6

2070 Words
Ashthrielle's POV. "Mga anak kayo ng ina niyo. Sinundan niyo pa talaga ako dito, ah?!" bulyaw ko sa kanilang tatlo. "Anak ka rin ng Ina mo Ashthrielle! Ilang taon na tayong magkaibigan pero ang tagal mo itong nilihim sa amin." ganti naman ni Suzaine. "Tama!" singit ni Antonette. "Nakakasama ka ng loob Ash... Nakakasama talaga!" si Angela naman na parang batang nagta-tantrums. "Nakakasama talaga 'yan." hirit ulit ni Antonette. "Oo na! I was wrong. Naisip ko lang naman na ito ang makakabuti at ayaw ko rin namang malaman ng lahat na kasal kaming dalawa ng bwesit na Demetrious na 'yon." Napaliwanag ko na sa kanila ang lahat at hanggang ngayon, nagtatampo pa rin sila dahil sa hindi ko sinabi sa kanila na kasal kami ni Demetrious. And of course, at first, gulat na gulat sila. They never expect that I am already married at this very young age and so am I. But I explained to them that this is just for business matter. "May point naman si Ash." si Antonette naman. "Tigilan mo na nga 'yan Antonette. Para ka namang parrot dyan eh." saway ko sa kanya. Nakakainis na kasi siya. Kanina pa nagse-second voice. "Sorry po." she apologized and even covered her mouth. "At saka total nalaman mo na naman ang malaking sekreto na 'to, itikom mo 'yang bibig mo at huwag na huwag mo itong ipagkakalat kundi, tatahiin ko 'yang bibig mo." sabi ko sa kanya. Tumango naman si Antonette at nanatiling nakatikom ang bibig. Kanina pagdating nila, hindi ako makapaniwala na kasama nila si Antonette. Iyon naman pala, inutusan din siya nina Suzaine at Angela na matyagan kami ni Demetrious para alamin kung ano nga ba ang mayroon sa amin ni Demetrious. "So, nag-jug jug na ba kayo ni Demetrious?" pakiusyuso naman ni Suzaine. "Nag-jug jug? Ano ba 'yon?" I curiously asked. Si Angela na ang sumagot. "'Yong nag-jumbagan ba... Parang nag-boxing or di kaya nagkarate sa ibabaw ng kama... " pagpapaintindi ni Angela sa akin. "Aba oo naman! Kahit noong bago pa lang kami nagsama sa iisang bahay, palagi na namin ginagawa 'yon. Hindi lang sa kama. Pati na rin sa sofa, sa kusina at pati na rin sa pool." sagot ko naman. Napasinghap naman silang tatlo at napatakip sa kanilang bibig na tila ba hindi sila makapaniwala. Hindi nga siguro sila makapaniwala na kahit bago pa lang kami magsama ni Demetrious palagi ko na siyang kinakarate. Palagi ko naman siyang inaaway eh. Sinasakal ko pa nga minsan. Palagi ko siyang iniinis. Kapag nandoon siya sa kwarto niya at nagkataong nagtatalo kami, dinadagan ko na agad siya sa ibabaw ng kama niya, at sa pool, minsan ko na rin siyang sinubukang lunurin dahil sa inis sa kanya. Kapag naman nasa sofa kami at nagtatalo kami kung anong panonoorin at nag-aagawan pa ng remote, sa inis ko, kinakagat ko ang kamay niya hanggang sa umabot kami ng kusina sa pagbabangayan. "Talaga?! Ano? Nasasarapan ka ba Ash?" parang sobrang curious nila sa tanong na iyan. Natawa pa ako bago sumagot. "Nasasarapan naman kahit papaano... Nakaka-satisfied. " Sobrang sarap talaga sa feeling kapag nakakaganti ako kay Demetrious. Iyong tipong lahat ng inis mo ay naiibunton mo sa kanya. Sobrang nakaka-satisfied. Nasira pa ang mukha ko nang makita ko silang magkagatan ng labi. Para naman 'tong mga asong naglalaway ang mga bruha na 'to. "Lalong-lalo na no'ng pinadiskitahan niya ang pusa ko. Talagang nagramble-lan kami no'ng araw na 'yon! Dinakma niya ba naman?!" dagdag ko pa. May alagang pusa kasi ako dito noon tapos naiinis siya palagi sa pusa ko. Iyon naman pala, takot siya dito. Dinakma niya ito at tinapon palabas! Kinuha naman iyon ni Mommy dahil lagi kaming nagtatalo dahil doon at dahil hindi niya gusto na magkaroon ng dahilan si Demetrious para hiwalayan ako. Dahil kapag wala na kami ni Demetrious, tuluyang maglalaho ang kompanya namin. "Nasaktan ka ba no'ng dinakma nya ang p***y mo?" tanong naman ni Angela habang sobrang pula na ng mukha nito. "Syempre! Pusa ko 'yon eh." sagot ko naman. "So, ibig sabihin niyan hindi ka na virgin, Ash?!" Nabulunan ako sa sarili kong laway sa biglang sabi ni Antonette. "Anong hindi na virgin? Virgin pa ako 'no? Saan niyo ba nakuha ang balitang 'yan?" Tangnang 'to! "Edi sayo! Sabi mo diba nag-s*x na kayo ni Demetrious. Sabi mo pa no'ng bago pa lang kayo, nag-s*x na kayo sa kama, sa pool, sa kusina at sa sofa. Tapos dinakma niya pa 'yong vageygey mo...," What the h"ck?! So iba pala ang ibig sabihin nila sa salitang nag-jumbagan?! Did I just take it literally?! "Mga powta kayo! Iba ang ibig sabihin ko no'n!" bulyaw ko. "Hay nako! Magsiuwian na nga kayo!" Ghad! This day was so tiring! The three idiots just came into my house and just gave me a headaches! Habang kumakain ako sa loob ng classroom namin, bigla nalang pumasok si Angela. Tumatakbo pa ito at hinihingal pa. Muntik ko pa nga maitapon ang kinakain kong cupcake. "Takte naman Angela! Maghinay- hinay ka naman!" saway ko kay Angela. "Sorry! Sorry! May ibabalita lang ako sayo! Maghanda ka na!" natatarantang saad niya sa akin. Para na nga siyang mauubusan ng hininga. "Magkano ba ang sweldo ng pagiging Marites mo at mag-a-apply ako." singit naman ni Suzaine. "Bahala kayo! Ashthrielle Sandoval, ang haba ng hair mo!" she shouted. Handa na sana akong sagutin si Angela nang marinig kong bigla nalang nagtilian ang mga kaklase ko. Nang tingnan ko ang b****a ng room namin, nagulat ako nang nandoon si Enzo na may hawak-hawak na gitara kasama ang mga nagwagwapuhang ka-team niya sa basketball. Sina Simon at Gavin— dalawa sa teammates niya ay may dalang bouquet, malaking teddy bear at chocolates. Nangisay sa kilig ang mga babae sa room namin nang tuluyan na itong pumasok sa classroom namin at naglakad patungo sa direksyon ko. Pati na rin itong dalawa kong abnormal na kaibigan sa likod ko. Para itong uod na binubudburan ng asin. Enzo went towards me and started singing. "When your legs don't work like they used to before" unang linya palang ng kanta ni Enzo at nagtilian na ang mga babae. Talaga namang maganda ang boses niya tapos dumagdag pa sa kagwapuhan niya ang galing niya sa paggigitara. You know... I'm attracted to man who can play guitar and Enzo really nailed it. He was so cool. "And I can't sweep you off of your feet Will your mouth still remember the taste of my love Will your eyes still smile from your cheeks" he sang continuously. Honestly, I was enjoying the song. Napakaganda ng message sobra. "Ang haba ng hair mo girl... " panunukso pa ni Suzaine sa akin na nasa likuran ko. "Sinabi mo pa. Kaya nga ako hinihingal kanina eh para sabihin sa inyo na paparating si Enzo kasama ang mga hottie niyang teammates." Angela murmured. "Hindi ko ini-expect na magf-first move si Enzo, ah? Biruin mo, pabiro lang kitang inasar sa kanya noon tapos hinaharana ka na ngayon? Ibang klase ang beauty mo be... " si Suzaine. 'Yon nga... Hindi ko inakala na haharanahin ako ni Enzo eh no'ng inasar nga ako ni Suzaine sa kanya ay parang wala lang siyang reaction pero ngayon, nasa harapan ko na siya! Unbelievable... Pagkatapos kumanta ni Enzo ay lumapit siya sa akin at inilahad ang bouquet of flowers, chocolates at pati na rin ang malaking teddy bear. "That's for you, Ash..." nakangiting sabi niya. Kahit naiilang, tinanggap ko pa rin ito. "T-Thank you Enzo... Actually, you don't have to do this."I said, stammered. Naghiyawan ang mga kaibigan ni Enzo at pati na rin ang mga kaklase ko. Masasabi ko talagang kami na ang pinakamaingay ngayon dito sa school namin. Siguro hanggang baba ng building ay rinig ang boses namin. Well, wala naman talagang bago. Maingay naman talaga kami simula't sapol. "Ahm Ash? Can I ask you on a date?" Mas lalo pang nangisay sa kilig ang lahat ngayon dito dahil sa biglaang tanong na iyon ni Enzo. The fudge? Date? Seryoso ba siya? "Enzo... Ahm I'm—" "What's this craziness?!" Natahimik ang lahat nang biglang umalingawngaw ang boses na iyon at hindi ko na nasagot si Enzo. Nang tingnan ko ang b****a ng pintuan, nandoon si Demetrious na namumula sa galit at puno ng kastriktohan ang boses nito kasama si Azron. Naningkit ang mata nito na pumunta sa direksyon namin. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman kong may nagawa akong kataksilan kay Demetrious. "All of you! Go back to your classrooms!" galit na turo niya kina Enzo. Bakas talaga sa mukha ng lahat ang gulat dahil sa ipinakitang attitude ni Demetrious. Ngayon palang kasi nila nakita na magalit nang todo si Demetrious. Noon naman kasi ay kahit strikto ito, hindi ito nagtaas ng boses at kailanman hindi ito sumisigaw kahit pa galit na galit siya. Tumingin muna si Enzo sa akin at ngumiti nang maliit bago siya umalis. Ginantihan ko rin siya ng ngiti. Naningkit naman lalo ang mata ni Demetrious nang makita na nagngingitian kami. "I said out!" galit na sigaw nito na nagpatalon kina Enzo. Nang makalabas na sila ni Enzo, ibinaling na naman niya ang tingin niyang nakaka-intimidate. "Hi Pres! Galit ka?" I playfully greeted. His jaw clenched. "Don't test my patience, Sandoval. Ano na namang kahibangan iyon? Palagi ka nalang gumagawa ng gulo dito sa school!" "Anong kahibangan? Nakakakilig nga eh... At hindi ko naman kasalanan na manghaharana sila sa akin eh. Sa ganda ko ba namang 'to, I can't blame them either." sabi ko. Nagtaas-baba ang dibdib ni Demetrious senyales na nauubusan na siya ng pasensya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Ashthrielle. Pag hindi na ako nakapagpigil," Huminto muna siya at tiningnan ako sa mata. "Itatali na kita..." Iyan ang sinabi niya na nagtpatanggal ng kapilyahan ko. Pakiramdam ko double-meaning 'yon. Pero ayaw ko naman mag-assume. Masakit 'yon. Nakarating na ako sa bahay namin at dala ko pa rin ang bouquet, chocolates at teddy bear na bigay sa akin ni Enzo. Nagtaka ako dahil sobrang tahimik pa ng bahay. Sa tingin ko'y wala pa si Demetrious. Napagpasyahan kong magpahinga muna sa sala at manoond ng TV. Dalawang oras na ang dumaan ngunit wala pa rin si Demetrious hanggang sa makatulog na ako sa antok. Nagising ako dahil may narinig akong ingay ng sapatos. Nang tingnan ko ang pintuan, nakita ko doon si Demetrious. Nang tingnan ko ang orasan, nainis ako dahil pasado alas dyes na! "Bakit ang tagal mo Demetrious? Sa'n ka ba nanggaling ha? At mukhang lasing ka pa yata." naiinis na tanong ko. "I was with Hera... The dean invited me to their house to... Ahm... Have a dinner and we drink a little bit... " he explained. Kumulo ang dugo ko sa isiping kasama na naman niya si Hera Louise. Talagang ginagamit nh Hera na 'yan ang pagiging dean ng Lolo niya para landiin si Demetrious! "Isipin mo Demetrious, kasal pa rin tayo! Bakit ka ba laging sumasama sa Hera na 'yan?" Natawa siya nang mapakla. "Kasal nga tayo pero nagpapaligaw ka sa iba..." sabi niya saka ako nilampasan at pumunta sa sofa. "Ano bang sinasabi mo ha?" tanong ko at saka siya sinundan. "At talagang dinala mo pa talaga ang binigay sayo ng Enzo na yun ah? How romantic..." sarkastikong sabi niya. "Hali ka na nga..." sabi ko. Sinubukan ko siyang akayin papunta sa taas para makapagpahinga na siya sa kwarto niya ngunit hindi ko siya nakaya kaya nasadlak ako sa sofa sa tabi niya. Para na nga niya akong dinadaganan eh... "Demetrious, get up..." utos ko. "Ang sakit, sakit na..." he murmured. Hindi ako nakagalaw. Ngayon ko lang nakita si Dementrious na ganito. I Always see him as a fierce, strict and brave man but now, he is so weak... Parang pinipiga ang puso ko habang pinapakinggan ko si Demetrious. This is so unlikely him. "Ang sakit, sakit mong mahalin..." he added. Bumangon siya at tiningnan niya ako gamit ang namumungay niyang mata at namumulang pisngi. Hinawakan niya ang pisngi ko. "Hindi mo ba talaga nararamdaman, Ash?" "W-what do you mean?" Natawa siya nang mapakla sa sinagot ko sa kaniya. "Ang manhid, manhid mo..." he whispered before he knocked out on top of me. What does it mean? Ano ba talaga ang gusto mong iparating Demetrious? Nakakainis ka na... ••••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD