"Manang Susan, ano hong almu—." Natigil ako sa pagsasalita nang mapasukan ko sa dining room si Manang. Tila nahihintakutan ito habang nakatingin sa hawak na isang parisukat na papel. I'm not sure kung anong nilalaman niyon. But, the expression on her face—she was terrified.
"Uh, Emily, ang aga mo yatang nagising. Maghahanda pa lang ako ng almusal." May kaba sa boses na sabi nito.
I bit my lip. Sinundan ko ng tingin ang paglakad ni Manang palapit sa lababo. There's something off about her. She seemed so awkward. Parang may itinatago itong hindi pwedeng malaman ng sinoman.
Oh well, dati pa man ay may napapansin na ako kay Manang na kakaiba. There's something about her smiles whenever Tito Arnold's around. Ang buong akala ko'y normal iyon dito dahil sa kaalamang lumaki itong kasama si Dad at Tito Arnold. Nitong huli ko lamang nalaman na may kakaiba pala talaga kay Manang Susan.
She fell in love with her best friend. Too bad, Tito Arnold loved someone else. Nang mamatay ang unang asawa ni Tito, pansin kong umasa si Manang Susan na matutugunan na ang pagtingin nito kay Tito. Pero dumating sa buhay nito si Tita Eliza at Hiro. And that was the reason why she planned to kill Tita Eliza. Sa kasamaang-palad, pati si Tito Arnold ay nadamay.
"Ano'ng gusto mong agahan, Emily?"
"Nevermind, Manang. Magkakape na lamang ako." Right. Dapat siguro na ako na lamang ang maghanda ng aking agahan. Baka hindi ko napapansin ay nilalason na pala ako paunti-unti ni Manang Susan.
"Ganoon ba? Si Shane na lamang ang ipag—."
"No need, Manang Susan." Sabat ng kapapasok lang na si Shane. Bagong ligo ito. Tumutulo pa ang tubig sa basang buhok. Pansin ko rin ang malapad nitong ngisi. "Magkakape na lang din ako."
Hindi ko napigilan ang pagsingkit ng aking mga mata. Kahapon pagkaalis ni Hiro at Mayumi'y tila naging abala si Shane sa kung anong bagay. He looked suspicious. Pero hindi sinasadyang marinig ko ang pag-uusap nito at ni Hiro sa cellphone. He's working for Hiro. Isang dahilan para maalis ang kaba sa aking dibdib.
"Where's Vince?" Tanong kong ikinatuwid ng tayo ni Manang Susan. Umigkas ang aking kilay. Isa pa ang Vince na iyon. Anak nga talaga ito ni Manang Susan.
"Inaasikaso iyong bubuksan niyang shop sa bayan."
"Ah! 'Yung dried fruit shop?" May ngisi sa labing sabi ni Shane. "Ibig bang sabihin niyon dito siya sa Hacienda Lazaro kukuha ng mga prutas?"
Naging malikot ang mga mata ni Manang Susan. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Oh damn it. I should've told Mayumi about Manang Susan. Natitiyak kong hindi ito maniniwala sa umpisa. Pero ang kaalamang si Manang Susan ang dahilan ng pagkamatay ni Tito Arnold at Tita Eliza, baka ngayon din mismo, hihimas ng bakal na rehas si Manang at ang mga kasabwat nito.
—
"Wow!" Malakas kong bulalas pagkababa pa lang namin ni Hiro mula sa bangkang de-motor. Hindi ko napigilan ang pagngiti nang lumapat ang aking mga paa sa puti at pinong buhangin ng isla. "Ang ganda!"
"You like it here?" Tanong sa akin ni Akihiro.
"Of course! Bakit ngayon mo lang ako dinala rito?"
"Busy ka sa Australia. Inaway mo naman ako pagkarating mo rito sa Pilipinas. Ngayon lang ako nakahanap ng tiyempo para dalhin ka rito." Mahabang paliwanag ni Akihiro.
Ngumiti na lamang ako dahil totoo naman ang mga sinabi niya. Maya-maya lamang ay dinala ako ni Akihiro sa isang bahay. Sakto lamang ang laki niyon. Kung hindi ako nagkakamali, marahil ang bahay na nasa harap namin ay ang bahay na dapat tutuluyan ni Dad at Tita Eliza.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan. Kung hindi siguro namatay si Dad at Tita Eliza, baka may mga nakababatang kapatid kami ngayon ni Akihiro. Ako siguro ang unang matutuwa. Buong buhay ko kasi'y hinihiling ko na magkaroon ng mga kapatid. Malungkot ang mag-isa. Hindi masaya. Kahit na ba halos nasa akin na ang lahat.
"Bago tayo tumungo rito, naipag-utos ko nang punuin ang mga cabinet. Hindi na tayo mamomroblema sa pagkain at tubig. May maayos na ring kama. Ipinagawa ko rin—."
"Hanggang kailan tayo rito?" Natigil si Akihiro sa akmang pagpasok sa kusina. Isang ngiti ang kaniyang pinakawalan. Dahilan, para mapangiti rin ako.
"Ikaw ba? Hanggang kailan mo gustong tumigil tayo rito?"
Kung sariling kaligayahan ko ang iisipin, mananatili kami rito hanggang sa tumanda kami. Pero iniisip ko, lalo lamang magkakaroon ng lakas ng loob si Manang Susan na gawin ang mga kasamaan niya kung magtatagal kami rito sa isla. Gustuhin ko mang ilayo sa panganib ang buhay namin ni Akihiro, hindi pupuwede. Hindi matatapos ang kasakiman ni Manang kung hindi namin ito haharapin.
"Uh, pwede bang one month?" Tanong ko habang marahang naglalakad palapit kay Akihiro.
"One month?" Kunwa'y bahagyang nag-isip si Akihiro. Inilagay pa niya ang kamay sa kaniyang baba bago tumingin sa akin. Isang ngisi ang kaniyang pinakawalan. "Bakit parang ipinagpapaalam mo pa sa akin na gusto mong dumito muna tayo ng isang buwan?"
Napapakamot sa noong napangiwi ako. "Eh kasi, baka hanapin ka sa opisina. Tiyak na makokonsensiya ako oras na pumangit ang image mo sa mga empleyado—."
Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang hapitin ni Akihiro ang aking baywang. Bahagya niya pang pinisil ang tagiliran ko bago ako kinintalan ng magaang halik sa noo.
"Let's swim?" Tanong ni Akihiro. Nakapaloob na ako ngayon sa kaniyang mga bisig. With just one smile from him, nagrambulan na ang kung ano sa aking dibdib.
"I didn't bring my bikinis with me. Hindi mo naman kasi sinabi na dito pala tayo pupunta."
"There's a bunch of that in our room. Mamili ka na lang," sabi niya bago ako nginisihan.
"Pati ba iyon iniutos mo sa mga helper?"
"Uh huh..."
"You know my size?"
Nakakalokong ngisi ang pinakawalan ni Akihiro. Kinurap-kurap pa niya ang kaniyang mga mata na para bang nagpapa-cute. Ayaw ko sanang pansinin ang ginagawa niyang iyon. Kaya lamang ay mukhang pinagkakanulo na ako ng aking mga pisngi. Napapailing na pinitik ko na lang ang ilong ni Akihiro.
Ilang sandali lamang ay nauna na akong tumungo sa nag-iisang kuwarto sa bahay na kinaroroonan namin. Malaki naman ang kuwarto. Tama lamang sa dalawang tao ang malambot na kama na kinauupuan ko. Kompleto ang mga gamit. Kung nakakamangha na sa labas ang bahay, mas lalo naman sa loob nito. Kuhang-kuha ng malaking glass wall ang aking pansin. Kitang-kita sa puwesto ko ang kulay asul na dagat.
I was smiling the whole time while gazing at the white sand beach. Kung natuloy siguro ang honeymoon nila Dad at Tita Eliza, tiyak na napakasaya nila. Lalo pa't ganito ang tanawin na pagmamasdan nila paggising sa umaga.
Nawala ang aking ngiti nang biglang may pumulupot na braso sa aking baywang. Hindi ko napansing nakapasok na pala si Akihiro sa kuwarto. Pinauulanan niya ng magaang halik ang aking leeg pababa sa aking balikat.
"I miss him so much," mahina kong sabi. Nananatiling nakatutok ang aking tingin sa labas ng glass wall.
Tumigil sa ginagawa si Akihiro. Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang baba sa aking balikat. "I know, Princess."
Pumikit ako nang mariin. Nagbabakasakaling mapigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha. Isang malalim na paghinga ang aking ginawa bago tumayo. Pilit akong ngumiti habang nakaharap kay Akihiro.
"Akala ko ba maliligo tayo sa dagat?"
"Let me hug you first." Masuyong ngiti ang kumurba sa mga labi ni Akihiro. Saglit ko siyang tinitigan. Pagkalipas ng dalawang minuto'y ako na mismo ang kusang yumapos sa kaniya.
"Don't worry, Princess," he said after planting soft kisses on my hair.
Pagak na pagtawa ang aking pinakawalan. Isinuksok ko pang maigi ang aking sarili kay Akihiro. "Sila ang dapat na mag-alala. Hindi nila alam kung paano ako magalit."
"Kailangan bang matakot din ako?" May ngisi sa labing tanong ni Akihiro.
I heaved a sigh. "Kung hindi ko lang iniisip ang kaligtasan nating dalawa, baka matagal nang wala sa hacienda ang mga taong pumatay kay Dad at Tita Eliza. Ang gusto ko kasi'y maging ligtas tayong lahat hanggang sa matapos ang lahat ng ito. Hindi ko kakayanin kapag may nawala na namang importanteng tao sa buhay ko."
Banayad na pagngiti ang pinakawalan ni Akihiro. Muli niya akong hinalikan sa noo. "Walang mangyayaring masama sa mga mahal mo, Mayumi."
Ngumiti na lamang ako bago tumayo at tinungo ang kinalalagyan ng mga bikini na pagpipilian ko. Sa isang box na malapit sa closet nakalagay ang mga ito. Iba-iba ang kulay. Lahat ay magaganda, pero dalawang kulay lamang ang napili ko. Isang kulay pula at isang kulay nude.
Humarap ako kay Akihiro habang hawak sa magkabilang kamay ang mga napili. Nakita ko siyang abala sa pagtingin ng kung ano sa kaniyang cellphone. Kung hindi ko pa siya tinawag ay hindi siya lilingon sa akin.
"Which one is better?"
"Try them first. Saka ko lang malalaman kung alin sa dalawa ang maganda kapag nakita ko na silang suot mo." A playful smile formed in his lips. Mang-uuto pa yata ang gago. Pasensiya na lang, hindi ko siya pagbibigyan.
"I think, I'll go with the red one. Sa sunod na lang itong nude." Sabi kong ikinaungol ni Akihiro. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangisi.
"Alright, then. I'll wait you outside."
Nang makalabas ng kuwarto si Akihiro'y nag-umpisa na akong magpalit ng damit. Excited kong sinuot ang kulay pulang bikini. Pagkatapos ay humarap ako sa salamin. Napakagat ako sa labi. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Parang ayaw ko na tuloy lumabas. Damn! Kakarampot na tela lamang ang nakabalot sa aking katawan. Dahil doon ay lalong lumitaw ang maputi kong balat. Tiyak na maghuhugis puso ang mga mata ni Akihiro. Ang damuhong iyon!
Bago tuluyang lumabas ay muli kong sinipat ang aking sarili sa salamin. Nang makuntento'y mabilis kong kinuha ang isang malaking t-shirt na puti sa bagahe ni Akihiro. Sinuot ko iyon bago lumabas ng kuwarto.
Hindi ko naratnan si Akihiro sa sala. Kaya naman dumiretso na ako sa labas. Nakita ko siyang naglalakad sa dalampasigan habang nakapamulsa.
"Aki!" Sigaw kong ikinalingon niya sa akin.
Napansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Saglit lamang iyon. Pagkatapos ay napapailing na napakamot siya sa kaniyang kilay.
"That's my shirt."
"It's mine now." Sabi kong napapabungisngis. "Let's go, habang hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw."
Hindi ko na hinintay na sumagot si Akihiro. Kaagad kong hinubad ang t-shirt. Saglit ko iyong tinupi at inilapag sa damuhan bago lumusong sa tubig.
Malamig ang tubig ng dagat. Masarap sa pakiramdam. Parang tinatanggal niyon ang pagod sa aking katawan. Tila gumaan ang pakiramdam ko.
Sumisid ako sa tubig. Dalawang minuto siguro akong nasa ilalim bago ako umahon. Unang tumambad sa akin ang bahay. Awtomatikong kumunot ang aking noo. Isang bulto ng lalaki ang nakita ko sa bintana. Kaagad na inilibot ko ang tingin. Naisip ko kasing baka bumalik si Akihiro sa bahay. Pero nagulat na lamang ako nang may yumakap sa akin mula sa likuran.
"Aki!" Malakas kong sabi bago humarap kay Akihiro.
"What?" Tanong niya habang inihihilamos ang kamay sa basang mukha. "Parang gulat na gulat ka yata?"
"Huh? Ah, o-oo, ginulat mo kasi ako."
Muli kong sinulyapan ang bahay. Wala na sa bintana ang bulto ng lalaki. Sino kaya iyon? Multo ba? Tauhan ni Aki? O isa sa mga masasamang loob na gustong pumatay sa akin at kay Akihiro?