ASHTHRIELLE'S POV.
"Kung nandoon lang ako baka bungi na ang ngipin ng Hera na 'yon. Pasalamat talaga siya at may ginawa kami ni Angela. Kundi— Nako!" nanggagalaiting sabi ni Suzaine.
Nandito kami sa bahay namin ni Demetrious. Napagpasyahan naming magkaroon ng salo-salo because for the first time in century, we finally decided to celebrate for our 7th month of being married. I know it's too late but still, pwede pa rin namang makahabol. Tanging mga closest friends lang namin ang narito: Angela, Suzaine, Azron, and sinama na rin namin si Antonette. Sa tingin ko naman maaasahan ang babaeng ito kahit may pagkaabnormal.
"Sinabi mo pa! Kakalbohin ko talaga ang Dean na iyon kahit kalbo na siya... Nako, nako, sarap tirisin ng maglolo'ng 'yon!" gatong pa ni Angela.
"Tama na nga iyan. Ang importante tapos na iyon at napatalsik na si Dean at naipakita na rin na inosente ako." saway ko sa kanila.
Simula noong nangyari sa amin, napatalsik na si Dean. Hindi lang iyon dahil sa ginawa niya sa akin, kundi dahil noon pa man, marami nang mga kabulastugan ang ginawa nito. Habang si Hera naman ay na-expelled. Maraming mga estudyante ang nagalit kay Hera dahil sa totoong ugali nito. Habang ako naman, pinapaboran na ako ng panahon. The hates between me and Demetrious was slowly fading.
"Buti naman talaga at nakuha mo Azron ang video kay Camille." si Angela kay Azron.
Tumigil sa pagkain si Azron at pinunasan muna ang bibig gamit ang table napkin bago nagtaas ng tingin kay Angela para sagutin.
Kahit kailan talaga, napakapormal ng lalaking 'to...
"Yeah. Luckily, binigay niya agad ni Miss Kepay sa akin ang camera. Kung hindi ko pa siya tinakot na ma-i-expelled siya, niya niya ito ibibigay sa akin."
Kahit na pilit kong pinipigilan ang tawa ko, hindi ko na ito matiis pa at talagang lumabas na ito. Pero hindi lang pala ako ang nagpipigil ng tawa, kundi pati rin sina Angela, Suzaine, at Antonette.
Sobrang lakas ng mga tawa naming apat. Nakahawak na ako sa tiyan ko dahil nananakit na ito sa kakatawa ko. Habang sina Angela at Suzaine ay umuubo na sa kakatawa. Tinatakpan pa nila ang kanilang nga bibig para iwasang maibuga ang kanin.
At ang pinakagrabe ay si Antonette. Literal na tumatawa ito nang nakabukas ang bibig at saka may kanin pa talaga sa bibig niya! Kaya kapag tatawa siya nang malakas, lumalabas ang mga kanin.
Ang dugyot talaga ng babaeng 'to!
Hababg tumatawa kaming apat, ang dalawang lalaki naman ay nakaupo lang nang matuwid habang nakakunot ang mga noo na tumitingin sa amin.
"Kepay- HAHAHAHAHA" sambit ni Antonette habang tumatawa pa rin at parang nag-a-ala fountain ang mga kanin sa bibig niya.
"Sure ka talaga Azron? Saan mo naman nalamang Kepay ang apiliedo ni Camille?" natatawa pa ring tanong ni Angela.
"Miss Sandoval told me... " sagot naman ni Azron. Nabaling naman ang tingin nila sa akin at pabiro akong hinampas sa braso. "Gaga ka talaga kahit kailan Ash!" Sabay tawa.
"Hanggang ngayon natatawa pa rin ako!" ani pa ni Antonette. "Hindi ko makalimutan ang mukha ni Camille no'n nang biglang dumating si Azron at sabihing, "Good afternoon everyone, I just want to ask if nandito ba si Miss Camille Kepay.""
Nagtawanan na naman kaming apat dahil sa sinabi ni Antonette.
"Salazar pa naman apiliedo no'n pero naging Kepay!" Tumawa na naman si Antonette. "Teka, teka, mauutot ako!" sabay tawa habang hinihingal na.
"Ano ba talagang ibig sabihin ng Kepay at tawang-tawa kayo dyan?" Demetrious curiously asked.
"Nako naman 'tong mga lalaking 'to! Napakainosente!" si Suzaine.
"Hindi niyo talaga alam 'to? Eh paborito niyo pa naman ang Kepay." hindi makapaniwalang sabi ni Angela. "Kung sa bagay, matatalink kayo. Tiyak, v****a lang ang alam niyo hindi Kepay."
"Pekpek siguro ang alam nila!" sabat ni Antonette at tumawa na naman nang pagkalakas-lakas.
"What do you mean?" nalilitong tanong ni Azron.
Para hindi pa malito silang dalawa, ako na ang sumagot.
"Yeah. Ang totoo niyan, hindi ko talaga alam ang apiliedo ni Camille. At Kepay ang unang pumasok sa isip ko. Kepay means vagina."
Nabilaukan sa sariling laway ang dalawang inosenteng lalaki sa sinabi ko.
"What the-" si Demetrious.
"Goodness Gracious... I'm not virgin anymore..." bulong ni Azron sa sarili pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ko.
Ghad this men...
Weekend kaya napagpasyahan kong bumisita sa mga magulang ko— sa bahay namin. But I guess, wala pa rin namang pinagbago after ng ginawa ko sa kanila.
"Ano Ashthrielle? Pinagsisilbihan mo ba nang maayos si Demetrious? Baka naging burara ka na naman at may masamang masabi ang pamilya nila tungkol sa atin." sabi ni Mommy sa akin habang kumakain kami.
"As usual, ano pa ba ang aasahan natin dyan kay Ashthrielle, Mom? Wala namang ginawang tama 'yang batang 'yan." dagdag pa ni Ate Yuna.
"Malaki nag utang na loob natin sa kanila Ashthrielle kaya nararapat lang na pagsilbihan mo nang maayos si Demetrious. Ibigay mo lahat kung anong gusto niya kahit ang kaluluwa mo pa. If it's not for them, baka lubog na ang kompanya natin ngayon."
Habang pinapakinggan ko ang mga salitang 'yon, parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko inakala na sarili mo pang pamilya ang nagsasabi sa'yo ng mga salitang iyon.
Wala akong nagawa kundi kumain nang tahimik at magkunwaring hindi ako nasasaktan sa mga pinagsasabi nila.
Umuwi ako rito dahil kahit papaano, nami-miss ko sila. Gaya ng inaasahan ko, sakit lang sa puso ang nakukuha ko sa kanila. Kahit ni isang kamusta ay wala akong natanggap galing sa kanila.
Umaasa ako na sa pagbalik ko dito, marinig ko ang katagang, "Anak, ayos ka lang ba?", "Kamusta ka na Ash?", "We missed you Ash... ". But no, I received criticisms all over again.
I sacrificed my freedom for them, but up until now, they don't appreciate my worth. Ni hindi ko pa rin maramdaman na anak at kapatid nila ako.
Umiiyak ako nang makauwi sa bahay namin ni Demetrious. Pagkabukas ko palang sa pintuan, si Demetrious ang una kong nasilayan na nakaupo sa sofa. Nang makita ako, agad itong napatayo ngunit nag-aalala ang mata nito nang makita akong umiiyak. Tumakbo ako patungo sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit at gano'n rin siya.
"It's okay... I'm here..." pagpapatahan niya sa akin habang hinahapyod ang buhok ko.
Mas lalo lang akong naiyak. I realized that only Demetrious cared for me. I found family on him. He knows my value and my worth.
Ang pagmamahal na hinahanap ko sa aking pamilya ay natagpuan ko lang kay Demetrious.
Hindi niya ako tinanong kung anong nangyari dahil alam kong alam niya na ang rason kung bakit ako umiiyak. Noon pa man, noong panahong bata pa kami, kahit naiinis ako sa kanya, siya ang tinatakbuhan ko kapag umiiyak ako. Alam niya kung anong klaseng tao ang pamilya ko.
"I'm so lucky that I have you..." I whispered under my breath.
"Alam ko kung bakit ka nasasaktan... Kaya nga kita pinakasalan..."
Bumitaw ako sa yakap ko sa kanya. At kahit na puno ng luha ang mata ko, tiningnan ko pa rin siya dahil sa curiosity.
"What do you mean?" I asked.
"Pinakasalan kita dahil habang nasa puder ka ng pamilya mo, lagi ka nalang nasasaktan, umiiyak... Kaya kahit na lagi mo akong sinusungitan noong una, hindi ko nalang pinansin 'yon. Kaysa naman araw-araw ka nalang umiiyak sa bahay niyo."
Nanubig ang mata ko sa nalaman. Dahil sa saya, nayakap ko ulit siya.
I'm so blessed to have him. Really blessed...
While I was scrolling on my f*******:, a message popped up.
"Hi Ash. This is Hera. I just want to say sorry for the things that I did to you before. Pinagsisihan ko talaga 'yon. Nabulag lang talaga ako sa pagmamahal ko kay Demetrious noon. And I'm hoping that you'll forgive me. Gusto kong makipagkita sayo para pormal na makahingi ng tawad. I'll text you the address and the time."
Itinext nga ni Hera ang address at oras. Gusto ko nang tapusin ang lahat ng alitan namin kaya pumayag akong makipagkita sa kanya.
Tinanong pa ako ni Demetrious kung saan ako pupunta pero sinabi ko nalang sa kanya na may girl's night out kami nina Suzaine at Angela. Hindi ko sinabi sa kanya na makikipagkita ako kay Hera dahil alam kong hindi siya papayag dahil sa ginawa sa akin ni Hera noon.
Nasa harap na ako ngayon sa isang bar kung saan napagpasyahan ni Hera na makipagkita sa akin. Para matapos na ito, pumasok na ako.
Nang makapasok na ako, bumungad sa akin ang maingay na music, usok at halo-halong amoy ng alak at sigarilyo.
"Ash! You came!" masiglang salubong sa akin ni Hera habang nasa likod niya si Camille. Surprisingly, Camille smiled at me.
Inalalayan nila ako hanggang sa makaupo kami sa bar counter. "Ahm Ash, you know may hindi tayo pagkakaunawaan noon at sobrang sama ng ginawa ko sayo... But I just want to say sorry sa mga nagaw ko. I hope we can be friends after this." Hera apologized.
"Ako rin Ash, I'm sorry for what I've done." Camille also said.
"I understand. I just want to say sorry din sa nagawa ko sa inyo..."
"So ibig sabihin ba nyan, pinapatawad mo na kami?" tanong ni Hera.
Ngumiti ako at tumango. Napapalakpak naman silang dalawa sa tuwa.
"Great! Can we have a toast?"
"Sure!" sagot ko.
They gave me a drink and sabay namin itong ininom.
"You wish b*tch."
Pagkasabi ni Hera niyon ay bigla nalang nanlabo ang paningin ko. And in just one snap, nandilim na ang paningin ko.
Pero bago pa man maipikit ang mata ko, may lakaki nang lumapit sa akin.
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Nang tingnan ko ang palagid, wala namang tao. Sa tingin ko ay nasa hotel ako.
Nang tingnan ko ang oras, alas nuebe na nang umaga!
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at inayos ang sarili ko at umalis na ako doon sa hotel na 'yon.
Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Inisip ko nang maigi ang nangyari.
Ang naalala ko lang ay pinainom ako ni Hera at nawalan na ako ng malay.
Nang tingnan ko ang phone ko, para na itong sasabog sa notifications. Nang tingnan ko ang aking i********: account, nabitawan ko ang phone ko sa nakita ko ang larawan na naka-tag sa akin.
It was me and Enzo on bed together!
Nakayakap ako sa kanya habang nakapikit ang mata ko.
Ang nakaagaw ng pansin ko ay ang comment ni Hera doon.
"That is Ashthrielle Sandoval with Enzo Montemayor. Ashthrielle Sandoval is secretly married to the SSG President of Bridgeton High na si Demetrious Dela Vega. But look at her? May kasiping na iba. What a slut, right? Ginamit lang talaga ng malanding babaeng 'yan si Demetrious para masalba ang kanilang business. Hindi lang siya malandi, user pa! Kawawa naman si Demetrious..."
Sobrang dami ng reaction doon at andami na nilang masamang sinasabi sa akin.
Hindi ko na iniisa- isa pa ang mga negative comments. Ang inintindi ko nalang ay si Demetrious.
Dali-dali akong pumara ng taxi. Nang makarating na ako sa bahay namin, wala na doon si Demetrious. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya!
Kaya sumakay ulit ako ng taxi papunta sa school.
Pagpasok ko palang sa school, natigilan ako nang pinagbabato nila ako ng papel at iba iba pa. May bumato pa sa akin ng ice cream. Pero wala akong pakialam sa kanila kahit ano pa ang ibato nila sa akin.
Ang importante ay makapag-explain ako kay Demetrious. I don't care about what they think about me. As long as naniniwala sa akin si Demetrious, ayos na ako do'n.
"Malandi!" sigaw nila sa akin pero wala na sa akin iyon.
Dali-dali akong naglakad papunta sa SSG office para makita si Demetrious para makapagpaliwanag.
Nang buksan ko ang pintuan, nakita ko agad si Demetrious habang nakaupo sa kanyang swivel chair at nakatalikod sa akin.
"Deme, It's not what you think..." panimula ko. Para akong maiiyak habang sinasabi iyon.
Hindi ko na inalintana ang lagkit, basa, at sakit ng balat ko dahil sa pagbato ng kung ano nila sa akin.
Demetrious had no response and he was still turning his back at me.
"Wala akong pakialam kung ano ang sabihin nila sa akin Deme. Basta't maniwala ka lang sa akin, okay na sa akin 'yon. It's you who matter to me the most... I will explain..." Para na akong nagmamakaawa sa kanya. Hindi ko inakala na darating ako sa puntong nagmamakaawa ka na sa isang tao.
"Leave."
Isang salita na nagpaguho ng mundo ko.
"Deme, please... Let me explain..."
Hindi pa rin niya ako tinitingnan.
"Please! Harapin mo ako Demetrious!" Nagtaas na ako ng boses. I'm frustrated as fvck!
"No! Ayaw na kitang tignan pa... I'm done with you Ash. All those times, naging mabuti ako sayo. All those times, minahal at inalagaan kita... I gave you my trust Ash but... You broke me. Ayaw kong humarap sayo dahil baka hindi ko mapigilang ang sarili at baka mayakap kita... I loved you so much and it kills me that you cheated on me... I'm letting you go Ash... " his voice became shaky at hindi nakaligtas sa mata ko ang pagpunas niya sa mata niya.
He's crying...
"Deme..." Iyon nalang ang tangi kong nasambit.
It hurts me a lot that he was crying because of me. Pero ang mas lalong masakit ay 'yong inisip niya na niloko ko siya.
"I will file an annulment Ash. I am breaking up with you. You're free now. You are finally not married to me... "
•••••••••••••••••••••••••••••••••