Ashthrielle's POV.
Gumising ako na sobrang sakit ng ulo. Para itong pinukpok ng martilyo galing tapos tinahi lang nang nabasag na. Napadaing ako nang sinubukan kong bumangon.
"Argh f**k Shit..." I murmured while holding my head.
"Kababaeng tao lasengga."
Nagulat ako nang makita ko si Demetrious na nakahilig sa aking pintuan habang naka-cross ang mga braso sa dibdib.
"Bakit ka nandito?" galit na tanong ko kay Demetrious.
He just tsked. "Let's go downstairs for breakfast."
Iyan ang utos niya bago umalis.
Binilatan ko lang siya. "Nyenye kalalaking tao pakialamero!"
Hindi muna ako bumaba at nag-f*******: lang muna.
(Alam kong madaming naka-relate?)
Hindi ko alam kung maiirita ba ako o ano. May nag-chat kasi sa akin na Juanito ang pangalan. Hindi ko alam kung sino 'to pero 'yong chat niya, nakakatawa na nakakabastos.
Pa'no ba naman kasi, sabi niya, "Pst. Hilutin mo t*te ko. ?"
At saka dumagdag pa 'yong emoji niya! Ano siya? Maginoo pero medyo bastos?
Dahil sa irita, ni-replyan ko siya. Sabi ko, "Bakit? Napilay ba 'yang tite mo?"
Pagkatapos kong itipa 'yon, pinatay ko na ang cellphone ko at bumaba na.
Nakita ko pang hinahanda ni Demetrious ang kakainin namin.
In fairness, ang hot niyang tignan. Kung hindi ko lang talaga alam na kasal kami ni Demetrious sa Papel, baka isipin ko nang mag-asawa kami not just in papers but also with love.
Lumapit ako sa kanya at umupo na. "Demetrious, ang hot mo." I commented. I really meant it.
"B-bakit?"
Medyo nainis ako sa sagot niya. Anong bakit? Minsan ko nga lang siya mapuri tapos tatanungin niya pa kung bakit? Abno!
Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. "Ang hot mo kasi bagay ka sa impyerno." pilosopong sagot ko at nagsimula nang kumain.
Maya-maya pa'y biglang nag-vibrate ang cellphone ko. It was a voice message from the same guy earlier.
Because of the curiosity, I opened it.
"What the f**k is that?!" pagmumura ni Demetrious at muntik pang mailuwa ang kinakain niya nang marinig ang mahabang ungol na sinend ng lalaki.
"I didn't know! Kanina pa nga ako naiinis dyan eh..." sabi ko.
Hindi na napigilan ni Demetrious ang sarili niya at inagaw niya na ang cellphone ko.
"Hilutin mo ang t*te ko— f**k! Who's this bastard?!" basa niya.
"Ewan. Hilutin ko ba daw tite niya. Eh kiss nga hindi ko pa naranasan tumikim pa kaya ng p***s. Disgusting shet." kalma na sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Suddenly, Demetrious cleared his throat.
"You... Haven't kissed?" parang nag-aalangan pa siya sa tanong niya.
Natawa ako. Siguro naiisip niya na nagawa ko na ang mga ganyan. But honestly, not. I may be a bad girl with bad deeds but I know my limitations. If fun lang, then I must stick with that.
"Bakit? Ikaw ba? Nakiss na?"pabalik kong tanong sa kanya.
Kinagat niya ang labi na para bang gusto niyang pigilan ang ngiti na nais kumawala sa labi niya.
"Yeah...?" parang hindi pa nga siya sure sa answer niya. At kita ko pa talaga na parang kinikilig siya!
Unconsciously, mayroong inis akong naramdaman sa isiping may nag-kiss sa kanya.
Girlfriend niya ba 'to? Kung may girlfriend siya bakit niya pumayag sa gusto ng daddy ko na pakasalan ako?
Urgh! Tangina!
"Actually, ako pa nga 'yong kiniss... Amoy alak pa nga 'yong nag-kiss sa 'kin eh..." dagdag pa niya.
Napangiwi ako. "Ew! Ang dugyot ng nag-kiss sayo! Ang cheap naman ng taste mo." sabi ko.
Hindi naman maipagkakaila na gwapo siya. Sobrang puti at sobrang kinis. Iyon nga lang, may meron sa akin na hindi matanggap na may nag-kiss na sa kanya. At 'yong amoy alak pa!
Teka, bakit ba ako naiinis? Wala naman akong pake ah? Wala akong pake kung maghanap siya ng iba habang kasal kami. Kasal lang naman kami sa Papel.
"Dugyot nga. Tapos alcoholic drinker, stubborn, at pasaway."
Parang ako lang ah...
Pero hindi naman ako 'yon eh wala pa nga akong first kiss eh. Ni hindi nga kami nag-kiss no'ng kasal namin.
"Pumayag ka na mahalikan ng babaeng gano'n?! Ang easy to get mo naman Mr. 'President'."
Inilapag niya ang kubyertos na hawak para tumigil sa pagkain. Pagkatapos, tiningnan niya ako nang matiim pero may naglalarong ngiti pa rin sa mukha niya.
"Wala akong nagawa eh. She initiated the kiss. Para niya nga akong ni-r**e eh."
Umuusok lang ako kanina pero ngayon, tuluyan na nga akong sumabog. Napatayo ako at saka nahampas ang mesa. "That girl is a b***h! Sino ba 'yan, ha?!"
"Ikaw." he directly answer.
"Ako lang naman pala eh..." sabi ko at saka umupo na at nagpatuloy sa pagkain. Pero, napatigil ako nang may ma-realize ako. Dahan-dahan akong nagtaas ng tingin kay Demetrious. "A-ako? Ako ang babaeng 'yon?"
Kanina nagpipigil lang si Demetrious ng tawa niya pero ngayon, tuluyan na ngang kumawala ang nakakatunaw niyang tawa na ngayon ko lang nasaksihan simula't sapol or even we started our marriage.
"Ikaw nga..." natatawa pa ring sabi niya.
Ngayon, napatayo na naman ako saka dinuro siya. "L-liar! P-paanong ako 'yon eh hindi pa naman ako na-kiss!"
"You forget last night?"
Last night? Ano bang ginawa ko last night? Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi.
Pumunta ako ng party ni Demonice, uminom kami, tapos umuwi ako... Tapos...
Tapos... Ghad!
Binuhat ako ni Demetrious patungo sa kwarto ko tapos... Hinalikan ko nga siya!
Hindi ko matanggap! Ang kawawang labi ko!
"Naalala mo na? Sabi mo nga huwag ko raw ipagsabi na hinalikan mo 'ko dahil magagalit ang asawa mo—"
"Totoo ba? Totoo ba Demi na hinalikan kita?"
"Oo nga—"
"Ahhh! Ayaw kong marinig! Huwag mo 'kong hawakan..." sabi ko saka tinakpan ang tenga ko. Dahil sa kahihiyan, tumakbo ako papunta sa kwarto ko.
"Huh? Hindi ko naman siya hinawakan ah?" rinig ko pang bulong ni Demetrious sa sarili bago ako tuluyang tumakbo sa kwarto ko.
Hindi talaga ako makapaniwala na hinalikan ko si Demetrious. Nag-promise ako sa sarili ko na ang first ko ang mamahalin ko habang buhay but it seemed like hindi ko natupad ang pangako na iyon. Hindi naman siguro pwedeng si Demetrious ang mamahalin ko habang buhay. Eh kinamumuhian ko nga siya hanggang sa mamatay ako.
Masarap kaya ang labi ni Demetrious?
Tanga ka Ashthrielle! Akala ko ba hindi mo ginusto 'yon? Ba't ka nagtatanong kung masarap ba?
Habang pinapagalitan ko ang sarili ko, bigla nalang may kumatok sa pintuan ko.
Alam ko na kung sino. No other than Demetrious the demon. Sino pa ba eh kami lang naman ang nandito dito sa kawala-walang kwentang bahay na 'to. Malaki nga pero sobrang nakakasakal naman.
"Lumayas ka ditong bwesit ka!" sigaw ko.
"Prepare yourself, pupunta dito parents ko."
Nanlaki ang mata ko sa binalita ni Demetrious. The most frustrating event that I hate in my entire whole life. Gagawin na naman namin ni Demetrious ang nakakainis na bagay na sana ay hindi nalang naimbinto which is ang pagiging 'sweet' na karaniwang ginagawa ng mag-asawa.
Tumakbo ako para buksan ang pintuan. "Pupunta ang parents mo? Hindi pa pwedeng ipagpabukas mo nalang?" sabi ko kay Demetrious.
"No, there busy with business so their time are limited." sagot naman ni Demetrious.
Napasampal nalang ako sa noo ko dahil sa gulo na nangyayari sa buhay ko.
Nakaupo kami sa sala ni Demetrious para maghintay sa mga parents niya. Para palipasin ang oras, nanood lang kami ng TV. Sobrang layo pa ng agwat namin. Ayaw ko naman talaga bumaba at gusto ko lang manatili sa kwarto ko pero kailangan dahil para makapaghanda ako. Minsan kasi dumadating lang sila nang walang pasabi kaya naabutan nila kami na nag-aaway ni Demetrious. Ayaw ko namang magbigay ng bad impression sa kanila dahil kung iisipin, ang pamilya ko ang humingi ng pabor sa pamilya nila na maikasal kami ni Demetrious para lang masalba ang kompanya namin.
Maya-maya, may naririnig na kaming ingay mula sa labas, dali-dali akong lumapit kay Demetrious. Umupo ako sa tabi niya, ipinaikot ko ang kamay ko sa braso niya saka ako humilig sa balikat niya.
Sa isang tingin, para nga kaming mag-asawa.
"Kunwari wala kang narinig," utos ko kay Demetrious. Hindi naman naka-lock ang pintuan at alam kong deri-deritso lang pumapasok ang mga magulang ni Demetrious. Hindi nito ugali ang kumatok. Kaya minabuti kong ganito ang ayos namin para pagkakita nila sa amin, masabi nila na hindi sila nagkamali na ipakasal ako kay Demetrious at tulungan ang kompanya namin.
Ngumiti ako nang mapakla sa naisip. Hindi ko naman talaga ginusto to eh. Ginawa ko lang talaga ito para naman maisip ng mga magulang ko na hindi lang sakit ng ulo ang dala ko sa kanila. Na kahit papaano, hindi lang si Ate ang nakikita nilang makakatulong sa kanila. Pero gusto ko na rin 'to dahil hindi ko na maririnig ang mga bulyaw at mga masasakit na salita ng mga magulang ko at kung gaano ako kawalang kwentang anak. Gusto ko lang naman na mapansin nila ako— napansin nga nila ako kapag gumagawa ako ng mga sakit sa ulo.
Pagod na akong marinig 'yong, "Puro ka nalang sakit sa ulo! Wala ka nang ginawang tama! Mabuti pa si Ate mo, bakit di mo nalang gayahin ang ate mo... Kesyo ganyan gano'n." Nakakaumay na! Mas mabuti pa ngang si Demetrious ang makita ko sa araw-araw kaysa sa kanila. Dahil kay Demetrious, hindi ko naramdaman na ayaw niya sa akin. I know he cared for me and I'm not blind to see that. Kahit palagi ko nga siyang inaaway, ni hindi ko narinig sa kanya na wala akong kwenta. Kahit naiinis siya sa akin, hinahabaan pa rin niya ang pasensya niya. Mahirap man aminin but I really appreciate that.
"How sweet..." rinig kong sabi ng Mommy ni Demetrious na si Hailey.
"Pagbilang kong tatlo, sabay tayong lilingon tapos kunwari nagulat tayo nang makita sila. Okay? In 3,2,1, lingon." mahinang bulong ko kay Demetrious tapos sumunod naman siya.
Pagkalingon ko, kunwari nagulat ako pero nang makita ko sila, binigyan ko sila ng malaking ngiti.
"Oh hi Mom, Dad! Nandito pala kayo. I'm sorry hindi namin kayo napansin." acting ko pa. Lumapit ako sa kanila tapos bumeso gano'n din si Demetrious.
"It's okay Hija, ayaw naman naming maisturbo kayo. Ang sweet niyo pa naman." tukso pa ng mama niya.
Gusto ko sanang mag-react pero plastic na ngiti lang ang binigay ko. "Ganyan naman talaga kami palagi," I lied.
Kung alam niyo lang na naiinis ako sa anak niyo.
"Is that true, Blake?" his mother asked using Demetrious' second name.
Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay pero nanatili pa rin ang ngiti sa mukha ko.
Ngumiti si Demetrious saka inakbayan ako at hinila papalapit sa kanya. Iyong tipong wala ng espasyo sa pagitan namin.
"Yes, of course Mom. My wife is so sweet, always. Siya nga ang dumadagdag— I mean, nagpapawala ng mga problema ko."
Mas lalong umasim ang mukha ko nang hinalikan niya ang noo ko.
Chumachansing ang lalaking 'to ah!
Iniyakap ko ang dalawang braso ko sa bewang ni Demetrious saka ko siya pasimpleng kinurot dahilan ng pagdaing niya.
"Are you okay, Son? May masakit ba sayo?" nag-aalangang tanong ng mama niya.
"No, Mom. M-may surot lang na kumagat sa 'kin." sagot ni Demetrious.
Aba! Surot?! Sa ganda kong 'to? Surot?! Baka siya, mukhang garapata!
Natapos na rin ang pagpapanggap namin dahil umuwi na ang parents ni Demetrious. Buti nalang talaga dahil hindi ko na talaga kaya pang maatim ang ginagawa ko kay Demetrious. Nakakangilo!
"Hayst sa wakas!" sabi ko. Akmang aakyat na ako nang bigla nalang may kumatok sa pintuan.
"Ash, open the door baka sina Mom 'yan." utos sa akin ni Demetrious.
Nataranta ako at dali-dali akong yumakap kay Demetrious para magpanggap ulit.
Binuksan ko ang pinto gamit ang isang kamay ko habang ang isang kamay ay nakayakap sa bewang ni Demetrious.
"Hi po—" Nanigas ako sa kinatatayuan ko at umurong pa ang dila ko nang makitang hindi iyon mga Parents ni Demetrious. Kundi, ang SSG secretary na si Azron!
Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pintuan kaya hindi pa nakikita ni Demetrious kung sino ang nasa labas.
"Babe, what's wrong?"
Putangina ka Demetrious Blake Dela Vega! Pinunan mo pa!
Ano nalang ang ipapalusot ko kay Azron kung tinawag mo 'kong Babe?!
What do I do? Mabubuking na ba kami?!
•••••••••••••••••••••••••••••
So, how was it? Comment naman dyan! ?