Ashthrielle's POV.
"Ms. Sandoval? Pres?" Halata sa mukha ni Azron ang pagkalito habang tinitingnan kami. Tila hindi siya makapaniwala na makita kami ni Demetrious nang magkayakap at magkasama.
Wala akong maisagot kay Azron dahil hindi ko alam kung ano ang ipapalusot. Ano naman ang sasabihin ko? Na magkaibigan lang kami? Eh hindi naman kami magkasunod sa school.
At ang takteng, " Babe, what's wrong?" niya, ay nakakaputangina!
May magkaibigan bang babe ang tawagan? Meron siguro pero bihira lang or could be girls to girls.
Wala akong nagawa kundi ang lumubog sa sahig at nagpagulong-gulong sa malamig na tiles habang sumisigaw nang miserable.
"Nooooo!!!! Ano nang gagawin ko?!!!! Damn this life! Ahhhh!!!" Iyan ang sinisigaw ko habang hawak ko ang buhok ko at nagpagulong-gulong sa sahig.
Para na nga akong baliw dito.
Pagkatapos niyan, hinawakan ko ang paa ni Azron para magmakaawa.
"Az, huwag mong ipagsasabi, please... Don't tell anyone about this, please.... Please, Az! I'm begging you!!!" madramang saad ko habang nakahiga pa rin sa sahig.
"Bumangon ka nga diyan, Ashthrielle at magpalit ka do'n." halata sa boses ni Demetrious ang inis habang sinasabi iyon.
Bumangon ako at dinuro siya. "Ikaw! Bakit wala ka man lang ginagawa, ha?!" bulyaw ko sa kanya. "Huwag ka nang magsalita pa, ako na ang bahalang mag-explain kay Azron. " sabi ko. I come up with a resolution. Sasabihin ko nalang kay Azron na mag- on kami ni Demetrious. Mas mabuti nalang iyon. Mas magaan kaysa sa malamang kasal kaming dalawa.
I blew a loud and deep breath before composing my words. Nagtaas ako ng tingin kay Azron at tiningnan siya sa mata. "Az, we're... We're... Uhm... In—"
"Actually, wala naman talaga akong pakialam kung malaman ng lahat na kasal tayo. Asawa mo 'ko, asawa kita... I really don't care at all."
"K-kasal kayo? "
Fvckkkkkkkk!!!!
"Aswang ka! Demetrious Dela Vega!!!! Putangina mo!!!" Halos maiyak na ako dahil sa sigaw ko. At doon nga, nagpagulong-gulong muli ako sa sahig. Para na akong batang nagta-tantrums.
I can't live with this guy! Pinapahamak niya ako! Pahamak siya sa buhay ko!
.
"Damn Ashthrielle! Mag-bihis ka nga do'n!" Demetrious commanded, almost losing his patience.
Ano bang problema kung mag-shorts ako at mag- sleeveles top? Ang importante hindi nakahubad.
Gayunpaman, tumayo ako at binigyan siya ng nagbabantang tingin. "Ayusin mo 'to Demetrious! Ayusin mo talaga 'to!"
He nodded na para bang wala siyang pakialam. "Yes wife. I will. "
Tinapunan ko ng tingin si Azron na nanatiling gulat pa rin pero hindi maitatago ang katotohanang sobrang gwapo pa rin nito kahit nagugulat.
Cool as ever.
Binalik ko ang tingin ko kay Demetrious na ngayo'y naka-smirk na at nakataas pa ang kilay.
Dahil sa inis, kinuha ko ang brao niya at kinagat nang walang pagdadalawang isip na nagpadaing sa kanya.
"Buti nga sayo!" sabi ko at tumakbo na sa taas para magpalit. Alam kong hindi titigil sa pag-re-remind si Demetrious na magpalit ako kapag hindi ko ginawa. Siyempre, nabalik ako sa baba para klarohin ang nakita ni Azron kanina. My presence is a must there dahil wala akong tiwala kay Demetrious at baka kung ano pa ang sabihin niya kay Azron.
Azron is a good man and I know hindi niya kami ilalaglag.
Pagkatapos kong magbihis dumiretso na ako sa baba. Siguro naman hindi na siya magrereklamo ngayong naka-pajama na ako at naka-loose shirt.
Nang nasa hagdan palang ako, nakita ko na sila sa baba. Dumiretso ako sa direksyon nila. Umusog pa si Demetrious dahil akala niya ay tatabi ako sa kanya. Pero doon ako tumabi kay Azron.
Naningkit ang mata ni Demetrious habang tinititigan ako. Pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay.
"Dito ka nga umupo." naiinis na sabi niya.
"Ayoko nga! Nabwibwiset ako sayo," sagot ko.
Natuon ang tingin niya kay Azron na katapat niya. "Montenegro, write some announcements to the Bridgeton High Forum about me and Ashthrielle's marri—"
Nanlaki ang mata ko. "No! Nnnnnnn-No!" I strongly disagreed and diverted my gaze to Demetrious. "Mababaliw ka na ba? Why would you do that?!"
"So what are you waiting for? Sit beside me."
Wala akong nagawa kundi sumunod. Tumayo ako pabagsak na umupo sa tabi ni Demetrious.
"Is it true the you two are... Married?" nag-aalangang tanong ni Azron.
"Yes." deritsong sagot ni Demetrious na para bang proud na proud siya na kasal kami.
"On papers." kontra ko. Tiningnan niya naman ako nang masama. "Bakit? Hindi ba totoo?"
Isinandal niya ang likod niya sa sofa at pinagkrus ang kamay sa tapat ng dibdib. "Huwag kang mag-alala Ash, soon, hindi lang sa papel tayo kasal. Mark my words."
Hindi ko masyadong ma-gets ang sinabi niya pero pinabayaan ko lang iyon.
Bigla nalang natawa si Azron nang marinig ang sinabi ni Demetrious. Hindi ko alam kung anong nakakatawa do'n dahil hindi ko naman masyadong nakuha ang gusto niyang sabihin. Sa halip, nag-focus nalang ako kay Azron.
"Az, you know that you know me, and you know Demi, right? Yes, sa 'kamalas-malasan', kasal kami. We were forced to marry each other because of some business matters. But we kept it, secretly. At since nabuko mo na kami, I beg you to keep it yourself. Sana huwag mong ipagkalat ang tungkol sa amin ni Demetrious. Especially na he is a respectable person in our school kahit hindi naman talaga. I hope you'd understand that." I explained.
"I understand Miss San— I mean Mrs. Dela Veg—"
"That. I like it."
"I don't like it!"
Halos magkasabay na saad namin ni Demetrious. I don't like that address. Really.
Mrs. Dela Vega? Tsk. I admit. Maganda siya pakinggan pero... Ayaw ko pa rin.
"Whatever po,"
Ay medyo ma-attitude yarn?
"Seriously, I am a man of my words and hindi naman po ako chismoso. Your secret is safe with me, Mr. and Mrs. Dela Vega or Miss Sandoval. I won't tell anyone that you are secretly married to our SSG President. "
Sa sobrang tuwa ko, nayakap ko si Azron. Pero ni hindi man lang umaabot ng limang segundo ang pagyakap ko kay Azron dahil may kamay na biglang pumulupot sa tiyan ko para ilayo ako ako kay Azron.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko.
Dahil sa pagpupumiglas, hindi nakaya ni Demetrious ang bigat ko kaya tumilapon kaming dalawa sa sofa. Tumayo ako at pumatong kay Demetrious kaya hindi siya nakatayo.
Sinakal ko na siya dahil sa inis ko. Kanina pa siya eh!
"Bwesit ka talagang lalaki! Iniinis mo ba ako, ha?!" sigaw ko habang nasa gano'n paring posisyon.
"A-ah l-let go of me!" nahihirapang sabi ni Demetrious ngunit hindi ko siya pinakinggan.
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at pinagpalit ang pwesto namin. Kaya siya na ang nasa ibabaw ko.
Handa na sana akong magprotesta nang biglang nagtama ang paningin namin. Our position was so awkward!
Hindi ko alam pero may iba akong naramdaman. My heart is beating wildly and I can sense that there's something else in it. Parang nag-iiba ang pakiramdam ko ngayong sobrang lapit na niya sa akin. This feeling is so unusual.
Natigil lang ang pagtitinginan namin nang biglang umubo si Azron. Buti nalang talaga walang sumamang plema.
Dali-dali akong bumangon at umupo nang maayos.
"Pres, Miss Sandoval, gusto ko na po sanang magpaalam. Mukhang gumagabi na po eh. Naparito lang po ako para ihatid ang mga files na pinapautos ni Mrs. Gustavo." sabi ni Azron.
Nang makaalis na si Azron, binalingan ko si Demetrious. "Bakit pa sa bahay natin mo pinahatid ang files eh alam mo namang ang family lang natin ang nakakaalam na nakatira tayo sa iisang bahay?" medyo naiinis na sabi ko.
"I didn't know na ngayon niya ihahatid ang mga files. It was supposed to be yesterday but got delayed kaya hindi ako nakapaghanda sa pagdating niya. " Demetrious reasoned out.
I tsked. "Burara ka talaga. Ayan tuloy nabuko tayo ni Azron. Buti nalang mabait 'yong tao. Hindi lang mabait, gwapo pa!"
He eyed at me as if he was accusing me. "Do you like him? I just want to remind you that we are still married, Ash. At habang kasal tayo, asawa pa rin kita, at akin ka pa rin." Iyan ang huling sabi ni Demetrious bago niya ako talikuran.
Anong nangyari do'n? Ang moody parang may dalaw.
Tsk. Bahala siya sa buhay niya at bahala ang buhay niya sa kanya.
Sobrang ingay ng classroom namin dahil sa hindi pumasok ang subject teacher namin. Kaya ang iba, panay chikahan, tawanan at may nag-concert pa.
Syempre, bilang isang mabuting estudyante, kasama ako do'n.
"Ano 'yan, Suzaine?" tukoy ko sa kamay ni Suzaine na nag-aastang baril.
"Baril." sagot naman ni Suzaine na para bang isa siyang kontrabida sa pelikula kunwari baril ang kamay niya.
"Suzaine, ibaba mo 'yan, ibaba mo 'yan Suzaine. Baka pumutok 'yan," kunwari natatakot kong saad habang umaatras.
"Hindi! Ipuputok ko 'to!" Sabay tutok sa aking ng kamay niyang nag-aastang baril sa akin. "Angela! Ilabas mo ang bomba!" utos pa ni Suzaine sa classmate namin na si Angela.
"Ito na ang Bomba!" sigaw ni Angela sabay labas ng isang laruan na bomba. Kasabay ng pagsigaw niya ng salitang, "Bomba" ay ang pagtahimik ng mga kaklase namin.
"Bombaaa!" biglang nagsigawan ang mga kaklase ko at nagpa-panic na tumatakbo papalabas ng classroom namin.
Pero mas lumala pa nang pagtingin namin sa baba, halos lahat ng mga estudyante sa school namin ay nagtatakbuhan na sa labas ng gate. May nagpatunog pa ng drill.
"Hoy! Hindi 'yon totoo! Mga bobo!" pahabol na sigaw ko pero hindi sila nakinig.
Edi bahala sila. Ilang kape ba ang natuma nila sa isang araw?M at gano'n sila ka nerbyoso at nerbyosa?
Kaming tatlo nalang ang naiwan sa classroom. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na nagtawanan. Habang nagkakagulo ang buong school, kaming tatlo ay masaya lang na nagkwekwentuhan sa loob ng classroom namin.
"Hoy party tayo mamaya?" Suzaine suggested.
"Nakakaumay naman mag-party Suzaine. Bakit hindi nalang tayo mag-drag race?"
Na-excite ako sa suggestion ni Angela. Matagal-tagal na rin no'ng huli akong sumabak sa ganyan.
"Sige ba!" I agreed.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa may marinig kaming ingay. Hinuha namin ay iyon 'yong mga kaklase namin na nagsitakbuhan kanina.
Buti bumalik din. Para namang mga praning.
"Hey Classmates! Welcome bac—" Naurong ang dila ko nang sa likod ng mga kaklase ko, nandoon ang napakaseryoso at napakalamig na titig ni Mr. SSG President.
"Another trouble, Ms. Sandoval... Big, big, trouble." he said using his baritone voice.
Napakamot ako sa ulo ko bago ko tiningnan si Demetrious. Tumawa ako ng hilaw. "Hi Pres, its good to see you, again."
"Hi Azron! Anakan mo 'ko ah?" pasingit na sabi naman ni Angela na nasa likod ko.
Nahihiya talaga ako sa pinaggagawa ng mga kaibigan ko. Ano bang vitamins ng mga ito? Ajinomoto?
"Sabi ni Ash hi daw." nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabing iyon ni Suzaine. Dahil diyan, napalingon ako kay Suzaine at pinanlakihan ng mata. Ngunit ang baliw, ngumiti lang. "Diba sabi mo? Crush mo si Azron? Sabi mo 'yan sa akin noon eh."
Hindi ko naman sinabi 'yon ah?!
Unconsciously, napatingin ako sa banda kung nasaan si Demetrious. Nalito ako nang hindi na ito nakatingin sa akin, kundi, nakatingin ito kay Azron. Para bang may conversation sila gamit ang kanilang mga mata. At nakita ko pang natatarantang umiling-iling si Azron habang nakatingin kay Demetrious.
"Kayong tatlo, on the disciplinary office now." Demetrious commanded.
"Hoy! Hindi naman namin kasalanan na nagpanic sila ah? Naglalaro lang kami dito." pagtutol ko at saka kinuha ang laruan na bomba kay Angela. "At saka itong Bomba na 'to? Laruan lang naman 'yan eh. Palibhasa kasi, kape kayo nang kape kaya nerbyoso niyo."
"Bakit ba kayo naglalaro ng ganyan? Girls, you're nearly adult so act like a mature one." pangangaral naman ni Azron.
Nagkatinginan kaming tatlo Nina Angela at Suzaine.
"Mature? Alam niyo 'yon?" tanong ko sa kanila.
Nagkibitbalikat lang ang dalawa. "Hindi ko alam. Immature ako eh." walang kwentang saad ni Suzaine.
"Hindi ko rin alam. Premature lang ang alam ko eh." sagot naman ni Angela.
Now I know why we were friends.
Kahit labag sa kalooban, pupunta pa rin kami sa disciplinary office.
"Bakit ba tayo pupunta do'n eh wala naman tayong kasalanan?" tanong ni Suzaine habang naglalakad kami patungo sa disciplinary at nasa likod lang namin sina Azron at Demetrious.
"Ewan... Hayaan mo nalang baka pag-recognition na, may award tayong most discipline." sagot ko naman.
"Pero paano 'yong drag race natin?" si Angela.
"Sa susunod nalang tayo. Na-drag tayo sa disciplinary office eh."
Nang makarating na kami sa disciplinary office, kinulong kaming tatlo doon hanggang sa maghapon.
"Pres, pinapatawag kayo ni Dean dahil kayo daw ang mag-aasikaso sa new student here." rinig kong sabi ni Azron kay Demetrious.
Umalis si Demetrious at iniwan kami.
So, may bagong studyante pala dito... Sino kaya 'yon? Well, whatever.
"Pa'no ba 'yan... Sobrang boring dito." nauumay na saad ni Angela.
"Hindi na ngayon."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Angela. Nagulat nalang kami nang biglang may inilabas si Suzaine na tongit cards mula sa bulsa niya.
"Charan!"
Naghiyawan kami kaya buong maghapon na nakakulong kami doon, nag-tongits lang kami.
Nakatakas na sa klase, nagkapag-tongits pa kami!
We're really the Most Discipline Students...
••••••••••••••••••••••••••••