalakhan mo, Mayumi." Nilingon ko siya at matamang tinitigan. His expression's telling me that I should give him the right answer. Do I want that kind of life? Kakayanin ko nga ba? "If I'm with you, yes. I would rather live a simple and happy life with you, Aki. Than spending it in this hell." Right. Kakayanin ko kung kasama ko siya. Wala na akong pakialam kung mawawala man sa akin ang yaman na iniwan ni Dad. Basta masiguro ko lang na malayo kami ni Akihiro sa mga taong gustong pumatay sa amin. Maya-maya lamang ay naramdaman ko ang paghila sa akin ni Akihiro. Hindi na ako nabigla nang ipaloob niya ako sa kaniyang mga bisig. Kahit papaano'y nakaramdam ako ng kaligtasan sa yakap niyang iyon. Hindi ko tuloy napigilan ang pagngiti nang masuyo. Tinugunan ko ang kaniyang yakap. "Wala kang sagot sa mga sinabi ko. Kulang ba iyon?" I asked. "No, Princess. Sapat na ang mga isinagot mo." Sabi niya bago ako ginawaran ng halik sa noo. "May pupuntahan tayo bukas." "Saan?" "Secret," sabi niya pagkatapos niyang higpitan ang pagkakayakap sa akin. "You'll know tomorrow." - "Hanggang kailan kayo roon sa pupuntahan ninyo?" Tanong sa amin ni Manang Susan. Abala kami ni Akihiro sa paglalagay ng mga gamit sa sasakyan. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung saan nga ba talaga kami pupunta. Hindi niya pa rin sinasabi sa akin. Maging ang mga kasama namin sa bahay ay walang alam. Ganoon pa man, wala akong nararamdamang inis kay Akihiro. Ang totoo'y excited na nga akong makita ang lugar na ibinibida niya sa akin. Ang sabi kasi niya'y maganda roon at talagang mag-e-enjoy ako. "Two weeks siguro, Manang," sagot ni Akihiro. "Ganoon ba? O siya, sige na't baka gabihin kayo sa daan." Sabi nitong nakangiti. Bahagyang kumunot ang aking noo. Bigla akong kinabahan. Dahil doon ay napahawak ako sa braso ni Akihiro. Marahan niya namang sinapo ang aking kamay at bahagya iyong ipinisil. "Aalis na ho kami." Pagpapaalam ulit ni Akihiro bago kami tuluyang umalis. Hindi pa man kami lubusang nakakalayo ay isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Akihiro. Pasimple ko siyang tinapunan ng tingin bago itinuong muli ang atensiyon sa daan. "Can you get my phone and dial Shane's number?" Utos niya sa akin. Saglit akong natahimik. Kumunot ang aking noo habang inaabot ang kaniyang cellphone sa bag na nasa backseat. Gaya ng sinabi niya'y kaagad kong tinawagan si Shane. Sa ikalawang ring niyon ito sumagot. Mukhang kumakain ang loko, hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi nito. "Shane," pagtawag ni Akihiro sa kaibigan. "Wait a minute, iinom lang ako ng tubig." Sabi nitong halos mabulunan. Napairap na lamang ako sa hangin. Mukhang sinasamantala nitong wala ako sa bahay. Malaya itong nakakagalaw nang hindi ko pinagmamalditahan. Inayos ko ang aking pagkakaupo. Muling nabalot ng maraming katanungan ang aking isipan. Hindi ko makalimutan ang mga narinig ko sa balon na iyon. Ang mga plano ng mga ito. Ang pamilyar na boses. Alam ko na kung sino iyon! At hindi ako makapaniwalang magagawa iyon sa akin ng taong pinagkatiwalaan ko ng mahabang panahon. "Everything's going to be fine." Singit ng boses ni Shane. Nabalik tuloy ang atensiyon ko sa cellphone ni Akihiro. "And, I have a good news for you." Muling kumunot ang aking noo. Napatitig ako kay Akihiro na abala sa pagmamaneho habang pinapakinggang maigi ang sinasabi ni Shane. Mukhang may pinag-usapan ang mga ito. May plano yata na ayaw ipaalam sa akin. Kung ano man iyon, sana hindi nila ikapahamak. "I got an email from Atty. Dela Vega. May ilang ebidensiya na siyang nakalap. I printed the pictures. At gaya ng napagplanuhan, inilagay ko iyon sa kusina, sa kuwadra at sa manggahan. Naghihintay na lang ako kung sino sa mga taong narito ang kakagat." Isang ngisi ang pinakawalan ni Akihiro. May plano nga silang pinag-usapan. Napabuntong-hininga na lamang ako. Bahala na sila kung ano'ng gusto nilang gawin. As long as safe silang lahat ay ayos lang sa akin. Nang matapos ang tawag ay binilisan pang lalo ni Akihiro ang pagmamaneho. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang plano nila ni Shane. Pero pinanatili ko na lamang na tikom ang bibig. Maghihintay na lamang ako kung kailan niya iyon sasabihin sa akin. Two hours later ay isang pribadong beach ang tinigilan namin. Kaagad akong lumabas ng kotse nang mapansing dito na ang aming destinasiyon. "Nagpareserve ka ba?" Tanong kong nginisihan ni Akihiro. "Wala pa tayo sa pupuntahan natin, Mayumi." "Huh?" "May isa pa tayong sasakyan." Sagot ni Akihiro. Magsasalita pa sana ako nang isang dalagita ang lumabas sa kubol na nasa 'di kalayuan. Nakasuot ito ng bestidang kulay asul. Nakalugay naman ang buhok nitong hanggang puwet. "Kuya Hiro!" Pagtawag ng dalagita na siyang ikinangiti ni Akihiro. "Pupunta po ba kayo sa Isla?" "Oo sana kung nariyan ang tatay mo." Sagot ni Akihiro bago ako hinila palapit sa kaniya. "Cara, si Mayumi nga pala, anak ni Tito Arnold. Mayumi, si Cara, dating kasambahay ang nanay niya sa hacienda." "Uh, ikaw pala ang Mayumi na sinasabi nila." Pagtataray nitong hindi napansin ni Akihiro dahil nauna na siyang naglakad palapit sa kubol. "Uh, hi..." "Hindi ba't nasa ibang bansa ka? Anong ginagawa mo rito? Baka naman pati ang maliit na kubol namin ay kunin mo rin." Hindi ko alam kung bakit parang galit na galit sa akin si Cara. Pero may hinuha akong may mali sa pagkakakilala nito sa akin. Nanatili akong tahimik hanggang sa makapasok ako sa maliit na kubol. Hindi ko naiwasang ilibot ang aking tingin. Maliit ang kubol. Walang kuwarto o ano mang partition. Pagpasok ng kubol ay naroon na lahat, kusina, sala, at tulugan. Walang magarbong kagamitan. At ang tanging mahal na gamit na nakita ko ay isang kuwadradong telebisyon. Sa totoo lang mura pa nga iyon sa tulad kong lumaki na upgraded ang mga gamit. Pero sa mga ito, kayamanan na iyong matatawag. "Pa! May naghahanap sa'yo. Hinahanap ka ng tagapagmana ng Hacienda Lazaro." I bit my lips. May mali talaga sa pagkakakilala sa akin ni Cara. Kung ano man ang pinanggagalingan ng galit nito, dapat na mabago ko iyon. "Mayumi, come here!" Malakas na sabi ni Akihiro. Sumunod ako sa kaniya sa likod na bahagi ng kubol. Doon ko naratnan ang ama ni Cara na abala sa paglilinis ng isdang tulingan. Wala sa oras na napatakip ako sa aking ilong. Malansa ang amoy ng natanggal na lamang-loob ng isda. Para akong maduduwal dahil unang beses na makakita ako niyon. Kadalasan naman kasi'y malinis na ang isda kapag bumibili si Manang Susan. "Napakaarte!" Mariing sabi ni Cara. Napilitan akong ibaba ang kamay na nakatakip sa aking ilong. "Bakit ba parang galit na galit ka sa akin?" Hindi ko na napigilang magtaray. "Hey," sabi ni Akihiro nang maagaw ko ang pansin niya at ng ama ni Cara. "Ito kasing si Cara parang ang lalim ng galit sa akin." Sagot kong nakataas pa rin ang kilay. "Ano bang ginawa ko sayo, Cara? May kasalanan ba akong hindi nabayaran? Sabihin mo sa akin-." "Paanong hindi ako magagalit sa'yo, eh, nang dahil sa'yo namatay si Mama! Pinutol mo ang buwanang allowance na ipinangako sa kaniya ni Sir Arnold! Namatay siya dahil wala kaming maipangpagamot! Kasalanan-." Isang sampal mula sa ama ni Cara ang nagpatigil rito. Lahat kami ay nabigla. Lalo na si Cara na ngayon ay unti-unting napapaluha. "Iwan mo muna kami, Cara. Kakausapin ko lang si Ma'am Mayumi." "Kakausapin mo para magpauto?!" Galit nitong sabi. Isang matalim na tingin ang ipinukol sa akin ni Cara bago ito umalis gaya nang iniutos ng ama nito. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Ilang minuto kaming natahimik. Hanggang sa si Akihiro na mismo ang bumasag sa katahimikan. "Mayumi, si Manong Tony." Pagpapakilala ni Akihiro kay Manong Tony. "Pagpasensiyahan ni'yo na ang anak ko. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin niya matanggap na wala na ang kaniyang ina." Malungkot na sabi ni Manong Tony. Ipinagpatuloy nito ang ginagawa. Inalisan nito ng bituka ang huling tulingan na nasa batya. "Ano'ng ibig sabihin ni Cara, Manong Tony? Sa pagkakaalam ko, hanggang ngayon ay tumatanggap pa rin kayo ng pension mula sa Hacienda Lazaro." Mahabang sabi ni Akihiro. Obviously, wala akong alam sa bagay na iyon. Kaya paanong ako ang may kasalanan? "Naku, Sir Hiro, may dalawang taon na nang huli kaming makatanggap ng pera mula sa inyo. Kayo raw mismo ang nagsabi na huwag na kaming bibigyan dahil iyon ang utos ni Ma'am Mayumi." "May records po ako ng mga naibibigay sa inyong pamilya, Manong Tony. Paanong wala kayong natatanggap?" Tanong pa ni Akihiro. "Pero si Ma'am Mayumi ang may utos na putulin na ang pension ng asawa ko." Awtomatiko akong napanganga. Wala nga akong alam sa nangyayari tapos ako pa ang may kasalanan? "Sino ho ang nagsabi sa inyo na ipinag-utos ko iyon?" "Si Susan." Kumuyom ang kamao ko. I knew it! Sinasabi ko na nga ba. "Huwag ho kayong mag-aalala, ibabalik ko ho ang pension ng asawa ninyo. I'll double it." "Naku, Ma'am, huwag na-." "Hindi, Manong Tony. Ibibigay ko iyon bukas na bukas. Salamat dahil malaki ang naitulong ni'yo sa akin." Sabi kong ikinakunot nito ng noo. Ngumiti na lamang ako bago sinulyapan si Akihiro. "Kung ganoon, maraming salamat din." Napapakamot sa noong sabi nito. "Siyanga pala, pupunta ba talaga kayo sa kabilang Isla? Ayos lang ba iyon sa inyo?" "Bakit po?" Napansin ko ang pagtitinginan ni Akihiro at Manong Tony. "Doon bumagsak ang chopper ng Daddy mo, Ma'am Mayumi." Umawang ang bibig ko. Napatitig ako sa mukha ni Akihiro. Maya-maya'y isang ngiti ang pinakawalan ko. "Ayos lang naman po sa akin, Manong Tony. Kasama ko naman si Akihiro." Kung ano'ng dahilan ni Akihiro at sa Isla na iyon niya ako dadalhin ay hindi ko alam. Wala naman akong nararamdamang kaba. Kaya wala naman sigurong problema kung tutuloy kami. Isa pa, gaya nga ng sinabi ko, kasama ko naman si Akihiro. Magiging maayos ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD