5

2080 Words
Ashthrielle's POV. "'Pag pinili talaga akong banggain ng babaeng 'yon, sigurong bati white blood niya, dadanak dito sa school natin..." nanggagalaiting sabi ko habang naglalakad kami pababa ng building. Iniisip ko na kung paano ko gagawin ang aking paghihiganti kay Hera. Akala siguro ng Hera na 'yon na aatrasan ko siya. No freaking way. Hindi ako sinilang para kawawain at magpaapi. Kasama ko ngayon ang abnormal na mga kaibigan ko na sina Suzaine at Angela. "Ako, kapag binangga ka niya, babaliin ko 'yung braso niya. Pero kapag nakunsensya ako, laglagyan ko nalang ng shoes glue pagkatapos." Natawa kami sa sinabi ni Suzaine. Babaliin ba daw ang braso ni Hera tapos laglagyan ng shoes glue kapag nakonsensya siya? Pwede ba 'yon? "Ikaw Angela, anong gagawin mo kay Hera?" baling naman ni Suzaine may Angela. "Dahil sa Angela naman ang pangalan ko, ipagdadasal ko nalang siya ng mabuting kalusugan at madaliang kamatayan." Hindi na namin napigilan ang pagtawa namin at talagang nag-echo na ito sa building. Sinasabi ko sayo Hera, don't mess with us. Tsk. Habang pababa kami, may naririnig kaming mga paa na paparating at parang papaakyat ito. And then speaking of the devil, here comes the evil. It's Hera... I never expect to see her here. At nakakagulat dahil may kasama rin siyang isang back up. Siguro nag-recruit na siya ng isang ahas kagaya niya dahil alam niyang hindi niya kami kakayanin. Just like us, nagulat rin siya nang magkasalubong kami pero madali rin niyang naiba ang mukha niya. Hera's devilish smirk showed up. "Oh, look who's here..." she meanly started. Tiningnan niya ako sa paa pero nabaling rin ito sa mukha ko. "Ayos na ba ang paa mo? I heard na-sprained daw? Sorry talaga... Sinadya ko talaga..." Aba... Sinisimulan talaga ako nitong bruha na 'to. "Ano Ash? Babaliin ko na ba?" "Sabihin mo lang Ash. Simulan ko na ang pagdadasal." Bulong nina Suzaine at Angela sa likod ko. Ramdam ko na agad na nag-iinit na sila but I told them to stop. I can manage, girls... Akmang sasagot na ako pero naunahan ako ng mala- kontrabidang tawa ng babaeng kasama ni Hera. "Ang tumawa, mabungi sana... " kontra naman ni Suzaine. "Pepe mo inuuod!" Kita ko naman ang pagtikom ng bibig ng babae at pagtakip niya sa kanyang kinaiingitan gamit ang kamay niya pero nanatili pa rin ang pagiging maldita nito. Akmang gaganti ito pero pinigilan siya ni Hera. "Stop Camille, it's on me." sabi naman ni Hera sa babaeng nagngangalang Camille. Later on, she diverted her antagonistic gaze at me. But hindi ako nagpatalo. Kaya binigyan ko rin siya ng nagmamalditang tingin. Of course, I wore my sweetest smile. "Thank you for the concern. Maayos naman na ang paa ko. Ikaw ba? Maayos na ba ang mukha mo? Mukha kasing paa eh? Baka na-sprain din 'yan... Pa-check mo na baka kasi lumala at lalo pang sumama." After that address, binigay ko sa kanya ang napakatamis kong ngiti. Rinig ko namang ang paghagikgikan ng dalawa sa likod. Nag-usok ang mukha ni Hera. Oh, Kita mo? Ang dali mo palang mapikon tapos ang lakas ng loob mo na unahan ako? Manigas ka! Haler... Si Ashthrielle ang kinakalaban mo? Ako lang 'to oh... Si Ash 'to! Akmang sasampalin niya ako pero mabilis ang kamay ko para sanggain siya upang napigilan siyang masampal ako. "Walang lamok ang mukha ko para sampalin mo, okay?" Sabi ko at buong pwersang binitawan ang kamay niya. Nilampasan na namin sila habang siya ay nanigas at parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. I told you, 'wag ako. Hindi pa man kami nakakalampas nang tuluyan, may pahabol pang isinigaw si Suzaine. "'Yang kasama mo nalang ang sampalin mo Hera mukha naman kasi 'yang lamok!" There, we passed them with a victorious laugh. Nang dumating ang hapon, napagpasyahan kong umuwi na. "Hoy mga anak ni Hudas, hindi pa kayo uuwi?" tawag ko kina Suzaine at Angela. "A-ah... Hindi pa, hindi pa." si Angela. "Sige na Ash. Mauna ka na. May gagawin pa kami eh..." si Suzaine. "May gagawin pa kayo? Sige lang, hinihintayin ko nalang kayo. Minsan pa naman lang ako maging mabait." ani ko pero mas lalo lang silang nataranta. "No, umuwi ka na... " sabi nilang dalawa na halos itulak ako papalabas sa classroom namin. Nakakapagtaka ang mga kilos ng dalawang 'yon, ah? Siguro manlalalaki ang mga 'yon. Gayunpaman, bumaba na ako at naglakad patungo sa gate. Nagulat nalang ako nang biglang sumabay si Demetrious sa paglalakad. "Going home?" biglang tanong nito. Sa simpleng tanong na 'yan, hindi na magkawari ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito. Hindi naman ito ganito dati eh. "Y-yeah..." I simply answered. "Sumabay ka na sa akin. I have my car with me." Natigil ako sa paglalakad at tiningnan siya nang nakakunot na noo. "Hindi pwede 'no? Paano kung may makahalata sa atin? Edi patay ako?" "No, sasabay ka sa akin whether you like it or not." Akmang kokontra na ako nang biglang may magsalita sa likod. "Ayiee together forever and ever sila... Ship ko kayo! Sobrang bagay niyo... Fan na ako ng Love team na "Ashous". Ashous forever!" Iyan ang sabi ng babae. If I am not mistaken, it must be Antonette. "Antonette, right?" baling ko sa kanya. Napatalon-talon ito at nag-twerk pa bago sinabing, "Tumpak! Omg! Natandaan mo ang pangalan ko!" Gosh... "Alam mo, napaginipan ko kayong dalawa ni Pres kagabi kahit hindi ako natulog. Sabi sa panaginip ko, magkakatuluyan kayo at sa panaginip ko nga kasal kayo eh... " The what? How could it be possible? Napanaginipan niya kami ni Demetrious kahit hindi siya natulog? "Alam mo Antonette, siguro sobrang high mo na sa utot kaya ka nagkakaganyan." sabi ko at saka siya tinalikuran. "Ash, huwag nang matigas ang ulo. Just ride with me." pagbabalik pa ni Demetrious sa topic habang nakasunod sa akin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Hindi nga pwede. I can't take the risk." "Edi sasabihin ko nalang sa kanilang lahat na kas-" Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko agad ang bibig niya. He's using his ace again! "Fine! Sasabay ako sayo but maglalakad nalang muna ako hanggang sa makalayo sa school. Tapos daanan mo nalang ako, okay?" sabi ko at tumango naman siya. Akmang lalakad na ako ulit nang may biglang sabihin si Antonette sa akin. "Ash, akala ko ba may date kayo ni Enzo ngayon?" Naningkit ang mata ko sa biglaang sabi ni Antonette. Date? Wala naman akong sinasabing may date kami ni Enzo, ah? Saan niya naman nakuha ang balitang 'yan? "You can't take the risk? Or you are just saying that because you have a date to attend? Fvck it Ashthrielle." Demetrious said coldly. Damang- dama ko ang panggagalaiti niya sa galit at halatang halata sa umiigting niyang panga na galit siya. "N-no! Wala akong date with Enzo!" I don't know why I have this small voice in my mind that says that I must defend my self. "Let's go home, 'wife'." sabi ni Demetrious bago naunang naglakad. Fvck this man! He even emphasized the word 'wife' at talagang sobrang tigas ng pagkakasabi niya no'n, ah?! "Wife? Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag ni Demetrious si Ashthrielle ng wife? Tama ba ako Antonette? Antonette, sagot! Oo!Pero mukhang hindi. Ewan ko sayo Antonette, palibhasa kasi bingi 'yang mukha mo..." parang baliw na pagkausap ni Antonette sa sarili niya. Tinatanong niya ito ngunit siya rin ang sasagot. "Hay nako! Pati ako nababaliw sayo Antonette! Mauna na ako sayo baka kasi mag-away kayo ng sarili mo at madamay pa ako!" Sabi ko at iniwan na siya doon. Nagsimula akong maglakad. Habang naglalakad ako, pakiramdam ko may parang sumusunod sa akin. I'm not sure though. Hindi ko nalang ito pinansin dahil baka hallucination ko lang 'yon. Nang makalayo na ako sa Bridgeton High, ay sakto namang paghinto ng sasakyan ni Demetrious sa tapat ko. Lumingon muna ako kung may nakakita ba sa akin na sumakay ako sa sasakyan ni Demetrious pero luckily, wala naman. Habang nasa byahe, para na akong mabibingi sa sobrang tahimik. Kapag tinitingnan ko naman ang mukha ni Demetrious, para naman itong papatay sa sobrang seryoso at talagang magkasalubong pa ang makakapal niyang kilay. "Ano bang nangyayari sayo Demetrious?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtanong ko na siya. "Ewan ko. Tanong mo kay Enzo 'mo' baka alam niya." malamig na sabi ni Demetrious pero ramdam ko ang pagtatampo rito. Parang tanga naman 'to eh! "Wala nga kaming date, di ba? Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang balitang 'yon." "Baka si Azron o di kaya si Yuwen alam nila kung bakit ako nagkakaganito." Nalingon ko na siya dahil naiinis na ako sa mga pinagsasabi niya. Ewan ko talaga sa lalaking ito. Hindi ko siya matantya! "Bakit ka ba nagkakaganyan ha? Para ka namang tanga! At bakit nasama sina Azron at Yuwen dito? Ang bait-bait ng tao tapos sasabihin mo ng ganyan!" naiinis na sabi ko sa kanya. He looked at me fiercely and he was more pissed this time. "At talagang pinagtatanggol mo pa talaga sila, ah? Go on Ashthrielle. Ipagtanggol mo pa sila." "Baliw ka na talaga! Eh hindi nga kita pinakaalaman kahit na halos araw-araw kayong magkasama ng Hera 'mo'!" Kung nagkakaganyan siya dahil sa mga lalaking nali-link sa akin, edi may karapatan din naman siguro akong makialam sa mga babaeng nali-link sa kanya. Ano? Natatakot ba siya na kapag nalaman ng lahat na kasal kami, masisira ang image niya dahil isang maraming lalaki ang napangasawa niya; tapos sasabihin ng iba na isa siyang cheap na lalaki dahil isang katulad ko ang pinili niya? "What about Hera? Why did you drag her into this?" naguguluhang tanong niya. Natawa ako nang mapakla. "So pinagtatanggol mo na siya? Bakit kayo na ba? Edi kayo na!" Nagmamaang-maangan pa ang Gago. "What are you talking about? Kaya lang naman kami palaging nagkakasama dahil utos ng Dean na i-guide ko siya dito sa school dahil bago palang siya." "The fvck with that reason, Demetrious! Nagde-date pa kayo sa library!Tapos may makakakita sa inyo tapos sasabihin bagay kayo Kasi matatalino. May kukuha pa ng picture niyong dalawa tapos sabay caption ng "Date ng mga matatalino". Tapos pagpipyestahan kayo ng mga tao kesyo bagay daw kayo. Darn it!" Sinasabi ko sa kanya, huwag niya akong simulan. Nakakainis kasi siya. Iyon tuloy nalabas ko lahat. Pero namalayan ko na biglang gumaan ang dibdib ko nang masabi ko lahat ng iyon. "So, you are jealous of Hera?" nakangiting tanong niya. May nanunuya pa siyang tingin. "Oo! Nagseselos ako kasi ako ang asawa mo tapos iba ang kasama mo-" Natakpan ko ang bibig ko nang ma-realize ang mga sinasabi ko. "Now you know what it feels like... Don't worry, I know my limits, 'asawa ko'" Fvck! Ang tanga mo Ashthrielle! Fvck ka rin Demetrious! Fvck tayong dalawa! Tangna... Asawa ko? Pereng tenge 'te... ??? Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin, agad akong bumaba sa sasakyan ni Demetrious at malalaki ang hakbang na naglakad papasok sa loob. "Gaga ka Ashthrielle! Anak ka ba ng Ina mo? Bakit mo naman nasabi 'yon sa kanya?! Nagiging tunog nagseselos na asawa ka tuloy! Goodness... Sinabi mo talagang nagseselos ka... Boang ka talaga!" bulyaw ko sa sarili ko habang nandito sa kwarto ko at nakaupo sa kama. Opo, pinapagalitan ko ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa niya. Nakakahiya talaga! Maya-maya pa, habang patuloy kong pinapagalitan ang sarili ko, narinig kong may kumatok sa kwarto ko. I'm sure it's Demetrious. Kahit hindi ko pa man siya kayang harapin, at kahit namamaga ang mukha ko sa hiya, tumayo pa rin ako para buksan ang pinto. "May mga naghahanap sayo... Just ready yourself..." sabi ni Demetrious sa akin. Sino naman kaya ang naghahanap sa akin? May utang ba ako sa kanila? Siguro mga magulang ko iyon or could be my Ate. Siguro nabalitaan nilang na-sprain ang paa ko few days ago kaya sila nandito. Buti naman talaga at naisipan nilang dalawin ako dito. "Where are they?" tanong ko. "They're on the living room". I heaved a deep breath before going downstairs. Pero nasa hagdan palang ako, gusto ko nang magpagulong- gulong dahil hindi ito ang mga taong inaasahan kong makita. It's not my mom and dad nor my ate... It's Angela, Suzaine and Antonette! Naka-smirk pa ang mga itong nakatingin sa akin! Darn it! Bakit sila nandito?! •••••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD