Kabanata 6

1245 Words
"MAGANDA umaga po, Sir," magiliw na bati ni Abella kay Neith nang makasalubong ito sa hallway. "Magandang umaga rin, Abella." Huminto si Neith. "Okay ka na ba? 'Yong nangyari sa party, pasensiya ka na. Hindi ko naman kasi-" "Okay na po 'yon, Sir. Huwag na kayong mag-alala, okay lang ako." Ayaw niyang pag-usapan si Nathan dahil hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita. "Sigurado?" Tumango siya. Nagpaalam na rin siya na magtatrabaho na dahil sa marami na ang mga customers. Iniiwasan rin niyang mapag-usapan ng ibang katrabaho. Baka isipin ng mga ito na sumisipsip siya kay Neith. Itinuon niya ang atensyon sa trabaho. Dahil marami ang mga customers kaya naman nalibang siya at nawala ang isip niya kay Nathan. Matapos ang ilang oras na pagtatrabaho, lumabas na si Abella sa loob ng restaurant. "Hatid na kita." Lumingon siya sa nagsalita. Nakita niya si Neith. Nakangiti ito sa kaniya habang nasa braso ang coat na kaninang suot. "Huwag na po, Sir. Magko-commute na lang ako," protesta niya at nahihiyang ngumiti sa kaharap. "Sumabay ka na lang sa akin, Abella. Dadaan din naman ako sa street kung saan ka bumababa, eh," pamimilit nito. "Nakakahiya po sa inyo, Sir." Napakamot pa siya sa batok. "Ano ka ba naman, magkaibiban naman tayo, 'di ba?" Hindi na rin siya nag-protesta dahil siguradong pipilitin at pipilit pa rin siya nito hanggang sa pumayag siya. "Hindi pa ba kayo nag-uusap ni Nathan," tanong nito habang kasalukuyan nang umaandar ang kotse. Napalingon si Abella kay Neith. Hindi agad siya nakasagot. Naaalala niya ang huling pagtatagpo nila ng nasabing binata at hindi iyon naging maganda. Sumeryoso siya. "Hindi pa, Sir. At wala akong balak," sabi niya. Bumaling siya sa labas ng kotse. Siguradong isusumbat lang sa kaniya ni Nathan ang nangyari noon. Iinsultuhin at aapakan lang nito ang pagkatao niya. "Hindi pa rin ba niya alam ang totoo?" "Bulag pa rin siya sa katotohanang pinapaniwalaan niya," dismayadong sagot niya. Hindi niya nga alam kung inalam ba ni Nathan ang totoo o mas pinaniwalaan nito ang ina na mas magaling pa sa kontrabida sa mga teleserye kung magsinungalin. Saglit siyang pinagmasdan ni Neith. Hindi na rin ito umimik na ipinagpasalamat niya. - "WHAT? Bakit biglaan naman ang desisyon mo anak?" gulat na reaksiyon ni Irene nang sabihin ni Nathan na gusto na niyang bumukod. "You know my reason, 'Ma." "Pero anak, bakit kailangan mo pa 'tong gawin? Lalo mo lang ilalayo ang sarili mo sa 'yong ama." "Dati pang malayo ang sarili ko sa kaniya 'Ma. Simula no'ng ipinamigay niya ako. Buo na ang desisyon ko, bubukod ako para na rin sa katahimikan ng bahay na 'to." Lumapit sa kaniya ang ina habang mababakas ang lungkot sa mga mata nito. Hindi kasi nito gustong malayo sa nag-iisang anak. "Anak, please! Hindi ko gustong lumayo ka sa amin ng papa mo. Handa naman kaming ibigay ang kalayaang gusto mo, huwag ka lang lalayo sa amin," pagmamakaawa nito. "Ma, sorry I already made my decision." Malungkot din para sa kaniya na lisanin ang bahay na 'yon at iwan ang ina. Pero hindi pa rin niya kayang tumira sa bahay na kasama ang kinamumuhiang ama. Wala nang nagawa si Irene kung 'di ang pumayag sa nais niya. Hindi rin naman nito mababago ang kaniyang desisyon. Pagkatapos nilang mag-usap na mag-ina, tumawag si Nathan kay Koki para humingi ng tulong. Nagpahanap siya rito ng condo na matitirhan. - NAGPASALAMAT si Nathan kay Koki dahil madali siya nitong naihanap ng matitirhan. "Is it okay to you, Nathan? Medyo maliit ang lugar," tanong ni Koki habang nakaupo ito sa puting sofa at nakadipa. "Yes and beside ako lang naman mag-iisa ang titira rito," pakli niya. "Syanga pala, anong sabi ni Tito sa 'yo?" Biglang nag-iba ang aura ng mukha niya nang banggitin ni Koki ang ama. Hindi naman siya nagpaalam dito dahil wala naman siyang paki kung papayagan siya nito o hindi. "I didn't tell him. Wala naman na siyang magagawa," aniya. "Hindi ba parang sobra ka naman kay Tito Manny? Alam mo naman kung paano mag-effort ang 'yong ama para patawarin mo siya, 'di ba? Isa pa, napatunayan mo naman na talagang nagsisisi na siya sa ginawa niya sa 'yo noon. Alam mo naman ang dahilan kung bakit, 'di ba?" Hindi siya umimik. Naramdaman niya lahat ng mga sinabi ni Koki. Limang taon si Nathan nang maghiwalay ang mga magulang niya, dahil sa nangbabae ang kaniyang ama at nalulong sa sugal. Iniwan siya ng kaniyang ina sa ama dahil naniniwala ito na mas gaganda ang buhay niya sa poder ng ama. Dahil sa nangyari, lalong nalulong sa sugal si Manny at napabayaan ang kompanya. Na-bankrupt iyon at huli na para isalba pa. Dahil sa kahirapan, nagdesisyon si Manny na ibigay si Nathan sa kapatid na may magandang buhay dahil walang-wala na ito nang panahong iyon. Pinangako ni Manny na babalikan siya nito oras na maitayo muli nito ang bumagsak na negosyo Apat na taon ang ginugol ni Manny para lang matayong muli ang nadapang negosyo. Pero sa kabila niyon hindi agad siya nito kinuha, lumipas pa ang ilang taon bago siya nito kunin sa poder ng pamilyang pinagbigyan sa kaniya. Pero sa kabila nang pagtupad nito sa pangako, hindi niya pa rin maiwasan ang magalit sa ama. Sinisi niya ito sa lahat nang nangyari sa pamilya niya. Kung bakit kailangang umalis ng kaniyang ina. Hindi rin naging madali ang buhay niya sa poder ng Tita Amor niya na dinala siya sa Cotabato para doon ay maging katulong lang. Araw-araw pinapalinis sa kaniya ang buong bahay ng kamag-anak at hindi siya basta-basta pinapakain ng mga ito. Ilang beses niyang sinubukang umalis pero hindi niya alam kung saan pupunta. - NAGLAKAD si Abella patungo sa gilid ng highway para mag-abang ng masasakyan. Pasado alas-diyes na ng gabi at kakalabas lang niya ng restaurant. Nakakaramdam na siya nang pagod at antok kaya gusto na niyang makauwi para makapagpahinga. Tinakpan niya ang bibig nang humikab siya. Nakakahiya naman kung hindi niya gagawin 'yon. "Masyado ng gabi." Napapiksi siya. Tila nawala ang antok niya dahil sa boses na iyon. "Hindi ka pa rin nagbabago Abella, magugulatin ka pa rin." Hindi niya alam kung compliment ba 'yon o pang-iinsulto. Nakaramdam siya ng inis kay Nathan na nasa harap niya. Nakapamulsa pa ito at diretsong nakatingin sa kaniya. "Wala kang paki, Nathan," angil niya. "Masyado nang gabi bakit nandito ka pa?" tanong nito. Hindi niya maunawaan ang pinapahiwatig ng binata. Kung umakto kasi ito, akala mo'y okay silang dalawa. Na parang hindi sila nagtalo nang huli sila magkita. "Anong kaso sa 'yo, kung gabi na ako?" pagtataray niya. "Huwag kang umaktong okay tayo dahil hindi tayo okay," dagdag pa niya. "Akala ko mayaman ka na. Hindi pa ba sapat 'yong per-" Nagdilim ang paningin ni Abella. Hindi niya napigilan ang sarili, tumama ang palad niya sa matigas na pisngi ni Nathan. Napahilig pa ito dahil sa lakas niyon. Nag-init ang buong mukha niya. Hindi na niya kayang insultuhin pa nito. Masyado nang durog ang puso niya noon pa man. Naramdaman na lang niya ang sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang luha. "Ni singkong kusing wala akong tinanggap galing sa Mommy mo, Nathan. Hindi ako gold digger katulad ng inaakala mo. Wala kang karapatang insultuhin ang pagkatao ko," mariin niyang tugon. Gusto niyang sigawan ang binata hanggat hindi nito naiintindihan ang katotohanan. Hindi niya magawang basahin ang iniisip nito. Pinagdikit niya ang mga labi at matalim na tinitigan si Nathan. "Insultuhin mo ako kapag alam mo na ang katotohanan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD