Kabanata 7

1137 Words
PABAGSAK na umupo si Nathan sa sofa nang tuluyan niyang marating ang condo-ng tinitirhan. Katulad na natural na nangyayari, katahimikan ang sumasalubong sa kaniya. Aminin man niya o hindi, nakakaramdam din siya ng panglaw at pananabik. May lungkot pero pilit niya iyong nilalabanan. Pumikit siya habang nakadipa sa headrest ng sofa. Nangangalay ang buo niyang katawan dahil sa mahabang oras ng pagtatrabaho. Marahil dahil na rin hindi naman talaga siya sanay sa mga ganoong trabaho. Insultuhin mo ako, kapag alam mo na ang totoo. Napatigil siya nang bumalik ang mga sinabi ni Abella sa kaniya. Hindi niya mawari kung bakit nagsisisi siya sa mga nasabi rito. Pakiramdam niya hindi iyon deserve ng dalaga. Nagi-guilty siya. Hindi rin lubos maisip ni Nathan kung ano ang katotohanang sinasabi ni Abella. Isang katotohanan lang ang alam niya, ipinagbili nito ang pagmamahal para sa kaniya. Sa loob ng isang taong paglayo ni Nathan para makalimot, akala niya sa pagbabalik niya'y magiging okay na ang lahat. Pero hindi pala ganoon kadali. Nananariwa sa kaniya ang nangyari roon, pero kaakibat ng mga aksyon niya sa dalaga ang guilt. Pero sa lahat ng mga nangyari, napagtanto niyang hindi niya basta-basta kayang alisin sa buhay si Abella. May lugar pa rin ito para sa kaniya. Nasapo niya ang noo at bahagyang hinilot iyon. Tinatanong pa rin niya ang sarili kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya kayang kalimutan ng tuluyan ang dalaga. Na kahit saan siya pumunta, lumilitaw pa rin ito sa kaniyang isipan. – "MABYE you don't know yet what was really happened isang taon na ang nakakaraan," komento ni Koki ng ikuwento ni Nathan ang naging pagkikita nila ni Abella ng nagdaang araw. "I saw everything, Koki alam mo 'yon." "Sige sabihin na nating nakita mo lahat ang pangyayari ng araw na 'yon pero pagkatapos noon hindi mo na alam, right? Maaaring may hindi ka alam." Pilit niyang inalala ang mga nangyari noon. Kita ng dalawang mga mata ni Nathan kung paano binigyan ng pera ng kaniyang ina si Abella, kapalit ang paglayo nito sa kaniya. "I don't know, Koki. Naguguluhan ako. May parte sa akin na baka may hindi nga ako nalalaman. Maybe I'm wrong for judging her without knowing what was really happened. But what was that scene? Tinanggap niya ang pera." "Yes, she accepted the money but we don't know what happened after that. Pwedeng sinauli niya 'yong pera. Hindi mo ba naisip 'yon? Ikaw mismo ang nakakakilala kay Abella at alam mo kung kaya niyang gawin ang bagay na 'yon o hindi," mahabang litanya ni Koki na may malaking punto. "If she returned the money, bakit lumayo pa rin siya? Akala ko nga kilala ko na talaga ang buong pagkatao ni Abella, but I was wrong." Mapait siyang napangiti. "Are you numb, Nathan? Maraming dahilan kung bakit iniwan ka niya. Unang-una na doon ang Mommy mo. Sige, if you were Abella, mananatili ka pa rin ba sa kabila ng mga nangyari sa inyo noon? Masyado ng maraming nangyari sa inyo at mahirap ng ayusin pa. Another thing, pinakinggan mo ba ang paliwanag niya? Hindi 'di ba?" Natigilan siya. Parang nasampal siya ng katotohanan. Tama si Koki masyado nang maraming nangyari sa kanila noon na mahirap ng ayusin. Maaaring kasalanan din niya na hindi pinakinggan ang paliwanag ni Abella, sa halip ay sinaktan ito sa pamamagitan ng kaniyang mga salita. Pero hindi rin niya masisisi ang sarili. Si Abella mismo ang nakipaghiwalay at pagkatapos niyon, nasaksihan niya ang pangyayaring gumulo sa kaniya. Sa pag-iisip niya. – "INGAT," nakangiting paalam ni Abella sa mga katrabaho. Pinagmasdan pa niya ang paglayo ng mga ito. Lumabas siya ng restaurant para roon na hintayin si Neith na nagprisintang ihahatid siya. Tumanggi siya, kaya lang makulit ang binata e. "Abella." Napakunot ang noo niya. Hindi kay Neith ang boses na iyon. Sinalakay siya ng kaba. Nilingon niya ang nagsalita at tumambad sa kaniya si Nathan na nakatayo sa 'di kalayuan sa kaniya. Naglakad ito palapit sa kaniya. Nabuhay na naman ang inis at galit na nadarama ni Abella para sa lalaki. Hindi niya malimutan ang mga pang-iinsulto nito sa kaniya. Kumukulo ang dugo niya rito. "Kung nandito ka para insultuhin ako, umalis ka na lang at baka hindi kita matantiya," mariin niyang wika at galit na tiningnan ang kaharap. Naiinis siya sa pagiging bulag ni Nathan sa mga nangyari noon. Hanggang ngayon hindi pa rin nito alam ang katotohanan sa mga nangyari. "Pwede ba tayong mag-usap?" Nagtaka siya sa biglang paglumanay ng boses nito. Ano kayang nakain ng lalaking 'to at naging tila maamong tupa sa kaniya. "Nathan?" Napalingon si Abella kay Neith na kararating lang. Nagulat pa ito sa nakita. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Neith na halata ang inis doon. Alam kasi nito ang lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa. "Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo," mayabang na balik ni Nathan. "Abella, can we?" baling naman nito sa kaniya. Sinalubong niya ang titig nito. "Let's go, Neith," sabi pa niya at hinawakan ang braso nito. Hinila niya ito palayo kay Nathan. "Okay ka lang?" tanong ni Neith sa kaniya ng mapansin nitong natahimik siya habang nilalandas nila ang daan pauwi. Hindi mawari ni Abella kung bakit may bahagi sa isip niya na nagsasabing sana sumama na lang siya kay Nathan. May bahaging gusto niya marinig kung ano ang sasabihin nito sa kaniya pero mas nangibabaw ang galit at inis niya rito. – "NAKU! 'Pag nakita ko 'yang Nathan na 'yan, maju-jumbag ko talaga ng bonggang-bongga," gigil na winika ng kaibigan niyang si Julio habang kapwa sila naglalakad sa malinis na parke. Naikwento kasi ni Abella ang muli nilang pagkikita ni Nathan at ang gusto nitong pakikipag-usap sa kaniya. Bumuntong-hininga siya. "May kasalanan din naman ako sa nangyari, eh." Gumuhit ang lungkot sa kaniyang mukha. Pero kahit may kasalanan siya nagagalit pa rin siya rito. "Sira! Anong kasalanan? Girl, wala kang kasalan sa nangyari, hindi mo naman tinanggap ang pera, e. Ininsulto ka na niya noon hindi pa ba sapat iyon?" "Kasalanan ko kung bakit hanggang ngayon galit pa rin siya sa akin. Hindi ko naman kasi siya masisisi kung hanggang ngayon iyon pa rin ang pinaniniwalaan niya. Nasaktan ko siya at natural lang na magalit siya," aniya. "Girl, hindi 'yon kasalanan. Ginawa mo lang naman ang nararapat. Masyado nang maraming nangyari noon at iyon ang tamang gawin. Ikaw lang din naman ang nahirapan noon dahil sa Mommy niyang matapobre," mataray na saad ni Julio at umirap pa. Binuka nito ang pamaypay na dala at winagayway iyon. Iyon nga ba ang tamang desisyong ginawa niya? Oo, pinagsisihan niya ang naging pasya pero iyon lang ang alam niyang ikabubuti ng lahat. Hindi siya umimik sa sinabi ng kaibigan. Sumimangot siya at luminga sa paligid. Akala niya makakatakas na siya sa nakaraan, pero heto siya ngayon pino-problema pa rin ang nangyari noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD