bc

SECRETLY MARRIED TO MR. SSG PRESIDENT

book_age16+
62
FOLLOW
1K
READ
others
others
friends to lovers
others
others
sweet
highschool
others
enimies to lovers
sassy
like
intro-logo
Blurb

hi everyone hope you like this story tittled secretly married to mr. ssg president written by iana… i am iana 18 years old kindly leave a comment on the comment section regarding this story thankyou!!!!

chap-preview
Free preview
1
Ashthrielle's POV. "Miss Ashthrielle Sandoval, the supreme student council president wants to meet you in his office for the violations you've made." said Azron. The secretary of the student council. Napangisi nalang ako habang pinapakinggan siya. Talagang may letter pa siyang hawak galing sa supot na SSG President. Nagiging suki na talaga ako ng Guidance office. "Tentenenentenen! Ashthrielle Sandoval best in guidance office major in sakit sa ulo ng Bridgeton High!" sigaw ni Suzaine—my best friend. Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga classmates ko at may nag- whistle pa na akala mo'y nanalo ako ng isang marangal na award. Natawa ako sa mga kalokohan ng mga kaklase ko. Para masabayan sila, tumayo ako, ngumisi nang pagkalaki-laki at nag-bow pa. Iwinawagayway ko ang aking kamay na para bang proud na proud ako sa ginawa kong kalokohan. Sino ba namang hindi maipapatawag kung pumasok ka ng lasing sa skwelahan at may dala pa akong alak. Kinuha ko ang suklay na ginamit ni Suzaine at humarap sa mga kaklase ko. "To my beloved classmates, thank you for all of your supports. Hindi ko magagawa 'to kung wala kayo... Omg... Naiiyak ako." madramang saad ko. "Miss Sandoval, tara na po." sabi ni Azron na nasa likod ko. Azron was too formal and noble guy. Ngumisi ako sa kanya at ikinabit ang kamay ko sa braso niya. Well, ginawa ko lang naman siyang escort. "Let's go, Az." Pagkarating ko sa tapat ng pintuan ng guidance office kung nasaan si 'Mr.' President. "A-ah... Miss Sandoval? I think you should let go now..." nag-aalangang sabi sa akin ni Azron. I smiled at him. "No, escort me inside." sabi ko. Walang nagawa si Ashton kundi samahan ako sa loob. Nanatiling nakakawit pa rin ako sa braso niya. Pagkapasok ko, naabutan kong may sinusulat si Demetrious— the SSG President of Bridgeton High. Nang mapansin niya kami, nagtaas siyan ng tingin sa amin. Nagtama ang tingin namin pero sandali lang dahil naglakbay agad ang tingin niya sa kamay kong nakakawit sa braso ni Azron. Bumalik ang mata niya sa akin at tinaasan ako ng kilay but I just gave him a playful smile. "Az, you can go out." Demetrious said to Azron using his baritone voice. Azron just bowed his head slightly and excuse himself later on. "Azron, sa uulitin ha?" pahabol kong sigaw kay Azron. Natawa lang ako nang makita kong namula ang mukha niya sa sinabi ko. Tch. He's cute though. "Miss Sandoval, sit down." Demetrious commanded. "Oh, hi suki! Happy to see me again?" Nalukot ang mukha niya habang tinitingnan ako. "Malinaw naman siguro sayo kung bakit ka nandito. Alcohol is strictly prohibited here in Bridgeton High and you just violated that and even bargained it to your classmates. Kailan ka ba magtitino, Ashthrielle? " Oh.. He called me with my whole name. He was pissed. Lumapit ako sa mesa niya at hinihimas-himas ang braso niya. "Don't be mad na... Tingnan mo tuloy 'yang mukha mo, mukha na 'ng itlog sa kakalukot..." "f**k off." sabi niya saka nilayo ang braso niya sa akin. Na para bang nakakapaso ang kamay ko. Hindi siya sumigaw pero dama sa malamig na boses niya na galit siya. Napangisi naman ako. Sobrang dali talaga inisin nitong ugok na ito. "Palampasin mo na... Para naman tayong hindi magkakilala Demetrious. Hindi lang magkakilala, kas- well nevermind. " Malapit na akong madulas ah. "I'm a neutral guy. As your punishment, you'll clean the comfort room after class." My eyes widened. "What the heck Demi?! Ako? Maglilinis ng comfort room? No f*****g way!All my life I've been waiting for— este all my life I've never tried to clean a mess... Ni daddy ko nga hindi nagawa na palinisin ako, tapos... f**k! Isusumbong talaga kita sa Daddy ko!" sigaw ko. Hindi talaga ako makapaniwala na gagawin niya sa akin 'to. Sa lahat ng mga violations na nagawa ko, hindi naman gaano kalala ang mga punishments niya. He smirked. "Sad to say Ash, your Dad told me to do this." " I-I can't believe you! Ah Basta! Hindi ko gagawin ang gusto mo. That's so f*****g ew!" nandidiri kong saad. I really can't imagine myself doing 'that' disgusting thing! Pumaikot siya at lumapit sa akin. "Mind that mouth, Ash... Or else I'll clean that in the way that I know..." he said seriously using his intimidating voice. "Whether you like it or not, you'll do what I say. Or else..." Matapang kong sinalubong ang mata niya. "Or else what huh?" He leaned over hanggang sa magpantay ang labi niya at ng tenga ko. "Or else, I will tell everyone that you're secretly married to me..." I was stunned upon hearing him that. I was slapped by the fact that I am married to him and I didn't know at hindi ko ini-expect na gagamitin niya iyon laban sa akin. Yes, I'm married to Mr. SSG President. Legally. Kaya nang dumating ang hapon, natagpuan ko nalang ang sarili kong naglilinis ng banyo. Urgh! This is disgusting! Just by holding the mop, naiisip ko na ang mga germs na kumakapit sa akin. Kung hindi lang ako binlack-mail ng kumag na 'yon, edi sana wala ako dito! "Omg! Nakakadiri!" nandidiring impit na sigaw ko nang makita ang kalat sa CR. Gayunpaman, wala na akong nagawa kundi magsimula kahit na labag sa loob ko. Demetrious Blake Dela Vega! Pagsisisihan mo 'to! "Lumabas nga kayo rito!" sabi ko sa mga bwesit na babae na panay salamin. Sa totoo lang, nakakaabala sila sa trabaho ko. Nakakadagdag ng init ng ulo! Lumabas ang mga ito pero sinadya talaga nilang patirin ang balde na may tubig dahilan ng pagkatapon nito sa sahig. Ibig sabihin, kailangan ko na namang i-mop 'yon, ulit! "Hoy mga bwiset kayo!" ibinato ko ang mop sa pintuan na nilabasan nila pero sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla nalang lumabas si Yuwen— ang masugid kong manliligaw. Na kahit ilang beses kong bastirin, bumabalik pa rin! Kaya nasalo niya ang mop na sobrang dumi at tumama ito sa kanya. Napangiwi ako sa itsura ni Yuwen. Parang basahan na ang gwapong mukha nito. Agad akong lumapit para daluhan siya. "Y-yuwen, I'm very very sorry. Hindi ko talaga sinasadya. Nagkataon lang talaga na..." "No, it's okay. I understand..." he said and smiled at me. "Pero don't worry, I'll clean it up for you. Hubarin mo na 'to," I offered na ako ang bahala sa na maglinis sa suot niyang nadumihan. I tried to remove his polo but he refused but I insisted badly na dumating sa point na ako pa ang nag-initiate na hubarin ang polo niya. "A-ash, it's r-really okay..." sabi niya habang pinipigilan ako na hubaran siya. "No, it's my fault kay-" "What the f**k are you doing, Ashthrielle?!" Muntik na akong mapatalon nang makita ko si Demetrious na galit na galit ang mukha habang nakatingin sa amin. Lumapit siya amin at hinila ako papalayo kay Yuwen. "P-pres... You really misunderstood something..." Yuwen reason out. "Asuncion, why are you here? It's for the girls'comfort room." Hindi na tumataas ang boses ni Demetrious pero nandoon pa rin ang inis at irita doon. "I just want to see Ash, Pres... Nalaman ko kasing naglilinis siya dito..." Mas lalong nalukot ang mukha ni Demetrious dahil sa narinig mula kay Yuwen. Natawa ako nang mahina dahil doon. "Hoy Yuwen, salamat ah? Ang sweet mo talag-" "Shut up!" At sa akin na naman ngayon nabaling ang inis ng isang Demetrious Blake Dela Vega. Hay nako sa'n ba ako lulugar sa pisteng 'to. "You know what, you should get out of here. I'm still giving Sandoval a punishment. Get out." sabi niya kay Yuwen at tinuro ang pintuan. Nag-aalangan pang umalis si Yuwen pero umalis nalang din dahil sa talim ng titig sa kanya ni Demetrious. At ngayon, sa akin na naman nabaling ang nakakamatay niyang tingin. "Hi 'Mr. ko'" Nagsalubong ang kilay ni Demetrious sa paraan ng pagbati ko sa kanya. Ngumiti pa ako sa kanya ng pagkalaki-laki. "What did I just saw? We're married yet, you are flirting to another guy." "Correction: Secretly married. And ayos naman 'yon di ba para naman hindi nila malaman na kasal tayo. Sagutin ko na kaya si Yuwen or 'yong iba kong manliligaw? Sa tingin ko, maganda 'yon. Diba?" Napasinghap siya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "That's bullshit!" "Ikaw ang s**t! Gusto mong malaman ng lahat na kasal tayo? Gago ka ba? O Gago ka talaga? Basta bahala ka! Kung gusto mo, mag shota ka rin ng sayo. I really don't mind. Bakit ba hindi mo nalang sabihin sa Daddy mo na i-annul na tayo? Hay nako, bahala ka nga dyan sa buhay po total malaki ka na naman! Uuwi na ako! Maglinis ka mag-isa mo!" sabi ko sabay labas. Lumabas ako at iniwan ko na siya doon sa Cr. Bahala siya do'n. Wala na akong pakialam sa buhay niya. Kahit pa mag-party sila ng mga tae do'n, wala. akong. pake. Akmang lalabas na ako ng gate, nang makita ko si Suzaine. "Hoy Babaeta! Ba't ka pa nandito?" tanong ko sa kanya. Hapon na kasi at konti nalang ang mga estudyante dito dahil uwian na. Medyo nagulat siya sa biglaang pagdating ko. "Hinihintay talaga kita! Ba't ba ang tagal mo?" I rolled my eyes at her. "Duh. Nagtalo pa kami ng tae do'n sa Cr, " sabi ko. I'm referring to that damn man. "By the way, bakit mo pala ako hinihintay?" "So eto nga... " Natigil siya sa pagsasalita nang may makita siya sa likod ko. "Ash, crush mo oh. Si Enzo." Nangunot naman ang noo ko dahil sa biglaang sabi niya. Wala naman akong sinabi na may crush ako. Nang tingnan ko ang nasa likod ko, nakita kong paparating ang grupo nina Enzo— ang hearthrob sa kabilang section. Note na sobrang lakas ng pagkakasabi niya no'n. "Hoy Suzaine tigilan mo nga ako... Baka marinig pa tayo nakakahiya kaya kay Crush..." pabebe ngunit alam kong narinig nila iyon ni Enzo. Actually, wala naman talaga akong crush kay Enzo. Gusto ko lang talaga sabayan ang trip ni Suzaine. Nagpanggap akong nagulat no'ng lumingon ako sa Banda nina Enzo. "Ay, nandyan ka pala Enzo? " Nagsimulang maghiyawan ang grupo nina Enzo para tuksuhin siya o kaming dalawa. Nanatiling nakataas ang noo niya na akala niya'y di siya naapektuhan sa mga tukso ng mga barkada niya. Nilagpasan nila kami pero hindi nakalagpas sa tingin ko ang munting ngiti sa labi niya. That made me chuckled. Tss. Kunwari pa. Nang nakalagpas na sila, si Suzaine naman ang binalingan ko at mahina ko siyang hinampas sa braso. "Ikaw talaga, hindi ko naman crush 'yon ah?" "Parang hindi ka na naman nasanay." sabi niya saka tumawa. Gano'n naman talaga siya palagi eh. May pagkaabnormal kasi ito. Kapag may dadaang gwapo, ginagano'n niya ako. Si ako naman, sumasabay rin kaya iyong iba, lumalaki ang ulo. Inirapan ko lang siya. "Siya nga pala, kaya kita hinintay kasi may party kina Demonice. They invited us!" "Good news 'yan. Magpapalit muna tayo..." Of course, I wore a black scandalous dress. This is me! The bad girl. Sa party ni Demonice, nandoon lahat. Naughty things, alcohol, cigarettes and etc. Kaya ako, bilang ako, nilaklak ko ang alak hanggang sa mawalan na ako ng bait pero kahit papaano, may natitira pa namang katinuan sa katawan ko para makauwi. Makauwi sa bahay namin ng 'asawa' ko. Natawa ako sa naisip. I'm just 17 but now I'm married to 19. I'm too young. Too young... Nang makapasok ako sa bahay, bumungad sa akin ang galit na mukha ni Demetrious. "Oh hi Pres!... No, husband pala. Take 2, take 2... Hi husband..." lasing na sabi ko. "What the f**k?! What happened to you?" galit na sabi nito habang nakita ang sitwasyon ko. Nakahiga sa malamig na tiles habang kumakain. "To you? Ah...Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday happy birthday, happy birthday to you..." kanta ko. "I don't know what to do to you, Woman." Parang nauubusang pasensya na ani ni Demetrious. Lumuhod siya para subukan akong ibangon pero nagmatigas ako at nagpatuloy sa pagkanta. Wala siyang nagawa kundi buhatin ako na parang bagong kasal. Nakatitig lang ako sa maamong mukha niya habang umaakyat kami ng hagdan. But then, my eyes fixed on his lips. "Kasal tayo pero hindi man lang tayo nag-kiss... O di kaya'y nag-sex... Di ba gano'n naman ang mag-asawa... Di ba Demi? Diba?" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon. Siguro epekto lang ito ng alak. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Demetrious pero patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Yes, we may be married but only on papers. Therefore we have different rooms. Nilapag niya ako sa kama at kinumutan. Nang nagkataong malapit ang mukha niya sa akin, bahagya akong bumangon para abotin ang labi niya. Nanlaki ang mata niya at nanigas. Ngumiti ako at bumalik sa paghiga. "Hoy secret lang natin 'yon ah? Baka kasi magalit asawa ko... "nakapikit kong saad. At tuluyan na nga akong hinila ng antok...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
786.5K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
19.9K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
557.0K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook