"Mama Yumi, hindi ka na po ba galit sa akin?" Natigil ako sa pagbabalat ng mansanas nang marinig ko ang sinabi ni Elayka. Isang banayad na ngiti ang aking pinakawalan. "I'm sorry, Elayka. Hindi na uulitin ni Mama ang ginawa niya, okay?" "Pero hindi na po ba kayo galit sa akin? Promise po hindi ko na babanggitin ang pangalan ni Sir." Sabi pa nitong nakataas ang kanang kamay. Hindi ko napigilan ang mapangiti ng malungkot. "It's okay, Elayka. Kahit ilang beses mo pang banggitin ang pangalan niya, ayos lang sa akin. Hindi na ako magagalit." "Talaga po?! Thank you Mama Yumi!" Tango na lamang ang naisagot ko kay Elayka. Ipinagpatuloy ko ang pagbabalat ng prutas. Ipinagbalat ko na rin si Vier. Alam kong pagod rin ito dahil sa pagbabantay kay Elayka. Gabing-gabi na kasi nang makababa ako mula

