7

2636 Words
Ashthrielle's POV. "Next week, we will be having our Prom night. And I want all you to participate on it. May points kayo sa subject ko." Mrs. Castro announced. Naging excited ang lahat dahil sa announcement ni Mrs. Castro. Kapag kasi may prom night, sobrang daming ganap. May magkaaminan ng feelings, may chance na makasayaw mo 'yong crush mo, may magkakajowa, at marami pang iba. Masaya naman siya pero no'ng last year kasi noong last prom ko sa junior high, inulan kami. Ang theme pa namin no'n ay Hawaiian or Bohemian. Kaya 'yong panahon, nakisama. "Hoy Angela! Ano isusuot mo sa prom?" tanong ni Suzaine kay Angela. "Hulaan mo. Clue: Hot ako tingnan." sagot naman ni Angela at umawra pa. "Sili? Apoy? Sili demonyo? Luya? Lucky me pancit Canton chilli mans—" Hindi naituloy pa ni Suzaine Ang sasabihin nang hampasin ni Angela ang ulo niya. "Gaga! Sino namang baliw ang magsusuot ng sili at apoy sa prom?" saway ni Angela. "Sabi mo Hot kang tingnan?" Napakamot sa ulo si Angela dahil sa inis. "Hot nga pero niliteral mo naman! Hay nako sayo Suzaine, nakakabaliw kang kausap!" Wala na akong pakialam sa kanilang dalawa kahit na magpatayan pa sila total hindi naman si magkapatid o di kaya'y magkadugo kaya ayos lang na magpatayan. Kapag mayroong namatay sa kanilang dalawa, ipapalibing ko nalang. Sagot ko na ang kape. Malalim kasi ang iniisip ko. At tila napansin naman iyon ng dalawa. "Sobrang lalim naman ng iniisip mo Ash. Pwede na ba akong mag-dive dyan?" si Suzaine. Gaga! Ginawa pang diving area itong isip ko. "Siguro iniisip niya kung kapag natulog ang lamok, lalamokin di ba." gatong pa ni Angela. Mga pesteng 'to, dinagdagan pa ang sakit ng ulo ko! "Ano ba talagang iniisip mo Ash? Care to share?" asked Suzaine, eagerly. Nagtaas ako ng tingin at tiningnan silang dalawa. "Gusto niyo talaga malaman kung hindi ang iniisip ko?" Tumango naman silang dalawa nang parang bata. "Well, iniisip ko lang naman kung paano ko kayo papataying mga bwesit kayo, lason ba or kutsilyo." "Grabe ka... We just want to know what you're thinking. Kanina ka pa kasi tulala dyan at halatang malalim ang iniisip mo. We can barely see you like that. Baka may problema ka? Pwede mo itong sabihin sa amin... " si Angela. Na-touch naman ako. Kahit abnormal itong mga ito, super observant naman pala sa akin. They really know me well. Since alam naman na nila ang sekreto ko, hindi na masama kung sasabihin ko sa kanila ang gumugulo sa akin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago magsimula. "Iyon na nga... Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko... Naiinis ako. Naiinis ako kapag may kasamang ibang babae si Dementrious lalong lalo na ang Hera na 'yon. Kagabi lang, alas dyes na siyang umuwi at doon pa siya nag-dinner kina Hera dahil ininvite siya ng date pero hindi naman ako tanga para hindi mapansing ginagamit lang ng malanding babaeng yun ang pagiging dean ng Lolo niya para malandi niya si Demetrious. Tapos lasing pa siya nang umuwi kagabi. At ito pa, sinabihan niya pa ako na ang manhid, manhid ko. Wala naman akong ginawa sa kanya para sabihan niya ako ng manhid... Nakakainis di ba?" Kagabi pa kasi ako hindi mapalagay sa nararamdaman ko. Parang ang bigat, bigat sa dibdib. Hindi ko naman alam kung bakit ako nagkakaganito. Noon naman sinasabi ko sa kanya na maghanap siya ng makakarelasyon niya para hindi kami mahalata. Tapos ngayon, may babae ng nali-link sa kanya pero bakit gano'n? Dapat nga maging masaya ako diba? Pero bakit sobrang bigat sa dibdib kapag naiisip kong may iba na siya? "Naguguluhan ka sa nararamdaman mo?" tanong ni Suzaine. Nakatungo ang ulo kong tumango. "Pwes, ang sagot dyan, nagseselos ka." "Tama." Angela agreed to Suzaine's statement. Nagtaas ako ng tingin at naguguluhang tiningnan silang dalawa. "Nagseselos?" "Oo, nagseselos ka." si Suzaine. "Bakit naman ako magseselos?" I confusedly asked. Hindi ko matukoy ang dahilan kung bakit ako magseselos. Ni hindi pa nga ako sigurado kung selos nga ba ito. Napabuntong-hininga ang dalawa. "Hay nako Ashthrielle Sandoval... Totoo nga ang sinabi sayo ni Demetrious na sobrang manhid mo," sabi naman ni Angela. "Deritsuhin niyo na nga ako. Ano ba ang gusto niyong palabasin?" Naguguluhan na talaga ako. "Makinig ka Ashthrielle. Alam kong bobo ka pero kahit ito lang sasabihin ko, intindihin mo. Intindihin mong maayos." paalala sa akin ni Suzaine. Tumango naman ako kahit ang totoo ay gusto kong mag-react sa sinabi niyang bobo ako. "Nagseselos ka dahil mahal mo na si Demetrious. At kaya ka sinabihan ni Demetrious na ang manhid, manhid mo dahil hindi mo maramdaman na mahal ka niya..." "M-mahal ko si Demetrious? At m-mahal rin ako ni Demetrious?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Mahirap talagang paniwalaan but it does make sense. "Sinabi mo pa! Magkakaganyan ka ba kung wala kang nararamdaman para kay Demetrious? My ghad Ash! Hindi mo alam na may gusto sayo si Demetrious? Base palang sa mga gestures niya, sa pag-aalala niya sayo, sa pagpapahalaga niya sayo, at marami pang iba. Kahit kasal kayo ni Demetrious, hindi naman siya mag-aaktong ganyan sayo kung wala siyang gusto sayo..." she explained. "Seryoso ka talaga Ash? Hindi mo nakikita o nararamdaman yun? Kahit nga ako, nararamdaman ko, ikaw pa kaya? Tama nga si Demetrious, ang manhid, manhid mo nga... " Tila hindi makapaniwalang ani ni Angela. Habang ako, hindi pa rin makapaniwala sa mga reyalisasyon na nabuo sa isip ko. Lahat ng mga pangyayari between me and Demetrious came back. Hindi ko naisip na hahantong kami sa ganito. I just can't believe it... This is unbelievable! Oras ng P. E class namin at nandito kami, nakaupo sa malaking sports field namin dito sa Bridgeton High. Habang umiinom ako ng tubig, bigla nalang nagtilian ang mga kaklase ko. Nang tingnan ko kung sino ang tinitilian nila, muntik ko nang mabuga ang tubig dahil nakita kong si Enzo ang paparating at may dala pang towel and water. Nang makarating na siya sa harapan ko, inilahad niya ang bottle of water and the white towel. "For you Ash. Baka kasi napagod ka sa activity niyo." nakangiting sabi niya. Naiilang akong ngumiti at tinanggap nalang ang binigay niya dahil sobrang dami ng nakatingin sa amin. Tumayo ako. "Enzo, can I talk to you? 'Yong tayong dalawa lang sana... After class at the roof top." I requested. Gusto ko na sana siya patigilin eh. I don't want to give him false hope dahil wala naman talaga siyang pag-aasa. Mapapagod lang siya at masasayang lang ang oras niya sa akin. I really didn't expect na gagawa siya ng move. "Sure!" masiglang sabi niya. Pagkatapos ng klase, gaya ng napag-usapan, pumunta ako sa rooftop nang ako lang. Medyo nagulat pa nga ako dahil nando'n na siya. Nakaupo siya sa isang arm chair doon at nang makita ako, nabuhayan ang mukha niya at napatayo. "Hi Ash! Nandyan ka na pala," as usual, masigla pa rin ang boses niya. "Yeah... Kanina ka pa ba dito?" I answered. "Hindi naman masyado..." sagot namam niya. "Ah, ano nga ba ang pag-uusapan natin? This must be important." Bumuntong hininga ako at matapang siyang tiningnan sa mata. "Enzo, I want you to stop what you're doing." His forehead curled and his brows furrowed. "What do you mean stop what I am doing?" naguguluhang tanong niya. "Are you courting me, Enzo? " "I can say that I am." "Then stop doing that." Tumalikod siya sa akin at parang nagtaas-baba ang dibdib niya. Later on, hinarap niya ako. "I thought... I thought you like me?!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Ibang-iba sa Enzong masayahing Enzo na nakilala ko. "That was just a joke. Binibiro lang ako ni Suzaine no'n at... Nakisabay naman ako. But the truth is, I have no crush on you..." "D*mn it! A joke?! How can it be possible? Sobrang dami ng nagkakagusto sa akin dito sa school Ash tapos babasterin mo lang ako? You're such a b***h! A freaking bit—" Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin niya nang lumagapak ang kamay ko sa mukha niya nang sampalin ko siya. "You don't have the right to call me that, Enzo! Because at the first place, I didn't give you the permission to court me! At sa pinapakita mo ngayon, mas lalo lang kitang hindi magugustuhan! You are such a two-faced jerk tangina mo!" sigaw ko sa mukha niya at tinalikuran siya. Akmang maglalakad na ako nang bigla siyang magsalita. "Pagsisisihan mo 'to Ash. You don't know me. I don't accept rejections... What I want is what I get. And I will get you, by hook or by crook..." Iyan ang sinabi niya na nagpakilabot sa akin. His voice was so threatening. Do I really know him? Or just the other him? The most awaited prom night had arrived. The students were so lovely and appealing wearing their best shimmering gown and suit. They looked so elegant and attractive and of course kabilang na ako dyan. Hindi ako magpapahuli. "Uy Angela ah? Nagmukha ka talagang hot sa suot mo ah?" komento pa ni Suzaine sa Black gown ni Angela. Mayabang na ngumiti si Angela. " Of course! Kahit basahan pa nga ang isuot ko ay hot pa rin akong tingnan." Black kasi ang theme ng party dahil it represents our soul 'kuno'. Nagmukmukha naman kaming anak ng demonyo nito. "In fairness sayo Suzaine, mukha kang si Malificent dyan sa suot mo... Ang mamahalin mong tingnan... Pwede ka nang ibinta." komento pa ni Angela sa suot ni Suzaine. Pinalipad naman ni Suzaine ang kanyang buhok. "Syempre... Ano ka ba Angela? Ako lang 'to! Si Suzaine 'to oh? Kaibigan niyo ako... " Parang tangang nagtawanan ang dalawa. At ngayon, ako naman ang pinadiskitahan nila. "Oh ano? Anong tinitingin-tingin niyo dyan?" sabi ko sa dalawa. Nanunukso kasi ang mga tingin ng mga ito. "Pa-humble naman 'to si Ash. Porket parang dyosa sa suot niya... Tingnan mo naman ang curve? Parang inukit ang bewang." panunukso pa ni Angela. Naiilang tuloy ako. "Paniguradong siya na ang prom queen ngayon! Tingnan mo nga naman, prince charming nalang ang kulang at pwede na 'tong isama sa Disney princesses... Pati si snow white nahiya sa kaputian mo beh!" gatong pa ni Suzaine. "Tigilan niyo nga ako! Pareho lang naman tayo ng designer ah?" naiilang na sabi ko. "Ay oo nga pala," sabi ni Suzaine at natawa kami. "Pero iba talaga ang beauty mo Ash. Pang- international!" Pabiro ko nalang silang inirapan. Ngayon, oras na para sa sayaw naming mga seniors. Nagsayaw kami together with our partners; from alternate formation to circular formation. Sasayaw kami at kapag iikot na kami, iba naman ang makakapares namin. Dalawang bilog ang binuo namin dahil sobrang dami namin. Hanggang sa ikalimang ikot ko, napunta ako kay... Demetrious?! Bakit siya ang nakatandem ko? Sa practice naman ay wala siya ah! "Hi gorgeous..." he whispered sweetly. He leaned on and whispered on my ears. "You're so gorgeous wife..." Pagkabulong niya no'n, parang biglang nagtaasan ang balhibo ko sa batok. Darn... Ang ganda ng boses... Hindi ako nakapagsalita dahil sobrang gwapo niya ngayon. Kumakabog na naman ang puso ko. I admit it... Mahal ko na nga talaga siya... Nang matapos ang sayaw, bumalik kami sa table namin. Hanggang sa makabalik ako sa upuan ko, hindi pa rin mawala sa isip ko si Demetrious. Nang mapunta na ako sa kanya, hindi na niya ako pinamigay sa iba. Nanatiling siya ang kasayaw ko hanggang sa matapos ang sayaw. Hindi namam 'yon ang nasa practice... "Girls, pupunta nalang muna ako sa restroom ah?" paalam ko kina Angela at Suzaine. Gusto pa sana nila akong samahan pero humindi ako. Habang naglalakad ako patungo sa restroom, parang may naaninag akong dalawang tao sa medyo madilim na bahagi ng venue. Nang tingnan ko ito, it was Hera and... Demetrious! "Deme, I really like you! Hindi mo ba talaga napapansin 'yon? Gustong-gusto kita. Lagi kong pinapakiusapan ang Lolo Dad na samahan mo ako dahil naisip ko na baka kapag magkasama tayo, magugustuhan mo rin ako. I want you Demetrious. I want you to be mine..." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig kong confession ni Hera kay Demetrious. Nang tingnan ko si Demetrious nakatayo lang siya at wala man lang siyang reaksiyon. Mabilis pa sa alas kwatrong tumalikod ako nang makita kong hahalikan ni Hera si Demetrious. Akmang lalakad na ako nang mapatid ko ang maliit na bakal sa pinagtataguan ko na gumawa ng ingay. Nang tingnan ko ang banda nilang dalawa ni Hera at Demetrious ay nakatingin na sila sa akin. "S-sorry," ani ko at sinikap na tumakbo sa kabila ng mataas kong heels. Habang tumatakbo, may kumakawalang luha sa mata ko. Ang sakit, sakit sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Eh dapat nga wala lang sa akin 'yon kung maghilakan man silang dalawa do'n. Ito ba ang sinasabi nila na saka mo lang mare-realize na mahal mo ang isang tao kapag pakiramdam mo mawawala na sila sayo? "Ash!" Nang nilingon ko kung sino iyon, nakita ko si Demetrious na tumatakbo papalapit sa akin. Kahit hirap na hirap na tumakbo, pinilit ko pa ring bilisan ang takbo ko. Hanggang sa natapilok ako at matumba sa sahig. "Ash, are you okay?" nag-aalangang tanong sa akin ni Demetrious habang dinadaluhan ako. Sinubukan niya akong itayo ngunit iwinakli ko ang mga kamay niya. "Don't touch me!" bulyaw ko sa kanya. "It's not what you think Ash!" he defended. "Bakit? Kung hindi pa ako naro'n, maghahalikan kayo, diba?" "No! I will not!" he strongly declined. Wala akong nasagot. At wala akong nagawa kundi umiyak. "Please baby, don't cry," pagpapatahan niya sa akin. He reached for my face and wiped it with his hands. "Hindi ko alam Demetrious... Hindi ko na alam ang gagawin ko... Nasasaktan akong makita kang may kasamang iba... Nasasaktan ako sa isiping mawawala ka sa akin... Wala na akong maisip pang dahil kung bakit ako nagkakaganito... Mahal kita Demetrious... At ayaw kong maagaw ka ng iba..." Tuloy ang pag-agos ng luha ko habang sinasambit ko ang mga katagang iyon. Kita ko ang namumuong luha sa mata ni Demetrious habang may ngiti sa labi. Sobrang saya ng mukha niya habang nakatingin sa akin. "After a long time, finally... Kay tagal kong hinintay 'to Ash... Ang tagal kong hinintay na baka balang araw mahalin mo rin ako. Five years Ash... Five years ko itong hinintay... Since we were young, gusto na kita. Pumayag akong magpakasal sayo dahil mahal kita Ash..." madamdamin niyang Sabi habang nakahawak pa rin sa mukha ko. Maya-maya natawa siya. "Ghad! Ang saya ko Ash... You don't know how happy I am hearing that you also love me... " Malinaw na sa akin na mahal niya ako pero five years?! He loved me when we were still young?! What a big revelation! Hindi ko ini-expect 'yon. Hindi ako nakapag-react. Itinayo niya ako. Nilagay niya ang iilang hibla ng buhok na nagkalat sa mukha ko at iniligay niya ito sa likod ng tenga ko. Pagkatapos no'n, hinawakan niya ang magkabilang ko tapos dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. At sa isang iglap, dama ko na ang labi niya sa akin. Unconsciously, I closed my eyes and savoured the kiss we shared. Nag-uumapaw sa saya ang puso ko. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo ngayon. Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka rin ng mahal mo... Inilayo na namin ang aming labi sa isa't isa. Tiningnan ako ni Demetrious sa mata nang puno ng pagmamahal. Then, we smiled to each other. "I love you Ash... Let's make it official..." •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD