4

2325 Words
Ashthrielle's POV. "Can anyone answer me what is matter?" natahimik ang lahat nang magpa-oral recitation si Mrs. Olga. Sa lahat ng section dito sa grade 11, kami ang pinakabobo. Totoo 'yon. Kaya walang nagawa si Mrs. Olga kundi pumili ng ilan sa amin. "Ikaw Mr. Valleria." turo ni Mrs. Olga kay Hanz. Nag-aalangang tumayo si Hanz at nagpakamot-kamot sa ulo. "Ma'am, matter is... Ah... It doesn't matter what is matter." Nagpalakpakan at naghiyawan kaming lahat dahil naitawid din ni Hanz ang kanyang sagot. "Quiet Everyone!" natahimik kami nang marinig ang galit na galit na sigaw ni Mrs. Olga. "What's with that answer Mr. Valleria?!" "Uy Ma'am recitation din 'yon, ah? May points din 'yon. Makonsensya ka naman Ma'am." hirit pa ni Angela. Walang hiya 'to, kinonsensya pa talaga si Ma'am. Pero may point din naman si Angela do'n. Palagi namang sinasabi ng mga teacher na walang mali sa sagot naming mga estudyante. At least, nag-cooperate kami, di ba? "Shut up Miss Valdez! How about you? What is matter?" Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh... I was slightly startled when I saw Angela stood up confidently. Wow! May confidence si Ate. "Ma'am, I work a lot in the slums of Tondo Manila and the life there is very... it’s poor. And it’s very sad and I’ve always taught myself to look for the beauty in it. To look in the beauty in the faces of the children and to be grateful. And I would bring this aspect as a Miss Universe to see situations with a silver lining and to assess where I could give something where I could provide something as a spokesperson. And this I think if I could teach also people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster and children would have a smile on their face. Thank you!" The h€ck! Catriona feels? Matter lang ang pinag-uusapan pero umabot na siya sa Miss Universe? Hindi ko na napigilan ang tawa ko at talagang umalpas na talaga siya. "Gago ka!" tawang-tawa na sabi ko kay Angela nang maupo na siya at saka pabiro siyang hinampas sa braso. "Ang ganda kaya ng sagot ko. Winning answer 'yan no." sagot naman niya. "At talagang proud ka pa no'ng tumayo ka ah." sabi naman ni Suzaine. "Syempre! Para naman hindi mapaghalataang bobo tayo." Nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni Angela at nag-high five kaming tatlo. Nanggalaiti si Mrs. Olga sa inis at frustration. "Bakit kayo nagkwekwentuhan diyang tatlo?" saway ni Mrs. Olga sa amin. "Ms. Martinez, it's your turn!" tawag niya kay Suzaine at pagkatapos ay bumaling rin ito sa akin. "Ms. Sandoval, prepare yourself." Gaya ng sabi ni Angela, you should stood up straight para hindi mapaghalataang bobo ka at hindi mo alam ang sagot. Iyan ang ginawa ni Suzaine. "Ma'am, ang sagot ko po dyan sa tanong niyo ay magmahal." Nangunot ang noo ko sa sagot ni Suzaine. Putek! May mas lumala pa pala kay Angela. Hindi lang ako ang nangunot ang noo sa sagot ni Suzaine, pati na rin si Mrs. Olga. "Magmahal? Ano namang kinalaman ng magmahal sa matter, Ms. Martinez?" Mrs. Olga confusedly asked. "Dahil kailanman hindi mali ang magmahal. Maraming salamat po." Wow. As in Wow! Ang talino niyo Bes... Sino kaya ang magiging valedictorian sa inyo? As usual, parang mauubusan na ng dugo si Ma'am dahil sa stress. Ikaw ba naman sabihan ng magmahal ang sagot sa what is matter? Tingnan lang natin kung hindi ka matuliro. Ang maisa-suggest ko nalang kay Ma'am ay habaan niya ang pasensya niya. Ito kasing si Suzaine, hindi pa maka-move on sa ex kaya ito nabulag sa love. "How about you Ms. Sandoval? I'm expecting a more acceptable answer." Hindi ako tumayo. Sa halip, nanatili lang akong nakaupo sa upuan ko habang nakapandekwatro ang upo at kumakain ng Lolipop. "Ewan ko sa inyo Ma'am. Total malaki na naman kayo, kaya niyo na 'yan." I answered humorlessly. Sabi ko naman sa inyo, huwag kayong mag-expect ng matino kapag nandito kayo sa section na 'to. Hindi lang bobo ang mga estudyante dito, mga siraulo pa! Hindi na nakayanan ni Mrs. Olga ang pagiging balas-hubas namin kaya niligpit niya ang gamit niya at saka lumabas. Kinabukasan, pumasok late na ako pumasok. Nasa pintuan palang ako ng classroom namin, sinalubong na agad ako nina Suzaine at Angela. "Ash, nalaman mo na ba ang chismis?" panimula ni Angela habang naglalakad kami papunta sa upuan ko. "Ewan ko, hindi naman ako chismosa kagayo mo." sagot ko. Kahit na nakaupo na ako sa upuan ko ay hindi pa rin nila ako nilubayan. "Ay grabe siya." she murmured. "Totoo nga 'to. Alam mo ba si Demetrious, iyong SSG President natin, mukhang pumapag-ibig na!" Sa di malamang dahilan, biglang napukaw ang atensyon ko. "What about Demetrious?" I asked, a little bit confused. "Kilala mo 'yong bagong studyante dito? Iyong magandang babae? Sila na ang bagong love team ngayon sa school natin!" Suzaine reported. My brows furrowed and there was an extreme emotion within me that I couldn't name. I haven't heard about that transferee before. "Pa'no mo naman nasabi?" tanong ko pa. "Pa'no ko nasabi? Edi nasabi ko gamit ang bibig ko?" pilosopong sagot ni Suzaine. Aba- tangina 'tong babaeng to ah. "Tanga!" I jeered but they both just laugh. "So, ito nga, si Demetrious at 'yang si transferee girl, parating nakikitang magkasama. Not just once but multiple times! Kaya may fans club na agad sila. Herious Blaise shippers, coming from Hera Louise and Demetrious Blake. At maraming nakakapansin na bagay sila dahil same vibes! Mga nerd Bes!" Suzaine reported. Habang pinapakinggan ko iyon, para sinaksak ng libo-libong karayom ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. That was supposed to be not big deal for me. Buti nga 'yon diba? Pero bakit kumukontra ang puso ko? No'ng break time, napagpasyahan naming tatlo na pumunta sa cafeteria para bumili ng makakain. Habang kumakain kami, bigla nalang naghiyawan ang mga tao sa cafeteria. Nang tingnan namin kung sino ang hinihiyawan nila, kumalabog ang puso ko. It was Demetrious together with a fair, decent and a beautiful girl. Sobrang hinhin nito tingnan at para itong anghel at isang babaeng hindi makabasag pinggan. Malayong-malayo sa akin... Teka, bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kanya? Eh kitang kita naman na ibang klase ako? "Iyan ang babaeng sinasabi ko sa inyo. Si Hera Louise Buenavista. Apo ng Dean. Section 1 'yan sa Grade 11. Same lang tayo ng grade. Bago pa lang sa school natin pero nangunguna sa acads. O diba? Sana all pinagpala." saad ni Angela. "Pasalamat nga sila nandito tayong mga bobo kundi, walang matatawag na matalino kung walang bobo." gatong pa ni Suzaine. "Eh maganda rin siya? Anong laban mo do'n?" kontra pa ni Angela. "Maganda naman ang pagkakapangit ko. Happy?" Habang nagtatalo silang dalawa, ako, heto, nakatingin sa mala-anghel na mukha ni Hera. I've never been this insecure in my entire life. Ngayon lang. Dali-dali akong lumingon patalikod sa deriksyon nina Hera nang nagkataong nagtama ang paningin namin ni Demetrious. Fvck! Bakit ba siya nakatingin sa 'kin?! Wait, kanina pa ba niya ako tinitingnan? Well, whatever. Magsama silang dalawa... Magandang bobo naman ako eh. "I think we should go now," sabi ko. I don't know why I am tense. Tumayo ako at tumalikod na. Akmang lalakad na ako pero nanigas sa gulat nang makita kong nasa harapan ko na si Demetrious. Takte! Bakit ba siya sumusulpot nalang bigla? Para tuloy siyang si Edward na vampire. "W-what are you doing here? Get out of my way..." mahinang utos ko sa kanya. "Don't misunderstood something." he said seriously. Sa klase ng tono ng pananalita niya ay para siyang nagpapaliwanag. Misunderstood what? Hindi ko naman maintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin. "Tumabi ka nga!" huling sabi ko bago siya mahinang tinulak para makadaan ako. Lahat ay nagulat sa nangyari. Ang paglapit sa akin ni Demetrious at ang pagtulak ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga tao ngayon dito. Basta ang alam ko, wala na akong pakialam. Nang madaanan ko si Hera, hindi ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin. She gave me an antagonistic smirk bago niya sinadyang tapakan ang sintas ng sapatos ko dahilan ng pagkatumba ko. Nang subukan kong tumayo, namilipit ako sa sakit. Mukhang na-sprain yata ang paa ko! Dinaluhan agad ako ng mga kaibigan ko at sinubukan akong itayo pero hindi nila kinaya. "Omg! I'm really sorry. Hindi ko sinasadya." kunwari nag-aalangang sabi ni Hera. That b*tch! "Ash! Are you okay?" nag-aalala ngunit natatarantang pagdalo sa akin ni Demetrious. Kitang-kita sa mga mata niya na nag-aalala siya sa akin lalo na nang makita niyang namilipit ako sa sakit. He immediately carried me in a bridal style. Habang kinakarga niya ako, nakalimutan kong masakit pala ang paa ko dahil tanging sa kanya lang talaga nakatuon ang paningin ko. I've never felt this kind of feeling towards Demetrious... Nang makarating na kami sa clinic, dali-dali akong nilapag ni Demetrious sa kama. Agad rin naman akong inasikaso ng doctor rito. Napadaing ako sa sakit ng biglang hilutin ng Doctor ang paa ko. "Just... Just do it slowly as much as possible, Doc..." suhestiyon ni Demetrious sa Doctor nang makita niyang nasasaktan ako. Then suddenly, my heart starts to beat fastly. The pain vanished and all I can think right at this moment is Demetrious who's holding my hand tightly. Hindi ko nga agad namalayan na nakahawak pala siya sa kamay ko. D*mn! Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Paa ko naman ang na-sprain pero bakit ang puso ko ang may problema? "Pres, pinapatawag ka po ni Dean, " biglang sulpot ni Azron. Rinig ko ang lalim ng pagbuntong-hininga ni Demetrious sa narinig mula kay Azron. Para bang pagod na pagod siya rito. "Just tell him that I'll be there later." sagot naman ni Demetrious. "Ah Pres, as usual, it's urgent..." Gaya ni Demetrious, dama rin ang pagod sa boses ni Azron. Ano bang ginagawa nila at nagkakaganyan sila? Nagsimula lang naman iyon no'ng dumating 'yang si Hera. Putek 'yang babaeng 'yan, akala mo kung sinong anghel, 'yon palay isang demonyo! Tiningnan ako ni Demetrious nang nag-aalala sa mata niya. I smiled slightly at him and said," It's okay. I'm fine. Just go." "Will you be fine, here?" he assured and I immediately nodded. " I'll be back." Lumakad na si Demetrious. Nang makalabas na siya, ang mga kaibigan ko ay dali-daling nakiusyuso. "Hoy, ano 'yon ha? Anong kalandian 'yon?" panimula ni Suzaine. "Grabe kayo! Bakit di niyo muna tanungin kung ayos lang ba ako?" sabi ko. Angela tsked. "There's really need for that. Halang ayos ka naman eh. Pero para matahimik ka, sige fine. So, ayos ka lang ba?" Umusbong na naman ang galit at frustrasyon ko sa babaeng Hera na iyon. "I'm not definitely fine! How could her? Hindi ko talaga ini-expect 'yon!" "True! Ako rin! Kita ko talaga na talagang sinadya ng Hera Louise na 'yon na tapakan ang shoelace mo! Hindi ko inakala na ganyan pala siya! Disgusting shet!" Hindi lang pala ako nag-alburuto pati na rin si Angela. "Ako din! Akala mo'y di makabasag-pinggan ang peg niya! 'Pag tayo o si Ash ang kinanti niya, siguradong mukha niya na ang mababasag. Huwag niya akong subukan." Suzaine added. Ay na-touch naman ako mga friends fries... Love niyo talaga ako... Kinikilig ang mga bulate ko sa utak. "Pansin niyo pala 'yon?" Napasigaw kaming tatlo at muntik nang mapatalon dahil sa biglaang pagbukas ng kurtina sa gilid ng bed ko at lumabas doon ang isang babae. "B-bakit ka nandyan? At bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot." nauutal na tanong ni Angela. Para itong nahihiyang napakamot sa ulo niya at nag-peace sign. "Sorry ah? Narinig ko kasing pinag-uusapan niyo si Hera. Masama talaga ugali niyan." Suddenly, it caught my interest. "Pa'no mo naman nasabi? Ano ka ba niya?" tanong ko pa. "Classmate ko kasi siya. Naiinis nga ako sa babaeng 'yan eh. Ang arte! Sobra! At talagang parati niyang dinidikitan si Pres. Kesyo daw wala siyang kaibigan dito sa school at bago lang daw siya sa environment dito. Eh nag-try nga akong i-approach siya pero inirapan lang ako ng puta! Actually, hindi lang ako. Marami kaming nag-try na kaibigan in siya pero dinideadma lang kami. May tinatagong landi ang mama niyo!" mahabang chismis niya. So, maitim pala talaga ang kulay ng budhi ng babaeng 'yon. How could her? She's good at acting, huh? "Sinasabi ko na nga ba eh!" si Angela. Sandali kaming natahimik pero agad rin namang binuksan ni Suzaine ang topic. "Mabalik tayo sayo Ash, ano ba'ng meron sa inyo ni Demetrious? I really smell something fishy between you two." sabi ni Suzaine na parang may nag-iimbestigang mata. "W-wala ah!" I immediately declined. "Anong wala? Eh sobrang caring nga no'n sayo. Tapos may sinabi pang,"Don't misunderstood something.". Duda ko may gusto sayo si Demetrious or could be, may relasyon kayo..." Parang tanga 'to... Si Demetrious may gusto sa akin? Impossible. "Ako rin. Magtatampo na ako sayo Ash... Hindi ka na nagtatapat sa akin..." parang nagtatampong sabi ni Angela. "Pero if ayaw mong sabihin, hindi ka namin pipilitin. But, we will found it out later or sooner." "Actually bagay rin naman kayo ni Demetrious. Mas ship ko kayong dalawa kaysa sa kanila ni Hera." hirit pa ng babae. "Sino ka ba talaga? At bakit ka nandyan?" I curiously asked. Bigla nalang kasi siyang sumusulpot. Nag-smile siya. "Hi pala sa inyo, I'm Antonette Laurente at adik ako sa utot. Nandito lang talaga ako sa clinic para matulog at para na rin makatakas sa klase. Wala naman talaga akong sakit, sa utak siguro meron. Nice to meet you all!" masiglang sabi niya. Woah... This... Woman... Is... Insane... •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD