8

2658 Words
Ashthrielle's POV Nagising ako nang maramdaman kong may malambot na bagay na dumampi sa pisngi. Nang imulat ko ang mata ko, napangiti ako nang makita kong si Demetrious ito. "Good Morning beautiful sunshine", malambing na saad niya habang nakangiti nang malawak. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na aabot kami sa ganito— na mangyayari ito sa amin. Noon lang, para kaming mga aso at pusa na laging nagbabangayan , pero ngayon, nahiya ang asukal at mga candies sa sobrang sweet namin. "Good morning din Handsome," sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Wala akong pakialam kung dumikit ang panis kong laway sa pisngi niya. Eh sa pinili niya akong mahalin eh. Dapat lang na tanggapin niya ang kapangitan at kagandahan ko. "Get up. May pasok pa tayo. I already prepared our breakfast downstairs." sabi ni Demetrious. Bumangon na ako at hawak-kamay kaming pumunta sa baba kung nasaan ang aming dining area. (Grim: Sa una lang 'yan masaya. Sa huli, may iiyak din sa inyo. *Evil Laugh*) Na-amaze ako sa set-up ng table. Talagang pati ang hotdog ay naging hugis puso tapos ang kanin ay nakapormang "LOVE" Hay nako, iba pala maging in love ang isang Demetrious Blake Dela Vega. Ipinaghila niya ako ng upuan at pinagsilbihan. Kompleto pa lahat ng drinks. May juice, water, at milk. Ay? Husband material yarn? "Say ahh, baby." sabi niya pa sa akin habang hawak ang kutsarang may kanin na isusubo niya sa akin. Nakaisip ako ng kalokohan para asarin siya. "Ugh?" paungol na sabi ko at ibinuka ang bibig. Nasira ang mukha niya dahil sa paungol kong sinabi iyon. " Ashthrielle!" saway niya na para bang papa ko siya at binabalaan ako. "Tandaan mo, minor ka pa." "Ano naman ngayon kung minor pa ako? Besides, I'll be eighteen next month." pasaway pa na sagot ko sa kanya. Napansin niya naman na inaasar ko lang siya. He leaned towards me and reached for my chin and gave me a smack kiss on my lips. "You're still too young to get pregnant. Makakasuhan ako ng child abuse..." sabi niya nang may pilyung ngiti sa labi. Wala na... Hindi na ako nakasagot at para nang natutuliro. Grabe naman 'to makaganti si Demetrious, literal na maninigas ka talaga! Eh kung ganito siya makaganti ng asar, edi araw-araw ko nalang siyang aasarin. Ehe! ? ?CHAR? Magkasabay kaming pumasok ni Demetrious sa Bridgeton High. Habang nasa byahe, hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nagbuntong-hininga. "Are you ready?" tanong ni Demetrious sa akin nang makababa na kami sa sasakyan. I sighed deeply. "I'm nervous..." Demetrious gave me an assuring smile and caressed my both cheeks. "Don't be. Wala kang dapat ipangamba. We don't need to please them. Mahal kita Ash at sapat na 'yon." Kahit papaano, naibsan ang kaba ko na nararamdaman dahil sa sinabi ni Demetrious. Hanggang ngayon hindi pa rin sanay na ganito siya sa akin— 'yong sobrang sweet. He held my hand and we entered the school. Gaya ng inaasahan ko, pinagtitinginan kami ng mga studyante dito. Tiningnan ang kamay naming magkahawak at magbubulong-bulungan. I was ready to let go because I can't afford the awkwardness and the sharpness that they gave me but Demetrious tightened his grip onto my hand that prohibit me to let go. "OMG! OMG! Hindi ko na kaya 'to! Parang mauutot na ako! Ashous for the win! Tinapos na ni Ash ang pila kay Demetrious!!! Worth it ang pagtaya ko sa utot ko! Nakakaiyak!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Antonette Laurente sa harap namin. Literal na nakaluhod siya sa harapan namin ni Demetrious at may hawak pang tarpaulin na may larawan naming dalawa ni Demetrious at may nakasulat pang "Ashous" 4ever. Baliw na nga talaga 'tong babaeng ito... Adik sa utot nga. Nasobrahan yata kaya nabaliw. Hanggang sa maihatid ako ni Demetrious sa classroom ko, hawak niya pa rin ang kamay ko. "Dito na ako," I announced. He let go of my hand and bumeso pa siya sa akin bago siya umalis. Nang makapasok ako sa classroom namin sinalubong ako ng nina Angela at Suzaine as usual. "Ayyyy haba ng hair! Sa wakas! Nagkaaminan din!" alulong ni Suzaine. "Mag-ingat ka naman Suzaine! Baka matapakan itong buhok ni Ashthrielle, sobrang haba kasi eh." gatong pa ni Angela. "Mga Gaga! Tigilan niyo nga ako, palibhasa kasi b*lbol lang ang mahaba sa inyo.." ganti ko pa sa kanilang dalawa. Nanlaki ang mata ng dalawa at nagkatinginan. Sabay nila akong tiningnan at pabirong sinabunutan. "Porket nasungkit mo na si Mr. SSG President, ganyan ka na!" sigaw ni Angela. "Nilapastangan mo ang puri ko Ashthrielle! Mahaba nga ang b*lbol ko Ash pero maikli ang pasensya ko sayo!" napipikon na sabi sa akin ni Suzaine. Habang sinasabunutan nila ako, tumatawa lang ako. Natigil kami sa pagkukulitan nang, makita naming sobrang dami ng estudyante na nakiusyuso sa labas. Kung hindi ito nagkakamali, ang iba sa kanila ay galing pa sa kabilang building. "Aba... Ang mga chismosang 'to..." mahinang sabi ni Suzaine. Galit na tumayo si Suzaine at pumunta sa labas kung nasaan ang mga nakiusyusong mga estudyante. "Wazzup mga chismosang kapitbahay! Ano? Masaya bang maging chismosa? Magjowa na kasi kayo para hindi kayo maiinggit sa love life ng iba! Lumayas nga kayo rito!" pagpapalusot ni Suzaine sa mga ito. Nag-alisan naman ang iba pero may pahabol pa na salita ang isang junior na babae na kumwestiyon sa abilidad ko. "FYI Miss, Pres is an outstanding student here in Bridgeton High at napunta lang siya sa isang bobo at pasaway na katulad ni Ashthrielle Sandoval. Dzuh! Hindi sila bagay!" Simula noong araw na 'yon, sobrang dami nga'ng hindi umayon sa relasyon namin ni Demetrious. Even from social media. Kesyo daw, hindi kami bagay. At palagi nilang pinagduduldulan na mas karapat-dapat si Hera Louise kay Demetrious dahil they both excel in studies. Syempre, hindi ko maitatangging hindi ako nasasaktan. Two lang din naman ako. I may be strong but I have weaknesses too. Kaya sa eagerness ko na patunayan sa kanila na karapat-dapat ako kay Demetrious, sinubukan kong mag-aral ng maayos. I take my studies seriously. Kapag may vacant time, pumupunta ako sa library, kapag gabi naman, nag-aaral ako. Minsan nga naabutan ako ng alas tres nang madaling araw sa kakaaral. Alam kong hindi ko kailangang gawin 'to pero pati image ni Demetrious ay nasisira na. Habang nag-aaral ako, nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at lulan nito si Demetrious. "Ash? Why are you still up? It's already two o'clock." nag-aalangang tanong ni Demetrious sa akin. "Ah- may tinatapos lang ako. Don't worry, patapod na rin naman ako eh." sagot ko naman sa kanya. I smiled softly but when I looked into his eyes, there was a sorrow and pain on it. "Dahil ba 'to sa mga sinasabi nila sayo?" Out of the blue, my eyes watered at hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Nang makita iyon ni Demetrious, dali-dali niya akong niyakap at pinatahan. "G-gusto ko lang n-naman ipakita sa kanila na k-karapat-dapat ako sayo... S-sinubukan k-kong mag-aral nang m-mabuti para wala na s-silang masabi tungkol sa a-akin. Nasisira na a-ang image mo dahil sa p-pagpili mo sa akin Deme... I'm s-sorry... " humihikbi saad ko. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yon Ash. Hindi sila ang magdedesisyon kung sino ang mamahalin ko. I love you and they don't have the rights to question that. Don't force yourself. Just be who you are. You don't have to stay up all night just to study, Ash. Don't forsake your health. Kahit pa anong sabihin nila sa akin o kahit pa masira ang image ko, I don't care. Because I know, you're the right girl for me... Mahal na mahal kita." Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para bigyan ako ng lalaking kagaya ni Demetrious. Ang swerte ko... Nandito ako ngayon sa CR, nag-aayos. Wala sina Angela at Suzaine dahil may gagawin pa sila para sa kanilang research. Lalabas na sana ako ng CR pero pagbukas ko ng pintuan, nandoon si Camille at si Hera. Nagulat ako nang bigla nalang akong itulak ni Hera pabalik sa loob. Napadaing ako nang tumama ang likod sa gilid ng lababo. "That serves you right, dakilang malandi!" sabi niya sa akin. Humarap siya sa camerang hawak ni Camille. "Hi guys, for today's video, tuturuan ko kayo kung paano lampasuhin ni Hera Louise Buenaventura ang slut girlfriend ni Demetrious na alam naman nating nilandi lang niya si Dementrious para mapasakanya." Aba! Ginawa pa akong content ah? Kahit hirap na hirap, sinubukan kong tumayo. "Umalis ka dyan, ayaw ko nang gulo." seryosong sabi ko. Ayaw ko nang makipagpatalo sa kanya. At saka ayaw ko na ring may masabi pa ang iba sa akin. I don't want to worsen the situations as much as possible. My relationship with Demetrious went well despite of the left and right backstabbing of the people. Palagi niya nalang sinasabi sa akin na huwag ko nalang papansinin ang mga naninira sa akin. Natawa naman siya at hinawakan ang buhok ko. Pinipigilan ko lang talagang huwag siyang lampasuhin. Sa oras na maubos ang pasensya ko, sorry nalang ang maibibigay ko sa kanya. "Ayaw mo lang ba ng gulo o naduduwag ka lang. Look how pathetic you are. At talagang si Demetrious pa talaga ang kinakalantari mo ha?" "Bitawan mo 'ko Hera. Binabalaan kita... "Bakit? Lumalakas na ang loob mo dahil boyfriend mo na si Demetrious?" Suminghal siya. "Do you think na bagay kayo? Well, nagkakamali ka! Ako ang nababagay sa kanya!" "Pa'no naman kayo magiging, eh hayop kang animal ka." Umuusok ang ilong niya. Dahil sa galit tinapon niya ako sa sahig. Putek... Nakakailan na siya ah! Akmang lalapit siya sa akin at hihilahin na naman sana ang buhok ko. Hindi pa man niya nahahawakan ang buhok ko, nauna nang tumama ang kamao ko sa leeg niya. Napaubo siya at napahawak sa lalamunan niya. "Sinabi ko naman sayo na ayaw ko nang gulo, edi ano ka ngayon?" Napanganga at natigilan si Camille sa ginawa ko sa kaibigan niya pero hawak niya pa rin ang camera. Itinapat ko ang sarili sa camera. " Hi fvcking guyses! For today's video, tinuruan ko na kayo kung paano patahimikin ang bungangerang palaka. Jumbagin niyo lang sa leeg. Thank you! Please like, comment and subscribe!" Iniwan ko na sila sa doon at bumalik na sa classroom. Habang nagkaklase si Mr. Villaceran, bigla nalang dumating si Azron. "Sorry to interrupt you Sir but may I excuse Miss Sandoval? The Dean is requesting for her." pormal na sabi ni Azron. Takteng buhay to ah? Hindi na SSG President ang nagpapatawag sa akin. Dean na! "Bakit ba ako pinapatawag ng Dean, Az?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa Dean's office. "I just want to ask if may hindi ba kayo pagkakaunawaan ni Miss Hera Buenaventura?" Now I know kung bakit ako pinapatawag ng Dean. "Aba! May gana pang magsumbong 'yong babaeng 'yon sa Lolo niya! Pag-uumpugin ko ang ulo nilang dalawa eh!" sabi ko. "So I assumed that something happened between you two?" tanong naman ni Azron. "Sinuntok ko lang naman siya sa lalamunan niya. Well, hindi niya ako masisisi. Inunahan niya ako." "Pwedeng mag-file ng expulsion ang Dean sa inyo Miss Sandoval. Especially, alam niyo namang apo siya ng Dean and of course, papanig ang Dean kay Miss Hera." "Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. Kunin mo ang camera kay Camille. May video do'n kung sino ang nauna. Pero huwag mo munang sabihin na may video do'n ah? Pag nagkagipitan na, 'yon ang ipakikita ko sa panot na dean na yun. Maasahan ba Kita Azron?" Ngumiti siya. "Of course Miss Sandoval. Alam niyo namang sa inyo ang boto ko." "Pumasok na po kayo Miss Sandoval. Kukunin ko lang po ang camera na sinasabi niyo kay Miss Camille." sabi ni Azron nang makarating na kami sa tapat ng Dean's office. "Sige. Salamat Azron ah?" sabi ko. Akmang papasok na ako nang biglang akong tinawag ni Azron. "Ano po palang apiliedo ni Miss Camille?" Teka, ano nga bang apiliedo no'n? Hindi ko naman alam eh. "Ah... Camille... Alam ko na. Camille Kepay. 'Yon. Camille Kepay." Pinipigilan kong matawa dahil sa naisip ko. "Ah sige po Miss Sandoval. Salamat." Ang inosente naman nitong si Azron. Kung sa bagay, matalino siya at pormal na tao. Siguro v****a lang ang alam niya. Without further a do, pumasok na ako ng Dean's office. Nagulat pa nga ako nang makitang nandoon si Demetrious. Pero hindi na ako nagulat nang nandoon si Hera. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang pasa niya sa gilid ng labi at pati na rin sa kamay niya. "Hi, good afternoon Dean. Pinapatawag niyo raw ako?" I started. Nang makita ako, nag-usok agad ang ilong ni Hera. "That B*tch! Sinaktan niya ako Lolo Dad!" "Wow! Sure ka? Sinaktan talaga kita?" kalmado kong saad. "The bruises the she got Miss Sandoval are enough to tell that you hurt her violently!" bulyaw sa akin ng Dean. Tanginang panot na 'to! Sinuntok ko lang ang apo niya sa leeg hindi sa mukha. Pasalamat nga siya na hindi ko sinuntok si Hera sa mukha kundi, pati mukha niyan sabog. "Hindi ako ang may gawa ng mga pasa niya sa mukha at kamay Dean!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napagtaasan ko na siya ng boses. I know dapat siyang irespeto pero sa inaasta niya ngayon, hindi siya karapat-dapat na irespeto. "Shut up you w***e!" Nagulat ako sa isinigaw sa akin ng Dean. I can't believe it... Tumayo siya at pumunta sa direksyon ko. Akmang sasampalin niya ako nang may biglang sumangga sa kamay niya. Nang tingnan ko ito, it was Demetrious... "Don't you dare lay your filthy hand on my wife, dirty old man... Or else I'll punch you real hard." Demetrious said coldly yet fierce. Nagulat ako sa inasta ni Demetrious kay Dean. Hindi ko inakala gagawin niya 'yon para protektahan ako. "Huwag mong sabihin na kinakampihan mo ang babaeng ito Dela Vega?!" galit na sabi ng Dean at inagaw ang kamay kay Demetrious. "Wala akong kinakampihan Dean, sana gano'n ka rin." sagot naman ni Demetrious. "Hindi mo ba nakita ang mga pasa ng apo ko? Goodness Dela Vega! I'm so disappointed in you!" "No, Dean. I'm disappointed in you." si Demetrious. "Tingnan mo na ang ginawa mo Ashthrielle?! Hindi mo lang ako sinaktan, sumira ka pa ng relasyon!" singit pa ni Hera. "At ako pa ngayon ang may kasalanan? Hoy Hera! Sinuntok lang kita sa leeg! Ano 'yon? Sinuntok kita sa leeg pero sa labi namaga? Galing mo naman!" Binalingan ko ang Dean. "Para magkaalaman Dean, bakit hindi mo sabihin sa apo mo na punasan ang mukha niya. Klarong-klaro naman na make up lang 'yang pasa niya." Nakita ko kasi na medyo na-smudge ang 'pasa' niya. Meron pang pasa na kumakalat? At saka hindi ako tanga para hindi malamang make up lang yon. Nanlaki ang mata nilang dalawa. "Is it true Hera?" tanong ng Dean. Bumakas ang pagkabahala sa mukha ni Hera. "N-no!" "If you're not guilty, then let's see Hera. Go on, wipe it off." sabi pa ni Demetrious. Hindi nakakibo si Hera kaya ang Dean na ang gumawa no'n sa kanya. Lumapit ang Dean saka pinunasan ang gilid ng labi ni Hera na sinasabi niyang pasa. Nanlaki ang mata ng Dean nang makitang kumalat nga ito. Sakto namang pumasok si Azron dala ang camera pagkatapos ay inilahad niya ito sa Dean. "I already saw the video of Miss Sandoval and Miss Buenaventura's fight in the female's comfort room. Nakita ko dyan na what Miss Sandoval did was just a self defense." paliwanag ni Azron. Napagpasyahan naming umalis na doon sa Dean's office. "You're so cool, wife..." Demetrious whispered. Syempre, ako pa ba? ••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD