"Are you okay?" Tanong ni Akihiro habang nasa harap kami ng hapagkainan.
It's almost nine in the evening. Until now, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina. May posibilidad na maaaring namalikmata lamang ako. Maybe it was just a shadow. Or something else that made me thought that there was a man at the window. And with that kind of reasoning, pwede ko nang balewalain ang nakita. But as we were entering the house, there were footprints on our doorstep. Malaki iyon kumpara sa size ng paa ni Akihiro. Lalo namang mas malaki iyon kaysa sa akin. Ibig sabihin ay may tao pa rito sa bahay maliban sa amin ni Akihiro. And the thought of living under the same roof with a stranger makes me shiver down to my spine.
I slowly nodded my head. "Yeah...but,"
"Is there something bothering you?" Tanong pa ni Akihiro habang tinitingnan ako ng mataman.
Malalim na paghinga ang aking ginawa. I should tell him about what I saw this afternoon. Hindi ako mapapakali kung kikimkimin ko ang pag-aalalang umaalpas na ngayon sa aking dibdib.
"Aki, tell me, may iba pa bang tao rito maliban sa ating dalawa?"
His eyebrows furrowed. His jaw tightened. "What do you mean?"
Saglit akong nag-alinlangan. Bahagya kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. "I saw a man standing there," I pointed out the window near our front door. "He was inside this house. Nakatingin siya sa atin habang naglulunoy tayo sa dagat kanina."
"A man?" Napansin ko ang pagsandal ni Akihiro sa upuan habang mariing nakatitig sa bintanang itinuro ko. "Pamilyar ba ang mukha niya sa'yo?"
Marahan akong umiling. "I didn't see his face. Actually, it was a silhouette. But I am very sure na lalaki ang nakatayo riyan sa bintana."
"Apat na lalaki lang ang may alam ng islang ito, Mayumi. Si Atty. Dela Vega, Mang Ben, Manong Tony at ako. Kung may iba pa man, baka mangingisdang naligaw."
"A fisherman? Nakatitig siya sa atin na para bang may binabalak siyang masama! Tapos sasabihin mong mangingisdang naligaw lang ang lalaking iyon?" Unbelievable! Mauunawaan ko kung sinabi niyang multo iyon ni Dad.
Mas lalo lang akong nilalamon ng takot. What if huling gabi na pala namin ito? God! I will slap Akihiro in the afterlife kapag yung lalaking nakita sa bintana ay kasabwat ni Manang Susan!
"But you said it was a silhouette. Paano mong nalaman na nakatitig—."
"I felt it, stupid!" Awtomatikong natuptop ko ang aking bibig nang tingnan ako ng masama ni Akihiro. Napapaiwas ng tinging nagpakawala ako ng tikhim. "Sorry..."
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Akihiro bago tumayo. Tahimik na niligpit niya ang mga pinagkainan namin. Hindi naman siya galit, di ba? Nabigla lang naman ako sa sinabi ko. Hindi ko sinasadyang tawagin siyang estupido.
Akmang tatayo ako para lapitan si Akihiro nang biglang may kumalabog sa likod ng bahay. Sabay kaming napalingon ni Akihiro sa pintong nasa kusina. Pinto iyon papunta sa likod ng bahay kung saan purong matataas na punong-kahoy ang makikita.
I gulped. Don't tell me connected iyon sa lalaking nakita ko kanina?
"Aki," halos walang boses na tawag ko kay Akihiro. Napansin ko ang pagtaas ng kaniyang kamay. Iginalaw niya iyon na para bang sinasabing lumapit ako. Kaya mabilis ang ginawa kong pagtayo. Hinubad ko ang suot na tsinelas bago tumakbo kay Akihiro.
Naulit ang pagkalabog. Mas malakas at tila nanggagaling naman sa harap ng bahay. Mahigpit na napahawak ako sa damit ni Akihiro. Mariin din akong napapikit. Lalo na nang pagkatapos ng mga kalabog ay tatlong magkakasunod na katok sa front door naman ang aming narinig.
"I'll check—."
"No!" Mariin kong sabi sabay yakap nang mahigpit sa braso ni Akihiro.
"Sisilipin ko lang sa bin—."
"I said no!" Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking mga luha. Ayaw kong tingnan ni Akihiro ang nangyayari sa labas. Baka kung ano'ng mangyari sa kaniya.
"Alright, let's get inside the room. We can call for help while hiding in there." Sabi na lamang niya bago ako hinawakan sa kamay. Tahimik na iginiya niya ako papasok sa kuwarto.
Pagkarating doon ay mabilis na isinara ko ang mga bintana. Takot man ay nilakasan ko ang loob na silipin ang nangyayari sa labas. Kadiliman ang sumalubong sa akin. Akma na sana akong maglalakad palapit sa kama nang may makita akong sinag ng ilaw mula sa dagat. Para itong nagmumula sa isang flashlight.
I was right. May tao pa rito sa isla maliban sa amin ni Akihiro. At sa tingin ko'y hindi nag-iisa ang lalaking nakita ko kanina. Mukhang may kasama pa ito.
"We need to call for—." Natigil ako sa pagsasalita nang malakas na pagbalya sa pinto ang pumailanlang sa katahimikan.
"f**k!" Mariing wika ni Akihiro bago ako nilapitan. Mahigpit niyang hinawakan ang aking braso. Walang pasabing binuksan niya ang malaking bintana.
"Aki..."
"Run into the woods." Tiim ang mga bagang na sabi niya.
"But—."
"I'll be okay. Basta tumakbo ka lang nang tumakbo. Pagkarating mo sa kabilang panig ng isla, pumasok ka sa malaking kuweba na makikita mo roon. Your dad's private yacht is in there. You can use it to escape."
"No! Hindi kita iiwan dito!"
"Listen, honey. They're after you. Kaya dapat—."
Malakas na bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok ang isang lalaking may suot na itim na facemask at itim din na sombrero. Nakasuot ito ng black leather jacket. Sa ilalim niyon ay kulay pulang shirt. He's also wearing a black pants and a white sneakers.
Natatambunan ng itim na sombrero ang kaniyang mga mata kaya hindi ko maaninag nang maayos ang kaniyang mukha. Who is he?
Marahang itinago ako ni Akihiro sa kaniyang likuran. He secretly handed me his phone. Atubili ko iyong tinanggap. He obviously wanted me to run alone—leaving him with the mysterious man.
"I d-don't want to..." I said. Sa pagitan ng aking mabibigat na paghinga ang pag-alpas ng mahihina kong hikbi. I don't want to leave him here.
Kokontrahin sana ni Akihiro ang sasabihin ko nang pareho kaming magulat sa ginawang pagsugod ng lalaki. Sinangga ni Akihiro ang bawat suntok na pinapakawalan nito. Habang ako nama'y natumba sa gilid ng kama. Tumama ang tagiliran ko sa dulo niyon kaya naman awtomatikong namilipit ako sa sakit. Nahirapan din ako sa pagsagap ng hangin. Para akong sinikmuraan.
Pinilit kong tumayo. Hahagilapin ko sana ang lampshade para ihampas sa lalaki nang makita kong nalaglag sa sahig ang suot nitong sombrero. Pareho kaming napatda ni Akihiro nang tumambad sa amin ang pamilyar nitong mga mata. Kung maaalis lamang ang suot nitong facemask, malamang na makilala namin ito nang tuluyan.
"Vince," malamig na sabi ni Akihiro.
Umawang ang bibig ko sa narinig. Mariing pinakatitigan ko ang mukha ng lalaki. Akihiro's right. Mga mata nga ni Kuya Vince ang nakikita ko. My hands trembled. Pati ang mga labi ko'y nagsimula na ring manginig. Lalo na nang tanggalin nito ang suot na facemask.
"W-Why..."
Isang nakakalokong ngisi ang pinakawalan ni Kuya Vince. Pagkatapos niyon ay inilabas nito ang isang baril na marahil ay nakaipit sa pantalon nito mula sa likuran. Natahimik ako. Nanlaki ang aking mga mata.
"Why?" He asked with a smirk on his lips. Ikinasa nito ang baril. Pagkatapos ay ipinutok malapit sa paa ni Akihiro. "He stole everything from me."
Napalingon ako kay Akihiro. Madilim ang ekspresiyon sa kaniyang mukha. Napalunok ako. Natatakot sa dalawang lalaking kasama ko ngayon sa iisang silid.
Sa nanginginig na mga tuhod ay pinilit kong maglakad palapit kay Akihiro. I held his hand. "No, he didn't."
Malakas na halakhak ang pinakawalan ni Kuya Vince. "C'mon, Mayumi. Pati ba naman ikaw ay nabilog ng lalaking iyan? He was the one who killed your father! He killed Tito Arnold para makuha niya ang yaman ninyo! At ngayon, tinutulungan kitang makuha ang hustisya para kay Tito!"
Mariin akong umiling. "No, Kuya Vince. Walang kasalanan ni Aki."
"Meron, Mayumi. Ayaw mo lang tanggapin dahil mahal mo siya. Binubulag ka niyang nararamdaman mo."
My tears fell like waterfalls. Does he know that it was his mother's doing? That Manang Susan was the one who killed my dad and my stepmom? Duda akong alam nito ang totoong pagkatao ni Manang.
"Ikaw ba ang dahilan ng problemang kinakaharap sa manggahan? Ikaw ba ang nagpahabol sa akin noong gabing umuulan?" Hindi ko na napigilang itanong.
Kumunot ang noo ni Kuya Vince. "Ang tungkol sa manggahan, ako nga dahilan ng problema roon. Pero hindi kita pinahabol sa kahit na sino. I won't do that to you."
That's it. Hindi nga alam ni Kuya Vince ang mga ginawa ni Manang. "Kung ganoon, bakit balak mo kaming patayin ngayon?"
"Si Akihiro ang gusto kong nawala sa buhay natin, Mayumi. Hindi kita magagawang saktan." Seryosong sabi ni Kuya Vince. Nakakunot pa rin ang noo na tila nagtataka kung bakit takot na takot ako rito.
Muli akong napailing. "Please, don't hurt Akihiro." Umiiyak na tumayo ako sa harap ni Aki. Kahit alam kong hindi maitatago ng aking kaliitan ang pagiging malaking lalaki ni Aki, pinilit kong itago siya sa aking likuran.
"No way, Mayumi. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa niya kay Tito Arnold."
"I didn't kill him." Malamig na turan ni Akihiro. "It was your mother, Vince. Siya ang dahilan kung bakit namatay si Tito Arnold."
Napansin ko ang pagbalatay ng gulat sa mukha ni Kuya Vince. "Liar..."
"Nagsasabi ng totoo si Akihiro, Kuya Vince. Si Manang Susan ang dahilan kung bakit namatay si dad. Hindi ko alam kung paano niyang nagawa iyon. Pero totoong ang mama mo ang dahilan ng lahat ng ito."
"No! Hindi iyon magagawa—."
"Maniwala ka man o hindi, ang mama mo pa rin ang may kasalanan!"
"Shut up!"
"Siya dapat ang pinaghihigantihan mo at hindi ako."
"I said shut up!" Malakas na sabi ni Kuya Vince. Isang tili ang kumawala sa aking bibig nang muli'y kasahin ni Kuya Vince ang hawak na baril. Bago pa man nito iyon maitutok kay Akihiro ay mabilis na napigilan niya na ito.
"Stop! Please, stop!" Sigaw ko habang napapahawak sa ulo. Nakakasa ang baril. May posibilidad na maaaring makalabit ni Kuya Vince ang gatilyo niyon. At walang makakapagsabi kung saan iyon tatama.
Tila walang narinig ang dalawa patuloy ang mga ito sa pag-aagawan ng baril. Hindi ko alam kung saan ako magtatago. Natatakot akong tamaan ng bala. Lalo namang natatakot akong isa sa kanilang dalawa ang tamaan.
Ilang sandali lamang ay malakas na inundayan ng suntok ni Akihiro si Kuya Vince. Tumama iyon sa panga ni Kuya Vince dahilan para matumba ito at mabitiwan ang hawak na baril. Kinuha ni Akihiro ang pagkakataon. Mabilis siyang tumalikod at akma akong hihilahin paalis nang siya naman ang mabuwal. Sinipa ito ni Kuya Vince. Eksaktong natumba si Akihiro sa lugar kung saan tumilapon ang baril. Kaagad niya iyong kinuha at itinutok kay Kuya Vince. Muli akong napasigaw.
Kasabay ng pagputok ng baril ang paghampas ng upuang hawak ni Kuya Vince kay Akihiro. Mabigat ang upuang iyon dahil gawa sa kahoy. Dumugo ang ulo ni Akihiro. Habang si Kuya Vince naman ay unti-unting napaluhod. Umaagos ang masaganang dugo sa dibdib nito.
"Oh my God." Halos walang boses kong sabi. Hindi ko alam kung sino ng unang lalapitan. Balong na sa luha ang aking mga mata. Lalo lamang binalot ng takot ang aking dibdib. Sa huli'y si Kuya Vince ang nilapitan ko. Habul-habol nito ang paghinga.
"Mayumi..."
"Kuya Vince..." palahaw ko. Wala itong kinalaman sa pagkamatay ni dad. Kaya dapat lang na paglaanan ko ito ng pag-aalala.
"I'm sorry," mahina nitong sabi bago hinawakan ang aking pisngi. "I'm sorry," pag-uulit nito bago ako sinakal nang mahigpit.
Hindi ko magawang sumigaw dahil sa higpit ng pagkakasakal nito sa akin. Hindi na lamang luha ang nagpapalabo ng aking paningin. Pinilit kong makawala, pero hindi ko na nagawa dahil tuluyan na akong nanghina. Hanggang sa mawalan na ako ng ulirat.
Fuck! Dapat pala si Akihiro ang una kong nilapitan.