Isang ngiti ang pinakawalan ko nang marinig ang hagikhik ni Elayka. Nagkukuwento ito ng tungkol sa mga bagong anak ng kabayo. Two days na ang nakakalipas nang magkaharap kami ni Akihiro. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita kahit ang hibla ng buhok niya rito sa hacienda. Mukhang ibang farm ang tinutukoy ng babaeng kasama niya. Napapabuntong-hiningang inayos ko ang pagkakalatag ng sapin sa damuhan. Nagpasya akong dalhin sa tuktok ng burol si Elayka. Dito kami magtatanghalian kasama si Manang Isabel at Vier. Wala si Emily, may lakad ito sa Manila. Mukhang may book signing event na dadaluhan. "Malungkot ka, Mama Yumi." Puna ni Elayka sa pananahimik ko. "No, I'm not. Marami lang akong iniisip." Sagot ko habang ginugulo ang buhok ni Elayka. "Anong iniisip mo, Mama?" Bigla akong nat

