"Mayumi..." Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. Pansin ko ang marahang paglaki ng mga mata ni Akihiro. Tila ba hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ako ngayon. Mabilis na iniwas ko ang aking tingin. Inayos ko ang pagkakapasan kay Makiyu dahilan para mabaling ang pansin ni Akihiro sa anak niya. "Uh, nakatulog dahil sa pagod." Napapangiwing sabi ko. Hindi ko alam ang sunod na gagawin. Kung ibibigay ko ba kay Akihiro si Makiyu o papasok ako sa loob para ako mismo ang maghiga kay Makiyu sa kama nito? "Oh, sorry about that. Let me—." "Mommy..." Pareho kaming natigilan ni Akihiro nang biglang humikbi si Makiyu. Hindi ko alam kung matataranta ba ako o kung ano? Baka kasi biglang sumulpot si Martha. Mamaya niyan ay mag-isip ito ng kung ano. "Napanaginipan niya yata ang mommy niya.

