AN: Flashbacks ang naka-italic ------ "Beat him," may ngisi sa labing sabi ng lalaking bumisita sa akin. Kanina nang ipaalam sa akin na may bisita ako'y naghinala na ako. Mariin kong sinabi kay Shane na huwag munang bibisita dahil baka lalong magpumilit si Mayumi na puntahan ako rito sa kulungan. Kaya naman kahit labag sa loob ko na harapin ang lalaki'y wala akong nagawa. Heto at nakatayo sa harap ko ang nagpakilalang secretary ni Mayumi. Secretary? Sa pagkakaalam ko'y walang ibang nakakasama si Mayumi maliban kay Emily. Sa mga nakalipas na araw ay halos palagi kaming magkasama ni Mayumi. Kaya ang lalaking nasa harap ko ngayon ay walang dudang tauhan ni Vincent. "Mayumi want you dead. Kabayaran dahil sa pagpatay mo sa kaniyang ama." Nakangisi pa ring sabi ng lalaki. Damn it. Ano pa b

